Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

2 pusher kalaboso sa P.5-M shabu

MAHIGIT P.5 milyon ng shabu ang nakompiska  sa dalawang naarestong drug pusher sa buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City. Sa ulat kay PDEA Director General Arturo Cacdac Jr., naaresto makaraang makompiskahan ng 300 gramo ng shabu sina Rizaldy Quinto, 34, ng Soldier’s Village, Tala, Caloocan City, at Aliah Barauntong, 33, ng Sta. Rita, …

Read More »

Guro tumalon mula 25ft. tulay, ligtas (Sa Quezon Province)

NAGA CITY – Himalang nakaligtas ang isang guro makaraang tumalon mula sa 25 talampakang taas ng tulay ng Brgy. Bulakin 2, Dolores, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Diwata Bonquin, 45-anyos. Ayon sa ulat, nabigla ang mga residente nang biglang sumampa ang nasabing guro sa tulay at walang pag-aalinlangang tumalon. Nasugatan ang biktima nang tumama sa mga bato sa ilog …

Read More »

Comelec, SEC nakabantay vs campaign donors

AKABANTAY na ang Commission on Elections (Comelec) at Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga kompanyang maglalaan ng donasyon sa mga politikong tatakbo sa 2016 presidential elections. Ayon sa Comelec, ipinagbabawal sa batas ang donasyon ng mga lokal o dayuhang korporasyon para sa kandidatura ng isang politiko. Magbibigay ang poll body sa SEC ng listahan ng mga kompanyang lumahok sa …

Read More »

3 NPA patay, 2 sundalo sugatan sa enkwentro sa Sorsogon

PATAY ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) habang dalawang sundalo ang nasugatan nang magka-enkwentro bago mag-6 a.m. kahapon sa baybaying bahagi ng Brgy. Tinago, Juban, Sorsogon. Ayon kay Major Angelo Guzman, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines- Southern Luzon Command, 25 minuto tumagal ang bakbakan ng magkabilang panig. Agad dinala sa Sorsogon Doctors Hospital ang dalawang nasugatang sundalo …

Read More »

Zero visibility sa GenSan sa haze mula Indonesia

GENERAL SANTOS CITY – Apektado na rin ng haze ang Lungsod ng Heneral Santos bunsod nang makapal na usok na mula forest fire sa Indonesia. Sinabi ni Indal Bansuan weather, forecaster ng Pagasa-GenSan,  ilang araw nang nararanasan ang haze na tinatawag ding smaze o kombinasyon ng smoke at haze, at halos buong Rehiyon 12 ang apektado. Nararanasan din sa GenSan …

Read More »

P1.2-M alahas tinangay ng kasambahay

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang kasambahay na nagnakaw ng P1.2 milyong halaga ng alahas ng kanyang amo sa Paco, Maynila kamakailan. Kinilala ang suspek na si Eden T. Del Castillo, 21, stay-in sa Cluster 1, Unit 5L Garden sa Cristobal St., Paco ,at tubong Mapanag May-Anao, Tigaon, Camarines Sur. Sa salaysay kay SPO4 Antonio Marcos ng MPD …

Read More »

Chiz: Benefits pa more sa seniors & retirees (Bukod sa bawas-buwis, Gobyernong may puso ‘yan!)

DAHIL sa patuloy na pagharang sa mga hakbang na magpapababa ng buwis at pagpapalago ng mga benepisyo sa ilalim ng panukalang social security reform, muling binigyang-diin ni Senator Francis “Chiz” Escudero  sa  ilang mga panayam ngayong linggo na ang isang ‘Gobyernong may Puso’ ay mapagkalingang nangangasiwa, pinapahalagahan at higit sa lahat ang kapakanan ng mamamayan at naninindigang isulong ang mga pamantayang kakaunti …

Read More »

2 maglalaban sa pres’l race (Prediksiyon ni Miriam)

POSIBLENG dalawa lang ang maglaban sa pagkapangulo ng bansa sa May 2016 residential Elections. Ito ang naging prediksiyon ni Senadora Miriam Defensor Santiago kahapon. Paliwanag ng senadora, bagama’t mahigit 100 ang mga naghain ng certificate of candidacy (CoC) para sa pagka presidente, apat lamang lang ang masasabing seryoso. Ngunit sa apat na ito aniya ay dalaw ang may kinakaharap na …

Read More »

18 patay sa hagupit ni Lando

UMAKYAT na sa 18 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Lando sa Filipinas. Sa opisyal na tala ng National Disaster Rist Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawa ang kompirmadong patay, kabilang ang 62-anyos na si Benita Familay na nabagsakan ng pader sa Subic, at si Rannel Castiollo, patay rin nang mabagsakan ng puno ang kanilang bahay sa …

Read More »

Mison inutusan ng Malacañang magpaliwanag (Puganteng Chinese pinalaya)

HINDI pa man nasasagot nang maayos ang kasong graft na inihain sa isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI), pinagpapaliwanag na ng Malacañang si Commissioner Sigfried Mison sa loob ng 10 araw kung bakit misteryosong nakalaya ang isang puganteng Chinese sa kanilang Warden Facility sa Bicutan. Inatasan ng Malacañang si Mison na sagutin sa loob ng 10 araw …

Read More »

2nd DQ case inihain vs Grace Poe

ISA pang disqualification case ang hinaharap ni Senator Grace Poe mula kay dating senador Francisco “Kit” Tatad laban sa presidential candidate. Isinumite ni Tatad ang kanyang petisyon sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Palacio del Gobernador sa lungsod ng Maynila. Iginiit ng dating mambabatas, hindi “natural born Filipino” ang senadora at hindi rin siya pasok sa 10-year residency …

Read More »

Nilait ng dyowa bebot nagbigti

MALAKI ang hinala ng pulisya nagbigti ang isang 35-anyos babae makaraang laitin ng kanyang kinakasama kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Hindi na naisalba sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang buhay ng biktimang si Jenny Oklonario, ng 118 Tenement Building, Punta, Santa Ana, Maynila. Ayon sa report kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel Doria, naganap ang insidente dakong 1:30 …

Read More »

2 sundalo patay sa enkwentro sa ComVal

DAVAO CITY – Patay ang dalawang sundalo sa enkwentro sa Sitio Kalinugan, Brgy. Casoon, Monkayo, Compostela Valley Province kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Corporal Byron Moreno at Private First Class Thon Katog, parehong miyembro ng 25th Infantry Battalion. Nakasagupa ng mga biktima ang 60 miyembro ng Section Committee 3 Pulang Bagani Command 4 Southern Mindanao Regional Committee ng New …

Read More »

Sumampa sa payloader bata nagulungan, todas (3 kalaro ligtas)

DAVAO CITY – Agad nalagutan ng hininga ang 8-anyos batang lalaki makaraang masagasaan ang ulo nang mahulog mula sa sinampahang payloader kamakalawa. Ayon sa ulat, habang nagkakarga ng graba at buhangin ang payloader sa Sebusa River, sa bayan ng Matanao, Davao del Sur, nang biglang sumampa ang apat naliligong mga bata. Kinilala ang mga batang sina Juanito Gallos, 12; Jeffrey …

Read More »

Matino at mahusay na pamumuhay, magpapaunlad sa Filipinas—Alunan

HINDI ikinahihiya ni dating Secretary of Interior and Local Government Rafael “Raffy” Alunan III kung tawagin siyang ‘bubot’ sa desisyon na pasukin ang mundo ng politika. “Delikado at komplikado ang pumasok sa politika, lalo na sa mga katulad kong bagito, na alam ko napakahirap manalo sa larangang ito,” paliwanag ni Alunan matapos isumite ang kanyang certificate of candidacy (COC) para …

Read More »

Motorcycle rider dedbol sa bundol

PATAY ang isang 47-anyos motorcycle rider makaraang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang pampasaherong jeep sa kasagsagan ng bagyong Lando kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Resty Cruz Jr., residente ng 196 Gen. Luna St., Brgy. Ibaba ng nasabing lungsod. Habang agad naaresto ang suspek si Rustan Ganao, 30, residente ng 238 Hernandez St., Brgy. …

Read More »

10-wheeler truck sumalpok sa poste 3 sugatan

BAGUIO CITY – Isinugod sa pagamutan ang driver ng isang 10-wheeler cargo truck at dalawa pang biktima makaraang bumangga ang kanilang sasakyan sa poste ng koryente sa Bokawkan road, Lungsod ng Baguio, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang driver ng truck (XBY-674) na si Rolando Benzon, nasa legal na edad, tubong San Fernando, Pampanga, habang ang dalawang kasama niya ay …

Read More »

May ibang ligaw, bebot utas sa dyowa

HINIHINALANG panibugho ang nagtulak sa isang lalaki upang kitlin ang buhay ng kinakasama sa Parañaque City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Parañaque si Jeanalyn Amores, 28, ng 39 Quirino Ave., Lapid Market Compound, Brgy. Baclaran ng lungsod, tinamaan ng mga saksak sa katawan. Tinutugis ng mga tauhan ng Parañaque Police ang suspek na si Jonathan …

Read More »

PAG-IBIG aprubado sa solar panels loans

MAAARI nang kumuha ng housing loan para sa pagpapakabit ng mga solar panels sa kanilang bahay, ang mga kwalipikadong PAG-IBIG Fund member na maaaring parte ng home improvement o home purchase. Sa isang memorandum na nilagdaan ni Atty. Darlene Marie B. Berberabe, chief executive officer ng PAG-IBIG Fund, makukuha ang loan sa paggamit ng residential property na gagamitan ng solar …

Read More »

‘Lando’ hahagupit hanggang miyerkoles

HANGGANG sa Miyerkoles pa mananalasa bago umalis sa Luzon ang bagyong Lando. Bahagyang humina ang bagyo pero patuloy na hinagupit ang Central at Northern Luzon. Ayon sa Pagasa, taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 150kph-185kph. Umuusad ang bagyo sa mabagal na 5 kilometro bawat oras. Unang nag-landfall ang mata ng bagyo sa Aurora kahapon ng …

Read More »

Ambush sa Marawi police chief work related

CAGAYAN DE ORO CITY- Kaugnayan sa trabaho ang anggulong tinutukan ng pulisya kung bakit tinambangan ang chief of police ng hindi kilalang mga salarin sa Brgy. Luksa Datu, Marawi City kamakalawa. Ito ang inihayag ni Lanao del Sur provincial police director, Senior Supt. Seigfred Ramos kaugnay sa sinapit ni Marawi City Police Station Director Al Wahab Santos. Sinabi ni Ramos, …

Read More »