Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Duterte ginagamit na ‘langgas’ ni Erap (Sa paninindigang anti-US)

GINAGAMIT ni ousted president at convicted plunderer Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang paninindigang kontra-Amerika ni Pangulong Rodrigo Duterte para palabasin na ang US ang nagpakana ng EDSA 2 at ilihis sa katotohanan na serye ng anomalyang kinasangkutan niya ang tunay na dahilan. Ito ang pahayag ng isang political observer kaugnay sa warning ni Erap kay Duterte na baka magpakana …

Read More »

Digong bumisita sa Cagayan at Isabela

BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang Tuguegarao City, Cagayan, isa sa mga lalawigan sa northern Luzon na sinalanta nang husto ng supertyphoon Lawin. Pinangunahan ng Pangulo, kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, ang pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ni Lawin. Nagpunta rin sa Ilagan, Isabela ang Pangulo para tingnan ang sitwasyon …

Read More »

Committe report sa SSS pension hike aaprubahan sa Nobyembre 15 (Pangako ng House panel)

AAPRUBAHAN ng House of Representatives committee on government enterprises and privatization sa susunod na buwan ang kanilang report kaugnay sa panukalang pagkakaloob ng P2,000 dagdag sa buwanang pensiyon ng Social Security System (SSS) members. Sinabi ni Committee chairman North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan, ang committee report sa 16 panukala ay aaprubahan (with or without the presence of SSS …

Read More »

67 katao nahilo sa amoy ng asupre sa Mt. Bulusan

LEGAZPI CITY- Apektado na ang mga residenteng malapit sa Mt. Bulusan sa Sorsogon dahil sa ilang araw nang pag-aalburuto ng bulkan. Kamakalawa, muling naitala ang panibagong phreatic eruption na umabot sa 5mm ang kapal ng abong ibinuga nito sa bahagi ng Brgy. Inlagadian sa bayan ng Casiguran. Ayon kay Municipal DRRM Officer Louie Mendoza, 67 katao ang nakaranas ng pagkahilo …

Read More »

P2-B pinsala ni Lawin sa infra, agriculture

UMABOT sa mahigit P2 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Lawin sa northern Luzon. Ito ay batay sa inisyal na pagtaya ng mga lokal na pamahalaan. Sa ulat na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang estimate damage sa impraestruktura ay umabot sa P1,402, 245,000 at ang danyos sa agrikultura ay nasa P645,515,777.90. Kabilang …

Read More »

Financial aid sa OFWs nakahanda – Bello (Nasapol ni Lawin)

CAUAYAN CITY, Isabela – Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P30 milyon pondo mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para bigyan ng financial assistance ang pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) na sinalanta ng bagyong Lawin sa Isabela at Cagayan. Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III sa kanyang pagdalaw sa mga kababayang sinalanta ng bagyo …

Read More »

Hostage-taker na bangag todas sa parak (Babae, bata, sugatan)

PATAY sa mga pulis ang isang lalaking sinasabing bangag sa droga makaraan i-hostage ang isang batang babae, isang sanggol, at isang babae sa Dasmariñas, Cavite nitong Sabado ng hapon. Kinilala ang napatay na si Peter Abingcula, ini-hostage ang isang 8-anyos batang babae at isang-taon gulang na sanggol na babae, gayondin ang 21-anyos na si Marian Famarin. Ayon kay Supt. Boy …

Read More »

2 tigok sa tandem, 2 suspek tigbak sa parak

PATAY ang dalawa katao nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects at dalawa ang sugatan kabilang ang isang paslit na tinamaan ng ligaw na bala, habang namatay rin ang mga suspek makaraan makipagbarilan sa nagrespondeng mga pulis sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Agad binawian ng buhay sa insidente ang mga biktimang sina Noel Kilantang, 40, at alyas Teresa, 45-anyos. Habang ginagamot …

Read More »

1 patay, 1 missing 5 survivor sa lumubog na bangka

CAUAYAN CITY, Isabela – Patuloy na hinahanap ng rescue team ang kapitan na siyang may-ari ng pampasaherong bangkang tumaob noong kasagsagan ng bagyong Lawin sa Divilacan, Isabela. Sinabi ni Sandy Celeste, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMMO) ng Divilacan, Isabela, sa pagtaob ng bangka ay tinangay ng alon sa dagat ang may-ari nito na si Benny Pillos at …

Read More »

Brgy. kagawad itinumba

BINAWIAN ng buhay ang isang barangay kagawad makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa harap ng kanilang bahay sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa. Nalagutan ng hininga habang dinadala sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Edmund Caranza, 42, ng Brgy. 350, Zone 35, District 3, at residente sa M. Natividad St., sa Sta. Cruz. Sa imbestigasyon ni SPO1 …

Read More »

3 drug suspect utas sa parak

PATAY ang magkapatid na lalaki at isa pang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraan lumaban sa mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa Sta. Ana, Maynila nitong Sabado. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang magkapatid na sina Jerson M. Colaban, 36, at Jossing M. Colaban, 30, gayondin ang isa pang suspek na si Joseph Baculi, nasa …

Read More »

US may pakana ng terorismo sa PH — Digong

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagal nang may kamay ang Amerika sa paghahasik ng terorismo sa Filipinas, partikular sa Mindanao, na lalong nagpaningas ng galit niya kay Uncle Sam. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Davao City Airport, tahasang tinukoy ng Pangulo na limang taon na naglabas-masok sa Davao City ang Amerikanong si Michael Terrence Meiring, isang Central …

Read More »

Terorismo inimporta ng Amerika (Digong kay Trump)

INIMPORTA ng Amerika ang terorismo sa kanilang bansa kaya dapat aminin ito sa sarili ni Republican presidential bet Donald Trump, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa press conference sa Davao City  Airport kamakalawa ng gabi, bagama’t wasto ang pagkabahala ni Trump sa terorismo sa Amerika ngunit kailangan suriin ang isyu nang malaliman upang mabatid ng presidential bet …

Read More »

RELASYON SA US ‘DI PUPUTULIN — DUTERTE

DAVAO CITY – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi “separation of relation/ties” ang kanyang naging deklarasyon sa state visit sa China laban sa Amerika kundi “separation of foreign policy” lamang. Ito ang sagot ng Pangulo nang tanungin kung tatapusin na ng Filipinas ang relasyon sa Estados Unidos makaraan ang kanyang deklarasyon na nagdulot ng kalituhan. Ayon kay Pangulong Duterte, …

Read More »

7-anyos nene niluray, pinatay ni ninong

BINAWIAN ng buhay ang isang 7-anyos batang babae makaraan gahasain at paluin ng matigas na bagay sa ulo o iniuntog sa semento sa loob ng sementeryo sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, Senior Supt. John Chua ang biktimang si Maria Nelia Ramos, residente sa Acero St., Brgy. Tugatog ng nasabing  lungsod. Habang naaresto ang suspek …

Read More »

Sariling pamilya sinilaban ng ama 1 patay, 3 sugatan

LA UNION – Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang padre de pamilya bunsod ng third-degree burns habang sugatan ang kanyang misis at dalawa nilang anak makaraan sunugin ang kanilang bahay sa Brgy. Maria Cristina West, Bangar, La Union kamakalawa. Ayon sa ulat, pasado 11:00 pm habang umiinom ng kape ang mag-asawa nang sabihin ng ginang na nais niyang bumalik …

Read More »

Patay kay Lawin umakyat sa 15 — NDRRMC

UMAKYAT na sa 15 katao ang patay sa paghagupit ng supertyphoon Lawin sa Luzon. Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, 13 sa mga namatay ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang ang dalawa ay mula sa Isabela. Ngunit posible pa aniyang madagdagan ang bilang ng mga namatay. Sa Cagayan, sinabi ni …

Read More »

3 sangkot sa droga todas sa police ops (4 arestado)

PATAY ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis habang apat ang arestado sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan Police chief, Senior Supt. Johnson Almazan, dakong 4:30 am nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-1 sa pangunguna ni PO3 Carlo Hernandez, kontra kina Markvinn …

Read More »

Eroplano bumagsak sa Ilocos Sur, 2 bangkay natagpuan

ILOCOS SUR – Naiahon na ang bangkay ng dalawang sakay nang bumagsak na eroplano sa baybaying barangay ng Sabangan sa Ilocos Sur. Makaraan ang search and retrieval operation ng mga diver ng Philippine Coast Guard nitong umaga ng Sabado, nakita na ang bangkay ng flight instructor na si John Kaizan Estabillo, 21-anyos, ng Parañaque City, at student pilot na si …

Read More »

UNCLOS sa WPS kapwa kinilala ng PH at China

BEIJING, China – Napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang kooperasyon ng coast guards ng Filipinas at China partikular para matugunan ang mga maritime emergency situations sa West Philippine Sea. Nakapaloob sa kasunduan na layunin nitong magtulungan ang dalawang coast guard saka-ling magka-aberya sa karagatan at mapangalagaan ang mga yamang dagat o marine environment. Nakasaad din …

Read More »

Tulak kumasa sa buy-bust todas

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan kumasa sa mga pulis sa buy-bust operation dakong 7 pm kamakalawa ng gabi sa Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Raniel M. Valones, hepe ng Sta. Maria PNP, kinilala ang napatay na si Ramil Montaos y de Vera, 33, residente ng Brgy. Lalakhan, sa naturang bayan. Napag-alaman, nagsagawa ng buy-bust …

Read More »

P200K reward vs killer ng Singaporean

NAG-ALOK ng P200,000 pabuya ang pamilya ng isang Singaporean national na binaril at napatay ng isang lalaki sa loob ng kanyang opisina sa lungsod ng Parañaque nitong nakaraang taon, sa sino mang makapagtuturo sa suspek sa nasabing insidente. Sinabi ni Paranaque City Police chief, Senior Supt. Jose Carumba, nagtungo si Rovelyn Jang, sa kanyang tanggapan upang humingi ng tulong at …

Read More »

1 patay, 23 arestado 28 sumuko sa OTBT ops

PATAY ang isa katao habang 23 sinasabing sangkot sa droga ang hinuli at 28 ang sumuko sa “One Time, Big Time” operation na isinagawa ng mga operatib ng Southern Police District (SPD) sa Taguig City kahapon. Ayon kay Southern Police District Director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., simulan nila ang operasyon dakong 5:00 am hanggang sa umabot ito ng tatlong …

Read More »

3 pugante sa Cotabato District Jail, balik kulungan

KORONADAL CITY – Balik kulungan ang tatlong presong tumakas mula sa Cotabato District Jail sa Amas, Kidapawan City makaraan mahuli sa na hot pursuit operation ng mga awtoridad. Ayon kay Jail Warden Peter Bungat, ang tumakas na mga preso ay may mabibigat na mga kaso. Aniya, nakipagtulungan ang pamilya ng nasabing mga takas na preso ngunit hindi na isinapubliko ang …

Read More »