Monday , December 23 2024

Masonry Layout

2 bakla nagsaksakan (Bayad sa sex ‘di tinupad)

knife saksak

KAPWA sugatan ang dalawang baklang lalaki makaraan magsaksakan nang magtalo hinggil pinagkasunduan nilang sa bayad sa kanilang pagtatalik sa Sampaloc, Maynila, nitong Miyer­ko­les. Sinaksak ng suspek na si Angel Biel Sebulo ang biktimang si Rosalio Verano nang tumanggi umano ang biktima na ibigay ang pangakong pera kapalit ng pakikipagtalik. Base sa imbestigasyon, nanood muna ng sine ang dalawa at pagka­raan …

Read More »

Aso iniwasan trike nahulog sa tulay, driver patay

BINAWIAN ng buhay ang isang tricycle driver makaraan mahulog sa kinukumpuning tulay habang minamaneho ang kanyang tricycle sa Batangas, kamakalawa. Ayon sa ulat, ang biktimang si Raymundo Cabral ay nahulog sa tulay kasama ng kanyang tricycle sa bayan ng Tuy. Batay sa paunang imbestigasyon, iniwasan umano ni Cabral ang isang aso sa pakurbadang kalsada malapit sa tulay. Ngunit dahil walang …

Read More »

8 arestado sa illegal gambling sa Navotas

SA pamamagitan ng “text sumbungan” para kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, walo katao ang inaresto ng mga tauhan ng Navotas City Police makaraan salakayin ang isang ilegal na pasugalan na matagal nang nag-o-operate at hindi nagagalaw ng mga opisyal ng barangay, kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga dinakip sina Noel Vidallo, 54; Froilan Dela Paz, 47; Efren Dela …

Read More »

Grace Poe for president kursunada ng Pangulo (Kapag kinilala na ang “foundlings”)

KURSUNADA ni Pangulong Rodrigo Duterte na matupad ang naunsyaming ambisyon ni Sen. Grace Poe na maging Pangulo ng Filipinas, ngunit sa isang bagong Konstitusyon na kikilalanin ang “foundlings.” Sa kanyang talumpati sa Cavite City kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na wala siyang problema dahil kaibigan niya ang senadora. “I like Grace Poe to be President someday if the requirement …

Read More »

Sinimulan ni Bonifacio ituloy — Digong (Panawagan sa Filipino)

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino, ipagpatuloy ang inumpisahang laban ng Ama ng Himagsikan na si Gat Andres Bonifacio upang ganap na lumaya ang bansa sa kuko ng katiwalian, kriminalidad, at ilegal na droga. Sa kanyang Bonifacio day message, binigyan-diin ng Pangulo, tungkulin ng bawat Filipino na bigyang buhay ang mga adhikain ni Bonifacio at himukin ang pagsibol …

Read More »

Duterte todas sa militar (Kapag pumasok sa coalition gov’t)

Duterte CPP-NPA-NDF

PAPATAYIN ng militar si Pangulong Rodrigo Duterte kapag pumasok siya sa coalition government na hirit ng mga rebeldeng komunista. Sinabi ng Pangulo, hindi pinag-uusapan ang kanyang popularidad sa pakikipag-usap sa mga rebeldeng komunista kaya mas minabuti niyang sundin ang nais ng militar at taong bayan kaysa ilarga ang peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front …

Read More »

14 NPA patay sa sagupaan sa Batangas

dead gun police

UMABOT sa 14 rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay makaraan makisagupa sa mga tropa ng gobyerno sa Nasubgu, Batangas, nitong Martes, ayon sa ulat ng militar at pulisya kahapon. Limang gerilyang NPA ang napatay habang dalawang rebelde ang sugatan makaraan ang sagupaan sa Sitio Pinamuntasan, Brgy. Aga, ayon sa ulat ng Nasugbu police. Siyam iba pang rebeldeng NPA ang …

Read More »

Sereno idiniin ni De Castro

PINATOTOHANAN ni Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo de Castro na naglabas ng isang resolusyon si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na taliwas sa desisyon ng en banc. Sa pagpapatuloy nang pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa impeachment complaint laban kay Sereno, sinabi ni De Castro, imbes na Regional Court Administration Office (RCAO)-7 ang inilunsad sa Cebu ay Judiciary …

Read More »

Magsiyotang tirador ng flat screen TV sa hotel arestado

lovers syota posas arrest

IBANG klaseng modus sa pagnanakaw ang ginagawa ng si-nabing magkasintahan na nahuli  sa isang hotel sa EDSA-Rotonda sa Pasay City nitong Linggo ng gabi. Nagpanggap na customer  ang dalawa na nag-check-in nitong nakalipas na Sabado sa Sogo Hotel Room 310 at Room 520 na sina Christopher Rae Cabuhat, 32 , at Jane Christine Belicario, 30 Pero target nila sa pag-check-in …

Read More »

Ipit gang timbog, 3 arestado

arrest prison

ARESTADO ng mga pulis ang tatlong hinihinalang miyembro ng Ipit gang makaraan biktimahin ang isang negosyanteng babae sa loob ng pampasaherong bus sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Nakapiit sa Malabon City police ang arestadong mga suspek na sina Jhelmar Franco, 20; Mark Joshua Fuentes, 19, at Angelo Pioquid, 22,  pawang mga residente sa Batasan Hills, Quezon City. Sa imbestigasyon …

Read More »

STL bilyones kung kumita para sa medical care (Ayon kay PCSO GM Balutan)

MULTI-BILYON ang kinikita ng Small Town Lottery para sa mahihirap. Ito ang matapang na pahayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan sa kanyang mensahe kay Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang kaugnay sa komento na i-regulate ang STL operations sa kanyang lalawigan. “We strengthened the law by crafting a new Implementing Rules and Regulations (IRR) that breaks …

Read More »

Transport strike sa unang Lunes ng Disyembre

ILULUNSAD ng transport group ng kanilang ikaapat na transport strike sa 4-5 Disyembre 2017 upang tutulan ang jeepney modernization program ng gobyerno sa darating na Enero 2018. Kinompirma ito kahapon ni George San Mateo, presidente ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper Operators Nationwide (PISTON). NANAWAGAN ang grupong PISTON sa isinagawang press conference sa National Press Club sa Intramuros, Maynila kahapon, …

Read More »

Kamatayang malagim normal sa kriminal (Ayon sa Pangulo)

MALAGIM na kamatayan ang kapalaran ng mga kriminal sa bansa. Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga pagbatikos sa libo-libong namatay dahil sa isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon. “Hindi naman ako nagmamalinis pero ‘yung – puwede ninyo akong atakehin…patayan, totoo naman ‘yun. May namamatay talaga. It is a destiny thing,” aniya sa kanyang talumpati …

Read More »

MPD cops hulicam sa itinumbang drug pusher

dead gun police

IPAHAHANAP, paiimbestigahan at ipaa-authenticate ng Palasyo ang video footage na nagpakita nang walang-awang pagpatay ng mga pulis-Maynila sa isang pinaghihinalaang drug pusher. “I will look at the video in my capacity as Presidential Adviser on Human Rights. But I will have to find the video and it will have to be somehow authenticated,” ani Presidential Spokesman Harry Roque sa press …

Read More »

Justice De Castro inaasahang dadalo (Sa Sereno impeachment)

POSIBLENG dumalo sa araw na ito (Miyerkoles) si Supreme Court Associate Justice Teresita de Castro sa impeachment hearing na isinasagawa ng House Committee on Justice laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Makaraan ang pagdinig kahapon, pinulong ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang miyembro ng komite at ibinilin na bigyan ng kaukulang paggalang si De Castro sa …

Read More »

11 tiklo sa liquid ecstacy party (Sa Global City)

INARESTO ang 11 katao makaraan maaktohan habang nagsasagawa ng liquid ecstacy party sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City. Siyam sa mga suspek ang nahuli sa aktong gumagamit ng droga tulad ng gamma butyrolactone o GBL, isang uri ng droga na binansagang li-quid ecstacy o …

Read More »

‘Player’ na INC itinuro ni Digong (Utol ni ex-CJ Cuevas)

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na muntik niyang sipain sa mukha ang pamosong ‘player’ ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Sa kanyang talumpati  sa Anti-Corruption Summit kagabi sa Pasay City, ibinisto ni Pangulong Duterte ang ‘raket’ ng isang Manny Cuevas, na gamitin ang kanyang impluwensiya para makasawsaw sa mga proyekto ng gobyerno. “Manny Cuevas, wala nang iba,” anang Pangulo …

Read More »

Estudyante arestado sa rape

prison rape

ARESTADO sa mga pulis ang isang 22-anyos estudyante sa kolehiyo makaraan ireklamo ng panggagahasa ng isang event coordinator sa loob mismo ng bahay ng suspek sa Navotas City, kamakalawa ng madaling-araw. Isinailalim muna sa medical examination sa Navotas City Hospital ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-2) ang suspek na si Roy Benson Roldan ng Kapalaran St., Brgy. Daanghari, Navotas City, …

Read More »

2 Lamborghini, Ferrari kinompiska ng Customs (Overstaying sa Manila port)

KINOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang tatlong super cars, kabilang ang dalawang Lamborghini at isang Ferrari, dahil overstaying na sa Manila port. Ang tatlong mamahaling kotse ay bahagi ng P24.2 milyong halaga ng shipments na kinompiska ng BoC dahil overstay sa port at dahil sa maling deklarasyon. IPINAKIKITA ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña ang ilang luxury cars …

Read More »

Korean nat’l sinagip sa kidnappers

SINAGIP ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang Korean national nitong Linggo, na sina-sabing dinukot ng kapwa tatlong Koreano at isang Filipino. Ayon sa girlfriend ni Lee Jung Dae, ilang lalaki na nagpakilalang mga operatiba ng Bureau of Immigration ang pumasok sa kanilang apartment at pinosasan ang biktima. INIHARAP ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa …

Read More »

Special session para sa BBL hirit ni Duterte

SPECIAL session para talakayin ang panukalang Bangsamoro Basic Law ang ihihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso. “Ang akin, it must be inclusive, lahat. Walang maiiwan dito sa peace talks na ito, MILF, MNLF, lahat na, Lumad, kailangan kasali,” ani Duterte sa talumpati sa kauna-unahang Bangsamoro Assembly sa Sultan, Kudarat, Maguindanao kahapon. “I will work very hard for it. I …

Read More »

2 gabinete ni Aquino inilagay sa BI lookout (Sa right of way scam)

NAG-ISYU ang Department of Justice ng Immigration lookout bulletin order laban kay dating budget secretary Florencio Abad at dating public works chief Rogelio Singson kaugnay sa pagkakasangkot sa P8.7 bilyon roadway anomaly. Sa nasabing scam, pinangunahan ng isang sindikato na nag-o-ope-rate noon pang 2009, gumamit umano ng bogus land titles sa paghingi sa gobyerno ng “right of way payment” para …

Read More »

Palasyo sa CPP-NPA: Teoryang Maoist laos na — Roque

Malacañan CPP NPA NDF

NANAWAGAN ang Palasyo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na mag-move on mula sa pagi-ging “Maoist” dahil atrasado na ang nasa-bing ideolohiya. Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, ultimo China na pinagmulan ng ideolohiyang Maoist ay niyakap na ang kapita-lismo kaya tinitingala na ngayon bilang pinakamaunlad na bansa sa buong mundo. “Napakatagal na po nitong labanang ito. …

Read More »

Isabel Lopez binawian ng driver’s license ng LTO

TULUYANG kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng dating beauty queen at aktres na si Maria Isabel Lopez dahil sa paglabag sa traffic and security protocols nang pumasok siya sa ASEAN lane noong nakaraang buwan. Ayon sa ulat, maaa-ring kumuha ng panibagong lisensiya sa LTO si Lopez pagkaraan ng dalawang taon. Pinagmumulta rin siya ng P8,000 para …

Read More »

Kopya ng SALN ni Sereno naglaho

HINDI mahagilap ang kopya ng statement of assets, liabilities and networth (SALN) ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa University of the Philippines mula 2001 hanggang 2009. Sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings, sinabi ni UP Human Resource Development Office (HRDO) Director Dr. Angela Escoto, tanging 2002 SALN lamang ang naka-file sa kanilang record. Dahil dito, ipina-subpoena ng House Committee on …

Read More »