PATAY ang isang construction worker makaraan mahulog mula sa gondola sa taas na mahigit 50 talampakan nang mawalan ng balanse at bumagsak sa kalsada sa ginagawang NAIA Expressway Project Phase 2 sa Parañaque City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Parañaque City Police chief, Senior Supt. Ariel Andrade ang biktimang si Chiquito Montes, 42, ng Happy Land Magsaysay, Tondo, Manila. Base …
Read More »Masonry Layout
25 Chinese fishermen arestado (Nagpanggap na Pinoy)
HAWAK na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 25 Chinese suspected poachers na naaresto sa karagatang sakop ng Babuyan Island at Batanes province. Ayon sa BFAR, naaktohang nangingisda ang mga dayuhan na sakay ng Shen Lian Cheng 719 at Shen Lian Cheng 720. Naghinala ang mga awtoridad na hindi talaga mga Filipino …
Read More »Federal system target sa loob ng 2 taon — Duterte
DAVAO CITY – Plano ni President-elect Rodrigo Duterte na magbuo ng komite na ang mga miyembro ay mula sa mga Moro, Kristiyano at mga Lumad na siyang magpapaliwanag sa mga tao sa magandang idudulot ng federalismo. Magugunitang sa kampanyahan ay kabilang sa isinulong na programa ni Dueterte ang pagkakaroon ng Federal system of government para makaagapay ang iba pang mga …
Read More »Death penalty ‘di lulusot sa Kamara
HINDI lulusot sa Kamara ang naisin ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte na ibalik ang parusang bitay sa ating bansa. Ito ang paniwala ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., sa planong pagbuhay muli ng death penalty sa pagpasok ng Duterte administration. Ayon kay Belmonte, hindi ito uubra sa Kamara dahil maraming naniniwalang mambabatas na hindi solusyon ang parusang kamatayan para sa …
Read More »Leni Robredo sarili iprinoklamang vice president (Bilangan ‘di pa tapos)
HINDI pa man ganap na natatapos ang bilangan para sa resulta ng halalan, tila gigil nang umupo si Camarines Sur Rep. Leni Robredo at nagdeklara nang pagkapanalo sa mahigpit na katunggaling si Sen. Bongbong Marcos. Inihayag ni Robredo ang 24,000 votes na kalamangan kay Marcos, na ayon sa policy head ng Robredo Campaign Team na si Boyet Dy, maituturing na …
Read More »Carlo J. Caparas ipinaaaresto ng CTA
IPINAAARESTO ng Court of Tax Appeals ang direktor na si Carlo J. Caparas kaugnay sa panibagong set ng tax evasion case na inihain laban sa kanya ng Department of Justice (DoJ) noong nakaraang buwan. Nag-isyu ang CTA Second Division ng warrant of arrest sa tinaguriang national artist dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC) bunsod ng kabiguang maihain …
Read More »Death penalty ‘di lulusot sa Kamara
HINDI lulusot sa Kamara ang naisin ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte na ibalik ang parusang bitay sa ating bansa. Ito ang paniwala ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., sa planong pagbuhay muli ng death penalty sa pagpasok ng Duterte administration. Ayon kay Belmonte, hindi ito uubra sa Kamara dahil maraming naniniwalang mambabatas na hindi solusyon ang parusang kamatayan para sa …
Read More »System audit sa AES ng Comelec igigiit ng Bongbong camp
NAKATAKDANG hili-ngin ng kampo ni Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa Commission on Elections (Comelec) na buksan ang Automated Election System para sa system audit makaraan madiksobre ang mga iregularidad habang tina-tabulate ang resulta ng May 9 elections base sa Certificates of Canvass. Sinabi ni Atty. Jose Amor Amorado, head ng BBM for VP “Quick-Count” center, …
Read More »Proklamasyon ng nanalong senador, party-list sa Huwebes na
NAKATAKDANG magproklama sa Huwebes ang Commission on Elections (Comelec) ng mga nanalong senador at party-list, ayon kay Commissioner Rowena Guanzon. Gagawing sabay-sabay ngayon ang proklamasyon ng 12 nanalong senador, hindi kagaya ng mga nakaraang eleksiyon na nagkaroon ng partial proclamation. Nabatid na mayroong mga senatorial candidate ang humihiling na mapaaga sana ang proklamasyon ngunit nanindigan ang poll body na sa …
Read More »NP, PDP-LABAN pumirma na sa Senate coalition
PINALALAKAS na ni President-elect Rodrigo Duterte ang kanyang partido at mga koalisyon na siyang susuporta sa kanyang mga radikal na reporma. Ito’y makaraan magpirmahan sa kanyang harap sa Davao City ang Nacionalista Party at PDP-Laban sa tinaguriang “Coalition for Change.” Mismong ang party president na si dating Senate president Manny Villar ang lumagda sa panig ng NP, gayondin si Sen. …
Read More »3 patay, 17 naospital sa cholera outbreak sa CamSur island
NAGA CITY – Patay ang tatlong menor de edad habang umabot sa 17 ang isinugod sa ospital dahil sa pagtatae at pagsusuka sa islang bayan ng Caramoan, Camarines Sur. Ayon kay Dr. Napoleon Arevalo, OIC regional firector ng Department of Health (DOH) Bicol, dalawa sa mga namatay ay 5-anyos at isang 16-anyos. Ayon sa ginawang disease surveillance ng DoH-Bicol at …
Read More »‘Mayor’ itawag sa akin — Digong
DAVAO CITY – Mas pinili ni President-elect Rodrigo Duterte na tawagin siyang “mayor of the Philippines” imbes “president of the of the Philippines.” Ito ang pahayag ng alkalde ng Davao sa isinagawang press briefing kamakalawa ng gabi sa isang hotel sa lungsod makaraan makipagkita sa ilang top officials ng pulisya at militar. Ayon kay Duterte, gusto niyang dalhin ang “mayor …
Read More »Dalawang staff ng Immigration weekly newspaper inasunto
INIUTOS ng Pasay City Prosecutor’s Office na kasuhan ng libel ang dalawang staff ng isang weekly newspaper sa Bureau of Immigration (BI) matapos makitaan ng probable cause na sinabing nakasisira nilang mga pahayag laban sa isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na lumabas sa pahayagan. Nakitaan ng probable cause para sa dalawang bilang ng kasong libel laban kina Ferds …
Read More »Smartmatic lumabag sa kontrata — Guanzon
SINIMULAN na ang inisyal na imbestigasyon ng Comelec ukol sa ginawang adjustment ng Smartmatic sa server na nakabase sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Sa pag-aaral sa kontrata ng Comelec at Smartmatic, nakitang malinaw na may mga nalabag sa patakaran si Smartmatic project manager Marlon Garcia. Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, nakasaad sa kontrata na ano mang …
Read More »Heavy firearms ‘di na papayagan
WALA nang ibibigay na lisensiya ang gobyerno sa mga sibilyan na nais magmay-ari nang matataas na kalibre ng baril. Ito ang inianunsyo ni President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Duterte, sa kanyang administrasyon, tanging short firearms lang ang papayagan niya sa mga sibilyan. Ngunit ang pagbibigay ng lisensiya ay daraan din sa mahigpit na kondisyon. Ang mga mayroon nang matataas na …
Read More »Negosyante patay sa ambush sa Kyusi (2 sugatan)
PATAY ang isang negosyante habang dalawa ang sugatan makaraan tambangan ng riding in-tandem kahapon ng hapon sa Brgy. Pinyahan, Quezon City. Sa ulat kay Quezon City Police District-Kamuning Police Station 10 chief, Supt. Pedro Sanchez, kinilala ang biktimang si Ferdinand Lopez, residente ng Tivoli Subd., Almadela St., Old Balara, Quezon City. Habang ang mga sugatan ay sina Jericho Ricafort at Richard …
Read More »4 Cabinet posts inialok ni Digong sa CPP-NPA
IBINUNYAG ni president-elect Rodrigo Duterte, inalok niya ang cabinet positions para sa DAR, DENR, DOLE, at DSWD sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA). Ginawa ni Duterte ang pahayag sa press conference sa Davao City, kasabay nang kanyang pag-anunsiyo sa ilang cabinet members na magiging bahagi ng kanyang administrasyon. Ayon sa incoming president, ang kondisyon niya sa grupo …
Read More »Death penalty nais ibalik
INIHAYAG ni President-elect Rodrigo Duterte, nais niyang maibalik ang death penalty sa bansa. Sa presss conference sa Davao kamakalawa ng gabi, sinabi ni Duterte , hihilingin niya sa Kongreso na ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng bitay. Kaugnay nito, pinangalanan na ng alkalde ang posible niyang itatalagang mga pinuno sa hanay ng pulisya at army. Inihayag din niya ang …
Read More »Kelot naglinis ng balon nalunod
LA UNION – Nalunod ang isang 36-anyos lalaki habang nililinis ang isang balon sa lungsod ng San Fernando, La Union kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Michael Pimentel, residente ng Brgy. Cabaroan. Batay sa salaysay ng kanyang mga kasamahan, ipinatawag sila kahapon ng kanilang kamag-anak na si Edna Fusilero upang maglinis sa loob ng balon na may lalim na 30 hanggang …
Read More »Jobless tumungga ng lason (Nasibak sa trabaho)
PATAY ang isang lalaki makaraan uminom nang lason nang masibak sa trabaho kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Hindi umabot nang buhay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Jonathan Odi, 31, ng Dulong Bronze St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod. Sa salaysay ng live-in ng biktima kina SPO2 Jerry Dela Torre at PO1 Jessie Mora, bago ang insidente ay …
Read More »Birthday girl todas sa tama ng kidlat
BUTUAN CITY – Binawian ng buhay ang isang dalagita makaraan tamaan ng kidlat isang araw makaraan niyang ipagdiwang ang kanyang ika-15 kaarawan sa Purok 2, Brgy. Doongan sa lungsod ng Butuan. Ayon kay Cristy Burillo, tiyahin ng 15-anyos na si Manuela Burillo, naligo sa malakas na ulan kamakalawa ng hapon ang biktima kasama ang dalawa niyang mga pinsan sa itaas …
Read More »‘Vote buying’ laganap — CBCP, UP, DLSU prof
LAGANAP ang vote buying, ito ang nag-iisang reaksiyon ng simbahan, academe at civic groups sa nakaraang halalan nitong Mayo 9. Sa Tapatan sa Aristocrat, nagkaisa sa kanilang mga pahayag sina dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Archbishop Oscar Cruz, University of the Philippines (UP) mass communication professor Dr. Danilo Arao, De La Salle University (DLSU) associate professor …
Read More »Halalan 2016 payapa, matagumpay — Comelec
NAGING mapayapa at matagumpay sa pangkalahatan ang nakaraang halalan. Ito ang inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista kaugnay sa natapos na botohan noong Mayo 9. Payapa ring naisagawa ang special elections sa Sulu, Maguindanao at Lanao del Sur nitong Sabado. Magugunitang inulan ng batikos at kinuwestiyon ang kahandaan ng Comelec sa pagpapatupad ng automated elections.
Read More »5 patay sa salpukan ng 2 motorsiklo
CAUAYAN CITY, Isabela – Lima katao ang namatay sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa national highway ng Burgos, Alicia, Isabela. Magkaangkas sa isang motorsiklo ang dalawang biktimang sina Richard Toquero, 20, at Roy Allan Randicho, 31, kapwa residente ng Mabini, Alicia, Isabela. Habang sakay nang nakabanggaan nilang motorsiklo sina Fredelino Ramos, 48, residente ng District 3, Cauayan City; Analyn Abuan, …
Read More »7 Chinese, 1 pa arestado ng NBI sa anti-drug ops
NAARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong Chinese nationals at isang Filipino sa isinagawang anti-illegal drug operation sa magkahiwalay na lugar sa Pandi, Bulacan at Binondo, Maynila. Kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paeraphernalia) ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampagang kaso laban kay Johnny …
Read More »