NAIS ng Department of Education (DepEd) na isama ang alternative learning system (ALS) sa rehabilitation program ng gobyerno para sa drug users. Umaasa si DepEd Secretary Leonor Briones na maiaalok ang ALS sa kabataang drug users na nasa rehabilitation centers at sa mga sumuko sa mga awtoridad. Napag-alaman, hiningi na ng DepEd ang listahan ng school-age drug dependents mula sa …
Read More »Masonry Layout
Guidelines sa Oplan Tokhang ilalabas
MAGLALABAS ng guidelines ang Dangerous Drug Board (DDB) kaugnay sa patuloy na isinasagawang “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP). Ito ay bilang proteksiyon sa sumusukong drug pushers at users. Sinabi ni DDB chair Felipe Rojas Jr., isa sa naiisip nilang paraan ang posibleng paglalagay ng mga abogado para lubusang maintindihan ng drug pushers ang ginagawa nilang pagsuko. Dagdag ni …
Read More »Banta sa oligarch: ‘Umayos o patayin ko kayo’ – Duterte
IPINABUBUWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aniya’y “oligarchs” o malalaking negosyanteng financier ng ilang politiko sa bansa. Sinabi ni Pangulong Duterte, kabilang na rito si Roberto Ongpin na sangkot sa malaking operasyon ng online gambling at namamayagpag mula pa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kasabay nito, muling nagbabala si Pangulong Duterte sa ibang “oligarchs” na tapusin na ang …
Read More »Lider, 2 miyembro ng drug group utas sa parak (Sa Plaridel, Bulacan)
PATAY sa mga pulis ang lider at dalawang miyembro ng Jerax Desiderio drug group sa Plaridel, Bulacan nitong Miyerkoles ng gabi. Sinasabing lumaban sa gitna ng buy-bust operation sa Brgy. Banga 1 ang mga miyembro ng naturang mid-level drug group. Dakong 11:00 pm nang makipagkita ang poseur buyer sa tatlong suspek para sa 200 gramo ng shabu. Ngunit nang mapansing …
Read More »Tulak pinatay sa loob ng bahay
PINASOK ng hindi nakilalang mga lalaki ang bahay ng isang hinihinalang drug pusher at siya ay pinagbabaril sa Pandacan, Maynila kahapon ng madaling-araw. Wala nang buhay nang matagpuan sa kanilang bahay ang biktimang si Terry Cayuvit, 34, walang hanapbuhay, miyembro ng Bahala na Gang, at residente ng 2828 Beata Street, Pandacan, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, …
Read More »Lola dedbol sa bundol ng taxi
PATAY ang isang 60-anyos lola makaraan masagasaan ng isang rumaragasang taxi habang tumatawid sa EDSA kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Ayon kay SPO2 Fernan Romero, ang biktimang hindi pa nakikilala ay isinugod ng Caloocan Rescue Team sa Caloocan City Medical Center ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Batay sa ulat ni Romero, dakong 4:00 am nang …
Read More »Binatilyo sinaksak sa harap ng nobya
MALUBHANG nasugatan ang isang 18-anyos out of school youth (OSY) makaraan pagtulungan saksakin sa harap ng mismo ng kanyang kasintahan ng tatlong nangursunadang mga suspek sa Navotas City kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Markphil Cruz, ng #49 Ignacio St., Bacog, Tabing Dagat, Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod. Habang nakapiit sa detention cell ng …
Read More »KINILALA ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pangunguna ng Tagapangulo at Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario ang tatlong tagapagpanayam sa larang ng enhenyeriya, medisina at ekonomiks na sina Engr. Federico Monsada, Dr. Luis Gatmaitan at Dr. Tereso S. Tullao Jr., sa Pambansang Kongreso 2016 na ginanap sa Teacher’s Camp, Baguio City. (Mga kuhang larawan ni GLORIA …
Read More »Wikang Filipino sa reseta, medisina at bilang panturo sa mga bata
NAGBIGAY ng tips ang premyadong manunulat at doktor na si Dr. Luis P. Gatmaitan sa mga dumalo sa ikalawang araw ng Pambansang Kongreso 2016 na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Teachers’ Camp, Lungsod Baguio, kahapon. Sa 45-minutong panayam ni Gatmaitan, tinalakay niya ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng siyentipiko at medikal na konsepto hindi lamang …
Read More »Ekonomiks sa Filipino patuloy na isinusulong ni Dr. Tereso Tullao
BAGUIO CITY – Hinikayat ng Bayani ng Wika awardee at ekonomistang si Dr. Tereso S. Tullao Jr., ang mga kapwa-ekonomista, guro, mananaliksik, at Filipino na makiisa sa intelektuwalisasyon ng Filipino sa larang ng ekonomiks. Isa si Dr. Tullao sa mga nagsalita sa ikalawang araw ng Pambansang Kongreso 2016, na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa intelektuwalisasyon ng …
Read More »6 tauhan ni Mayor Espinosa utas sa shootout (30 minutong barilan)
TACLOBAN CITY – Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng anim na napatay kasunod nang nangyaring enkwentro kahapon ng madaling araw sa bahay ni Mayor Ronaldo Espinosa sa Brgy. Benolho, Albuera, Leyte. Sa paliwanag ni Senior Supt. Franco Simborio ng Leyte Provincial Police Office (LPPO), nagpapatrolya ang mga pulis sa paligid ng bahay ng mga Espinosa nang biglang …
Read More »Local officials sa drug trade tukoy na ng PNP
TUKOY na ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga lokal na opisyal sa likod ng malalaking operasyon ng ilegal na droga sa bansa. Ayon kay Dela Rosa, ipinakita na sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang cabinet meeting sa Malacañang ang sinasabing listahan ng local chief executives na nagsisilbing protektor ng drug lords at sangkot …
Read More »Pambansang Kongreso Inilunsad ng KWF (Tungo sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino)
BAGUIO CITY – Dinaluhan ng mahigit 500 delegado mula sa akademya at iba’t ibang ahensiya ng paamahalaan mula Luzon, Visayas at Mindanao, ang panimulang gawain ng tatlong-araw na Pambansang Kongreso 2016 sa Teachers’ Camp, Baguio City kahapon. Pinangunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), katuwang ang Sentro ng Wika at Kultura (SWAK), ang komperensiya mula 3-5 ng Agosto, na may …
Read More »Operasyon ng Mexican drug cartel nasa PH na — Duterte
KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, nasa Filipinas ang operasyon Mexican drug cartel na Sinaloa, ang pinakamapanganib at pinakamakapangyarihang sindikato ng illegal drugs a buong mundo. Sa kanyang talumpati sa courtesy call ng mga kasapi ng Parish pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), inilahad ni Duterte kung gaano na kalala ang problema sa illegal drugs sa bansa kaya naglulunsad ang kanyang …
Read More »160 preso sa Bilibid ililipat sa isla ng Cavite — BuCOr
PINAG-AARALAN ng Bureau of Corrections (BuCor) na ilipat sa isang isla sa lalawigan ng Cavite ang 160 preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Kahapon ay nagsagawa nang pagbisita at inspeksiyon ang pamunuan ng BuCor sa pamumuno ni Major General Alexander Balutan, sa Caballo Island sa lalawigan ng Cavite na balak paglipatan sa 160 preso mula sa Minimum …
Read More »Divorce bill inihain muli sa Kamara
MULING inihain ng Gabriela party-list sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magsasalegal ng diborsiyo sa Filipinas. Ito ang kanilang ika-limang beses na paghahain sa Kamara ng nasabing panukalang batas. Iginiit nina representatives Emmi de Jesus at Arlene Brosas, long overdue na ang diborsiyo sa bansa. Ayon kay De Jesus, nararapat lang kilalanin din ang karapatang mag-diborsiyo dahil …
Read More »Filipinas ‘di Pilipinas – Almario (Ituwid ang kasaysayan)
BAGUIO CITY – Walang binabago sa baybay ng Filipinas kundi ibinabalik ang dati at sinusunod ang batas na ginawa noong 1987 sa bagong alpabetong Filipino. Ito ang buod ng pahayag ng Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at pambansang alagad ng sining na si Ginoong Virgilio Almario, bilang paglilinaw sa sinasabing pagbabago ng spelling ng ‘Filipinas’ sa pagbubukas ng …
Read More »Anak ng sundalo, libre sa edukasyon — Duterte
IPINANGAKO ni Pangulong Rodrigo Duterte na libre na ang edukasyon para sa mga anak ng mga sundalo. Ito man lang aniya ay magawa ng gobyerno para tapatan o kilalanin ang sakripisyo ng mga sundalo sa pagbabantay sa seguridad ng mamamayan. Samantala, aprubado na ni Pangulong Duterte ang paglalaan ng P30 bilyon para sa modernisasyon ng V. Luna General Hospital (AFP …
Read More »Oligarch nais wakasan ni Digong
NAIS nang mawakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamayagpag nang tinawag niyang mga oligarch sa bansa o ‘yung iilang makapangyarihan dahil sa pera o impluwesya na nagmamanipula sa takbo ng gobyerno o ng ekonomiya. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga opisyal ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nag-courtesy call sa Palasyo ay pinangalanan ng Pangulo ang …
Read More »P5.5-M buto at tanim na marijuana isinuko
BUTUAN CITY – Isasailalim sa chemistry test ng Philippine National Police-Crime Laboratory-13 ang nai-turnover na mga buto at tanim na marijuana sa Lungsod ng Loreto, Agusan del Sur. Kinilala ni Senior Insp. Aldrin Salinas, hepe ng Loreto Municipal Police Station, ang drug surrenderee na si Roberto Manlumisyon alyas Popoy, 49-anyos, residente ng Sitio Mactan, Brgy. Kasapa, sa nasabing lungsod. Bitbit …
Read More »NPA may drug rehab sa Davao Oriental
PINURI ng isang prisoner of war (POW) ng New People’s Army (NPA) na opisyal ng Philippine National Police (PNP), ang minamantineng drug rehabilitation sa loob ng kampo ng mga rebelde sa Davao Oriental. Sa isang video message na inilabas ng National Democratic Front (NDF), inilarawan ni Governor Generoso, Davao Oriental chief of police Arnold Ongachen, na isa nang POW, ang …
Read More »Probe vs extra-judicial killings OK sa Palasyo
WALANG balak ang Malacañang maging si Pangulong Rodrigo Duterte, na patulan pa si Sen. Leila de Lima. Magugunitang sa privilege speech ni De Lima sa Senado, isinulong niya ang imbestigasyon sa extra-judicial killings sa sinasabing drug personalities at tahasang isinisisi sa Duterte administration. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang nila ang karapatan ni De Lima at pagiging independent ng …
Read More »Mandatory ROTC ‘wag ikabahala — Palasyo
PINAWI ng Palasyo ang pagkabahala ng publiko kaugnay sa balak ng Duterte administration na ibalik ang Reserved Officers Training Corps (ROTC) bilang mandatory sa lahat ng lalaking nasa kolehiyo. Magugunitang nababahala ang mga kritiko lalo ang Kabataan Party-list sa posibleng paglabag o pag-abuso sa ROTC cadets gaya ng torture o hazing gaya nang naganap noong 2001. Sinabi ni Presidential Spokesman …
Read More »500,000 drug suspects sumuko mula Hulyo 1
UMABOT sa mahigit 500,000 ang boluntaryong sumukong drug users at pushers sa buong bansa mula nang umupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay batay sa data ng PNP mula Hulyo 1 hanggang Agosto 2 ng taon kasalukuyan. Ayon sa PNP kabuuang 565,806 ang sumurender na drug personalities. Batay sa tala ng pulisya, nasa 5,418 ang naarestong drug suspects. …
Read More »16 arestado sa anti-drug ops
ARESTADO ng pulisya ang 16 kataong pawang sangkot sa droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Taguig City, Las Piñas City at Muntinlupa City nitong Martes ng gabi. Sa ulat kay Taguig City Police chief, Sr. Supt. Allen Ocden, sampu kataong sangkot sa droga ang naaresto ng kanyang mga tauhan na kinilalang sina Jomar Macapigis, 23; Rolando Riposo, 34; Amor Duma, …
Read More »