Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Climate change responsibilidad ng lahat

BUNSOD nang kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang panganib na maaaring idulot ng climate change sa pama-magitan ng komprehensibong national policy, ang mga lalawigan at munisipalidad ay dapat gumawa ng mga hakbang kung paano lalabanan ang mapaminsalang phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan Jr., inventor, businessman, executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines. Aniya, kailangang kumilos upang mapahupa ang climate …

Read More »

8 katao naospital sa amoy ng muriatic at chlorine

OSPITAL ang kinahantungan ng walo katao kabilang ang dalawang pulis, nang makalanghap ng usok mula sa pinaghalong muriatic acid at chlorine makaraan ang masayang paliligo sa isang resort kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City. Isinugod sa Alabang Medical Clinic ang magkapatid na sina Eusebio Lowaton Jr., 39, at Eugene Lowaton, 32, kapwa miyembro ng Philippine National Police; gayondin sina …

Read More »

31st Balikatan Exercises sinimula na

PORMAL nang sinimulan ang sampung araw na Balikatan Exercises o ang taunang pagsasanay militar ng tropang Filipino at Amerikano, ayon sa Palasyo. Inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ito ang ika-31 edisyon ng Balikatan mula nang simulang isagawa noong 1951 alinsunod sa Mutual Defense Treaty ng Filipinas at Estados Unidos. Layunin aniya nito na makamit ang katiwasayan at …

Read More »

Sapat na supply ng matibay na coins dapat tiyakin ng BSP

ISANG consumer advocate ang umapela sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tiyakin ang sapat na supply ng barya o coins na de-kalidad at matibay upang hindi kapusin at mawala sa sirkulasyon na lubhang makaaapekto sa mga mamimili at mga pasaherong umaasa rito sa pang araw-araw na buhay. Sa isang panayam sa Quezon City kahapon, ipinahayag ni Rodolfo “RJ” Javellana, …

Read More »

Temperatura sa PH inaasahang tataas pa

INAASAHANG tataas pa ang maitatalang temperatura sa bansa. Ito’y kasunod ng naitalang 36.2 degrees Celsius na temperatura sa Metro Manila nitong Sabado, na pinakamataas na nairekord sa kasalukuyan. “Painit nang painit na po ang panahon kasi papalapit na po’ng Mayo,” ani PAGASA weather forecaster Manny Mendoza. May posibilidad aniyang umabot sa 40 degrees Celsius ang maitatala dahil na rin sa …

Read More »

15 DLTB bus sinuspinde sa aksidente sa E. Samar

SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 15 bus ng DLTB kaugnay ng aksidente sa Eastern Samar. Matatandaan, lima ang namatay habang walo ang nasugatan sa banggaan ng isang DLTB bus at isang pampasaherong van sa Quinapondan. Giit ng LTFRB, out-of-line o kolorum ang naaksidenteng bus dahil San Pablo City, Laguna-Pasay City lang ang awtorisadong ruta nito. …

Read More »

IFJ naalarma sa magkasunod na aresto vs PH journalists

http://www.ifj.org/nc/news-single-view/backpid/1/article/second-filipino-journalist-arrested-in-libel-case-in-as-many-weeks/ NAGPAHAYAG ng pangamba ang international media group kaugnay sa isa pang pag-aresto sa isang Philippine journalist dahil sa kasong libel. Labis na naalarma ang International Federation of Journalists (IFJ) kaugnay sa pag-aresto kay Elmer James Bandol habang patungo siya sa kanyang trabaho nitong Miyerkoles ng umaga. Sinabi ng IFJ, ito ang pangalawang pag-aresto sa journalist sa loob lamang ng …

Read More »

Resignasyon ni Espina nakabitin pa

ni ROSE NOVENARIO KINOMPIRMA ni Pangulong Benigno Aquino III na nagbitiw na si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina. Sa ambush interview kay Pangulong Aquino sa inagurasyon ng school building sa Tarlac National High School sa Tarlac City kahapon, sinabi niya na nagsumite ng resignation letter si Espina ngunit hindi pa niya tinatanggap dahil magkakaroon ng …

Read More »

NBI pinuri ng Palasyo sa liquid ecstacy raid

PINURI ng Malacañang ang NBI sa matagumpay na operasyon laban sa sindikato ng illegal drugs na gumagawa at nagbebenta ng “date rape drug” o liquid ecstacy sa Mandaluyong City. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang matagumpay na operasyon ng mga kagawad ng NBI ay bahagi ng pangkalahatang layunin ng pamahalaan na malansag ang iba’t ibang grupo at indibidwal na …

Read More »

Ginang patay sa tusok ng metal fence (Sa anti-drug raid)

CEBU CITY – Nagmistulang barbecue ang isang ginang nang matusok ang katawan sa matulis na kabilya na ginawang metal fence sa gitna ng anti-drug raid sa Sitio Mahayay, Brgy. Calamba, Lungsod ng Cebu kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Maria Lisa Diaz, live-in partner ng suspek na target sa police operation. Tumalon si Diaz mula sa bubong upang hindi mahuli …

Read More »

Kotse niratrat 1 patay, 2 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Iniimbestigahan ng Santiago City Police Office ang dalawang anggulo sa pamamaril kamakalawa ng gabi ng mga suspek na sakay ng van at motorsiklo sa isang kotse sa Batal, Santiago City. Namatay sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan ang dating nasa #7 sa drug watchlist ng SCPO na si Armando Francisco, 46, residente ng Sitio …

Read More »

2 kelot itinumba sa P’que City

  PATAY ang dalawang lalaki makaraan tadtarin ng bala mula sa kalibre .45 baril kahapon ng madaling-araw sa Paranaque City. Namatay noon din sina Bernard Mortalla, 24, at Christian Podasas, 21, kapwa walang trabaho at residente ng Manalili St., Purok 3, Brgy. Central Bicutan, Taguig City. Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan …

Read More »

Kaso ng Pinay na bibitayin idinulog sa int’l org

DUMULOG ang militanteng grupong Gabriela sa isang international organization para mailigtas ang Filipina na nasa death row sa Indonesia. Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, nagpadala na sila ng liham sa Women in Parliaments Global Forum (WIP). Hiling nila sa mga kababaihang mambabatas na makiisa sa pakiusap kay Indonesian President Joko Widodo para bigyan ng clemency ang Filipina …

Read More »

Negosyante arestado sa investment scam  

ARESTADO sa pulisya ang isang 54-anyos negosyanteng babae na wanted sa serye ng kasong estafa, kamakalawa ng hapon sa Alabang Town Center sa Muntinlupa City. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ruby Calub, alyas Ruby Epifania Calub, tubong Mindoro Oriental, at nakatira sa Block 4, Lot 6, Rd. 3, Theresa Subd., Brgy. Pilar, Las Piñas City. Naaresto si Calub …

Read More »

Kahit may Bataan nuclear power plant power crisis posible pa rin

WALA pa ring katiyakan na hindi na magkakaroon pa ng krisis sa koryente ang Filipinas sakaling maaprubahan ang operasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Ito ang naging pag-amin ni Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla makaraan ang pagbisita sa lalawigan ng Pangasinan. Paliwanag ng kalihim, batay sa kanyang computations, aabot lamang sa 30 sentimos ang ibababa sa singil …

Read More »

Serye ng food poisoning iimbestigahan ng Senado (Nagbebenta ng milk tea ininspeksiyon)

BUBUSISIIN na rin ng Senado ang food posining mula sa milk tea na ikinamatay ng dalawa katao sa lungsod ng Maynila. Inihain ni Sen. Koko Pimentel ang Senate Resolution No. 1273 para imbestigahan ang nangyayaring food poisoning sa bansa. Ayon kay Pimentel, naka-aalarma ang serye ng food poisoning lalo’t mayroon nang namatay. Bukod sa Maynila, tinukoy rin ni Pimentel ang …

Read More »

Padyak driver todas sa bala

PATAY ang isang padyak driver makaraan barilin ng isa sa apat kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo habang nakatambay malapit sa kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Rogin Belo, alyas Moymoy, 20, residente ng 41 Estanyo St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ang apat hindi nakilalang mga suspek …

Read More »

Filing ng ITR pasimplehan — Angara

NANAWAGAN si Sen. Sonny Angara sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na padaliin ang proseso ng paghahain ng income tax returns (ITR). Giit ng chairman ng Senate Commitee on Ways and Means, marami pa rin ang nahihirapan sa pagbabayad ng buwis gamit ang Electronic Filing and Payment System (eFPS). Bukod aniya sa technical glitches sa BIR website, hindi rin pamilyar …

Read More »

Plunder vs ex-Puerto Princesa mayor (Cebu mayor, treasurer, kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan)

KASALUKUYANG nahaharap sa kasong pandarambong si dating Puerto Princesa city mayor Edward Hagedorn at dalawang iba pa. Ang kaso ay inihain nila Rodrigo Saucelo, Wilfredo Rama at Antonio Lagrada sa Office of the Ombudsman noong April 7, 2015 sa Office of the Ombudsman. Inireklamo si Hagedorn ng paglustay sa mahigit P65M; ang kauna-unahang lokal na opisyal na ipinagharap ng plunder …

Read More »

Pichay, Gatchalians, 20 pa kinasuhan sa Sandiganbayan

NAKAKITA ng probable cause si Ombudsman Conchita Carpio Morales para idiin ang mga dating opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA), corporate executives ng WELLEX Group Inc. (WGI), Forum Pacific Inc. (FPI) at Express Savings Bank Inc. (ESBI) kaugnay ng pinasok nilang deal noong 2009. Kabilang sa mga kinasuhan sa Sandiganbayan sina dating LWUA chief Prospero Pichay Jr., Eduardo Bangayan, …

Read More »

Zambales Festival ni Ebdane dinayo

UMARANGKADA at dinumog ng mga turista ang pagsisimula ng “Dinamulag Festival 2015” na pinangunahan ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr., sa Iba, Zambales bilang pagtatampok sa kanilang ipinagmamalaking bunga na kinilala ng Guinness World Record bilang “pinakamatamis na mangga sa buong mundo.” Naggagandahang mga mananayaw, may hawak na tray na naglalaman ng mga mangga ang bumungad at nagsibati sa lahat …

Read More »

Espina nagbitiw bilang PNP OIC

NAPAULAT na nagbitiw na bilang officer-in-charge (OIC) ng Philippine National Police si Deputy Director General Leonardo Espina. Ito’y batay sa ilang sources sa Philippine National Police (PNP). Ayon sa mga source, isinumite ni Espina ang resignation letter kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngunit hindi pa raw tinatanggap ng commander-in-chief. Ngunit ayon kay PNP spokesman, Chief Supt. Generoso Cerbo, walang …

Read More »

Napoles naibiyahe na sa Correctional  

NAILIPAT na si Janet Lim-Napoles sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City mula sa Camp Bagong Diwa, Taguig City pasado 1 a.m. kahapon. Isinakay ang tinaguriang pork barrel scam queen sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) armored service vehicle. Una rito, dinala ng Sandiganbayan sheriff ang commitment order kay Napoles. Ayon kay BJMP Metro Manila public information …

Read More »

Dalagita niluray ng manliligaw  

NAGA CITY – Arestado ang isang 18-anyos binatilyo makaraan halayin ang 17-anyos dalagitang kanyang nililigawan sa Candelaria, Quezon. Kinilala ang suspek na si Ernesto Morales ng nasabing bayan. Nabatid na nanonood ng basketball ang biktima kasama ang isa niyang kaibigang lalaki nang biglang makita sila ng suspek na tiningnan sila nang masama. Nabatid na nanliligaw ang suspek sa biktima at …

Read More »