
ANINAG sa mukha ng mga responsableng kandidato sa #2016Elections, sa Oriental Mindoro na pinangunahan ni Gov. Alfonso Umali, Jr., Vice Gov Humerlito “Bonz” Dolor, 1st district Congressman Doy Leachon; Konsehal Edil Ilano, kandidatong Board Member; Romy Roxas kandidatong Vice Governor; at Naujan vice mayor Henry Joel Teves, kandidatong congressman sa unang distrito ng nasabing lalawigan, ang kasiyahan sa pagdedeklara ng pakikiisa sa pagsiguro ng malinis at mapayapang halalan. Ang Covenant Signing na ito ay inorganisa ng PPCRV sa pakikipag-ugnayan ng COMELEC, AFP/PNP at iba pang mga organisasyon. Ayon kay Teves, “… sa halalang ito dapat mangibabaw ang interes at kapakanan ng nakararami at hindi ang makitid na interes ng iilan.”
