Friday , July 26 2024

Tribal leader patay sa NPA (Sa Davao del Norte)

BINAWIAN ng buhay ang tribal leader ng Ata Manobo na si Datu Benandaw Maugan ma­ka­raan pagbabarilin ng sinabing mga miyembro ng New People’s Army sa Purok Luno-luno, Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao Del Norte, nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa pamangkin ng biktima na si Jason, galing sa bukid ang kaniyang tiyuhin at nang makauwi sa kanilang bahay ay ipinatawag siya ng umano’y miyembro ng NPA.

“Dili unta siya sugtan sa asawa peru niadto siya kay wala man daw siya sala, (‘Di sana siya papuntahin ng kaniyang asawa pero pumunta pa rin siya dahil sabi niya wala siyang kasalanan),” ani Jason.

Sa imbestigasyon ng Kapalong Police, 60 armadong NPA ang nasa kanilang lugar, at lima sa kanila ang sinabing bumaril sa biktima.

Sinasabing nakilala ng pamilya Maugan ang dalawa sa bumaril kay Datu.

“Sumala sa pamilya kini sa Datu Benandaw Maugan is allegedly naga-support sa mga sundalo mao ng apil daw siya sa listahan nga kuha-onon sa NPA,” ayon kay SPO3 Frederick Hapitan.

(Ayon sa pamilya, ito si Datu Benandaw Maugan is allegedly nagsusuporta sa mga sundalo, kaya kasali umano siya sa listahan na kukunin ng mga NPA.)

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *