Friday , October 4 2024

Angkas na bagets bawal sa Makati

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng lungsod ng Makati ang mag-angkas sa harap at likod ng motorsiklo at tricycle ng mga menor de edad sa kabila ng kasalukuyang ipinaiiral ng Department of Transportation (DOTr) na ganitong uri ng batas trapiko.

Base sa aprobadong Ordinance No. 2017-135, mahigpit na ipinatutupad sa siyudad ang “Children’s Safety in Tricycles and Motorcycles Ordinance.”

Nakasaad sa ordinansa, na papayagan mag-angkas ng menor de edad kapag sumunod sa ilang kondisiyon tulad ng dapat ang paa ng bata ay komportableng nasa foot peg ng motorsiklo, nakayakap ang angkas na bata sa baywang ng driver at dapat nakasuot ng standard protective helmet ang bata base sa nakasaad sa  Philippine Standard (PS) o  Import Commodity Clearance (ICC).

Hindi lamang sa major thoroughfare ito ipinagbabawal, maging sa mga kalsada at eskinita ay bawal mag-angkas ng menor de edad sa motorsiklo.

Papatawan sa unang paglabag ng multang P2,000; P3,000 multa sa ikalawang paglabag, at P5,000 multa at pagkakakulong nang maximum sa anim buwan sa ikatlong paglabag.

Ipinaiiral sa kasalukuyan ng DOTr ang naturang batas trapiko sa buong bansa ngunit hindi ito sinusunod at maraming motorista ang lumalabag.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Converge Brgy S2S-Cebu, Matagumpay Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Brgy S2S – Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *