Wednesday , October 4 2023

Globe at Unionbank sanib-puwersa vs climate change

LUMAGDA ang UnionBank of the Philippines sa isang Memorandum of Agreement (MoA) sa Globe Telecom kaugnay sa Project 1 Phone (P1P) e-waste recycling program kasabay ng turnover ng 11,223.45 kilo ng iba’t ibang electronic waste  mula sa kanilang main office sa  Metro Manila at mga sangay sa buong bansa.

Ang paglagda sa kasunduan at  e-waste turnover  ay pinangunahan ni  UnionBank’s First Vice President Montano Dimapilis. Ito ay tugon sa P1P campaign  na sinimulan ng  Globe Business  sa kanilang mga kliyente  upang  makahimok ng donasyon mula sa mga tao at ng mga kompanya ng e-waste katulad ng mga sira at hindi na gumaganang tablets;  battery ng mga cellphone, mga charger, at accessories; printers, cartridges, at personal computers, at iba pang  electronic items.

Kasama sa kasunduan ang pagkilos ng UnionBank upang mangalap ng lahat ng e-waste mula sa kanilang  main office, lahat ng sangay ng UnionBank sa buong bansa, at  mga empleyado na kokolektahin ng Globe at  ipadadala sa kanilang  accredited partner na Total Environment Solutions Asset Material Management (TES-AMM) Philippines  para sa  recycling.

Ang mga kikitain dito ay mapupunta sa adbokasiya ng Globe Telecom na pagtatayo ng ICT classrooms  para sa  mga estudyante at guro at magkakaloob ng tamang pagsasanay  sa pamamagitan ng   Global Filipino Schools program.

“This partnership with Globe is a testimony of UnionBank’s collaborative approach in its sustainability endeavors. The Bank believes that everyone has a role to play in sustainability — and by supporting recycling programs such as this, a sustainable lifestyle is made accessible to everyone,” wika ni Dimapilis.

Sinabi ni Dion Asencio, Globe Vice President for Enterprise Sales: “Apart from adopting environmental sustainability efforts in our own organization, Globe Business is taking it a step further by making it possible for our enterprise customers to be involved in saving the environment integral to their corporate sustainability thrusts. That is why we are very thankful to UnionBank for the partnership opportunity through P1P.”

Bilang suporta rin ito sa United Nations Sustainable Development Goal 13 na nananawagan sa bawat isa na “kumilos upang malabanan ang climate change at ang mga epekto nito.”

Sa kawalan ng tamang tapunan para sa e-waste, ang mga basurang electronic items, kadalasang napupunta sa mga landfill, na ang mga lason ay nasisipsip ng lupa at nahahalo sa potable water, at napapakawalan din sa himpapawid, na nakapag-aambag sa global warming.

Ang Globe Business ay nangunguna sa paghimok sa mga negosyo na gawin ang kanilang parte para mabawasan ang environmental impact ng e-waste at malabanan ang mapanganib na epekto nito sa kalusugan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong korporasyon sa pagpapatupad ng P1P.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan

   Bulacan, umangat sa ikawalong pwesto bilang Most Competitive Province

Bilang patunay sa pagsisikap nito tungo sa pag-unlad at dedikasyon sa mabuting pamamahala, umangat ang …

Ramon S ANG RSA San Miguel SMC Honey Lacuna

SMC 133rd  anniversary:
SMC opens its largest community center in former Smokey Mountain dumpsite; pledges P500 million to build more schools

Marking its 133rd anniversary, San Miguel Corporation (SMC), through its San Miguel Foundation (SMF), has …

PNP PRO3

Miyembro ng Sputnik Gang tiklo sa Php750k halaga ng iligal na droga 

Isang miyembro ng notoryus na gang ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation …

Bulacan Police PNP

  Siyam na law breakers sa Bulacan arestado

Sa magkakasunod na operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa ay nagresulta sa pagkaaresto ng siyam …

Benny Abante

Insentibo sa senior citizens
P1-M SA EDAD 101 ANYOS, KATUMBAS NA LIBO-LIBO SA EDAD 70, 80, 90 ANYOS
Isinusulong ni Abante

KAPAG tuluyan nang lumusot sa Kamara De Representantes ang panukalang batas ni Manila 6th District …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *