Monday , December 23 2024

Masonry Layout

INIHARAP ni QCPD director C/Supt. Guillermo Eleazar ang naarestong si Geronimo Iquin Jr., na nagtago sa Appari, Cagayan, itinurong suspek sa pamamaril at pananagasa sa traffic enforcer na si Ernesto Paras sa La Salle St., kanto ng Ermin Garcia Ext., Brgy. Silangan, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

Read More »

5 Pinoy patay sa Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia

LIMANG mga Filipino pilgrims ang namatay sa Saudi Arabia. Batay sa Philippine Consulate sa Jeddah, ang nasabing pilgrims ay tumungo ng Saudi para sa Hajj pilgrimage. Sinabi ni Consul General Imelda Panolong, apat sa mga namatay ay lalaki habang isa ang babae. Ang isa sa kanila ay na-diagnosed na mayroong AH1N1 influenza na posibleng nakuha sa ospital. Ang nasabing pilgrims …

Read More »

Mark Anthony tiklo sa damo (Positibo sa MJ, negatibo sa shabu)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang aktor na si Mark Anthony Fernandez makaraan makompiskahan ng isang kilo ng marijuana kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Angeles. Si Fernandez, 37, residente ng 84 Don Rufino St., Tahanan Village, BF Homes, Parañaque City at Rm. 702 Horizon Condo, Don Juico St., Clark Airforce City, Pampanga, ay nasa kustodiya ng Angeles City PNP. …

Read More »

Pakiusap ng Actors Guild: Narco celebs sumuko na

NAKIUSAP ang aktor na si Rez Cortez, pangulo ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (Actors Guild of the Philippines), sa kapwa artista at mga tao sa likod ng pelikula at telebisyon na gumagamit ng ipinagbabawal na droga, na sumuko na. Ginawa ni Cortez ang panawagan sa isang panayam sa “Umagang Kay Ganda” nitong Martes, ilang oras …

Read More »

Lawak ng drug network ni Krista inaalam — QCPD

BINUBUSISI ng Quezon City Police District kung gaano kalaki ang drug network ng naarestong starlet na si Krista Miller. Ayon kay QCPD chief, Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, binigyan siya ni Miller ng listahan ng kanyang mga kliyente kabilang ang ilang celebrities. Babalikan din nila ang kontrobersiyal na pagbisita ng 25-year-old sexy star noong 2014 sa Sputnik gang leader at …

Read More »

US bitter sa talo ni Roxas (Hindi maka-move on)

“YOU can go to hell State Department, you can go to hell Obama, you can go to hell EU, you can choose purgatory, puno na ang impyerno, bakit ako matatakot sa inyo?” Ito ang buwelta kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtitipon ng mga lokal na opisyal sa Dusit Hotel, Makati City kaugnay sa patuloy na pagbanat ng Amerika sa …

Read More »

ISIS nasa PH na — Duterte

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, narito na sa Filipinas ang ISIS na pangunahing banta ng seguridad ngayon sa mundo. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang pakikipag-usap sa mga miyembro ng Philippine Army (PA) sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon. Sinabi ni Pangulong Duterte, patunay rito ang kanyang namamataang mga Arab sa Mindanao na nagpapanggap na scholars ngunit …

Read More »

Unang 100 araw ni Digong mas kapaki-pakinabang (Kaysa 6 taon ng Aquino admin)

MAS kapaki-pakinabang sa bansa ang unang 100 araw ng administrastong  Duterte kaysa anim taon ng gobyernong Aquino. Sa ginanap na press briefing kahapon sa Palasyo, inihayag ng mga negosyante na puno sila ng pag-asa sa mga isinusulong na pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) chairman emeritus Donald Dee, kung noong nakaraang adminisrasyon ay …

Read More »

4 drug suspects todas sa vigilante

dead gun police

APAT hinihinalang drug personalities ang namatay makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalalang mga vigilante sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan City police chief, Senior Supt. Johnson Almazan, dakong 1:00 am, nasa loob ng kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya, si Jacqueline Barchita, 27, ng Phase 3, Pkg. 3, Blk. 84, Lot 7, Brgy. 176 Bagong Silang nang dumating …

Read More »

83-anyos ina pinatay ng anak

CAUAYAN CITY, Isabela – Inamin ng isang lalaki na dating mental patient, ang pagpatay sa kanyang sariling ina at itinapon ang bangkay sa ibang lugar. Ayon kay PO3 Patrick Bumilac, imbestigador ng Diffun Police Station, ang bangkay ng 83-anyos lola na ibinalot ng kumot ay natagpuan sa daan sa San Isidro Paredes, Diffun, Quirino. May natagpuang ID sa tabi ng …

Read More »

‘Kill quota’ sa war on drugs itinanggi ng PNP chief

ITINANGGI ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa na may ‘kill quota’ na ipinatutupad sa kanilang giyera laban sa ilegal na droga. Paglilinaw ni Dela Rosa, hindi niya inuutusan ang kanyang mga chief of police na magparamihan nang mapapatay na mga drug suspect. Sinabi ng PNP chief, walang katotohanan ang lumabas na balita na nagtakda siya ng quota. Paglilinaw …

Read More »

Western media pinopondohan ng drug money

HUWAG basta maniwala sa mga naglalabasang balita laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa “US-sponsored Western media” dahil ito’y tinutustusan ng drug money. Ito ang paalala ng isang mataas na opisyal ng Palasyo na tumangging magpabanggit ng pangalan. Aniya, ang black propaganda kontra administrasyon ay may bakas ng anino ng mga taksil sa bayan na tatadtarin si Duterte gaya nang ginawa …

Read More »

Kudeta vs Duterte posible — Evasco

NANANATILING posible ang kudeta laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, pahayag ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco. Ito ay dahil mayroong mga personalidad na hindi masaya sa pamamalakad ni Duterte sa administrasyon, katulad ni Senador Antonio Trillanes IV at Liberal Party, aniya. Gayonman, sinabi ni Evasco, ang kudeta ay hindi magtatagumpay dahil sa high trust rating ni Duterte. Hindi ibinunyag ni Evasco …

Read More »

Magkaisa vs destab plot kay Duterte (CCP nanawagan)

NANAWAGAN ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa samba-yanang Filipino na magkaisa para labanan ang ano mang pakanang destabilisasyon ng Amerika laban kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang posturang kontra-US. “The Filipino people must unite against any attempt of the US government to undermine Philippine national sovereignty and subvert efforts of the Duterte regime to promote an independent …

Read More »

Hiling kay Duterte: Narco-celeb list ‘wag isapubliko

HINILING ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag isapubliko ang pangalan ng mga artistang sangkot sa ilegal na droga. Sinabi ng aktor at pangulo ng nasabing grupo na si Rez Cortez, dapat ibigay muna sa kanila ang listahan para agad nilang masabihan ang nasabing mga artista.

Read More »

Krista Miller 2 FHM model, 4 pa tiklo sa drug bust (Celebrity clients sa droga ikinanta)

NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang sexy actress na si Krista Miller at dalawa pang dating modelo ng FHM magazine sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Quezon City at Valenzuela City, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sina Miller o Krystalyn  Engle sa totoong buhay, …

Read More »

22-anyos Pinoy tiklo sa P20-M 5 kilos cocaine (Pagdating sa NAIA)

ARESTADO ang isang 22-anyos Filipino sa Ninoy Aquino International Airport makaraan makompiskahan ng halos limang kilo ng cocaine na tinatayang nasa P20 milyon ang halaga nitong Linggo ng hapon. Ayon kay Wilkins Villanueva, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency, si Jonjon Villamin ay naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dakong 4:40 pm. Dumating ang suspek sa …

Read More »

Same sex marriage isusulong ni Alvarez

PANGUNGUNAHAN ni Speaker Pantaleon Alvarez ang paghahain ng panukalang batas para maisakatuparan sa bansa ang same sex marriage. Sinabi ni Alvarez, naninindigan siya para sa karapatan at dignidad ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) community. Sinisimulan na niyang buuin ang draft nang ihahain niyang same sex marriage bill para maisampa ito sa Kamara sa lalong madaling panahon. Nakapaloob sa …

Read More »

Duterte nadapa sa sariling espada — Sen. Dick Gordon (Sa kadaldalan…)

  HINDI napigilan ni Sen. Richard Gordon ang pumuna sa ilang pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na minsan ay nagiging kontrobersiyal. Ginawa ni Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, ang pahayag habang nasa kasagsagan nang pagdinig sa isyu ng extrajudicial killings sa bansa. Diretsahang sinabi ni Gordon na mismong “nadadapa ang presidente sa kanyang sariling espada” …

Read More »

Climate change responsibilidad ng lahat

BUNSOD nang pagkabigo ng pamahalaan na tugunan ang bantang panganib ng climate change ng mga komprehensibong pambansang polisiya, ang mga rehiyon, lalawigan at munisipalidad ay dapat kumilos para mapigilan ang mapaminsalang phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan Jr., inventor, executive vice president ng Mapecon Charcoal Philippines. Aniya, kailangang kumilos upang mapahupa ang climate change ng mga hakbang na nakatuon sa pagpapabawas …

Read More »

2 utas sa ratrat sa Taguig

dead gun police

DALAWANG lalaki ang natagpuang patay nitong Lunes sa Tanyag Road, Zone 6, South Signal, Taguig City. Tadtad nang tama ng bala ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na ang isa ay nilagyan ng karatulang “Pusher user ako huwag tularan”. Sa paligid ng bangkay ay nagkalat ang 20 basyo ng bala. Ayon sa ilang residente, nakarinig sila ng mga tunog ng …

Read More »

Tataas ang presyo ng langis—ECOP

SA susunod na mga buwan malamang  tumaas  ang  presyo ng langis, ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Donald Dee sa pagtalakay ng usapin ukol sa nananatiling business climate sa bansa sa Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila. Ipinunto ni Dee na walang mainam na aksiyon ang Estados Unidos para sa sariling interes nito kundi isulong  …

Read More »

1 patay, 9-anyos sugatan sa barilan sa peryahan

dead gun

NAGA CITY – Agad binawian ng buhay ang isang lalaki habang sugatan ang 9-anyos bata sa naganap na barilan sa loob ng peryahan sa San Antonio, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang namatay si Ericson Andal, 35-anyos. Ayon sa ulat, nagtungo sa peryahan sa Brgy. Pury sa nasabing bayan ang biktima kasama ang suspek na si Jimmy Mercado Ngunit nagkaroon nang …

Read More »

Nur Misuari lalantad na

  INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakda niyang kausapin si MNLF Chairman Nur Misuari sa Davao para sa usapang pangkapayapaan. Ayon kay Pangulong Duterte, sa sandaling lumantad na si Misuari, bibigyan siya ng safe conduct pass ng gobyerno. Inihayag ng Pangulo, magandang indikasyon ang ipinakikita ni Misuari para malutas ang problema sa Mindanao. Ngunit inilinaw ng Pangulo, hindi siya sang-ayon …

Read More »

Duterte astang Heneral Luna hindi Hitler (‘Artikulo Uno’ kontra droga at korupsiyon)

MAIKLI ang memorya ng mga Filipino sa international media at tila nalimutan na ang kamakaila’y sumikat na kabayanihan ni Heneral Antonio Luna na lumaban sa mga manlulupig na Amerikano kasabay nang pagdisiplina sa hanay ng mga rebolusyonayong Filipino. Ayon sa isang mataas na opisyal ng Palasyo na tumangging magpabanggit ng pangalan, si Hene-ral Luna ang katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte …

Read More »