Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Ama pinugutan, tsinaptsap ng anak (Ayaw pumayag sa kasal)

knife saksak

ROXAS CITY – Nagsisisi ang suspek na responsable sa pagpugot sa ulo at pagtsap-tsap sa katawan ng kanyang ama sa Brgy. Agcagay, Jamindan, Capiz. Sinabi ni Nick Ocate, nasa tamang katinuan siya nang nangyari ang krimen at dumilim lamang ang kanyang paningin nang hindi pumayag ang kanyang mga magulang na magpakasal siya sa kanyang kasintahan dahil magkaiba ang kanilang relihiyon. …

Read More »

200 empleyado nagprotesta vs Araneta’s pizza company

NAGPROTESTA ang 200 dating manggagawa ng Pizza Hut sa main office ng kompanya sa Isetann Department Store sa Cubao, Quezon City at isinisigaw na dapat silang ibalik sa trabaho. Dakong 11:00 am nang magmartsa ang grupo sa Araneta Center nang tangkain silang harangin ng mga guwardiya at mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kaya nagkaroon nang balyahan at …

Read More »

6 drug suspect utas sa Maynila

shabu drugs dead

ANIM katao na hinihinalang sangkot sa droga ang namatay sa loob ng pitong oras sa magkakahiwalay na insidente sa Maynila kamakalawa. Kinilala ang unang napatay na si Nora Lintag, 42, vendor, binaril ng dalawang hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo habang nakikipag-inoman sa Port Area, Maynila. Kasunod na namatay ang isang 23-anyos pedicab driver na si Asrap Dalanda makaraan barilin …

Read More »

Bagyong Ferdie magiging supertyphoon — PAGASA

ITINAAS ang tropical cyclone warning signal number 4 sa lalawigan ng Batanes habang lumalapit ang sentro ng bagyong Ferdie. Ayon sa Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 285 kilometers (kms) east ng southeast ng Basco, Batanes. Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 215 kph malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa …

Read More »

6 pasahero ng PAL naospital sa air turbulence

plane Control Tower

  ANIM na pasahero ang dinala sa ospital makaraang makaranas ng clear air turbulence dakong 6:21 am kahapon ang Philippine Airlines flight PR1103 mula Los Angeles habang papalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa report, tumawag sa Manila Control Tower ang flight PR1103 para impormahan na nangangailangan ng medical assistance ang ilang katao sa naturang eroplano. Ligtas na nakalapag …

Read More »

Yankees go home (Sibilyan o US troops) — Duterte

PINALALAYAS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng Amerikano sa Mindanao, kasama ang US troops, upang ‘patayin’ ang negosyong kidnap-for-ransom ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG). Sa kanyang talum-pati sa mass oathtaking sa mga bagong talagang opisyal ng gobyerno, si-nabi ni Pangulong Duterte, hindi lang niya nasabi kay US President Barack Obama sa East Asia Summit sa Laos, na kailangan …

Read More »

Celebrity doctor tinutugis ng NBI, PNP sa rape case

rape

INATASAN ng korte ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na dakpin ang isang kilalang beauty surgeon ng kilalang mga celebrity dahil sa kinakaharap na kasong kriminal. Sa ipinalabas na alias warrant of arrest ni Judge  Imelda Porte-Saulog ng Mandaluyong City RTC Branch 214, bukod sa NBI ay pinakikilos din ang Criminal Investigation and Detection Group …

Read More »

Utol ng aktres miyembro ng drug syndicate

TINIYAK ng awtoridad na miyembro ng malaking sindikato at dati nang naaresto sa pagtutulak ng shabu ang kapatid ni Maritoni Fernandez, na pinaslang ng hindi nakilalang mga suspek nitong Linggo, ayon sa Quezon City Police District (QCPD). Sinabi ni QCPD chief, Senior Supt. Guillermo Eleazar, natimbog ang biktimang si Ma. Aurora Moynihan at pitong iba pa sa isang buy-bust operation …

Read More »

Narco-celebrities tinitiktikan — QCPD

MINAMANMANAN na ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang movie personalities/celebrities na sinasabing gumagamit ng ilegal na droga partikular ang ecstacy party drug. Ito ang inihayag kahapon ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, makaraang ikanta nang naarestong ecstacy pusher na si Philip Mendoza Salonga, half  brother ni Broadway singer/artist Lea Salonga, ilan sa mga …

Read More »

Duterte ‘di makikialam sa desisyon ni Widodo (Sa Veloso case)

HINDI makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa ano man magiging pasya nI Indonesian President Joko Widodo sa magiging kapalaran ni Filipina drug convict Mary Jane Velosp. “Follow your own laws. I will not interfere,”  ani Pangulong Duterte kay Widodo ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella. Giit ni Abella, walang direktang pahayag si Pangulong Duterte kay Widodo na ituloy ang pagbitay …

Read More »

Pamilya veloso nabigla sa execution reports

NABIGLA ang pamilya Veloso kaugnay sa ulat na nagbigay na ng ‘go signal’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa Indonesian government para ituloy ang execution kay Mary Jane Veloso kaugnay sa kasong drug trafficking. Bunsod nito, hiniling ng Migrante International, kabilang sa mga grupong tumutulong sa pamilya Veloso, ang paliwanag mula kina Duterte at Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay kaugnay nito. …

Read More »

Utak sa Davao bombing tukoy na

  KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, mayroon nang ideya ang pambansang pulisya kung sino ang mastermined sa pagsabog sa Davao na ikinamatay ng 14 biktima. Sinabi ni Dela Rosa, bagama’t alam na nila ang pagkakilanlan ng suspek, hindi muna puwedeng isapubliko dahil nasa proseso pa ang PNP para sa case build-up. Habang itinanggi ni Dela Rosa …

Read More »

B-day message kay FM sa Official Gazette inulan ng batikos

HUMINGI ng paumanhin ang Palasyo sa publiko dahil tinadtad ng netizens ang birthday message sa Official Gazette ng pamahalaan sa paggunita sa ika-99 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Binago na ng Presidential Communications Office ang nag-viral na birthday card post sa gov.ph na umani ng negatibong reaksiyon na nagsasaad na bumaba sa puwesto si Marcos upang maiwasan ang pagdanak …

Read More »

Massage therapist, dyowa swak sa aborsiyon

arrest prison

NILALAPATAN ng lunas sa Ospital ng Sampaloc ang isang massage therapist makaraan manganib ang buhay nang ipalaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan sa Sampaloc, Maynila. Kinilala ang suspek na si Analiza Narce, 22, residente sa Loreto St., Sampaloc. Sinasabing nagawang ipalaglag ni Narce ang sanggol nang puwersahin ng kanyang kasintahang si Rommel Abinal, 39, ahente ng Land Transportation Franchising abd …

Read More »

77 personalities sa payola ni Kerwin inasunto sa Ombudsman

TACLOBAN CITY – Idinulog na sa Ombudsman para sampahan ng kaso ang mga personalidad na nasa listahan ng mga nabigyan ng payola ng tinaguriang top drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa. Batay sa listahan ng PNP-Albuera, sa pamamagitan ng chief of police na si Chief Insp. Jovie Espenido, aabot sa 77 indibidwal ang nakatakdang sampahan ng kasong …

Read More »

4 sangkot sa droga todas sa vigilante

APAT katao na sinasabing sangkot sa droga ang namatay sa magkahiwalay na pagsalakay ng hinihinalang mga miyembro ng vigilante group na Caloocan Death Squad sa naturang lungsod. Sa imbestigasyon nina PO3 Rhyan Rodriguez at PO3 Romel Caburog, dakong 7:00 pm, nag-iinoman sa 243 Camia St. sina Mark Anthony Gonzales, dog trainer, at Danica Sobrapinya, kapwa 21-anyos, ng Park 2, Camia …

Read More »

2 kaanak ni ex-DA Sec. Alcala tiklo sa buy-bust

shabu drug arrest

ARESTADO sa buy bust operation ang hipag at pamangkin nina dating Agriculture Sec. Proceso at Quezon 2nd District Cong. Vicente “Kulit” Alcala. Ayon kay Senior Supt. Antonio Yara ng Quezon Provincial Police Office, nakompiskahan ng 115 gramo ng shabu at drug paraphernalia ang mag-inang sina Maria Fe Alcala, 60-anyos, at Toni Anne Alcala, 40-anyos. Si Maria Fe Alcala ay sinasabing …

Read More »

14-anyos dalagita niluray ng kapitbahay

prison rape

CAMP OLIVAS, Pampanga – Paika-ika ang isang 14-anyos dalagita nang samahan ng kanyang ina sa San Simon Police Station upang ireklamo ang lasing na kapitbahay na ilang ulit gumahasa sa biktima sa Brgy. San Agustin, bayan ng San Simon kamakalawa ng madaling-araw. Sa ulat ni Chief Inspector Jose Charlmar F. Gundaya, hepe ng San Simon Police, sa tanggapan ni Chief …

Read More »

4 drug suspect utas sa police ops sa Maynila

dead gun police

PATAY ang apat lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaran lumaban sa mga pulis nang maaktohan habang nagsasagawa ng pot session sa ilang barong-barong sa Parola Compound, Binondo, Maynila kahapon. Kinilala ang mga napatay na sina Gerry Bon Tagalog, alyas Jonjon, alyas Mar Barquillo, at alyas Jessie Panis, pawang may gulang na 40 hanggang 45-anyos. Batay sa sketchy report …

Read More »

GANITO kahanda ang Manila Police District (MPD) SWAT sa kanilang responde gaya nang naganap kamakailan sa Hostellery, Plaza Ferguson, Ermita, Maynila na agad ikinadakip ng babaeng nagpaputok ng baril na kinilalang si Hema Bhalwart. (BONG SON)

Read More »

Sister ng aktres itinumba sa droga (Drug pusher ng celebrities?)

PATAY ang kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez makaraang pagbabarilin nitong Linggo nang umaga dahil sa sinasabing pagtutulak ng ilegal na droga sa mga artista. Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Maria Aurora Moynihan sa kanto ng Temple Drive at Giraffe St., sa Brgy. Ugong Norte, Quezon City. Katabi niya ang isang karatulang nagsasabing, “Drug pusher ng mga celebrities, …

Read More »

May panahon ng pagtutuos – Duterte (Banta sa terorista)

TINIYAK kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabayaran ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang inihahasik nilang karahasan, lalo na ang pambobomba sa Davao City night market kamakailan, ngunit tumanggi ang Punong Ehekutibo na idetalye ang susunod na mga hakbang ng mga awtoridad kontra-terorismo. “Oh, we’re pursuing leads. Too early to be talking about it. I said do not ask me …

Read More »

HR violations ng US mas marami (Walang karapatang pumuna)

IPINAGMALAKI ng Palasyo ang pinakamahalagang mensaheng naiparating ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa ASEAN summit sa Laos ay naipamukha sa US na walang karapatan ang Amerika na pumuna sa isyu ng human rights dahil maraming paglabag sa aspektong ito ang Estados Unidos. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, may sariling independent foreign policy ang Filipinas na sinusunod at …

Read More »

Paggamit sa wikang Filipino dalasan – Almario (Mungkahi kay Duterte para mas maintindihan)

INIREKOMENDA ni Pambansang Alagad ng Sining at Tagapangulo ng Komis-yon sa Wikang Filipino (KWF) Virgilio Almario na dalasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasalita sa wikang Filipino, sa isang panayam na isinagawa sa Unibersidad ng Pilipinas sa Quezon City kamakalawa. “Sino ba ang naka-misinterpret sa kanya? Sa tingin ko iyon naman ang natural niya. May iba-iba lang talagang reaksiyon ang …

Read More »