Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Bong Go walang paki sa DND-SAP bidding

WALANG pakialam si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa anomang bidding para bumili ng mga kagamitan ang Department of National Defense (DND). Reaksiyon ito ni Go sa ulat na isinulong umano niya ang pag-aproba sa isang Korean company para sa computer system para sa barko ng Philippine Navy, habang may ibang pinaborang kompanya ang dati nitong Flag …

Read More »

Palasyo umalma sa bintang ng Rappler

UMALMA si Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyon ni Rappler chief executive officer Maria Ressa na pagkitil sa malayang pamamahayag ang desisyon ng Securites and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang kanilang license to operate. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa kauna-unahang pag­ka­kataon, tinawagan siya sa telepono kamakalawa ng gabi ng Pangulo para ipaabot sa publiko na wala siyang kinalaman sa …

Read More »

Rappler hinamon ni Digong

PINALIGUAN ng sermon at hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang online news site Rappler na maglabas ng ebidensiya sa akusasyon laban kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na nakialam sa bidding ng mga bagong kagamitan para sa mga barko ng Philippine Navy. Iwinagayway ni Duterte sa harap ng Rappler reporter sa CAAP event kagabi ang inilimbag na …

Read More »

Dalagita na-rape slay (Dumaan sa shortcut)

rape

INARESTO ang isang lalaking suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa Digos City, Davao del Sur. Ayon sa ulat ng pulisya, nitong Sabado inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Alfonso Ignacio makaraan ituro ng kaniyang mga kaibigan na responsable sa pagkamatay ng 14-anyos biktima. Ang bangkay ng biktima ay natagpuan nitong Sabado ng umaga nang balikan …

Read More »

Nakaburol na bangkay natupok sa sunog (Sa Baguio City)

NATUPOK ang 10 bahay gayondin ang ibinuburol na isang bangkay sa naganap na sunog sa Baguio City, nitong Lunes. Salaysay ng nasunugan na si Faye Carreon, sa Huwebes nakatakdang ilibing ng kanilang pamilya ang namayapa niyang asawa. Hinihintay lang aniya nilang makauwi ang anak na galing Japan, ngunit wala nang aabutang lamay makaraan matupok ang labi ng kanilang padre de …

Read More »

3 sugatan sa sunog sa Mandaluyong

SUGATAN ang tatlo katao habang 30 bahay ang natupok sa naganap na sunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, nitong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagmula sa isang junk shop na puno ng “highly-combustible materials” o materyal na madaling masunog tulad ng plastik at diyaryo. Ayon sa Bureau of Fire …

Read More »

12,000 residente inilikas (Alboroto ng Mayon patuloy)

LUMIKAS ang umaa­bot sa 3,061 pamilya o 12,044 katao dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council  nitong Lunes. Kabilang sa sa mga inilikas ang mga residente mula sa bayan ng Camalig, Guinobatan at Malilipot, na nasa paanan ng Mayon, ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan. Magkakaroon din aniya ng forced …

Read More »

CHEd chair nagbitiw (Resignation tinanggap ng Palasyo)

NAGBITIW sa puwesto si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan nitong Lunes, sinabing panahon na para umalis maka­raan makatanggap ng tawag mula sa Malacañang. Sinabi ni Licuanan, tinawagan siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong weekend at inutusan siyang bumaba sa puwesto bago matapos ang kanyang termino sa Hulyo 2018. “I have decided it is time to go. It …

Read More »

Press freedom hindi isyu — Palasyo

WALANG kinalaman ang isyu ng press freedom sa pasya ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang certificate of registration ng online news site Rappler. Binigyan-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang punto ng SEC decision ay paglabag ng Rappler sa probisyon ng Saligang Batas na dapat ay 100% Filipino ang may-ari at namamahala ng kompanya ng mass media …

Read More »

Rappler’s registration kinansela ng SEC

IGINAGALANG ng Palasyo ang de-sisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang certificate of registration ng online news site Rappler dahil hindi mga Fi-lipino ang mayorya ng may-ari nito. “We respect the SEC decision that Rappler, the strict requirements of the law, that the ownership and the management of mass media entities must be wholly-owned by Filipinos,” sabi …

Read More »

Duterte dadalhin ng digital PTV sa kanayunan

MAAARI nang makasalamuha si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga nakatira sa liblib na bahagi ng bansa sa pamamagitan ng Digital Terrestial Television Broadcasting System ng People’s Television (PTV). Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, sa inilunsad na digital PTV kamakailan ay libre at mas malinaw na mapapanood ng mga nakatira sa kanayunan ang mga programa ng pamahalaan gayondin ang babala …

Read More »

3 mahistrado haharap sa impeachment vs CJ Sereno

INAASAHANG tatlong  mahistrado ang dadalo sa pagdinig ng House Committee on Justice ngayong umaga (Lunes) sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Kinompirma ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite, dadalo sa pagdinig sina Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Samuel Martirez. Sinabi ni Umali, tetestigohan ni Martirez ang desisyon niya ukol sa benepisyado …

Read More »

Kelot tiklo sa P.6-M shabu sa CamSur

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang lalaki makaraan makompiskahan ng P600,000 halaga ng shabu sa Naga, Camarines Sur, nitong Linggo ng madaling-araw. Ayon sa ulat ng pu-lisya, bumili ang mga pulis ng P28,000 halaga ng shabu sa suspek na si Rodel Camaro, 36, naka-tira sa nasabing lugar. Nang tanggapin ni Camaro ang marked mo-ney, agad siyang hinuli at nakompiskahan ng 60 gramo ng …

Read More »

Kampanya vs bulok at mausok na sasakyan pinalagan ng Piston

jeepney

INALMAHAN ng jeepney group na PISTON ang kampanya ng gobyerno laban sa bulok at mausok na mga sasak-yan. Magugunitang sinimulang hulihin ng Inter-agency Council on Traffic nitong nakaraang linggo ang mga hindi ‘roadworthy’ na pribado at pampublikong sasakyan. Sinabi ni PISTON president George San Mateo, hindi makatao ang panghuhuli ng mga lumang jeepney dahil mahihirap ang mga driver at operator nito. …

Read More »

Koop ni Bro. Mike, kabahayan ng 36 pamilya nasunog sa P’que

NATUPOK ang isang commercial building na pagmamay-ari ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde sa Barangay San Dionisio, Parañaque City, nitong Sabado ng madaling-araw. Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog dakong 1:00 am at nagsimula umano sa isang grocery, ayon kay Supt. Robert Pasis ng Bureau of Fire Protection. Umabot mang mahigit apat na oras bago naapula ang sunog. Tinatayang …

Read More »

25 bahay sa Kyusi natupok

NAWALAN ng tirahan ang  25 pamilya makar­aan matupok ang 25 bahay sa Brgy. Kaligayahan sa Quezon City, nitong Sabado. Sinabi ni FO3 Leo-nathan Tumbaga, arson investigator ng Quezon City Fire Department, dakong 5:05 pm nang magsimula ang apoy at agad itinaas sa unang alarma. Dahil dikit-dikit ang mga bahay at karamihan ay gawa sa kahoy at yero, agad nilamon ng …

Read More »

Heart-to-heart talk hirit ni Digong kay Prof. Joma

ISANG heart-to-heart talk kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison ang nais mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte. “I want Sison to come here. The two of us will talk. Only the two of us in this room,” sabi ni Pangulong Duterte sa panayam ng Mindanews noong Biyernes ng gabi. Kamakailan ay nanawagan si Sison kay …

Read More »

Alert level 3 itinaas sa Mt. Mayon, residente lumikas

DAAN-DAANG residente sa paligid ng Mount Mayon ang lumikas nitong Linggo ng umaga makaraan itaas ang alert level 3 sa nasabing bulkan bunsod ng posibleng magmatic eruption. Sinabi ni Chief Inspector Arthur Gomez, spokesperson ng Albay Provincial Police Office, mahigit 2,000 katao ang lumikas at pansamantalang nanuluyan sa tatlong elementary schools dakong 4:00 am kahapon. Ayon kay Gomez, kabuang 475 …

Read More »

1 patay, 3 missing sa landslide (Sa Tacloban City)

PATAY ang isang matandang babae habang tatlo ang nawawala makaraan ang pagguho ng lupa at pagkabuwal ng malaking pader bunsod ng walang tigil na buhos ng ulan sa Tacloban City, kamaka-lawa ng gabi. Kinilala ang kompirmadong namatay na si Delia Carson, 64 anyos, chief tanod ng Barangay 43-B. Ayon sa ulat ng pulisya, lumabas ng bahay ang mister ng biktima …

Read More »

Noynoy no-show sa Sandiganbayan (Sa Mamasapano massacre)

HINDI sumipot si dating Pangulong  Benigno “Noynoy” Aquino III sa Sandiganbayan nitong Biyernes, ngunit iginiit ang pag-dismiss sa kanyang kasong kriminal hinggil sa sinasabing kanyang pagkakasangkot sa Mamasapano massacre. Si Aquino ay naghain ng motion to quash sa Fourth Division. Ang kanyang arraignment ay muling itinakda sa 15 Pebrero. Sinabi ng abogado ni Aquino na si Atty. Romeo Fernandez, pinayohan …

Read More »

Criminal, admin raps ikinakasa vs sangkot sa Dengvaxia mess

INIHAYAG ng Public Attorney’s Office nitong Biyernes, nakatakda na nilang ihain ang kasong kriminal at administratibo laban sa mga nag-aproba sa paggamit ng dengue vaccine, makaraan ang pagkamatay ng pitong kabataan nang maturukan ng nasabing gamot. Ang pitong biktima ay nabatid na pawang nakaranas ng pagdurugo sa kanilang utak, puso at baga bago sila binawian ng buhay, sa loob ng …

Read More »

Metro Manila crimes bumaba (Dahil sa anti-drug campaign) — NCRPO

BUNSOD ng kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga, bumaba ang insidente ng krimen sa Metro Manila noong 2017 ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Sinabi ni NCRPO chief, Director Oscar Albayalde, kompara sa datos noong 2016, bumaba ang insidente ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping at motorcycle theft noong 2017 dahil umano sa …

Read More »

Tokhang muling ilulunsad ng PNP ngayong Enero

ronald bato dela rosa pnp

MULING ilulunsad ng Philippine National Police ang house-to-house anti-drug operation “Oplan Tokhang” ngayong Enero, pahayag ni Director General Ronald dela Rosa, nitong Biyernes. Sa ambush interview, sinabi ni Dela Rosa, nagbigay na siya ng go signal sa police commanders para sa pagbuhay sa nasabing programa sa Lunes. Tiniyak ng PNP chief sa publiko, ang “true spirit” ng Oplan Tokhang, ang …

Read More »

Bagong narcos sa Bilibid lumahok sa drug trade (PDEA desmayado)

nbp bilibid

NAGPAHAYAG ng pagka­desmaya si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino hinggil sa umano’y pagpasok ng “new players” sa illegal drug trade. Ito ay kasunod ng drug-bust sa isang condominium unit sa Mandaluyong City, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek, isiniwalat na ang suppliers ng illegal drugs ay mula sa New Bilibid Prison. “Marami pong new players. …

Read More »

2 tulak ng ecstasy, cocaine tiklo sa Mandaluyong

ARESTADO sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng party drugs, kabilang ang liquid ecstasy, at cocaine, sa Mandaluyong City. Ayon sa ulat, nadakip ng mga tauhan ng PDEA Special Enforcement Service ang mga suspek na sina Lester Almalbez, 35, at Harold Peñaflor, sa buy-bust operation sa Princeville Condominium sa nabanggit na lungsod, …

Read More »