Friday , November 15 2024

Masonry Layout

All-out war ni Erap ‘di kinagat (Palasyo natuwa)

IKINATUWA ng Palasyo na hindi kinagat ng publiko ang panawagan ni ousted president, convicted plunderer at Manila mayor Joseph “Erap” Estrada na magdeklara ng all-out war laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kasunod ng pagkamatay ng Fallen 44 sa sagupaan sa Mamasapano. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ikinagalak ng administrasyong Aquino na kahit mataas ang emosyon ng mga …

Read More »

15 sugatan sa sumabog na kerosene stove sa school

CEBU CITY – Malubhang nalapnos ang katawan ng isang vendor habang sugatan ang 14 pang iba kabilang ang siyam mga estudyante, bunsod nang sumabog na kerosene stove sa loob ng food park ng Cebu Technological University main campus kamakalawa. Ayon SFO1 Tristan Tadatada ng Cebu City Bureau of Fire Protection (BFP), nagluluto si Arenato Catarongan, 41, nang biglang sumabog at …

Read More »

Bus sumalpok sa Star Tollway railing, 6 sugatan

ANIM pasahero ang sugatan nang bumangga ang isang bus sa railing ng tulay sa STAR Tollway sakop ng Brgy. Sabang, Batangas City nitong Martes ng gabi.  Dalawang oras ding hindi nadaanan ng mga motorista ang parahong lane sa lugar nang kumalat ang langis mula sa RRCG bus at ang debris mula sa nasirang concrete barrier. Kinilala ni Carlito America, Traffic …

Read More »

Manhunt ikinasa vs serial holdaper, rapist sa Kyusi

TINUTUGIS na ng pulisya ang suspek sa walong magkakasunod na holdap at ginahasa pa ang ilang kustomer sa iba’t ibang establisemento sa Quezon City.  Inilarawan ng mga biktima ang suspek na may taas na 5’7 hanggang 5’8 at laging nakasuot ng bull cap kapag nambibiktima.  Iisa ang modus niya sa pagsalakay sa mga establisemento na iginagapos at ipinapasok sa comfort …

Read More »

Pinay nurse sa Saudi positibo sa MERS-Cov

KINOMPIRMA ng Department of Health (DoH) na isang Filipina nurse mula Saudi Arabia ang nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV). Ayon sa DoH, Pebrero 1 nang dumating sa bansa ang hindi pa pinangalanang 32-anyos Filipina. Pebrero 10 nang i-confine siya sa negative pressure room sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) nang makaranas ng lagnat, body pains, ubo …

Read More »

Bill sa dagdag benepisyo ng pulis binuhay sa Senado

SA gitna nang masaklap na pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF), iginiit sa Senado ang pagpasa ng panukalang batas na Magna Carta for the Philippine National Police (PNP) o karagdagang benepisyo sa mga pulis. Magugunitang sa pagtatanong ni Sen. Sonny Angara sa pagdinig ng Senado kay dating SAF commander Dir. Getulio Napeñas, sinabi ng heneral na ang …

Read More »

Napeñas isasakripisyo ng Palasyo

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa akusasyon ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BA-YAN) na isasakripisyo ng gobyerno si Chief Supt. Getulio Napeñas para hindi mapanagot si Pangulong Benigno Aquino III sa Fallen 44. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang layunin ng Senate probe sa Mamasapano incident ay upang malaman ang buong katotohanan kaya’t dapat na hintayin na …

Read More »

Giyera sisiklab — Palasyo (BBL ‘pag ‘di naipasa)

NAGBABALA ang Palasyo na sisiklab muli ang giyera at hindi uunlad ang Mindanao kapag hindi naipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Ito ang inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. kasunod nang pagsuspinde ng Kongreso sa mga pagdinig kaugnay sa BBL makaraan ang madugong enkwentro ng tropa ng pamahalaan at pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) …

Read More »

Manila Dialysis Center bubusisiin (Maling sistema nagresulta sa iregularidad)

IBINUNYAG ng isang mapagkakatiwalaang source,  nakatakdang imbestigahan ng Commission on Audit (COA) at ilang ahensya ng pamahalaan ang  Manila Dialysis Center dahil sa mga reklamo ng umano’y talamak na iregularidad sa ilalim ng pamamalakad ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrda at mga kaibigan nito. Batay sa ating source nagrereklamo ang mga pasyente dahil sinisingil umano ng isang alyas Holy Manny …

Read More »

Lider ng magsasaka binistay ng bala

CAMP OLIVAS, Pampanga – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 64-anyos lider magsasaka makaraan bistayin ng bala nang malapitan ng dalawa sa apat armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay nitong Linggo sa Brgy. San Jose, bayan ng San Simon ng lalawigang ito. Base sa ulat ni Chief Inspector Michael Riego, hepe ng …

Read More »

Liberian nat’l nalambat sa buy-bust

HINDI nakaporma ang isang Liberian national nang masakote ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa lalawigan ng Pampanga kamakalawa. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang suspek na si Izo Noble, 35, nakatira sa Camp Johnson Rd., Monrovia, Liberia, at kasalukuyang naninirahan sa Don Rosario Street, Angeles City, ng naturang probinsya. Ayon …

Read More »

Villar nanguna sa paglagda sa Convention on Wetlands of International Importance

PINANGUNAHAN ni Senadora Cynthia Villar ang   anibersaryo ng paglagda sa “Convention on Wetlands of International Importance” sa pamamagitan ng paglilinis sa Las Piñas-Paranaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA). Ayon kay Villar, ang pagdiriwang ay isang pagkakataon upang makatawag ng atensiyon kaugnay ng lumalalang kondisyon ng LPPCHEA dahil sa hindi maayos na waste management kaakibat ng planong reklamasyon sa Manila Bay. …

Read More »

Kinse anyos 7 beses sinaksak ng rapist (Pumalag sa rape)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 15-anyos dalagita makaraan pitong beses saksakin nang pumalag sa tangkang panggagahasa ng isang 27-anyos lalaki habang natutulog kamakalawa ng madaling-araw sa San Mateo, Rizal. Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, hepe ng San Mateo Police, ang nadakip na suspek na si Airmel Sultan, delivery boy,  nakatira sa Purok 4, Buntong Palay, habang ang biktima …

Read More »

Walang badyet walang projects (Lacson, naglingkod sa PARR para sa kapakanan ng sambayanan)

LUNGSOD NG MALOLOS—Pormal nang tinapos kahapon ni dating senador Panfilo Lacson ang kanyang isang taong pag-upo bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) na naglingkod siya para sa kapakanan ng sambayanan. Sa kanyang pahayag, idiniin ni Lacson na sa harap ng mga banta ay dapat magkaisa ang mga mamamayan at tunay na umaksiyon. “Ang terorismo ng mga jihadist at …

Read More »

2 police official todas sa granada (Hinagisan ng tauhan)  

BINAWIAN ng buhay ang hepe ng Cabanglasan Municipal Police Station at ang kanyang deputy makaraan hagisan ng granada ng isang tauhan na nagpositibo sa droga sa Brgy. Poblacion, Cabanglasan, Bukidnon, dakong 7:20 p.m. nitong Lunes. Nabatid na bago ang insidente, nagsagawa ng drug test ang pulisya at nagpositibo ang dalawa sa mga pulis na agad dinis-armahan. Ayon kay Cabanglasan Mayor …

Read More »

Bunso tinaga ni kuya

INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang isang 47-anyos lalaki makaraan tagain ng kanyang nakatatandang kapatid dahil sa matagal nang alitan kaugnay sa renta ng inuupahan nilang boarding house, kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Kinilala ang biktimang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital na si Michael Decena, ng 1738 Tramo St., Zone 6, Brgy. 43, Pasay City. Habang sugatan din …

Read More »

Singil ng Meralco tataas ng P0.84 kWh

MAKARAAN ang bigtime oil price hike, ang singil naman sa koryente ang tataas. Inianunsiyo na ng Meralco ang P0.84 kada kilowatthour (kWh) na taas-singil sa generation at iba pang charges. Katumbas ito ng P167 na dagdag sa bill ng mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, P251 sa 300 kWh users, P335 sa 400 kWh users, at P419 sa 500 …

Read More »

SAF commandos sinadyang patayin ng MILF — Espina

HUMIHINGI ng paliwanag sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) si PNP officer-in-charge Leonardo Espina hinggil sa “overkill” sa 44 Special Action Forces (SAF) members sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Inihirit ito ni Espina sa Senate hearing nitong Lunes hinggil sa madugong enkwentro ng SAF commandos sa mga miyembro ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang tinatarget ang …

Read More »

Advice ‘di order ang ibinigay ko — Purisima

NILINAW ni dating PNP Chief Alan Purisima, tanging pagbibigay ng ‘advice’ lamang at hindi orders ang kanyang naging bahagi sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao. Sa kanyang pagharap sa Senate Public Order Committee hearing, dumistansya si Purisima sa kontrobersya sa nasabing operasyon na ikinamatay ng 44 SAF commandos sa pagsasabing “during my preventive suspension, I did not give any orders …

Read More »

Koreana utas sa 2 holdaper sa coffee shop

PATAY noon din ang isang Koreana makaraang barilin ng isa sa dalawang holdaper sa loob ng isang coffee shop sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon. Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Mi Kyung Park, 40, residente ng Eastwood Regrant Tower, Brgy. Bagumbayan ng lungsod. Sa imbestigasyon, dakong …

Read More »

Bulgarian nat’l itinumba sa bus terminal

PINAGBABARIL hanggang mapatay ng hindi nakilalang kalalakihan ang isang babaeng Bulgarian national habang papasakay ng bus sa terminal sa Bypass Road, Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Lina Vasileva-Hristova, 65, naninirahan sa Marian Subdivision, Brgy. Poblacion, sa naturang bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, kabababa lamang sa tricycle ng biktima kasama ang kaibigang si Jhoana Durana …

Read More »

2 nakipaglamay paglalamayan na rin (Tepok sa ligaw na bala)

PATAY ang 50-anyos lalaki at 3-anyos batang babae na sinasabing tinamaan ng ligaw na bala habang nasa lamayan sa Taguig City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Pasig Medical City ang mga biktimang sina Lino Buenaflor, 50, at Xyriel Andal, 3, ng Kalayaan St., Brgy. Ususan, Taguig City . Ang dalawa ay tinamaan ng bala mula sa …

Read More »

Epileptic tigok sa atake habang ‘high’ sa solvent

NANGISAY ang isang epileptic makaraan tumama ang ulo sa bumper ng isang sasakyan nang atakehin ng kanyang sakit habang sumisinghot ng solvent kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Ang hindi pa nakikilalang biktima ay tinatayang 25 hanggang 30-anyos, 5’3 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng T-shirt na puti at walang sa-pin sa paa. Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo, dakong …

Read More »

Kabataan inaanyayahan sa araw ng Balagtas 2015

TINATAWAGAN ang mga kabataan na aktibong makilahok sa Araw ni Balagtas 2015. Ito ay pagdiriwang ng ika-227 anibersaryo ng kaarawan ng bayaning makata na si Francisco “Balagtas” Baltazar sa Abril 2, 2015 na may temang “Si Balagtas at ang Kabataan.” Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga aktibidad na mangyayari sa pook na malapít sa puso ni Balagtas, …

Read More »

Kawal ng SAF sa Cebu pinarangalan ni Roxas bilang mga bago bayani

NAGSADYA si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa Cebu nitong Sabado upang dalawin ang pamilya nina PO1 Romeo Cempron at PO1 Windel Candano na kabilang sa 44 kasapi ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP – SAF) na namatay sa Mamasapano, Maguindanao. Pinayuhan ni Roxas ang asawa ni Candano na si Michelle na ilaan ang panahon …

Read More »