NAPAG-ALAMAN na may iba pang kasong kinasasangkutan ng ilan sa mga pulis na responsable sa EDSA-Mandaluyong hulidap. Sinabi ni Eastern Police District (EPD) Director Abelardo Villacorta, isa sa mga sangkot sa insidente ay dawit din sa isang insidente ng kidnapping. Ayon kay Villacorta, mayroon ding pulis na kasama sa kaso na sangkot sa illegal drug raid. Ang illegal na anti-drug …
Read More »Masonry Layout
Lifestylechecks vs QCPD cops
INIUTOS ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Richard Albano ang pagsailalim sa lifesytle check sa lahat ng mga pulis sa Quezon City. Ito’y kaugnay sa pagkakasangkot ng walong pulis La Loma sa EDSA hulidap at mahigit P2 milyon ang natangay mula sa dalawang negosyanteng mula sa Mindanao. Ayon kay Albano, ang pagsailalim sa lifestyle check sa kanyang …
Read More »Miriam nag-walkout sa Senado
DALAWANG buwan makaraan ihayag na siya ay may lung cancer, nagbalik sa trabaho si Senadora Miriam Defensor-Santiago kahapon ngunit nag-walk out. Ito’y makaraan kwestyonin ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas ang proceedings ng Commission on Appointments Foreign Affairs Committee dahil sa kakulangan ng quorum. Pinili ni Santiago na manguna sa kompirmasyon ng appointments ng 48 opisyal dahil sa laki ng …
Read More »Purisima pinasaringan ni Lacson
PINASARINGAN ni rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson sa Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Alan Purisima makaraan ang sunod-sunod na kaso ng krimeng kinasasangkutan ng ilang kapulisan. Bagama’t hindi direktang tinukoy, sinabi ni Lacson na malaki ang kinalaman ng “leadership by example” sa problema ngayon ng PNP. “Above all else is the time-honored leadership-by-example principle. It is second to none,” …
Read More »Gang leader, 4 tauhan timbog sa Bulacan
ARESTADO ang lider at apat tauhan ng notoryus na crime group sa operasyon ng mga awtoridad sa Sta. Maria, Bulacan kahapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Henry Laxamana, 44, lider ng grupo, at mga tauhan na sina Jose Quizon Jr. 25; Raymart Agustin; Michael Razon, 23; at Kevin Pamintuan. Ang grupo ay naaresto dakong 6 a.m. sa kanilang safehouse …
Read More »Apela sa Kongreso BBL ipasa agad — PNoy
SINAKSIHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsusumite ng Borador ng Bangsamoro Basic Law (BBL) nina Bangsamoro Transition Commission Chairman Mohagher Iqbal at Secretary Teresita Quintos-Deles kina Speaker of the House Feliciano Belmonte at Senate President Franklin Drilon sa turn-over ceremony sa Rizal Hall ng Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS) UMAPELA si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Kongreso na …
Read More »BBL titiyaking batay sa konsti – Sen. Koko
IGINIIT ng isang grupo ng mga Muslim sa kanilang kilos-protesta sa Mendiola Bridge ang agarang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law (BBL). (BONG SON) PANGUNGUNAHAN ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagbusisi sa isinumite ng pamahalaang Aquino na borador ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso kung hindi ito lalabag sa kasagraduhan ng Konstitusyon at sa umiiral na mga demokratikong …
Read More »Misuari iimbitahan ng Senado (Sa deliberasyon ng BBL)
AANYAYAHAN ng Senado si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari upang ibahagi ang kanyang mga kaisipan sa gaganaping pagdinig sa panukalang Bangsamoro Basic Law. Sa turnover ceremony sa Palasyo ng BBL draft sa Kongreso, sinabi ni Sen. Bongbong Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government, binabalak nilang pansamantalang ipasuspinde ang warrant of arrest laban kay Misuari upang …
Read More »Respeto sa JDF igigiit (Kongreso kapag namilit)
KUNG ipagpipilitan ng Kongreso na busisiin ang Judicial Development Fund (JDF) ng Hudikatura, dapat na sagutin ng mga hukuman na “Noli Me Tangere,” ang pamagat ng obra ni Dr. Jose Rizal. Ito ang panawagan ng Mamamayan Bayan Abante Movement na si dating Manila Rep. Benny Abante sa kanyang mga dating kasamahan sa Kongreso kasabay ng paghimok na tigilan na ang …
Read More »7 Zumba dancer hinoldap habang sumasayaw
HINDI makapaniwala ang pito katao na abala sa pagsasayaw ng Zumba nang pasukin ng isang armadong grupo saka sila hinoldap sa loob ng fitness gym sa Brgy. Tikay. Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Rosmin Lapuz, 34; Donna Joy Estrella, 23; Carlo Christopher Pascasio, 26; Ephaim Jerome Lubo, 21; Jonathan Delavega, 33, fitness …
Read More »2 tiklo sa P5-M shabu sa QC mall
ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug dealer makaraan makompiskahan ng P5 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang mall sa Cubao, Quezon City, kamakalawa. Sa ulat ng PDEA, kinilala ang mga suspek na sina Benigno Mendoza, 30, at Jaylord Torero, 23, kapwa residente sa Pasig City. Ayon kay Richard Tiñong, …
Read More »7 QC cops sa hulidap tinutugis
IPINATUTUGIS na ni Chief Supt. Richard Albano, Quezon City Police District (QCPD) director, ang pito sa siyam pulis na sangkot sa pagdukot at hulidap sa EDSA, Mandaluyong kamakailan. “Ito naman mga nagtatago na ito, hindi ko na sinasabing mag-surrender kayo. Hahanapin namin kayo!” babala ni Albano. Walo sa mga suspek sa insidenteng nakunan ng litrato at kumalat sa social media …
Read More »Bungo ng Bombay binutas ng holdaper
PATAY ang 27-anyos Indian national makaraan barilin sa ulo ng mga holdaper nang manlaban kahapon ng umaga sa San Mateo, Rizal. Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial director, kinilala ang biktimang si Davinder Kumar y Coor, may-asawa, tubong India at nakatira sa Blk-51, Lot-15, Villa Subd., ng nabanggit na bayan. Ayon sa imbestigasyon, dakong …
Read More »3 dalagita sex slave ng 3 manyak
ARESTADO ang isang lalaki habang tinutugis ang dalawa pa makaraan gawing sex slave sa loob ng isang linggo ang tatlong dalagita sa Valenzuela City, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ang nadakip na si Renel Jose Rodriguez alyas JR, 26, ng 149 Feliciano St., habang pinaghahanap ang dalawa pang mga suspek na sina Rolly Saine alyas Pilay, at Teody Rodolfo ng …
Read More »PRC chair sibak sa graft
IPINASISIBAK ng Office of the Ombudsman si Professional Regulation Commission (PRC) Chairperson Teresita Manzala dahil sa sinasabing maanomalyang bidding para sa gusaling sana’y lilipatan ng tanggapan. Ito’y makaraan makakita ang Ombudsman ng ebidensiyang nakipagsabwatan si Manzala sa New San Jose Builders Incorporated na pag-aari ng sinasabing bayaw ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., para sa paglilipat ng tanggapan ng PRC …
Read More »TRO sa Torre de Manila ihahain sa SC
MAGHAHAIN ng petisyon para sa temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema ang Knights of Rizal kontra sa Torre De Manila condominium na ‘photo bomber’ sa monumento ni Gat Jose Rizal. Nakabuo nitong weekend ng draft ng petisyon, ayon kay Xiao Chua, miyembro ng Knights of Rizal. “Anytime this week ay ibibigay, ipa-file po namin ‘yan sa Supreme Court ng …
Read More »Mini pork barrel sa AFP naungkat sa budget hearing
BAHAGYANG nagkaroon uli ng tensiyon sa budget hearing ng Kamara nang maungkat ang sinasabing mini pork barrel sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ay nang akusahan ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang tanggapan ni AFP Chief of Staff Pio Catapang ng pagkakaroon ng mini pork barrel sa ilalim ng budget para sa susunod na taon. Dahil sa …
Read More »ABC prexy, bodyguard itinumba
LAGUNA – Patay ang isang pangulo ng Association of Barangay Chairmen (ABC) at ang kanyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng da-lawang hindi nakilalang lalaki habang sakay ng kanyang kotse sa tapat ng barangay hall sa Brgy. Bagong Pook, Sta. Maria, Laguna kahapon ng umaga. Agad namatay sa pinangyarihan ng insidente ang mga biktimang kinilala ni Senior Insp. John Eric Antonio, hepe …
Read More »Remedyong talyer ‘di na pwede sa MRT — NCFC
HINDI sasapat ang ‘remedyong-talyer’ bilang lunas sa araw-araw na sinusuong na problema ng mga mananakay sa MRT ayon sa National Coalition of Filipino Consumers general counsel na si Atty. Oliver San Antonio, dahil sa maya’t mayang pagtigil ng serbisyo at sa dumadalas na pagkasira ng mga tren ng MRT. “Ang orihinal na disenyo ng MRT ay para sa 350,000 pasahero …
Read More »Manila truck ban ugat ng port congestion — PNoy
INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III na ang Manila truck ban ang ugat ng port congestion at pagbagal ng daloy ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila. Sa panayam ng media sa Pangulo sa SMX Convention Center sa SM Lanang Premier, Davao City, sinabi ng Pangulo na hindi inaasahan na ganito ang perhuwisyong mararanasan ng publiko dulot ng Manila truck ban …
Read More »Billy Crawford inquested na
ISINAILALIM na sa inquest proceedings kahapon ng umaga ang TV host/actor na si Billy Joe Crawford kaugnay sa ginawang pagwawala sa Taguig Police Station 7. Ayon sa legal counsel ni Billy na si Atty. Jose Aspiras, kasong malicious mischief at disobedience to person in authority lamang ang isinampa laban sa kanyang kliyente. Makaraan ma-inquest, balik sa kustodiya ng Taguig City …
Read More »9 pulis-QCPD suspek sa ‘tutukan’ ng baril sa EDSA
SIYAM na pulis ang suspek sa insidente ng tutukan ng baril sa EDSA na magugunitang nakunan ng litrato at kumalat sa social media. Sa press conference kahapon, inamin mismo ng Philippine National Police (PNP) na mga miyembro nila ang sangkot sa krimen, walo rito ang aktibo sa La Loma Police Station 1 habang isa ang matagal nang dismissed. Kinilala ang …
Read More »PNoy best man sa kasal nina Heart, Chiz
KARANGALAN para kay Pangulong Benigno Aquino III ang maging ‘best man’ sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa susunod na taon. “Now, as to being best man, ano. Siyempre, I’m honored, but also I’m relieved that I wasn’t made ninong, ‘di ba,” sabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa media interview sa SMX Convention sa SM Davao …
Read More »Immigration Commission tiniyak ni Rufus
TINIYAK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pagpapasa ng panukalang batas na mag-aamyenda sa pitong-dekadang Philippine Immigration law para buuin ang isang komisyon bago matapos ang termino ng Aquino administration sa 2016. Sa kanyang pagsasalita sa ika-74 founding anniversary ng Bureau of Immigration (BI), sinabi ni Rodriguez dapat umanong gawing prayoridad ng Kongreso ang approval sa Commission on …
Read More »Ex-DoJ Sec Gonzalez, 83 pumanaw na
PUMANAW na ang dating kalihim ng Department of Justice (DoJ) at dating kongresista ng Iloilo City na si Raul Gonzalez, Sr. Sa kanyang official Twitter account, kinompirma ng anak niyang si Dr. Marigold Gonzalez ang pagpanaw ng kanilang ama dakong 10:30 p.m. kamakalawa sa National Kidney Institute (NKI) sa Quezon City sa edad 83-anyos. Una rito, nitong Biyernes pa lang …
Read More »