NAGKILOS-PROTESTA ang mga residente ng Barangay 105 Happy Land, Tondo, Maynila sa harapan ng Manila City Hall upang manawagan na tuluyan nang palayasin ang tambakan ng nakakalasong coaldust stockpile sa warehouse ng Rock Energy Corporations sa kanilang lugar sa Tondo, Maynila. ( BONG SON )
Read More »Masonry Layout
Abu sayyaf kakainin nang hilaw ni Digong (Sisingilin sa Davao bombing)
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang kilawin ang mga miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) para makapaghiganti sa inihahasik na karahasan sa bansa. “Alam mo kaya kong kumain ng tao. Talagang buksan ko ‘yang katawan mo, bigyan mo ako, suka’t asin, kakainin kita. Oo, totoo. You, pagalitin mo akong talagang sasagad na, kaya kong kumain ng tao …
Read More »Gambling politicians next target ng PNP — Bato
KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, inalok siya ng malaking halaga ng pera ng ilang gambling lords ngunit kanya itong tinanggihan dahil alam niyang malaki ang kapalit dito. Sinabi ni Dela Rosa, sa sandaling mag-umpisa na ang kanilang kampanya laban sa illegal gambling, wala siyang pakialam kung sino ang masagasaan. Ayon kay Dela Rosa, susunod nilang pagtutuunan …
Read More »Pulong kay Duterte kinansela ni Obama
INIANUNSIYO ng White House kahapon ang pagkansela nang nakatakdang pulong ni US President Barack Obama kay Pangulong Rodrigo Durtete kasabay ng ASEAN Summit sa bansang Laos. Ang hakbang ni Obama ay makaraan makarating sa kanya ang matinding pagtuligsa ni Duterte bago umalis ng Davao International airport kamakalawa ng hapon. Kinompirma ni US National Security Council spokesman Ned Price, wala nang …
Read More »Sagot sa reporter ‘di personal attack kay Obama (Anti-US statement)
HINDI personal attack kay US President Baral Obama ang maaanghang na salitang binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Amerika na nagresulta sa kanselas-yon ng bilateral meeting ng dalawang pangulo. Sa kalatas na binasa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa media bago magsimula ang ASEAN Leaders’ Summit sa Vientiane, Laos, sinabi niyang walang interes si Pangulong Duterte na personal na …
Read More »Duterte bibisita sa Japan
TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paanyaya ni Prime Minister Shinzo Abe na bumisita siya sa Japan, sa kanilang bilateral meeting sa sideline ng 28th ASEAN Summit sa Vientiane, Laos kahapon. Binigyan-diin ni Duterte, ang Japan ay “old friend and pre-eminent partner” ng Filipinas. “Japan is an old friend and a pre-eminent partner of the Philippines. The two countries are …
Read More »Contractor, sub-con bawal sa job fair
BAWAL nang sumali sa ano mang job fair na pangangasiwaan ng Department of Labor and Employment (DoLE), ang mga contractor at sub-contractor. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, layon ng hakbang na mabawasan ang endo at labor-only contract ngayong 2016, at para tulu-yan nang masawata sa 2017. Ito ay dahil karamihan ng illegitimate contractualization o endo ay nangyayari sa …
Read More »Basura ibabalik sa Canada
NAPAGKASUNDUAN ng inter-agency committee na binubuo ng Bureau of Customs, DFA, DENR at DoJ na ipadala pabalik sa Ca-nada ang tone-toneladang basurang inimport ng Chronic Plastics Inc. noong 2013. Sa pahayag ng BoC, bukod sa port congestion, lubhang peligroso sa kalusugan ang mga basura at ginagastusan ng gobyerno ang pag-iimbak. Nasa limampung 40-footer container vans ang tatlong taon nang nakaimbak …
Read More »WPD alertado
MAS lalong pinaigting ng Manila Police District (MPD) ang ipinatutupad na ‘police visibility’ sa vital installations sa lungsod ng Maynila. Ayon kay MPD Director, Senior Supt. Joel Napoleon Coronel, ito ay bilang pagtugon sa “state of lawless violence” na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa. Aniya, kabilang sa mga lugar na mahigpit ni-yang pinababantayan ang paligid ng Malacaiñang, …
Read More »Sept. 12 Eid’l Adha regular holiday
IDINEKLARA ng Malacañang na isang regular holiday ang Setyembre 12, araw ng Lunes. Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 56, nagdedeklarang holiday ang Setyembre 12, bago tumulak ng Laos para dumalo sa ASEAN Summit kamakalawa. Ito ay bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa selebrasyon ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice. Ang Eid’l Adha ay ikalawang …
Read More »P1.5-M shabu nakompiska sa Lucena, Cavite
NAGA CITY – Nakompiska ng mga awtoridad ang halos P1.5 milyon halaga ng shabu sa inilunsad na anti-illegal drug operations sa Lungsod ng Lucena at Cavite kamakalawa. Napag-alaman, inilunsad ang operasyon sa Brgy. Ila-yang Iyam sa Lucena City at nadakip ang dalawang babaeng mga suspek na si Liera Silverio at ang negos-yanteng si Rhodora Ilao. Nakompiska sa kanila ang 300 …
Read More »3 patay, 15 arestado sa pot session
CAMP OLIVAS, San Fernando City – Tatlo ang patay habang 15 na hinihinalang adik ang arestado sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad sa nabanggit na lungsod. Agad binawian ng buhay sa operasyon ang mga suspek na sina Orlan Pama, alyas Ninoy; Danny Latid, alyas kambal, at Joseph Jay Caasi, alyas Jay, pawang residente sa San Miguel Compound, Quebiawan, …
Read More »16 Zambo-LGU employees positibo sa drug test
ZAMBOANGA CITY – Umabot sa 16 empleyado ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City, ang naging positibo sa drug testing. Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management officer Dr. Elmier Apolinario, ang resulta ay base sa initial findings ng random drug testing sa mga empleyado ng lungsod. Inihayag ni Apolinario, napag-alaman niyang mayroon sa nasabing bilang ang boluntaryong nagbitiw sa …
Read More »Murder vs Tanto inihain
PINAKAKASUHAN ng murder ng DoJ ang road rage suspect na si Vhon Martin Tanto. Sa walong pahinang resolusyon na pirmado nina Prosecutor General Claro Arellano at Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, kasong murder at serious physical injury ang nakatakdang isampang kaso laban kay Tanto. Si Tanto ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde at …
Read More »Galit sa US, lap dogs inilabas ni Digong
HINDI ako tuta ng Amerika. Ito ang binigyan-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press briefing kahapon sa Davao International Airport bago siya tumulak patungong Laos para dumalo sa ASEAN Summit. Inaasahan na isa sa makahaharap ni Duterte sa bilateral talks si US President Barack Obama sa sideline ng ASEAN Summit. Sinabi ni Duterte, wala siyang pakialam kay Obama at hindi …
Read More »Mersenaryo tutugis sa Abu Sayyaf
DAVAO CITY – Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-hire ng “mercenaries” na tutugis sa Abu Sayyaf group (ASG). Una nang tinukoy na ang nasabing grupo ang siyang suspek sa pagpapasabog sa night market sa Roxas Boulevard sa lungsod. Sa nangyaring pagpupulong ng pangulo sa kanyang cabinet at national security officials, muling nanindigan ang punong ehekutibo na kanyang pupulbusin ang …
Read More »P2-M patong sa ulo ng Davao bombers (4 suspek tukoy na)
DAVAO CITY – Nagpalabas ng P2 milyon reward money ang pamahalaang lungsod ng Davao para sa mga taong makapagtuturo sa mga suspek na nagtanim ng improvised explosive device (IED) sa Roxas Night Market sa Roxas Avenue, Davao City. Mismong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang nagpahayag na kumuha siya sa pondo ng pamahalaang lungsod . Aniya, isang milyong …
Read More »Sabwatan ng drug lord at ASG posible — Bato
HINDI pa rin isinasantabi ng Philippine National Police (PNP) ang anggulo na posibleng nagsabwatan ang mga drug lord at Abu Sayyaf Group (ASG) sa pagpapasabog sa Davao City nitong Biyernes. Ayon kay PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, kung ang Abu Sayyaf ay kayang mang-hostage para makakuha ng pera ay kaya rin nilang magsagawa nang pagpapasabog para magkaroon ng …
Read More »8-mm mortar IED ginamit sa Davao bombing
ISANG improvized explosive device (IED) na ginawa mula sa 8-mm mortar shell ang ginamit sa Davao City bombing nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 2, ayon kay Armed Forces of the Philippines public affairs office (AFP-PAO) chief Col. Edgard Arevalo sa Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila. “Under investigation pa ito at dumaraan sa forensic analysis ng ating experts pero …
Read More »SLV nilagdaan ni Duterte (Sa bisperas ng ASEAN Summit)
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation on State of National Emergency on Account of Lawless violence bago siya umalis patungong Laos para dumalo sa ASEAN Summit. Sa press briefing sa Palasyo kagabi, sinabi ni Communications Assistant Secretary Kris Ablan, ang natu-rang proklamasyon ay alinsunod sa kapangyarihan ng isang Punong Ehekutibo base sa 1987 Constitution. Aniya, layunin nito na sugpuin …
Read More »Desisyon ni Widodo handang tanggapin ni Duterte (Sa kaso ni Mary Jane Veloso)
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, mamamagitan siya sa kaso ni Mary Jane Veloso, nasa death row sa Indonesia, ngunit idinagdag na handa siyang tanggapin ano man ang maging desisyon sa magiging kapalaran ng Filipina. Sa press briefing sa Davao City kahapon bago umalis patungong Laos para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Duterte, makikipagpulong siya …
Read More »LTO, LTFRB, MMDA, LGUs out sa traffic (Sa emergency powers ni Digong)
TULUYAN nang mabubuwag ang kapangyarihan ng LTO, LTFRB, MMDA at maging ng local government units (LGUs) sa pamamahala ng trapiko oras na umiral ang emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang ilan lamang sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) sa komite ng Senado para maibsan ang malalang lagay ng trapiko sa mga lansangan ng Metro Manila at iba …
Read More »35,000 doktor kailangan sa PH
KAILANGAN ng 35,000 dagdag na doktor sa buong Filipinas para magaya ang healthcare system ng Cuba. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial, target ng administrasyong Duterte na magkaroon ng isang doktor sa bawat limang barangay. Kung hindi man aniya makakamit ito kaagad, balak muna ng Department of Health (DoH) na maglagay ng isang nurse …
Read More »Naiwang bag ikinaalarma sa NAIA
BINULABOG ng naiwang bag ang Gate 3 departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 na naging dahilan para maabala ang mga pasaherong nakapila roon kahapon. Sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA), natagpuan ni security guard Ralph Basubas ang bag malapit sa Gate 3 na agad nitong ipinaalerto bilang precautionary measure. Ilang pasahero na hindi naintindihan …
Read More »2-anyos hostage nasagip (Sa bus sa Albay)
LEGAZPI CITY – Makaraan ang mahigit walong oras, nailigtas na sa kapahamakan ang 2-anyos paslit na binihag ng isang hostage taker sa Ilaor, Oas, Albay kahapon. Ito ay kasunod ng negosasyon ng Special Weapons And Tactics team, Oas Police Station at Police Regional Office-5 na pinamunuan ni Regional Director Chief Supt. Melvin Buenafe Dakong 8:30 am nang maibalik sa kanyang …
Read More »