Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

Digong minolestiya ng pari

BINIGYAN katuwiran ng Palasyo ang pang-aalispusta at pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pari at sa Simbahang Katolika dahil bunga raw ito ng naranasang trauma ng Punong Ehekutibo. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kaya galit si Pangulong Duterte sa Simbahang Katolika ay bunsod nang naranasang pangmo­mo­les­tiya ng pari noong siya’y estudyante pa. “Now lang siguro pupuwede po nating …

Read More »

STL kontrolado ng Jueteng lords

WALANG plano si Pa­ngulong Rodrigo Duter­te na tuldukan ang kontrol ng jueteng lords sa small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO). Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Davao City kamakalawa, hinahayaan lang niya na sakyan ng jueteng lords, maging ang lotto, dahil ito na ang sistemang kanyang dinatnan. “If I cannot replace it — itong, with …

Read More »

P6.8-M damo sinunog sa Cebu

UMAABOT sa P6.8 milyong halaga ng tanim na marijuana ang sinunog sa isang plantasyon sa Brgy. Tagbao, Cebu City, nitong Miyerkoles ng umaga. Habang arestado ang sinabing nangangalaga sa mga tanim na marijuana na si Ireneo Borres, 50 anyos. Ayon sa tagapagsalita ng PDEA-7 na si Leia Albiar, naabutan ng grupo si Borres na nagdidilig ng mga tanim na marijuana. …

Read More »

Mass arrest sa tambay bubusisiin ng Kongreso

dead prison

PAIIIMBESTIGAHAN ng Bayan Muna party-list ang malawakang pagda­kip ng pulisya sa mga ‘tambay’ maging ang pagkamatay ng isang inaresto sa kustodiya ng Novaliches Police Station 4. Kinondena nina Ba­yan Muna Rep. Carlos Zarate at Party chairman Neri Colmenares ang pagkamatay ni Genesis Argoncillo alyas Tisoy, na dinakip ng mga pulis-Quezon City noong Biyer­nes ngunit makalipas ang apat na araw ay idine­klarang dead …

Read More »

Mental Health Act nilagdaan ni Duterte

NILAGDAAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11036 o Mental Health Act kahapon. Ang batas ay may layuning isulong ang proteksiyon sa karapa­tan ng mga taong may kapansanan sa pag-iisip sa pamamagitan nang paglalaan ng pondo para sa integra­ted men­tal health services. Base sa batas, titi­yakin ng estado ang maagap, abot-kaya, de-kalidad at “culturally-appropriate” na mental health care …

Read More »

GMRC kargo ng magulang — Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na malaking hamon sa kanila ang magturo ng “good manners and right conduct” sa mga mag-aaral dahil napapanood si Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng masasa­mang salita sa kanyang mga talum­pati. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, trabaho ng mga magulang ang magturo ng kagandahang asal sa kanilang mga …

Read More »

27 estruktura sa El Nido giniba

PALAWAN – Nagsimula na ang puwersahang demolisyon sa natitirang 27 establisiyemento sa bayan ng El Nido na nabig­yan ng “notice to vacate” makaraan pumasok sa 3-meter easement zone. Unang giniba ng Task Force El Nido ang mga estruktura sa Brgy. Masagana. Giniba ang mga sea wall, pader at bahagi ng gusali. Nagsimula na rin mag self-demolish ang ilang nego­syan­teng nahainan …

Read More »

Miyembro ng basag kotse gang tiklo sa akto

NATIYEMPOHAN ng mga alagad ng batas habang binabasag ang salamin ng isang naka­paradang kotse ang isang miyembro ng Basag Kotse gang sa Makati City, kahapon ng madaling-araw. Hindi nakapalag nang arestohin ng mga awto­ridad ang suspek na si Robert Adriano, 26, resi­dente sa Brgy. 254, Zone 23 sa Maynila. Ayon kay Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, dakong 1:15 am …

Read More »

2 Pinoy patay, 3 pa sugatan sa banggaan

road accident

PATAY ang dalawang Filipino at tatlong iba pa ang sugatan nang ma­sangkot sa banggaan sa Jizan, Saudi Arabia. Sinabi ni Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate sa Jeddah, papunta sa gro­cery ang mga Filipino nang masalpok ng van ang kanilang sinasakyan noong nakaraang Huwe­bes. Patuloy na nagpapa­galing sa ospital ang mga sugatan na nabalian ng mga buto sa binti. …

Read More »

BBL swak sa Federalismo — solons

DALAWANG kongre­sista mula Mindanao ang umaasa na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) ang magiging susi sa kapayapaan sa Mindanao. Ang BBL umano ay isa ring magandang tem­plate para sa napi­pintong “federal states” ayon sa dalawa. Sinabi ni Anak Mindanao Party-List Rep. Amihilda Sangco­pan at  Iligan City lone district Rep. Frederick Siao, umaasa sila na ang BBL ang magiging para­an para …

Read More »

Pag-uwi ni Joma kanselado

READ: Peace talks ikinansela: Duterte patalsikin — Joma Sison READ: Joma hindi ‘mata-tarmac’ sa airport (Sigurado si Duterte) READ: Babala ni Digong: Peace talks ‘pag bigo ulit Joma papatayin READ: Umuwi ka na sagot kita (Hikayat ni Digong kay Joma) READ: Digong kay Joma: 5 NPA kapalit ng sundalong papaslangin ng komunista READ: Joma ‘nabansot’ sa FQS (Sana’y may sapat …

Read More »

Trade sec ipakain sa gutom na sikmura

DAPAT ipakain sa mga gutom na Filipino si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez. Ito ang buwelta ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philip­pines (ALU-TUCP) sa pahayag ni Lopez sa Palasyo kahapon na hindi dapat bigyan ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa kabila nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sinabi ni Allan …

Read More »

Babaeng naanakan pinaslang, pari hinahanap

NAGA CITY – Kabilang ang isang pari mula sa Archdiocese of Caceres, sa mga iniimbestigahan ng pulisya kaugnay sa pagpaslang sa  isang babae noong nakaraang linggo. Pirmado ni Fr. Darius Romualdo ang inilabas na pahayag ng simbahan tungkol sa pagkamatay ni Jeraldyn Rapiñan. Nakikiramay ang simbahan sa pamilya ng biktima at nagsasagawa ng sariling imbesti­gas­yon. Noong nakaraang Biyernes, natagpuan ang …

Read More »

Digong nagnilay saltik sa pari itinigil

“FOR whom the bell tolls, it tolls for thee…” Bahagi ito ng sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sa gitna ng kanyang pagba­tikos sa mga pari ng Simbahang Katolika sa kanyang talumpati sa Iloilo City, tumunog ang kampana bilang hudyat ng Angelus. Bago tumunog ang kampana, mistulang binibigyan katuwiran ni Duterte ang pagpatay sa isang pari kamakailan na umano’y …

Read More »

4 sumuko sa droga utas sa ratrat

dead gun police

PATAY ang apat drug surrenderee, kabilang ang isang babae, maka­raan pagbabarilin ng riding-in-tandem ha­bang nag-iinoman sa gilid ng kal­sada sa isang sub­dibi­syon sa Antipolo City. Kinilala ng Rizal PNP ang mga biktimang sina Rommel Bedrona, 30; Leonard Constantino, 27, may-ari ng apart­ment; Dave Natalaray, 32, at Margaret Diane Sala­zar, 21, live-in partner ni Constantino. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng …

Read More »

6-anyos anak binugbog, Mister kalaboso

NANG hindi sundin ang iniuutos, binugbog ng isang lalaki ang kanyang 6-anyos anak sa Valen­zuela City, kamakalawa ng umaga. Agad inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Community Pre­cinct (PCP) 8 ang suspek na si Michael Fabul, 35, sa kanilang bahay sa Eugenio St., Sitio Sulok, Brgy. Ugong makaraang humingi ng tulong sa pulisya ang asawa niyang si Windylyn nang masak­sihan …

Read More »

Labi ng Pinoy na pinatay ng Slovakian nasa PH na

NAGING madamdamin ang pagdating ng labi ng isang overseas Filipino worker (OFW) na walang awang pinatay ng isang Slovakian national nang ipagtanggol ang dala­wang Filipina na binastos habang namamasyal sa naturang bansa. Lumapag sa Aegis hangar NAIA Complex ang chartered flight pasado 10:00 am lulan ang labi ni Henry John Acorda, 36, residente sa Central Signal Village, Taguig City, na …

Read More »

2 preso namatay sa selda ng QCPD

dead prison

BUNSOD nang kasiki­pan at sobrang init sa loob ng selda ng Quezon City Police District Novaliches Police Station 4, dalawang preso ang binawian ng buhay, ini­ulat ng pulisya kahapon. Sa ulat ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), unang namatay si Alex Canono Andaman, 41, hair stylist, at residente sa Ma­xima St., Brgy. Gulod, Novaliches. Si Andaman ay na­ku­long dahil kasong pag­labag sa …

Read More »

Tambay todas sa boga

gun shot

PATAY ang isang lalaking ‘pasaway’ sa kanilang lugar makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan ang 63-anyos tricycle driver na tinamaan ng ligaw na bala sa Malabon City, kamaka­lawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief, S/Supt. Harry Espela ang biktimang si Anthony de Jose, 28, residente sa 1st St., Brgy. Tañong, habang ginagamot sa Tondo Medical Center  si Jesus Algunajonata, …

Read More »

SC senior justices ikonsidera ni Duterte

supreme court sc

NANAWAGAN ang House justice committee kay Pangulong Ro­drigo “Digong” Duterte na ikonsi­dera ang senior members ng Korte Suprema bago magtalaga ng bagong chief justice. “I just hope the President will do the right thing in terms of the appointment by following the tradition. Kapag mayroong bypassing, ang mangyayari talaga magkakaroon ng conflict. Hopefully we will be able to avoid this,” …

Read More »

Sereno tuluyang sinibak

PINAGTIBAY ng Supreme Court ang pagsibak kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado makaraan ibasura ang kaniyang motion for reconsideration (MR) laban sa desisyon ng en banc sa quo warranto petition. Ayon sa mga source, walong mahistrado ang nagbasura sa MR ni Sereno habang anim lang ang nagsabing dapat itong pagbigyan. Dagdag ng mga source, ibinasura ang MR sa kadahilanang …

Read More »

Tanong ng Palace reporters ‘ibinasura’ ng PIA Region XII

MEDIA censorship. Ito ang puna ng ilang mamamahayag na nakatalaga sa Palasyo matapos balewalain ni Danilo E. Doguiles, PIA Region XII officer-in-charge, ang ilang ipina­dalang tanong ng Palace reporters sa press briefing ni Presidential Spokes­man Harry Roque sa Cotabato City. Si Doguiles ang tuma­yong moderator sa natu­rang press briefing. Matapos basahin ni Roque ang kanyang ope-n­ing statement ay inatasan niya …

Read More »

Relief goods sa Boracay kinakalawang

BORACAY ISLAND – Ikinatuwa ng mga resi­dente ng Brgy. Balabag ang natanggap nilang relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ngunit ang tulong na sana ay makapagpapabusog ng tiyan, ay itinapon lang sa basurahan. Ito’y nang matanggap ng ilang mga residente ang kinakalawang na mga delata, na bumubula ang mga …

Read More »

Media Safety chief isusunod ng Palasyo — Harry Roque

NAKAHANDA ang Palasyo na paimbestigahan ang isyu nang pagkakasangkot ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) chief Joel Egco sa iringan ng dala­wang media organizations na nag-ugat sa P100 milyong federalism campaign fund. Sa press briefing sa Cotabato kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque na makatutulong sa pagsi­sisyasat kung may mag­hahain ng pormal na reklamo laban kay Egco. “Well, …

Read More »

Sister Fox mananatili sa bansa

Sister Patricia Fox

IGINAGALANG ng Palasyo ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na kumatig sa petisyon ni Sister Pa­tricia Fox na manatili sa bansa. “We respect the resolution by the DOJ secretary,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque. Sa resolusyon na nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Gue­varra, binaliktad niya ang naunang kautusan ng Bureau of Immigration na i-downgrade ang mis­sionary visa ni …

Read More »