MARIING nanawagan nitong Lunes ang kandidatong senador na si Rep. Martin Romualdez ng Leyte kay Pangulong Benigno S. Aquino III na tuparin ang mga kaukulang hakbang na ‘ipinangako sa mundo’ na kanyang binitiwan sa harap ng mga delegado ng P21st Conference of Parties (COP 21) sa kabila ng tinukoy ni Romualdez na ‘kuwestiyonableng pagkiling’ sa mga ipinapatayong mga planta ng …
Read More »Masonry Layout
Sen. Trillanes ‘di patitinag vs Binay (Kahit may arrest warrant)
HINDI raw patitinag si Sen. Antonio Trillanes IV laban sa pamilya Binay kahit may warrant of arrest nang inilabas ang Makati RTC kaugnay ng kasong libel na inihain ni Makati Mayor Junjun Binay. Ayon kay Trillanes, pinag-aaralan na ng kanyang abogado ang naturang kaso ngunit hindi siya titigil sa pag-uusig sa pamilya Binay. “Kung ang layunin ng pamilya Binay sa …
Read More »PH no. 2 sa ‘most dangerous place’ para sa media (Sa IFJ report)
PINALAGAN ng Malacañang ang ulat ng International Federation of Journalists (IFJ), nagsasabing pumapangalawa ang Filipinas sa Iraq bilang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag. Sa nasabing report, lumalabas na mas ligtas pa sa mga journalists ang mga bansang halos araw-araw ay may bombahan o karahasan at mga bansang may ‘restriction’ o pagbabawal sa malayang pamamahayag. Bukod sa pagpalag, naghugas-kamay din …
Read More »Bigtime drug pusher, 15 pang tulak laglag sa parak
CAMP OLIVAS, Pampanga – Nadakma ng mga elemento ng San Fernando Police ang isang bigtime drug pusher gayondin ang 15 iba pang mga tulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkakasunod na operasyon ng mga awtoridad sa Muslim compound sa Brgy. San Pedro, Cutud, City of San Fernando kamakalawa ng madaling-araw. Ayon sa ulat ni Supt. Jean S. Fajardo, hepe ng …
Read More »Sex sa Zika carrier nakahahawa (Ayon sa DoH)
KABILANG sa tinututukang anggulo sa isinasagawang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) ang hawa sa Zika virus sa paraan ng pakikipagtalik. Ayon kay Department of Health Sec. Janette Garin, isang kaso ng virus sa Amerika ang naitala sa isang babae na walang history nang paglabas sa ibang bansa at pagbiyahe, ang nagkaroon ng nasabing virus makaraan makipag-sex sa kanyang asawa. …
Read More »P23-M blood money para kay Zapanta saan napunta? (Tanong ni Sen. Villar)
NAKATAKDANG paimbestigahan ni Senadora Cynthia Villar kung saan napunta ang P23 milyon nalikom na blood money para maisalba sana ang buhay ni Joselito Zapanta, isang overseas Filipino worker (OFWs) na nabitay sa Saudi Arabia. Ang pagnanais ni Villar na maimbestigahan ang blood money ay makaraang humingi ng tulong sa kanya ang pamilya ni Zapanta. Tinukoy ng mga magulang ni Zapanta, …
Read More »Lola binaril ni lolo dahil sa P22K water bill
CEBU CITY – Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 66-anyos misis makaraang barilin ng mister niyang 73-anyos kawani ng munisipyo dahil sa malaking bayarin sa tubig kamakalawa. Nangyari ang insidente sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Luknay, Brgy. South Poblacion, bayan ng San Fernando, probinsiya ng Cebu. Ayon kay SPO1 Francisco Salubre, nangyari ang pag-aaway ng dalawa nang …
Read More »1 patay, 1 sugatan sa ambush sa Malabon
PATAY ang isang caretaker habang kritikal ang kalagayan ng isa pa makaraang pagbabarilin habang lulan ng pampasaherong jeep ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktimang si Ernesto Galvan, 48, ng 301 M.H. Del Pilar, Maysilo ng nasabing lungsod. Habang nilalapatan ng lunas sa …
Read More »Adik tumalon mula bell tower ng San Felipe Church patay
PATAY ang 27-anyos lalaki makaraang tumalon mula sa bell tower ng San Felipe Neri Church sa Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw. Ang biktimang pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan hangga’t hindi pa naaabisohan ang kanyang pamilya, ay sinasabing kalalabas lamang mula sa drug rehabilitation facility. Ayon sa ulat na tinanggap ng Eastern Police District (EPD) dakong 4:35 a.m. mula kay Nestor …
Read More »Inaway ni misis mister nagbigti
NAGBIGTI ang isang 35-anyos lalaki makaraang makipag-away sa kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Natagpuang nakabigti dakong 6:30 p.m. sa loob ng kanilang palikuran ang biktimang kinilalang si Ronaldo Lingat, residente ng Block 2, Lot 13, Bantay Bayan, Dulong Bautista, Brgy. Panghulo ng nasabing lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, gagamit sana ng palikuran ang stepson ng biktima …
Read More »NAMAHAGI ng mga regalo si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mga bata matapos ang breakfast meeting sa Port Area, Manila. Tiniyak ni Lim sa mga residente na ang lahat ng libreng serbisyo noong siya ang alkaldeng Maynila ay muli niyang ibabalik pag-upo niyang muli sa city hall. Kasama niya sina 5th district Congressional candidate Josie Siscar, mga kandidatong …
Read More »On-site housing sa informal settlers target ni Chiz (Tigil-relokasyon sa maralitang tagalungsod)
KAPAG pinalad sa darating na halalan, makaaasa ang mga napapabilang sa informal settlers sa Kalakhang Maynila na kagyat itutulak ng nangungunang vice presidential candidate na si Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pag-usbong ng maramihang gusaling pabahay na ipapatayo sa ilalim ng “On-site Resettlement Housing Program for Metro Manila” upang itira sila sa disenteng pabahay nang hindi nangangailangan ng paglipat sa …
Read More »Romualdez naghamon sa presidentiables: Climate Agenda Nasaan?
TATLONG buwan bago ang halalang pampanguluhan, matapang na hinamon ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga kumakandidato bilang pangulo na ilatag na sa publiko ang kani-kanilang mga plano tungkol sa pagpapagaan ng epekto ng climate change upang makapamili ang mga botante ng lider na mangunguna sa pagsasakatuparan ng sapat na paghahanda ng bansa sa negatibong epekto ng pabago-bagong klima. “Tayo …
Read More »Libreng serbisyo pagbalik ko – Lim
TINIYAK kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na lahat ng libreng serbisyo na dati nang pinakikinabangan ng mga residente ng lungsod sa panahon ng kanyang panunungkulan ay ibabalik, sa kanyang muling pag-upo sa City Hall. Ginawa ni Lim ang paniniyak sa ginanap na breakfast meeting and feeding program kasama ang barangay leaders at residente sa Port Area sa District …
Read More »Sanggol, 5 pa patay sa fuel tanker
TACLOBAN CITY – Patay ang anim katao, kabilang ang isang anim-buwan gulang na sanggol, makaraang araruhin ng isang fuel tanker ang ilang kabahayan sa Brgy. Lale, Pinabacdao, Samar, kahapon ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Michael Buenavides, 20; Maryjoy Buenavides, 18, kasama ang anim buwan gulang niyang sanggol, gayondin si Angela Buenavides Balundo, pawang mga residente sa nasabing lugar. …
Read More »12,000 Pinoy engineers, architects posibleng masibak sa Qatar (Bunsod ng educational requirement)
NAKATAKDANG magtungo ang mga opisyal ng Professional Regulation Commission at Commission on Higher Education sa Qatar upang kombinsihin ang education officials sa Doha na pagkalooban ang Philippine-educated engineers at architects ng ‘equivalency’ ng kanilang academic qualifications at relevant work experience upang maipagpatuloy ang kanilang pagtatrabaho sa Gulf nation. “We are optimistic that the PRC-CHED mission will successfully meet its goal …
Read More »Political parties’ accreditation diringgin na ng Comelec
ITINAKDA na sa susunod na linggo ang pagdinig ng Commission on Elections sa petisyon ng iba’t ibang partido na madedeklarang dominant majority at dominant minority party para sa May 9 elections. Batay sa Comelec Resolution 9984, gaganapin ang pagdinig sa Pebrero 4 dakong 2 p.m. sa 16 petisyon na inihain ng national at local parties sa main office ng Comelec …
Read More »Dinastiya sa Nueva Ecija wawakasan ng kabataan
NANANAWAGAN ang grupo ng mga kabataan na Novo Ecijano Laban sa Dinastiya (NoELD) na panahon na upang wakasan ang mahigit 20 taon pamamayani ng pamilya Vargas sa Aliaga, Nueva Ecija na nasa watchlist ngayon ng Philippine National Police. Dapat nagwakas na ang 22 taon paghahari ng mga Vargas sa bayan ng Aliaga matapos ideklara ng korte na natalo sa halalan …
Read More »100 agents kailangan ng PDEA
NANGANGAILANGAN ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 100 bagong ahente para mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa narkotiko. Sinabi ni PDEA Undersecretary Director General Arturo Cacdac Jr., ang qualified drug enforcement officers (DEOs) ay magkakaroon ng entry level position ng Intelligence Officer 1, at Salary Grade 11. Ang mga interesadong aplikante ay dapat na 21 hanggang 35-anyos, Bachelor’s …
Read More »Jail Break: J.O. patay pulis sugatan 3 nakapuga (Sa Balayan, Batangas)
PATAY ang isang jail officer sa Balayan, Batangas makaraang barilin ng pumugang mga preso kahapon ng madaling araw. Batay sa inisyal na imbestigasyon, pumuga ang inmates na sina Marvin Peraldo, Jessy Pega at Hajji Mendoza sa pamamagitan ng paglagare sa kanilang selda gamit ang string ng gitara. Inagaw nila ang baril ni Senior Jail officer Leonardo De Castro at binaril …
Read More »96-anyos lola patay sa sunog sa Taguig
PATAY ang isang 96-anyos lola nang ma-trap sa loob ng habang nasusunog ang kanyang bahay sa Taguig City. Namatay noon din ang biktimang si Manuela Buquel, ng Apag St., Brgy. Ususan ng naturang siyudad. Ayon kay Fire Officer 1 Lady Arcega, ng Taguig City Bureau of Fire Protection, dakong 10:45 a.m. nang mangyari ang sunog sa bahay ng biktima. Sinasabing …
Read More »Ahensiyang mala-FEMA likhain — Romualdez (Kailangan na)
Batid ang banta ng kalamidad na nakaumang sa bansa, nananwagan kamakailan si 2016 senatorial candidate Martin Romualdez sa paglikha ng ahensyang katumbas ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) ng Estados Unidos kasabay ng pahayag na “kailangan na nating seryosohin ang pagpapatatag ng kasalukuyang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang lalo pang mapalawak ang kahandaan at sistema ng …
Read More »Modern tech, active commune vs kalamidad — Romualdez
MULING iginiit ni Leyte congressman at 2016 senatorial bet na si Martin Romualdez kahapon ang agarang pangangailangan ng pinakabagong sistema sa pagmamapa, simulasyon, at information and communication technology bilang kasangkapan sa pagpapaibayo ng kahandaan ng bansa laban sa mga kalamidad na dala ng kalikasan gaya ng pagbaha, bagyo at lindol. “Kritikal ang mga kagamitang ito sa ating kahandaan sa pagtugon …
Read More »PNoy ‘nagtago sa saya’ ni Purisima — Enrile (Sa Mamasapano ops)
DERETSAHANG tinukoy ni Senate Minority Leader Juan Ponce si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na siyang dapat managot sa sumablay na Oplan Exodus na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) noong Enero 25, 2015. Ginawa ni Enrile ang mga pahayag sa kanyang statement bago ang pagtatanong sa resource persons sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa Mamasapano incident. …
Read More »Tax exempt kay Pia OK sa House Committee
LUSOT na sa House ways and means committee ang panukalang batas na nagbibigay ng tax exemption sa kinita at premyo ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach sa sinalihang beauty pageant. Nabatid na naaprubahan ito, ilang minuto bago ang pagdalaw ng Cagayan de Oro beauty queen sa Batasan Pambansa sa Quezon City. Naging ‘unanimous’ ang boto ng mga miyembro ng …
Read More »