Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Bagyong papalapit lalo pang lumakas

LALO pang lumakas ang bagyong may international name na Nepartak at tatawaging tropical storm Butchoy kapag pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR). Mula sa 65 kph, umaabot na ngayon sa 75 kph ang taglay nitong lakas habang may pagbugsong 90 kph. Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 30 kph mula sa 7 kph kahapon. Huli itong …

Read More »

9 parak pa positibo sa droga — PNP chief

SIYAM pang pulis ang nagpositibo sa droga sa isinagawang random surprise drug test. Sa bilang na 2,405 sumalang sa random drug test nitong Biyernes, kasama rito ang 75 matataas na opisyal mula ca PNP headquarters sa Camp Crame. Nilinaw ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, ang mga pulis na nagpositibo sa droga ay mula sa regional police …

Read More »

Koko, tiyak na magiging Senate President — Lacson

TINIYAK ng bagong halal na si Senador Panfilo Lacson na sapat ang bilang ni Senador Aquilino Pimentel III para maluklok bilang bagong Senate President sa Hulyo 25 sa pagbubukas ng Kongreso. Sa panayam ng DZBB, inilinaw ni Lacson na kahit ano ang gawing ‘pailalim na panliligaw’ ng talunang bise presidente na si Allan Peter Cayetano ay malinaw na may 17 …

Read More »

Duterte ‘di dapat makialam sa Senado — Lacson

SA mainit na labanan sa Senate Presidency sa pagitan nina Sen. Koko Pimentel at Sen. Alan Peter Cayetano, muling iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na huwag makialam sa usapin ng Senate leadership si Pangulong Rodrigo Duterte. “President Duterte should not interfere with Senate affairs,” pahayag ni Lacson. Si Lacson ay una nang nagpahayag na ang Senado ay hindi isang city …

Read More »

Paglaya ng Norwegian hostage tinatrabaho na

BACOLOD CITY – Tiniyak ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na handa siyang makipagnegosasyon sa Abu Sayyaf Group (ASG) upang mapalaya ang Norwegian hostage na si Kjartan Sekkingstad, dinukot mula sa Samal Island noong nakaraang taon. Ayon kay Sec. Dureza, may nakausap na siyang mga tao na maaaring magpaabot ng mensahe kay alyas Abu Rami na sinasabing …

Read More »

Magpinsan sugatan sa tarak ng brgy off’ls

knife saksak

SUGATAN ang magpinsan nang saksakin ng mga nagpakilalang barangay tanod at barangay kagawad makaraan makabasag ng bote ang mga biktima habang nag-iinoman sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Brian G. Camanzo, 20, helper, habang naka-confine sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang kanyang pinsan na si Jeffrey …

Read More »

IPINAKITA sa media nina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapeña, PNP Chief Director General Ronald Dela “Bato” Rosa at Anti-Illegal Drug Group chief S/Supt. Albert Ferro ang nakuhang 180 kilo ng shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P900 milyon na nahukay sa isang resort sa Cagayan Valley sa isinagawang  press-conference sa Camp Crame, Quezon City kahapon. ( ALEX MENDOZA )

Read More »

NAGSAGAWA ng surprise drug test sa mga opisyal at tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng kampanya laban sa droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. ( BONG SON )

Read More »

NASABAT ng mga operatiba ni MPD PS3 commander, Supt Jack Tuliao ang 350 gramo ng shabu mula sa suspek na si Gizelle Escarez, 28, residente ng Berberabe St., Batangas City, sa isinagawang buy-bust operation ng SAID-SOTU PS3 sa Arlegui St., Quiapo, Maynila. ( BRIAN BILASANO )

Read More »

NAGPATUPAD ng drug test sa mga kagawad ng pulisya sa Camanava area sa tanggapan ng NPD SOCO sa Caloocan City Police Headquarters. ( RIC ROLDAN )

Read More »

MPDPC 2016 OATHTAKING. Nanumpa kay Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap ang mga bagong opisyal ng MPD Press Corps (MPDPC 2016) na sina  President Mer Layson, Vice President Ludy Bermudo, Secretary Gina Mape, Treasurer Jonah Mallari Aure, Auditor Jen Calimon, at directors (mula sa kaliwa, katabi ni JSY) na sina re-elected Brian Gem Bilasano ng HATAW/Diyario Pinoy, Ali …

Read More »

PATULOY ang ipinatutupad na Oplan Tok-Hang ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni MPD Acting District Director, Senior Supt. Joel “Jigs” Coronel kasama sina MPD PS7 commander,  Supt. Alex Daniel at kanyang mga operatiba at barangay officials sa area of responsibility (AOR) sa Tondo na nagresulta sa pagsuko ng 60 tao na umaming sangkot sa ilegal na …

Read More »

Anti-poverty initiatives ng INC pasok sa Duterte admin

INIUTOS ni Executive Minister Eduardo V. Manalo nitong Linggo sa kabuuan ng simbahang Iglesia Ni Cristo (INC) na paigtingin ang mga anti-poverty initiatives at gawaing socio-civic, ilang araw matapos ang panunumpa ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, na nanawagan sa iba’t ibang sektor ng lipunan na magtulungan sa pagsusulong ng interes ng bansa. Ani INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr., …

Read More »

Rookie cop gustong patayin si Erap (Nagwala sa MPD headquarters)

NABULABOG ang Manila Police District (MPD) headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila nang magwala at mamaril ang isang bagitong pulis na nagsabing nais niyang patayin si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, kahapon ng hapon. Ilang minuto rin ang naganap na habulan bago naaresto ng mga pulis ang suspek na kinilala sa kanyang identification card na si PO1 Vincent Paul …

Read More »

FOI ipatutupad, Presidential TF vs media killings bubuuin – Palasyo

BINABALANGKAS na ng Palasyo ang isang administrative order (AO) na inaasahang tutuldok sa media killings sa bansa at isang executive order (EO) na magpapatupad ng Freedom of Information. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, ang layunin ng AO ay magtatag ng isang presidential task force para matigil ang extrajudicial killings sa mga miyembro ng media at mapanatag ang loob …

Read More »

LPA posibleng maging cyclone – PAGASA (Papasok sa PAR sa Martes)

POSIBLENG pumasok sa Martes sa Philippine area of responsibility (PAR) ang low-pressure area na maaaring mabuong tropical cyclone. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang LPA sa Pacific sa layong 1,870 kilometers east ng Mindanao. Ngunit ayon kay weather forecaster Glaiza Escullar, maliit lamang ang tsansa na tumama sa kalupaan ang weather system. Gayonman, …

Read More »

Palasyo nakipag-usap sa Abu Sayyaf (Para sa paglaya ng bihag)

INAMIN ng Palasyo ang pakikipag-dialogo sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) para sa pagpapalaya ng mga bihag ngunit hindi kasama ang isyu ng ransom. Inihayag kahapon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, isang babae na taga-Zamboanga ang naging tulay ng ASG para iparating ang mensahe na nais siyang kausapin ng isang Abu Rami. “A certain Abu Rami …

Read More »

Bautista wants to postpone, we don’t – Guanzon (Sa barangay at SK elections)

TANGING si Commission on Elections (Comelec) chief Andres Bautista lamang ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, ang may gustong i-postpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election. Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Guanzon, sa katunayan ay isinulong niya ang pag-aapruba ng budget para sa nasabing halalan na nakatakda sa Oktubre 31. Inihayag ni Guanzon, ang iba pang Comelec commissioners ay …

Read More »

‘Ninja’ group sa PNP tukoy na (Sangkot sa illegal drug trade)

ronald bato dela rosa pnp

KINOMPIRMA ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP), tukoy na nila ang mga pulis na kabilang sa tinaguriang ‘Ninja’ group na sangkot sa illegal drug trade. Ayon kay PNP Spokesperson, Senior Supt. Dionardo Carlos, ang nasabing mga pulis na miyembro ng ‘Ninja’ group ay nag-o-operate sa Metro Manila. Tinawag itong ‘Ninja Group’ dahil inire-recycle nila ang nakompiskang mga droga. Ayon …

Read More »

5 patay sa anti-drug ops sa Maynila

dead gun police

PATAY ang limang lalaki sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa isang shanty area sa Quiapo, Maynila kahapon ng umaga. Ayon kay Chief Inspector Michael Garcia ng Manila Police District Station 3, naganap ang palitan ng putok sa bahagi ng Arlegui St., sa Quiapo. Pahayag ni Garcia,  nakakompiska ang mga pulis ng isang …

Read More »

Death penalty isinulong ni Lacson

dead prison

NAGHAIN si Sen. Panfilo Lacson ng panukala na naglalayong parusahan ng kamatayan ang sino mang masasangkot sa heinous crimes. Sinabi ni Lacson, panahon na para muling ipatupad ang RA 7659 o ang Death Penalty Law. Kasunod ito sa mabilis na pagtaas ng kasuklam-suklam na krimen na aniya’y nakaaalarma na. Kaakibat daw kasi nang paglobo ng heinous crimes ang pagtaas din …

Read More »

18 Vietnamese nahuli sa illegal fishing, nakatakas

TUGUEGARAO CITY – Nakatakas ang 18 Vietnamese na nahuling ilegal na nangingisda sa Calayan island, Cagayan. Sa impormasyong nakalap, nakatakas ang nasabing foreign poachers habang nasa kustodiya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Port Irene sa Brgy. Casambalangan, Sta. Ana, Cagayan. Napag-alaman, pasado 10:00 pm nitong Huwebes nang tumakas ang mga mangingisdang Vietnamese gamit ang kanilang fishing vessel. Nagsasagawa nang …

Read More »

300 pamilya nasunugan sa Parañaque

NAWALAN ng tirahan ang 300 pamilya sa naganap na sunog sa Brgy. Moonwalk, Parañaque City nitong Sabado ng gabi. Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 10:30 pm nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Linda Dejumo. Mabilis na kumalat ang apoy dahilan para itaas ang alarma sa Task Force Alpha makalipas ang isang oras. Bagama’t …

Read More »

‘Chinese drug lord’ itinumba sa Tondo

gun dead

NATAGPUANG patay ang isang hindi nakilalang ‘Chinese drug lord’ sa IBP Road kanto ng Road 10, Brgy. 20, Zone 2, District 1, Tondo, Maynila dakong 3 a.m. kamakalawa. Ayon sa ulat ni Francisco Gaban, barangay tanod, isang lalaking concerned citizen ang nakakita sa hindi nakilalang biktimang 25 hanggang 30-anyos, habang nakadapa at wala nang buhay sa nasabing lugar. Sa bangkay …

Read More »