Tuesday , November 29 2022

P.7-M koleksiyon tinangay ng tandem

TINANGAY ng hindi nakilalang riding-in-tandem na holdaper ang malaking halaga ng salapi sa tatlong kawani ng isang establisiyemento sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, habang sakay ng isang L-300 van (TGQ-791) patungo sa kanilang tanggapan sina Jhonny Eugenio, Danilo Bustamante at Dominic Llena makaraan kolektahin ang P700,000 cash sa mga kliyente ng kanilang kompanyang Tindahang Pinoy Commo-dities Inc., sa 2 Dalisay St., Serrano Subdivision, Marulas, Valenzuela City, nang harangin sila ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo, dakong 2:45 pm sa Little Tagaytay St., Brgy. Marulas.

Bumaba ang nakaangkas sa motorsiklo at tinutukan ng baril sina Bustamante at Llena na kapwa nakaupo sa harapan, habang ang driver ng motorsiklo ay nagtungo sa nagmamanehong si Eugenio at nagdeklara ng hol-dap.

Puwersahang kinuha ng mga suspek ang dalang bag nina Bustamante at Llena na naglalaman ng koleksiyon bago sumakay sa kanilang Yamaha Mio na walang plaka at tumakas patungo sa hindi batid na direksi-yon.

Humingi ng tulong ang mga biktima sa mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 3, na agad nagsagawa ng follow-up operation ngunit hindi inabutan ang mga holdaper.

Samantala, inaalam ng pulis-ya kung may naganap na “inside job” sa insidente lalo’t batid ng mga suspek na may dalang malaking halaga ng koleksiyon ang tatlong kawani.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Placente

Check Also

shabu drug arrest

P.8-M shabu sa Vale
HIGH VALUE INDIVIDUAL, KALABOSO

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki na listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhaan …

Navotas Greenzone Park

Navotas Greenzone Park binuksan

PINANGUNAHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Metropolitan …

Arrest Posas Handcuff

Rank 10 MWP ng PRO8, huli ng NPD

ARESTADO  ang isang lalaki na nakatala bilang rank 10 most wanted person (MWP) sa kasong …

congress kamara

 “Caregivers Welfare Act” pasado sa Kamara

SA BOTONG 271, inaprobahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 227 …

Quezon City QC

QMC idineklarang child labor-free zone — Belmonte

KASABAY nang pagdiriwang ng National Children’s Month, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City …

Leave a Reply