Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Sugal, droga sa MNC talamak (Kampanya pinatindi)

PUSPUSAN ang kampanya ng Manila North Cemetery (MNC) sa pagpuksa ng ilegal na sugal at droga sa loob at paligid ng nasabing libingan. Kamakailan pinulong ni bagong MNC Administrator Daniel “Dandan” Tan ang kanyang mga tauhan at mga residente sa nasabing lugar kaugnay sa kanilang programa na sawatahin ang lahat ng uri ng ilegal partikular ang ilegal na sugat at …

Read More »

Tsikas sa Park minanyak

KALABOSO ang isang manyakis na kelot nang tangkaing gahasain ang tulog na tsiks habang katabi ang nobyo sa Navotas City kahapon ng madaling araw. Kasong Attempted Rape ang kinakaharap ng suspek na si Alvin Saavedra, 29, ng Block 3, Kadima St., Brgy. Tonsuya, Malabon City. Sa ulat ni SPO2 Belany Dizon, ng Women and Children Protection Desk (WCPD), dakong 4:30 …

Read More »

2 adik timbog sa pot session

DALAWANG suspected drug pushers ang inaresto ng pulisya matapos maaktohan na nagsasagawa ng pot session sa Brgy. Puerto, Cagayan de Oro City. Nakapiit na sa detention cell ng Cagayan de Oro PNP ang mga suspek na sina Alvin Sabanal, 18, at Randy Matin-ao, kapwa residente sa Brgy. Ugo ng nasabing lungsod. Ayon sa pulisya, naaktohan ang mga suspek na nagsasagawa …

Read More »

PNoy may ibubunyag sa isyu ng DAP (Matapos tanggihan ang resignasyon ni Abad)

MAY ihahayag si Pangulong Benigno Aquino III bukas hinggil sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) na idinelara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang probisyon. “ On Monday mukhang may ibang…We can probably expect a few more — may mga public engagement din po yata ang Pangulo at siguro iyong…We’ll hear more from the President perhaps in the coming …

Read More »

P20-B GPB ‘13 PNoy-Abad’s pork barrel (DAP hindi pa resolbado)

NAPIKON ang Palasyo nang bansagan ni Kabataan partylist Rep. Terry Ridon bilang isa na naman “PNoy-Abad pork barrel” ang P20-B Grassroots Participatory Budgeting (GPB) na ipinatupad ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad mula pa noong 2013. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na dapat basahin at intindihin muna ni Ridon ang GPB bago pintasan at …

Read More »

Teroristang Australiano timbog sa BI

HAWAK na ng  Bureau of Immigration (BI) ang Australian national na hinihinalang nagre-recruit ng mga Pinoy para maging kasapi ng teroristang grupo sa labas ng bansa. Inaresto si Robert Edward “Mosa” Sirantonio, matapos matuklasang expired ang kanyang passport. Dalawang linggo nang minamanmanan ang teroristang supporter ng Islamic State of Iraq and Syria sa Brgy. Pahak, Lapu-Lapu, Cebu. Matapos matunton ay …

Read More »

PNP nasasaid kay Napoles et al sa Pork proceedings

MASUSING tatalakayin ang hirit ng PNP na supplemental budget kaugnay sa pagbibigay seguridad sa high-profile inmates gaya ni Janet Lim-Napoles na ibinibiyahe pa mula sa Fort Santo Domingo sa Santa Rosa, Laguna. Magugunitang umaaray na ang PNP sa laki ng gastos tuwing dinadala nila sa korte si Napoles at kailangan nila ng karagdagang pondo. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail …

Read More »

P38.6-B malaking tulong vs baha sa 2015 — Palasyo

NANINIWALA ang Malacañang na malaking bagay ang idinagdag sa pondo ng Climate Change Adaptation and Mitigation Risk Resiliency Program sa 2015 proposed national budget para maibsan ang mga pagbaha sa bansa. Partikular sa dinagdagan ang flood-control and drainage projects ng DPWH na ginawang P38.6 billion mula sa dating P34.4 billion. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi sapat na …

Read More »

2 parak nagbarilan (Dahil sa gitgitan sa kalye)

SUGATAN ang dalawang pulis nang magkabarilan dahil umano sa gitgitan sa kalye sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang mga pulis na sina PO1 Liderato Cruz, 32, nakatalaga sa Southern Police District (SPD) at residente ng Hernandez St., Tondo, at PO3 Dennis Santiago, 43, nakatalaga sa District  Public Safety Batallion ng Manila Police District (MPD). Dakong  2:10 a.m. nang maganap …

Read More »

2 tulak utas mag-ama kritikal sa boga

MALALIMANG imbestigasyon ang isinasagawa ng Navotas City Police sa pamamaril at pagpatay sa dalawang lalaki habang lulan ng motorsiklo sa Navotas City. Nadamay ang mag-amang sakay din ng motorsiklo. Patay agad ang biktimang sina King Phillip Borja, 30, ng Governor A. Pascual St., Gulayan, Brgy. San Jose at Elisio Tana, 52, ng Buenaventura St., Brgy. Tangos, Malabon, sugatan at ginagamot …

Read More »

Titser utas, Ina, 2 anak kritikal (Hinataw ng kawatan)

PATAY ang isang guro at sugatan ang kanyang ina’t dalawang anak matapos hatawin ng tubo ng kapitbahay na nanloob sa kanila sa Bula, Camarines Sur. Kinilala ang namatay na si Noreen Albao, grade 3 teacher habang sugatan ang kanyang inang si Amparo Navo, 70 at dalawang anak. Agad nadakip ang suspek na si Luis Relatibe, kapitbahay ng mga biktima. Ayon …

Read More »

Resignation ni Abad inayawan ni PNoy

KOMPLETO ang Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III sa ginanap na budget presentation ni DBM Secretary Florencio “Butch” Abad kahapon. Naluha si Abad nang ihayag ni Pangulong Aquino na hindi niya tinanggap ang pagbibitiw ng budget secretary. (JACK BURGOS) IBINASURA ni Pangulong Benigno Aquino III ang resignation ni Budget Secretary Florencio Abad, na kasalukuyang nasa hot seat makaraan ideklara ng …

Read More »

Sorry ni PNoy sa SONA inaasahan

SINABI ng isang administration senator na dapat maghanda si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa paghingi ng paumanhin sa taong bayan kaugnay ng kontrobersiyal na P142 bilyon Disbursement Acceleration Program (DAP). Tahasang sinabi ni Sen. Serge Osmeña, dapat gayahin ni Aquino si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na humingi ng patawad sa kanyang pagkakamali kaugnay ng Hello Garci scandal, o dayaan …

Read More »

20 fratmen kinasuhan na sa hazing

KINASUHAN na sa Department of Justice (DoJ) ang 20 suspek sa madugong hazing sa apat neophytes ng Tau Gamma Phi, De La Salle College of St. Benilde Chapter, na ikinamatay ng 18-anyos na si Guillo Cesar Servando. Kabilang sa nahaharap sa paglabag sa Section 4 ng Anti-Hazing Law ay sina Cody Errol Morales, Daniel Paul Martin “Pope” Bautista, Kurt Michael …

Read More »

3 estudyante niratrat todas 2 sugatan

TATLONG estudyante kabilang ang isang babae ang patay at kritikal ang dalawang kasama nang barilin ng pinaniniwalaang away sa fraternity habang nanonood ng telebisyon kamakalawa sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ang mga namatay na sina Nathaniel Bacolod, 22, ng Blk. 20, Lot 24, Southville 8B, Brgy. San Isidro; Junmer Paraon, 22, ng nasabing lugar. at si Susan Mamaril, 21. Nilalapatan ng …

Read More »

Mag-dyowa todas sa ambush (Onsehan sa droga)

TODAS sa ambush ang live-in partners sa hinihnalang onsehan sa droga sa Rodriguez, Rizalkahapon ng madaling-araw. Sa ulat na ipinarating kay Supt. Samuel Delorino, chief of police ng Rodriguez PNP, kinilala ang mga napatay na sina Marieta Boragua, 43 at live-in partner na si Armando Caimo, 35, kapwa ng Lot-22, Southville-B, Rodriguez. Naglalakad pauwi ng bahay ang mga biktima, nang …

Read More »

5 bus nasunog sa Pasay, welder nalapnos

KRITKAL ang isang welder nang tangkaing iligtas ang kanilang gamit sa nasusunog na limang unit ng United Land Transport and Bus Company (ULTRA BUS) sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. Inoobserbahan sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Noel Reyes, 26, stay-in sa Ultra Bus, sa Don Carlos St., Barangay 190, ng nasabing siyudad sanhi ng 2nd degree burns …

Read More »

Pagdakip sa Australian extremist ibinida ni Coloma

IPINAGMALAKI ng Palasyo na bahagi ng kampanya kontra-terorismo ng administrasyong Aquino ang pagdakip ng pulisya sa isang hinihinalang Australian Muslim extremist sa Lapu-Lapu City, Cebu kahapon ng umaga. “Bahagi  ito ng patuloy na kampanya laban sa terorismo,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kaugnay sa pag-aresto kay Robert Edward Musa Cerantonio, 29-anyos Muslim convert, itinuturing na online cheerleader ng …

Read More »

2 kotong traffic enforcer, tiklo

NAHULI ang dalawang traffic enforcer matapos huthutan ang isang motorista sa Maynila kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Danilo Abundo, 51, nakatira sa 1065 Tayabas St., Tondo at Yves Laurence, 26, na nakatira sa Pilar St., pawang miyembro ng MTPB. Ayon kay SPO2 Jessie Manalang, isang hindi nagpakilalang biktima ang nagsumbong laban sa 2 suspek nang kotongan siya ng …

Read More »

OFWs total ban sa Afghanistan ipinatupad

Nagpatupad na ang gobyerno ng total deployment ban para sa overseas Filipino workers (OFWs) na patungo ng Afghanistan. Sa ilalim ng POEA Governing Board Resolution No. 15, hindi muna pinapayagan ang pagproseso at deployment ng lahat ng returning OFWs na patungo sa nasabing bansa. Ito ay kasunod na rin ng desisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas sa …

Read More »

Napoles nagpasok ng not guilty plea (Sa ikatlong plunder case)

NAGPASOK ng not guilty plea ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles sa pa-ngatlong kaso ng plunder na kanyang kinakaharap sa arraignment na isinagawa kahapon ng umaga. Si Napoles ay co-accused ni Sen. Juan Ponce Enrile sa P172-milyon plunder case. Mula sa kanyang kulu-ngan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna, dinala si Napoles sa Sandiganbayan third division para basahan ng …

Read More »

5 miyembro ng gunrunning, drug syndicate timbog sa checkpoint

LIMA katao ang dinakip ng pulisya matapos mahulihan ng baril at shabu habang sakay ng tricycle sa Malabon City kahapon ng mada-ling-araw. Kinilala ang mga suspek na sina Jame Patrick Ermac, 22; Rodel Cruz, 33; Anthony Sarmiento, 22; Gloreto Flor, 24, pawang residente ng Block 93, Lot 7, Phase 2, Area 2, North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City at …

Read More »

Kelot, nanapak ng pulis

SAPOL sa ulo ang isang pulis matapos suntukin ng isang lasing na lalaki sa Maynila kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Alex Cruz, nasa hustong edad at nakatira sa 613 Esguerra St., Tondo, Maynila. Batay sa imbestigasyon ni PO3 Rowel Candelario, aktong padaan ang pulis na si P02 Ranillo Flores sakay ng kanyang motorsiklo sa Francisco St., sa Tondo nang …

Read More »

Menor de edad, ginulpi ng mag-utol

ISANG 15-anyos binatilyo ang pinagtulungang sapakin at pinagtatadyakan ng magkapatid sa Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang biktima na si Rodjan Batara, nakatira sa 734 Fajardo St., Tondo. Hinahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na mag-utol na sina Ruben Barbin, 45, at Renel Barbin, 23. Maaari silang maharap sa kasong physical injuries at threat. (JOHN BRYAN ULANDAY)

Read More »