HALOS hindi na makilala ang 27-anyos babae dahil sa pagkabasag ng ulo nang matagpuan sa loob ng isang maleta makaraan patayin ng dalawang babaeng dorm mate kamakalawa sa Baguio City. Natagpuan ang bangkay ni Buena Sol Arro sa kanyang apartment sa Brgy. Loakan Proper, Baguio City dakong 9 a.m. kamakalawa. Sa tantya ng mga pulis, nangyari ang krimen bandang 9 …
Read More »Masonry Layout
Adult diapers inisnab ng ilang MMDA personnel
HINDI sinunod ng ilang traffic officers at crowd control personnel ang utos ng Metro Manila Development Authority na magsuot sila ng adult diapers habang nagbabantay sa prusisyon ng Itim na Nazareno kahapon. Nauna rito, inihayag ng MMDA na kailangang magsuot ng adult diapers ang traffic officers at crowd control personnel na magbabantay sa pagbisita ni Pope Francis. Sinabi ni MMDA …
Read More »Pacman judge sa Miss Universe
KABILANG si People’s Champ Manny Pacquiao sa mga hurado sa 63rd Miss Universe na gaganapin sa Doral, Florida. Sa Facebook page ng Miss U, kinompirma ng pageant organizers ang ulat na kasama ang eight-division world champion sa mga kikilatis at pipili sa susunod na Miss Universe. Kasama ni Pacman na magiging judge ang TV host-shoe designer na si Kristin Cavallari; …
Read More »Pumugot sa ulo ng live-in partner arestado
NADAKIP makaraan magtago sa batas nang mahigit sa tatlong taon ang isang 38-anyos lalaking suspek sa pagpugot ng ulo ng kanyang live-in partner, nang matagpuan sa pinagtataguang lugar sa Sitio Amilig, Brgy. Balaynan, Goa, Camarines Sur. Ang nadakip na suspek na itinala bilang number 4 most wanted person sa bayan ng Donya Remedios Trinidad, sa Bulacan ay kinilalang si Sonny …
Read More »Kelot sapilitang pinagamit ng droga 10 suspek tinutugis
NAGA CITY – Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang 10 suspek na responsable sa sapilitang pagpapagamit ng shabu sa isang lalaki sa Naga City. Nabatid na halos dalawang araw pinagamit ng shabu ang hindi nakapanlaban na biktimang si Omar Juda Nolasco, 20-anyos, patuloy inoobserbahan sa pagamutan dahil wala pa sa normal na kalagayan bunsod nang epekto ng ipinagbabawal na …
Read More »Suspensiyon vs Supt. Felonia iniutos ng Ombudsman (Sa Richard King killing)
INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension laban sa isang police officer na sangkot sa pagpatay sa negosyanteng si Richard King sa Davao City noong nakaraang taon. Sa ipinalabas na order ni Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices, Cyril Ramos, iniutos niya sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng suspensiyon …
Read More »Pinoys sa Yemen pinauuwi na ng DFA
NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa Yemen na lisanin na ang nasabing bansa dahil sa patuloy na isyu sa politika, seguridad at peace and order. Ayon sa DFA, ang nasabing panawagan sa OFWs ay advisory na inisyu ng Philippine embassy sa Riyadh. Sinabi ng DFA, makipag-ugnayan lang ang mga Filipino na interesadong umuwi na sa …
Read More »12 gang leaders sa Bilibid ibinartolina (Sa granade blast)
IPINABARTOLINA ni Justice Sec. Leila de Lima ang 12 gang leaders sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kasunod ng pagsabog ng granada Huwebes ng umaga. ”I-isolate po in one disciplinary cell [ang gang leaders]”, pagkompirma ni NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr. Matatandaan, napasugod si De Lima at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa …
Read More »Lady Journo itinumba sa Bataan
BINAWIAN ng buhay ang isang tabloid reporter makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang dalawang lalaking suspek na nakasakay sa magkahiwalay na motorsiklo sa Brgy. Tuyo, Balanga City, Bataan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Nerlita Ledesma, 48-anyos, reporter ng Abante at Abante Tonite. Kasalukuyang nakabase sa Bataan ang napatay na reporter. Samantala, blanko pa ang mga awtoridad sa Bataan kaugnay …
Read More »Contingency plan kasado na — PNP (Pag ‘di sumunod si Pope Francis sa protocol)
TINIYAK ni PNP OIC chief Police Deputy Director General Leonardo Espina, in-placed na ang kanilang inihandang contingency plan sakaling hindi sumunod sa protocol si Pope Francis. Ayon kay Espina, inaasahan na rin ng mga awtoridad ang posibleng hindi pagsunod sa protocol ng Santo Papa kaya’t minabuti nilang maghanda ng contingency measures. Sinabi ni Espina, puspusan ang kanilang paghahanda sa seguridad …
Read More »Paris shooting kinondena ng PH
NAKIISA ang Filipinas sa France at iba pang mga bansa sa pagkondena sa pag-atake ng mga armado sa opisina ng satirical magazine na Charlie Hebdo sa Paris. Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang puwang ang naturang karahasan sa makabagong panahon at hindi ito dapat palagpasin. Tinawag na “senseless attacks” ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang insidente …
Read More »Kalansay sa drum nahukay sa estero
NAHUKAY ng backhoe ang iba’t ibang parte ng kalansay ng tao sa loob ng isang drum kamakalawa ng hapon sa Binondo, Maynila. Hindi sinasadyang nahukay ng backhoe operator na si Jesus Punla, 48, ng San Jose, Guagua, Pampanga, dakong 3:56 p.m. ang kalansay sa loob ng drum sa Estero dela Reina sa Tetuan Street kanto ng Sabino Padilla Street, Binondo, …
Read More »Lotilla nangumpisal sa MRT/LRT Fare Hike
SA pagdinig ng House Committee on Transportation kahapon sa Kamara, mistulang nangumpisal si Department of Transportation and Communications (DoTC) Undersecretary Jose Lotilla. Pag-amin ni Lotilla, wala nga silang kapangyarihan na magtaas ng pasahe sa MRT/LRT kung kaya’t lumalabas na illegal ang dagdag pasahe na kanilang sinisingil. Tinuran pa ng opisyal, ang fare hike na kanilang ipinatutupad sa MRT/LRT ay para kumita lamang at …
Read More »1 patay, 19 sugatan sa pagsabog sa Bilibid
PATAY ang isang preso habang 19 ang sugatan sa pagsabog sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kahapon ng umaga. Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., nangyari ang pagsabog sa gate ng Building 5 Delta ng Maximum Security Compound. Habang sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayo, granada ang inihagis sa lugar at target ang isang …
Read More »37K sundalo’t pulis bantay sa Pope Visit
UMAABOT sa 17,000 sundalo at 20,000 police personnel ang magbibigay ng seguridad kay Pope Francis sa pagbisita sa Filipinas simula Enero 15 hanggang Enero 19, 2015. Ayon kay AFP chief of staff General Gregorio Pio Catapang Jr., nasa kabuuang 37,000 katao na security detail ang kanilang ide-deploy. Sinabi ni Catapang, ito ang pinakamalaking contingent na kanilang idineploy para sa pagbisita …
Read More »Back pack bawal sa papal visit
MAHIGPIT na ipagbabawal ang pagdadala ng back pack, iba pang klase ng bag at payong sa mga dadalo sa gagawing misa ni Pope Francis sa Quirino grandstand sa Luneta sa Enero 18. Isa ito sa mga napagkasunduan sa pulong pangseguridad sa Palasyo na pinamunuan ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ng umaga. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., bagama’t …
Read More »5-anyos paslit niluray ng houseboy
ARESTADO ang isang 44-anyos houseboy makaraan gahasain ang 5-anyos batang babae sa Block 44, Lot 32, Northville 8, Brgy. Bangkal, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Arsenio Macalan, alyas Jojo, habang itinago ang biktima sa pangalang Sherylyn, kinder pupil, kapwa residente sa nasabing lugar. Ayon sa nakatalang ulat ng pulisya, humahangos na nagsadya sa kanilang …
Read More »Sniper ikakalat ng AFP
INIHAYAG ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapakalat ng mga sniper sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Ayon kay AFP chief of staff General Gregorio Pio Catapang Jr., aabot sa 100 snipers mula sa Philippine Army Special Forces ang ipupwesto ng militar sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Simula sa Sabado, Enero 10, 2015 ‘isasailalim na …
Read More »Holdaper na lumaslas sa dila ng med stude arestado
NAARESTO na ang suspek sa pagholdap at paglaslas sa dila ng biktimang medical student sa Valenzuela City nitong Miyerkoles. Bago mag-10 p.m. kamakalawa nahuli ang suspek na si Raymond Cabuhat, 30, habang nagsusugal sa Potrero, Malabon. Ito’y makaraan makunan ng closed circuit television (CCTV) ang suspek at tumugma sa sketch ng pulisya. Sa presinto, positibo rin itinuro ng biktima si …
Read More »Abaya no show
Hindi sumipot si DoTC Secretary Jun Abaya sa pagdinig ng House Transportation Committee kaugnay sa ipinatupad na dagdag-pasahe sa MRT at LRT nitong Enero 4. Sa pag-arangkada ng pagdinig, inabangan ng mga kongresista ang pagdalo ni Abaya na siya sanang dedepensa sa desisyon ng kagawaran. Sinabi ni DoTC Usec. Jose Lotilla, may mahahalagang meeting si Abaya na kailangang daluhan na …
Read More »Stepdaughter ‘trinabaho’ ng obrero
REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng isang obrero nang ipakulong ng kanyang stepdaughter makaraan pagparausan ang biktima habang natutulog sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City. Kinilala ang suspek na si Floromarine Leones, 35, ng Sampalukan St., Susano Road, Brgy. Deparo ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse). …
Read More »Bebot pinagamit ng shabu bago tinurbo
NAGA CITY – Matinding trauma ang nararanasan ngayon ng isang 20-anyos biktima makaraan gahasain ng isang lalaki sa Tayabas, Quezon. Ayon sa ulat, nasa loob ng bahay nila ang biktima nang mapansin na may tao sa kanilang kusina. Sa pagtataka ay tinungo ang bahagi ng bahay at doon nakita ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Juan. Napansin ng suspek …
Read More »PNP dapat purgahin — Ping
8HINILING ni dating senador Panfilo Lacson sa officer in charge ng Philippine National Police (PNP) na si Deputy Director General Leonardo Espina na magkaroon ng cleansing process o purgahin ang hanay ng PNP sa bansa para maibalik ang dangal ng mga pulis sa buong bansa. Sa talumpati sa harap ng mga opisyal ng PNP kamakailan kaugnay ng PNP Ethics Day …
Read More »Security plan sa Papal visit sinuri ni PNoy
PERSONAL na sinuri ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang security plan na inihanda para sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, apat oras na pinulong ni Aquino ang mga opisyal na may kinalaman sa pagbibigay ng seguridad sa Santo Papa. Nagbigay aniya ng komento ang Pangulo sa …
Read More »Kulong vs Celdran pinagtibay ng CA
PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang parusang pagkakakulong sa tour guide at reproductive health advocate na si Carlos Celdran bunsod nang ginawang pag-iingay sa loob ng Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila noong 2010. Sa 23-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Carmelita Salandanan-Manahan ng CA 12th Division, sinasabing hindi nagkamali si Metropolitan Trial Court Branch 4 Judge Juan Bermejo Jr. nang hatulan …
Read More »