APAT katao, kinabibilangan ng dalawang holdapar, at dalawang hinihinalang hired killer, ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) – District Special Operation Unit (DSOU) sa magkahiwalay na insidente sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng napatay na …
Read More »Masonry Layout
2 bus terminal ipinasara ng MMDA
IPINASARA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang bus terminal sa EDSA, Pasay City at limang provincial buses ang ini-impound kahapon. Sa pamumuno ni MMDA Chairman Danilo Lim, sa tulong ng mga miyembro ng Pasay City’s Business Permits and Licensing Office, isinara ang terminal ng Bragais at Pamar, gayondin ang terminal ng Saint Jude at San Rafael. Nabatid na …
Read More »3,000 pulis ikinalat para sa ASEAN Ministers Meeting
NAGPAKALAT ng tinatayang 3,000 police personnel ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagsisimula ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministers Meeting sa Philippine International Convention Center (PICC), sa Pasay City kahapon. Binigyang kasiguruhan ng NCRPO na handa at sapat ang seguridad na kanilang inilatag sa pagsisimula ng ASEAN Ministers Meeting. Ayon kay NCRPO Chief Supt. Oscar Albayalde, …
Read More »Barangay elections muling mauunsiyami
MALAKI ang posibilidad na muling maunsyami ang nakatakdang barangay at SK election ngayong Oktubre makaraan mabinbin noong nakarang taon. Ayon kay Senador Sonny Angara sa isang pulong kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte at lider ng dalawang kapulungan ng Kongreso, inamin niyang nais niyang ma-postpone ang barangay election. Ngunit sinabi ni Angara, walang marching order o mahigpit na bilin sa kanila …
Read More »Babala sa publiko: 80% manok sa NCR may bacteria — DOH
PINAYOHAN ng Department of Health ang mga Filipino na mahilig sa manok na magdoble-ingat sa paghahanda ng chicken-based na ulam dahil sa kontamindo ng isang bacteria ang mga karneng manok na ibinebenta sa ilang palengke sa National Capital Region. Sinabi ng DoH, ayon sa pag-aaral ng University of the Philippine-Institute of Biology, natuklasan ang tinatawag na “campy-lobacter” bacteria na umaatake …
Read More »Dagdag na sundalo, pondo sa AFP hiling ni Digong (Banta ng ISIS inamin)
IBINUNYAG nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Sonny Angara, na inamin sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pulong kasama ang ilang senador at finance managers, na mayroong malaking banta sa seguridad ng Mindanao ang mga rebeldeng grupo. Dahil dito, hiniling niya sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang dagdag na pondo para sa mga armas ng mga …
Read More »Passport 10 taon, driver’s license 5, aprub kay Digong
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magpapalawig sa bisa ng Philippines passport sa 10 taon mula sa dating limang taon. Sa pinirmahan ni Pangulong Duterte na Republic Act 1928, inamiyendahan nito ang Section 10 ng RA 8239 o Philippine Passport Act of 1996, na nagtatakda na balido ang Philippine passport sa loob ng 10 taon. Ngunit para …
Read More »Parojinog leader ng drug ring — Duterte
ANIMO’Y estadong piyudal ng pamilya Parojinog ang Ozamis City at nagpapatakbo rin sila ng drug organization kaya naging madugo ang katapusan ng kanilang paghahari sa siyudad. “Hindi naman ito basta you pick one enemy at a time. You are up against an organization. Parojinog has been there and you can ask the ordinary citizen of Ozamis. Tanungin mo sila kung …
Read More »Ex-pNoy G – – -, buang (Buwelta sa batikos sa drug war) — Duterte
HINAMON ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang sinundang pangulo na subukang pumasok sa ilegal na droga para mapatunayan niya kung gaano kaseryoso ang kanyang administrasyon sa kampanya laban sa illegal drugs. Sagot ito ni Duterte kaugnay sa sinabi ni dating Presidente Benigno Aquino III, na wala pang nagiging resulta ang drug war ng kasalukuyang administrasyon. “Iyan ang warning ko, …
Read More »Noynoy nega sa Duterte drug war (Bunga ng political opportunism) — Abella
BUNGA ng mapagsamantalang pananaw ng isang makasariling politiko ang pagbatikos ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa drug war ng administrasyong Duterte. Ito ang buwelta ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa sinabi ni Aquino kamakalawa, na sa kabila ng drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naman nagbago ang bilang ng drug personalities na 1.8 milyon drug users mula …
Read More »P50K pekeng gamot kompiskado sa 6 Chinese drug stores (Saleslady arestado)
KINOMPISKA ng mga awtoridad ang tinatayang P50,000 halaga ng mga pekeng gamot at health products sa pagsalakay ng pinagsanib puwersa ng Food and Drug Administration (FDA), Manila Police District (MPD), at Cri-minal Investigation and Detection Group (CIDG) sa iba’t ibang Chinese drug store sa Sta. Cruz, at Binondo, Maynila kamakalawa. Armado ng seizure order, dakong 11:00 am, pinangunahan ng FDA …
Read More »Digong kompiyansa kay Faeldon — Dominguez (Sa kabila ng P6.4-B drug shipment)
INIHAYAG ni Finance Secretary Sonny Dominguez, nananatili ang kompiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Customs chief Nicanor Faeldon sa kabila ng P6.4 bilyong ilegal na droga mula sa China, na nakalusot sa bansa. Kinompirma ni Dominguez na nag-usap sina Duterte at Pangulong Duterte nitong Martes ng hapon. “The Chief Executive has expressed his full confidence in Commissioner Faeldon and told …
Read More »Bolivian arestado sa cocaine (Sa NAIA)
ARESTADO ang isang babaeng Bolivian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, makaraan makompiskahan ng illegal drugs nitong Lunes ng gabi. Natuklasan sa suspek ang tangka niyang ipuslit na liquid cocaine na nakatago sa dala niyang apat jackets. Ayon sa ulat, ang suspek na si Maria Hinojosa Bazan ay inaresto dakong 7:00 pm. Napag-alaman, ang dalang jackets ng …
Read More »1 preso patay, 1 kritikal sa siksikang kulungan (Sa QCPD Station 4)
BUNSOD nang pagsisiksikan sa piitan ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, namatay ang isang preso habang kritikal ang kalagayan ng isa pa sa pagamutan, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ng QCPD – Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), hindi umabot nang buhay sa Novaliches District Hospital si Renato Moreno, 42, habang inoobserbahan sa Quezon City General …
Read More »Scam sa imburnal idiniin ng Sandigan
TULUYAN nang ibinasura ng Sandiganbayan ang inihaing mosyon ni dating Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na ipawalang-saysay ang kanyang kasong katiwalian sa drainage scam. Dahil dito, madidiin at ipagpapatuloy ang kasong kriminal laban kay Recom at dalawa pang dating opisyal ng Caloocan City dahil sa drainage scam. Ito ang ika-walong (8) kaso ng katiwalian ni Recom na dinidinig sa …
Read More »Brgy. kagawad utas sa ambush
BINAWIAN ng buhay ang isang 46-anyos barangay kagawad at Meralco contractor, makaraan barilin ng hindi nakilalang gunman habang kausap ang kanyang kli-yenteng magpapakabit ng legal na koneksiyon ng koryente sa Tondo, Maynila, iniulat ng pulisya kahapon Patay noon din ang biktimang si Eduardo Arcilla, Meralco contractor, at barangay kagawad, residente sa Saint Peter St., San Antonio, Tondo. Sa imbestigasyon ng …
Read More »‘Now or never’ para sa Balangiga bells
DAPAT ibalik sa Filipinas ang Balangiga bells, ayon kay dating foreign affairs secretary Perfecto Yasay Jr., sa Tapatan sa Aristocrat, dahil dito mapapatunayan ng Estados Unidos ang kanilang respeto at tunay na pakikipagkaibigan sa sambayanang Filipino. Ipinaliwanag ni Yasay, hindi dapat ituring ng mga Amerikano ang Balangiga bells bilang ‘war booty’ dahil hindi naman ginamit sa digmaan ang mga kampana. …
Read More »Negosyante itinuro sa P6.4-B shabu shipment mula China
ITINURO ng isang testigong sinasabing broker ng shipment ng P6.4 bilyon halaga ng shabu, sa negosyanteng si Richard Tan ang nasabing kontrabando. Sinabi ni Mark Taguba sa Senate Blue Ribbon Committee, si Tan ang negosyanteng may-ari ng Hongfei, kompanyang nagko-consolidate ng shipments mula sa China, ay may warehouse sa Valenzuela City. Iginuhit ang diagram sa whiteboard, ipinaliwanag ni Taguba na …
Read More »Immigration lookout inilabas vs drug lord Peter Lim, Kerwin Espinosa, 6 iba pa
NAG-ISYU si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng immigration lookout bulletin laban sa hinihinalang drug lords na sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co, at limang iba pang indibidwal. Inilabas nitong 11 Hulyo, sa nasabing lookout bulletin order, iniutos sa Bureau of Immigration (BI) personnel na iulat sa mga awtoridad ang ano mang pagtatangka ng mga suspek na lumabas ng …
Read More »Banta ni Bato: Narco-politicians susudsurin (Vice mayor, utol inilipat sa Camp Crame)
MARAMI pang ilulunsad na operasyon laban sa mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade kasunod ng madugong pagsalakay sa mga Parojinog sa Ozamiz City, babala ni PNP chief, Director General Ronald del Rosa, kahapon. Sa press conference, sinabi ni Dela Rosa, ang operasyon laban sa mga Parojinog ay dapat magsilbing babala sa iba pang sangkot sa illegal drugs. “Marami …
Read More »Wikang Filipino gamitin sa pagkakaisa tungo sa reporma — Duterte
HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na patuloy na gamitin ang wikang Filipino bilang instrumento ng pagkakaisa upang maisakatuparan ang mga reporma at layuning itaas ang kalidad ng ating buhay at kasalukuyang estado ng bayan. Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto, binigyan-diin ni Pangulong Duterte ang mahalagang papel ng wikang Filipino para pagbuklurin …
Read More »POW ng NPA kay Duterte pinalaya (Kahit ‘minura’ si Joma)
SA kabila nang pagkaunsiyami ng peace talks, ipinagkatiwala pa rin ng New People’s Army (NPA) na iharap kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pinalayang prisoner of war (POW) na pulis sa Davao City, kamakalawa ng gabi. Batay sa kalatas ng Palasyo, hiniling ng Front Committee 25 ng NPA na palayain ang POW na si PO1 Alfredo Basabica, Jr. kay Pangulong Duterte. …
Read More »Paring natiklo sa motel kasama ng 13-anyos, sinuspendi ng CBCP
SINUSPENDI ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCB) si Monsignor Arnel Lagarejos, ang paring inaresto habang papasok sa isang motel sa Marikina City, kasama ang isang 13-anyos dalagita. Si Lagarejos ay sinuspendi ng CBCP kasabay nang pagsisimula ng imbestigasyon laban sa pari. Ayon sa ulat, si Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang itinalagang manguna sa imbestigas-yon ng CBCP laban kay …
Read More »1,000 pamilya nasunugan sa Basilan
ISABELA, Basilan – Tinatayang 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan ang malaking sunog na sumiklab sa isang residential area sa Malamawi Island, kahapon ng umaga. Ang sunog na nagsimula dakong 10:00 am ay tumupok sa tinata-yang 200 kabahayan sa Brgy. Diki, ayon kay Fire Marshal Insp. Jasmine Tanog. Nahirapan ang mga bombero at mga miyembro ng Philippine Coast Guard …
Read More »3 patay sa drug bust sa Tondo
TATLONG lalaki ang patay makaraan ma-kipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Leonardo “Bebe” Dela Cruz, Rodrigo “Digoy” Albos, at Reynaldo “Nognog” Dela Cruz, pawang residente sa nasabing lugar. Ayon sa Manila Police District, nakabili ang kanilang operatiba ng P500 shabu mula kay alyas Bebe. Ngunit makaraan …
Read More »