EMOTIONALLY unstable si dating Pangulong Benigno Aquino III kaya walang pakialam sa paglaganap ng illegal drugs sa panahon ng kanyang administrasyon. Sa press conference kagabi sa Palasyo, inilabas ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang hinanakit sa pagbatikos sa kanyang drug war. Aniya, walang emosyon si Aquino dahil mayroon siyang ‘sakit’ kaya emotionally unstable o manhid sa mga problema, gaya ng …
Read More »Masonry Layout
Utos ni Aguirre sa NBI: Tagong yaman ni Bautista imbestigahan
INIUTOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI), na busisiin ang bintang ng misis ni Commission on Elections (Comelec) chief Andres Bautista na siya ay may itinatagong halos P1-bilyon yaman. Nitong Lunes, inilabas ni Aguirre ang Department Order 517, nag-uutos sa NBI na imbestigahan at magbuo ng kaso base sa isinumiteng affidavit ni Patricia Paz …
Read More »Nagtatapon ng basura sa Pasig River, mananagot — Goitia
NAGBABALA ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa mga indibiwal o kompanya na mahuhuling nagtatapon ng kanilang mga basura sa Pasig River. Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” Gotia hindi lamang solidong basura kundi maging liquid wastes ang ipinagbabawal na itapon sa Ilog Pasig. Inilinaw ni Goitia na binigyan sila ng awtorisasyon ni Laguna Lake Development Authority …
Read More »20,000 tropa ng AFP itatapat kontra ISIS
ITATAPAT ng Palasyo sa mga terorista sa Mindanao ang inihihirit sa Kongreso na dagdag budget para sa 20,000 tropa ng pamahalaan. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang dagdag na 20,000 tropa ay bahagi nang pinaigting na posturang panseguridad upang bantayan ang mga lugar sa Filipinas, na patuloy na nahaharap sa banta sa seguridad. “The request of the Pre-sident for …
Read More »Konsehal ng Pasay patay (Sa ikalawang ambush)
SA pangalawang pagtatangka sa kanyang buhay, tuluyang binawian ng buhay ang isang konsehal ng Pasay City, at presidente ng Liga ng mga Barangay, makaraan paputukan ng isang suspek habang sakay ng kanyang wheelchair sa harap ng entrance ng SM Southmall sa Las Piñas City, nitong Sabado ng gabi. Nalagutan ng hininga bago idating sa Asian Hospital & Medical Center ang …
Read More »Tuition-free SUCs bawal sa bobo’t bulakbol (Pork barrel gamitin sa libreng tuition) — Lacson
INIHAYAG ni Senador Panfilo Lacson, tanging mahihirap ngunit kara-pat-dapat na mga estudyante ang dapat makinabang sa bagong batas na nagkalaloob ng libreng tuition para sa state universities and colleges (SUCs). “Kailangan, malinaw sa IRR (implementing rules and regulations) na deserving students,” ayon kay Lacson. “Kung gagastusan ng pamahalaan ‘yung mga bulakbolero, bulakbolera at mga bobong estud-yante, hindi naman siguro nararapat …
Read More »P45-B ng Mighty sa bir para sa Marawi crisis — Duterte
GAGAMITIN sa rehabilitasyon ng Marawi City at trust fund para sa pag-aaral ng mga anak ng sundalo ang P45-B ibabayad ng Mighty Corp., sa pamahalaan sa mga atraso sa hindi pagbabayad sa buwis. Sa kanyang talumpati kamakalawa nang dumalaw sa mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagtatapos sa pag-aaral ang mga anak ng …
Read More »P675/day NCR wage giit ng labor group
DAPAT magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng nationwide, across-the-board wage hike ng kahit P184 kada araw upang makasabay ang mga manggagawa sa pagtaas ng “cost of living” sa gitna ng pagbagsak ng “purchasing power” ipinuntong ang huling “significant pay hike” ay naganap noong 1989, o 28 taon na ang nakararaan. Sinabi ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines …
Read More »SSS naglaan ng P74-M calamity loan para sa Marawi at Ormoc
Naglaan ang Social Security System (SSS) ng halos P74 na milyon para ipautang sa mga miyembro nitong naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City at ng lindol sa Ormoc, Leyte. Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, maaari nang mag-apply ang mga kwalipikadong miyembro sa Calamity Loan Assistance Program (CLAP) simula ngayong araw na ito, Agosto 2, 2017. …
Read More »MMDA enforcers magsusuot na ng beret
WALA na ang bull cap at nakasuot na ng black beret ang mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang mabago ang kanilang imahe. Ayon sa MMDA, matagal nang plano ang pagpapalit sa uniporme ng mga enforcer partikular ang head gear. Paliwanag ni Director Roy Taguinod ng Traffic Discipline Office ng MMDA, makikita sa bagong uniporme ng MMDA …
Read More »13K pulis idi-deploy para sa 1,700 ASEAN delegates
NAKAHANDA na ang Metro Manila police force sa pagkakaloob ng seguridad sa mahigit isang libong delegado na dadalo sa 50th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang mga aktibidad sa linggong ito. Sinabi ni National Capital Region Police Office head, Director Oscar Albayalde, “We are very much ready. We have deployed our personnel in all 21 hotels that …
Read More »Consultants ng NDF ibalik sa selda — Solicitor General; 2 bomb maker ng NPA timbog sa Bukidnon
HINILING ni Solicitor General Jose Calida sa ilang korte na iutos ang muling pagbabalik sa piitan sa mga consultant ng rebeldeng komunista, makaraan ihinto ang pormal na usapang pangkapayapaan, ayon sa ulat ng kanyang tanggapan nitong Biyernes. Ang mga consultant ng National Democratic Front (NDF) na pinagkalooban ng condtional release “should be recommitted and their respective bonds should likewise be …
Read More »1,122 PNP personnel iniimbestigahan sa illegal activities
MAY kabuuang 1,122 police personnel ang iniimbestigahan ng Philippine National Police Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF) bunsod ng pagkakasangkot sa illegal activities, Sinabi ni Senior Supt. Chiquito Malayo, PNP-CITF commander, may inaresto na silang 41 PNP personnel at 15 civilians, karamihan ay dahil sa pangongotong, sa nakaraang anim buwan simula nang buhayin ang task force nitong Enero. Ang PNP-CITF ay nakatanggap …
Read More »Lookout bulletin vs Ricardo Parojinog inilabas ng DoJ
NAGPALABAS ang Department of Justice (DoJ) kahapon ng lookout bulletin laban kay Ricardo “Arthur” Parojinog, kapatid ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog. Ang lookout order ay inisyu kaugnay sa madugong serye ng pagsalakay sa mga bahay ng mga Parojinog nitong Linggo. Sinabi ng DoJ, may natagpuang mga baril at bala ang mga pulis sa bahay ni …
Read More »Panukala ni Sen. Pacquiao: Kulong, P1-M multa vs epal politicians
NAIS ni Senador Manny Pacquiao na patawan ang mga “epal” na politiko na ginagamit ang mga proyekto ng gobyerno upang i-promote ang kanilang sarili, ng parusang pagkabilanggo at multang hanggang P1 milyon. Sa Senate Bill No. 1535 o Anti-Epal Law na inihain noong 1 Agosto, nais ni Pacquiao na ipagbawal sa incumbent government officials na angkinin ang kredito sa public …
Read More »Mas mabigat na parusa vs ospital aprub kay Digong (Kung tatanggi sa pasyente)
NILAGDAAN bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na naglalayong magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga ospital at clinic na tatanggi sa pasyente sa emergency o serious cases dahil walang maibigay na deposito. Sa ilalim ng Republic Act 10392, bilang amiyenda sa Anti-Hospital Deposit Law, ipagbabawal sa hospital o clinic na mag-request, mag-solicit, mag-demand o tumanggap ng …
Read More »Tuition free sa state Us, colleges nilagdaan ng pangulo
PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbibigay ng libreng tuition sa state universities at colleges (SUCs), nitong Huwebes, ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra. Pinirmahan ni Duterte ang batas, sa kabila ng pag-aalangan ng ilang miyembro ng economic team niya sa gagastusin ng gobyerno upang pasanin ang libreng tuition. Nauna nang sinabi ni Budget …
Read More »Ex-editor, utol binistay ng ‘hired killer’
PATAY ang dating editor ng Business World na kasalukuyang consultant ng Department of Finance, at kapatid niyang negosyante, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem habang sakay ng kotse sa San Juan City, kamakalawa. Kinilala ni EPD director, C/Supt. Romulo Sapitula, ang mga biktimang sina Michael Marasigan, dating editor ng Business World na kasalukuyang consultant ng DoF, at kapatid niyang negosyante …
Read More »4 motorcycle riders sumemplang, sugatan (Graba nagkalat sa kalsada)
APAT katao ang sugatan makaraan sumemplang habang minamaneho ang kani-kanilang motorsiklo dahil sa nagkalat na graba sa kalsada sa Roxas Boulevard, Pasay City, kahapon ng madaling-araw. Isinugod sa Pasay City General Hospital ang mga biktimang sina Raymond Canalda, 32; Rannie Guevara, 19; Abdul Mohammad, Jr., 32, at Joel Graciano, 27, pawang motorcycle rider. Sa imbestigasyon ng Pasay City Traffic Bureau, …
Read More »Jamaican nat’l tiklo sa swindling (Inireklamo ng ka-chat na Pinay)
ARESTADO ang isang turistang Jamaican national sa entrapment operation makaraang ireklamo ng isang ginang na kanyang naka-chat at naloko ng malaking halaga sa Caloocan City, kahapon ng hapon. Kulong ang suspek na kinilalang si Alvin Williams, 32, turista mula sa bansang Jamaica, at pansamantalang naninirahan sa isang hotel sa Angeles City, Pampanga, nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 293 ng …
Read More »6 suspek utas sa parak (Sa Maynila)
ANIM hinihinalang drug suspect ang namatay nang pumalag sa magkakasunod na buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod, kahapon. Sa ulat ng MPD-Homicide Section, unang ikinasa ng mga operatiba ng MPD-Station 2 ang buy-bust operation dakong 12:48 am sa Moriones St., Tondo, Maynila, kahapon. Ayon kay MPD Station 2 commander, Supt. …
Read More »Dating VP-Binay, Junjun kinasuhan ng Ombudsman (Sa Makati Science building scam)
INIUTOS ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na sampahan ng kaso si dating Vice President Jejomar Binay, at anak niyang si dating Makati Mayor Junjun Binay kaugnay sa umano’y maanomalyang pagpa-tayo ng Makati Science Building. Ayon sa impormas-yon ng reklamo ng Ombudsman, dinaya ng da-lawa ang procurement process sa konstruksiyon ng P1.3-bilyon na proyekto ng lungsod. Sa magkahiwalay na resolusyon noong …
Read More »MVP et al mananagot sa monopolyo sa negosyo (P100-M hanggang P250-M multa)
MANANAGOT sa pagmomonopolyo sa isang uri ng negosyo ang mga mangangalakal tulad ni Manuel V. Pangilinan, at papatawan ng multang P100 milyon hanggang P250 milyon, at makukulong ng pitong taon sa paglabag sa Philippine Competition Act. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni Philippine Competition Commission (PCC) chairperson Arsenio Balisacan, simula sa 8 Agosto ay maaari nang panagutin ng …
Read More »MPD traffic chief sinibak sa kotong sa Lawton
SINIBAK ang hepe ng Manila Police District’s Traffic Enforcement Unit nitong Huwebes, makaraan isa sa kanyang mga tauhan ang nadakip habang nangongotong sa bus operators malapit sa City Hall. Iniutos ni Mayor Joseph Estrada kay MPD chief, Supt. Joel Coronel, ang pagsibak kay Supt. Lucile Faycho habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sinasabing talamak na extortion activities ng mga pulis …
Read More »Mighty corp, P45-B binili ng Japanese Tobacco Int’l
NIREREPASO ng Philippine Competition Commission (PCC) ang pagbili ng Japan Tobacco Int’l sa Mighty Corp sa halagang P45 bilyon. Sinabi ni PCC chairperson Arsenio Balisacan, 90 araw ang itinakdang araw para repasohin ng PCC ang kasunduan ng JTI at Mighty. Kapag hindi aniya nakapaglabas ng desisyon ang PCC sa loob ng 90-araw, ang transaksiyon ay itinuturing na aprubado. Naunang napaulat …
Read More »