Thursday , June 1 2023

Trillanes sirang-plaka (Sa bintang kay Digong) — Palasyo

SIRANG plaka ang hirit ni Sen. Antonio Trillanes IV na imbestigahan ng Senado ang umano’y ill-gotten wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte, ayon sa Palasyo.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, panahon pa ng kampanya noong 2016 elections, ay inaakusahan na ni Trillanes si Duterte na nagkamal ng kuwestiyonableng yaman.

“Lumang tugtugin. Election pa ‘yan. Wala na bang bago? Parang sirang plaka,” ani Roque hinggil sa balak ni Trillanes.

Pinagbintangan ni Trillanes si Duterte na hindi idineklara ang P211 million sa 17 bank accounts, ilang araw bago ang halalan noong 2016.

Sa kabila nang ibinulgar ni Trillanes, nanalo pa rin si Duterte at lumamang pa ng anim milyong boto kay talunang Libe-ral Party standard bearer Mar Roxas.

Hindi tinigilan ni Trillanes ang akusasyon na may nakaw na yaman ang mag-amang Duterte at humantong sa paglalabas ni Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang ng mga pekeng bank transaction records nila na mula umano sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ginamit ng senador sa inihaing reklamong plunder laban sa Punong Ehekutibo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *