dead

Truck driver pisak nang madaganan ng container van

NAGKALASOG-LA­SOG ang katawan ng isang truck driver mata­pos madaganan ng isang container van sa isang warehouse sa Paco, Maynila kahapon.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Policarpio Jr., 44-anyos.

Ayon sa pahinanteng si Richard Baranggain, nagbababa sila ng mga kargamento mula sa nakaparadang container van nang unti-unting gumalaw at tuluyang bumagsak.

Huli na nang kanilang malaman na nadaganan na pala si Policarpio. Agad-agad nilang ina­ngat ang likurang bahagi ng container van ngunit huli na para mailig­tas ang biktima.

Palaisipan maging sa mga pahinante kung bakit bumagsak ang con­tainer van gayong hindi umano ito gumagalaw at nakapatong lamang sa trailer. Wala rin ang pinaka-ulo ng truck. Patuloy ang isina­gawa­gang imbestigasyon ng Manila Police sa insi­dente.