IPINAAARESTO ng Sandiganbayan si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima at iba pa niyang co-accused dahil sa kasong graft. May kaugnayan ito sa pinasok na kontrata noong siya pa ang pinuno ng pambansang pulis-ya, para sa firearm license courier service ng Werfast. Isinampa ni Glenn Gerald Ricafrancia ang kaso sa Ombudsman sa pamamagitan ng abogado ni-yang sina Atty. …
Read More »Masonry Layout
6 pulis sinibak sa extortion, 4 pa sangkot sa hulidap
CAMP OLIVAS, Pampanga – Anim na pulis na nakatalaga sa Angeles City ang sinibak makaraan mapatunayan sa pangongotong sa isang US retired Air Force personnel, habang apat pang pulis ang iniimbestigahan dahil sa kasong hulidap sa nabanggit na lungsod. Napag-alaman, agad sinibak ni Chief Supt. Rudy G. Lacadin, Police Regional Office-3 director, ang mga sangkot sa extortion at maaaring ipatapon …
Read More »Peace talks isasabotahe ng anti-communists (Ayon kay Joma)
NAGBABALA si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison kaugnay sa pananabotahe ng aniya’y mga ‘rabid anti-Communists’ na humaharang sa kanyang pagbabalik sa Filipinas. Partikular na tinukoy ni Sison sina Sen. Antonio Trillanes at Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon na nagbabanta ng imbestigasyon laban sa sinasabing krimeng nagawa niya. Sinabi ni Sison, alam mismo …
Read More »Pulis, 2 pa arestado sa droga
TIYAK na ang pagkasibak ni PO1 Orlando Danao Jr., 34-anyos, kasamang nadakip sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Marikina City Police, kapag naupo na si President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Senior Supt. Vincent Salanoga Jr., si PO1 Danao ay nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 4. Kabilang din sa nadakip sa operasyon sina Eddie Protacio, 53, at …
Read More »Antenna ng TV tinamaan ng kidlat, 75 bahay natupok
NAWALAN ng tirahan ang 160 pamilya makaraan lamunin ng apoy ang 75 bahay nang tamaan ng kidlat ang antenna ng isang telebisyon na dahilan ng sunog sa isang compound sa Las Piñas City kamakalawa ng hapon. Base sa inisyal na ulat ng Las Piñas Fire Department, pasado 3 p.m. nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Saint Louie Compound, Phase …
Read More »Tsap-tsap na bangkay sinunog, itinapon sa sementeryo
NAGA CITY – Palaisipan sa mga awtoridad ang pagkakilanlan ng isang bangkay na pinira-piraso at itinapon sa isang sementeryo sa Brgy. Resureccion, San Fernando, Masbate kamakalawa. Napag-alaman, natagpuan ng caretaker ng nasabing sementeryo ang isang katawan na wala nang ulo, braso at mga paa. Nabatid din na sunog na ang bangkay na itinapon sa nasabing lugar. Sa ngayon, patuloy ang …
Read More »Sekyu kalaboso sa blackmail sa dalagita (Halikan ng mag-BF kinuhaan ng video)
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 34-anyos security guard makaraan i-blackmail ang dalagitang nakuhaan niya ng video habang nakikipaghalikan sa kasintahan sa Caloocan City. Kinilala ni SPO1 Gigie De Jesus, hepe ng Caloocan Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), ang suspek na si Enrique Coranez, security guard ng Eternal Gardens Memorial Park at residente ng Licao-Licao, San Isidro, …
Read More »Ginang ginilitan ng albularyo, dugo sinipsip
NAGA CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang matandang babae makaraan gilitan ng albularyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at sinipsip ang kanyang dugo sa Brgy. Cuco, Pasacao, Camarines Sur. Ayon sa anak ng biktima na si Arlene Francisco, araw ng Linggo nang dumating sa kanilang lugar ang albularyong si Eupoldo Traste, 65, para gamutin ang kanyang paralisadong ina …
Read More »3 nene niluray ng tiyuhin
SWAK sa kulungan ang isang 57-anyos diswasher makaraan halayin ang tatlong dalagitang magkakapatid na kanyang mga pamangkin sa Malabon City. Nahaharap sa kasong statutory rape at dalawang bilang ng kasong acts of lasciviousness ang suspek na si Rogelio Dandan, residente ng Brgy. Longos ng nasabing lungsod. Ayon kay Senior Insp. Rosility Avila, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) …
Read More »Disqualification case inihain ni Lim vs Erap (Proklamasyon ipinakansela)
HINILING ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Comelec ang pag-disqualify at pagkansela sa proklamasyon kay dating Pangulong Joseph Estrada bilang alkalde ng lungsod. Kabilang sa respondents sa 16-page petition na inihain ni Lim, kasama ang kanyang mga abogadong sina Atty. Renato dela Cruz at Atty. Salvador Moya, sina Estrada at mga miyembro ng city board of canvassers (CBOC) …
Read More »Obama binati si Duterte
KARANGALAN para kay President-elect Rodrigo Duterte ang makausap si U.S. President Barack Obama. Ayon kay Duterte, si Obama ang pinakaunang head of state na tumawag at bumati sa kanya makaraan ang panalo sa halalan. Sa kanilang pag-uusap, tiniyak ni Duterte kay Obama na mananatiling kaalyado ng Amerika ang Filipinas, partikular sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ngunit …
Read More »Digong bukas sa kritisismo
DAVAO CITY – Bukas sa mga kritisismo si president-elect Rodrigo “Rody” Duterte bilang isang public servant. Ayon sa kanya, ang mga kritisismo, mabuti man o masama, totoo man o hindi, ay bahagi ng ‘territory of governance’ ng publiko. Dagdag ni Duterte, hindi niya pipigilan ang sino mang kritiko kagaya ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV, na magpahayag sa kanyang saloobin. …
Read More »PNoy taas noong lilisan sa Palasyo
IPINAGMALAKI ni Pangulong Benigno Aquino III, taas noo niyang lilisanin ang Palasyo dahil tinupad niya ang kanyang mandato bilang presidente ng bansa sa nakalipas na anim na taon. “Ang masasabi ko po, sa darating na ika-30 ng Hunyo, pagpalo ng alas-dose ng tanghali, matiwasay tayong makakababa sa puwesto, makakalingon nang taas-noo sa sambayanang Filipino, at mata sa matang masasabi: Tumotoo …
Read More »7 sundalo sugatan sa grenade attack sa Jolo
ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang pitong kasapi ng Army Scout Ranger makaraan pasabugan ng granada ang sinasakyan nilang military truck sa Marina St., Brgy. Walled City, Jolo sa lalawigan ng Sulu kahapon. Kinilala ang mga sugatan na sina Sgt. Zandro Sambrano, S/Sgt. Ferdinand Bisnar, Cpl. Juanito Taguiam Jr., Cpl. Arth Manatad, Cpl. Arnel Pascual, Cpl. Louis Limmayog at Cpl. Calpasi …
Read More »2 patay sa kagat, 23 nagka-rabies sa adobong aso
GENERAL SANTOS CITY – Inoobserbahan ng Municipal Health Office ang 23 katao na kumain sa karne ng asong nagpositibo sa rabies. Ayon kay Alabel Municipal Health officer Dr. Renato Fabio, na-expose ang 23 sa prophylaxis rabies. Pinagmulan ng rabies ang aso na kumagat at pumatay kay Kenneth John Kolino, 9, at Mario Moy, 51, mga residente ng Purok Molina, Alegria, …
Read More »14 patay sa diarrhea outbreak sa Zambo
ZAMBOANGA CITY- Patuloy na tumataas pa rin ang bilang ng mga pasyenteng natatanggap ng mga pagamutan sa Zamboanga City dahil sa diarrhea outbreak na ang severe rotavirus disease pa rin ang lumalabas na pangunahing sanhi ng naturang kumakalat na sakit. Ayon kay Zamboanga City Health Officer Dr. Rodel Agbulos, sa kasalukuyan ay umaabot na sa 14 pasyenteng nakaranas ng diarrhea …
Read More »Van sumalpok sa kotse 9 bakasyonista sugatan (Sa CamNorte)
NAGA CITY – Sugatan ang siyam katao nang sumalpok sa poste ang sinasakyan nilang van sa Paracale, Camarines Norte kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Rengan Balon, 31; Mary Grace Bercasio, 28; Qichin Raval, 28; Melanie Neuda, 27; Mary Ann Publini, 26; Brenda Erika Bolado, 24; Cadigo Andales, 24; Andrea Tolentino, 24, at Mary Ann Balbrono, 24-anyos. Habang binabaybay nang …
Read More »Droga, armas, gadgets, appliances nakuha sa ika-33 Galugad sa NBP
MULING nakakuha ng 150 gramo ng shabu at iba pang mga kontrabando ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ika-33 “Oplan Galugad” sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon. Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., maaga pa lamang ay ginalugad ng BuCor personnel ang mga selda sa Building 3 at 13 sa quadrant 3 ng …
Read More »Electoral sabotage inihain vs Comelec, Smartmatic, PPCRV
SINAMPAHAN ng electoral sabotage case ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec), Smartmatic at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Office of the Ombudsman. Inihain ito ng grupong Mata sa Balota na pinangungunahan nina Rodolfo Javellana Jr., at binansagang running priest na si Robert Reyes. Partikular na ugat ng reklamo ang sinasabing pakiki-alam ng opisyal ng Smartmatic …
Read More »‘Di pinagbigyan ng dyowa sa sex, bouncer nagbigti
KALIBO, AKLAN – Nagbigti ang isang 32-anyos lalaki makaraan hindi pagbigyan ng kanyang live-in partner na sila ay magtalik sa Brgy. Nagusta, Nabas, Aklan kamakalawa. Patay na nang makarating sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si Joseph Baladjay, isang bouncer, at residente ng nasabing lugar. Ayon sa live-in partner ng biktima na si alyas Lara, bago nangyari ang insidente ay …
Read More »Chief Supt. Dela Rosa, next PNP chief
NALULUGOD si Chief Supt. Ronald Dela Rosa sa pagpili sa kanya ni incoming President Rodrigo Duterte para maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP). Sinabi ni Del Rosa, kahit maikonsidera pa lang ay malaking bagay na, kaya lalo siyang nagalak nang mabalitaan ang pagtukoy na siya na talaga ang ipapalit kay PNP Chief Ricardo Marquez. Bukod kay Dela …
Read More »KWF, tumatanggap na ng mga nominasyon para sa Ulirang Guro 2016
ANG Ulirang Guro sa Filipino, isang prestihiyosong gawad sa mga guro na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ay tumatanggap na muli ng mga nominasyon para sa taón 2016. Pagkilala ang gawad sa mga pilî at karapat-dapat na mga guro sa Filipino sa lahat ng antas. Kinakailangang nakapaglingkod nang tatlo (3) o higit pang taon ang lisensiyadong guro at …
Read More »Kelot ginising, niratrat tigbak
PATAY ang isang construction worker makaraan gisingin at pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktimang si Elmer Gaspar, 28, ng Purok 6, Hernandez St., Brgy. Catmon. Habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo sa …
Read More »Magsasaka, 3 kalabaw patay sa tama ng kidlat
CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang magsasaka at kanyang tatlong kalabaw makaraan tamaan ng kidlat kasabay ng malakas na ulan kamakalawa ng gabi. Ayon kay Sangguniang Bayan member Eddie Mayor ng San Agustin, Isabela, ang namatay ay si Merlin Pascual, 53, residente ng Dabubu Grande, San Agustin. Hindi nakauwi si Pascual sa kanilang bahay nang magtungo sa bukid dakong 5 …
Read More »Talent coordinator, tiklo sa swindling
ARESTADO ang isang 28-anyos lalaking freelance talent coordinator at marketing manager sa entrapment operation ng mga operatiba ng Manila Police District sa isang hotel sa Ermita, Manila kamakalawa. Nakapiit na sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang suspek na si Ray Mark Amit, residente ng Bunga Don Salvador Benedicto, Negros Occidental, at empleyado ng Xniper Event and …
Read More »