Wednesday , February 28 2024
dead

Pagpatay sa NDFP peace consultant, itinangging dahil sa anti-terror bill (Bangkay ‘hostage’ sa punerarya?)

WALANG kinalaman sa Anti-Terrorism Law ang pamamaslang kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant at chairman ng Anakpawis na si Randall “Randy” Echanis.

Ito ang inihayag kahapon ni Quezon City Police District (QCPD) director P/BGeneral Ronnie Montejo matapos sabihin ng mga militanteng grupo na nagsisimula na ang bagsik ng anti-terror law na may kaugnayan sa pamamaslang kay Echanis nitong Lunes. 10 Agosto.

Ayon kay Montejo, isang common crime ang nangyari sa NDFP consultant at hindi maaaring idikit sa pag-iral ng naturang batas.

Sinabi ng opisyal, protektado ang karapatang pantao sa Anti Terror Law.

Nauna nang iginiit ng militanteng grupo na ang  pagpatay sa NDFP peace consultant ay bahagi ng kalupitan ng batas na naglalayong patahimikin ang mga komokontra sa gobyerno.

Hanggang sa kasalukuyan ay nanatili sa Pink Petals Memorial Homes sa La Loma ang bangkay ni Echanis at hindi pa rin ito nakukuha ng pamilya.

Hinihintay ni Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief P/Major Elmer Monsalve na magpakita ng dokumento tulad ng marriage certificate o ano pa man na magpapatunay na kamag-anak nila ang napatay.

Nanatili sa imbestigasyon ng CIDU, hindi si Echanis, ang isa sa pinaslang kung hindi isang Manuel Santiago batay sa narekober na identification card.

Matatandaan, mismong ang asawa ni NDFP consultant na si Erlinda Echanis ang kumilala sa  kabiyak na pinaslang sa Unit J at K apartment sa No. 14 Petronian St., Barangay Nova Proper, Novaliches, Q.C  nitong lunes ng madaling araw, 10 August.

Habang isinusulat ang balita, hindi malaman kung ngayong araw ay maire-release ang labi ni ‘Ka Randy’ sa kanyang pamilya. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

SM Foundation farmer 1

From passion to prosperity
SM Foundation farmer-beneficiary now an agripreneur, draws inspiration from Henry Sy, Sr.

KSK alumna Virgie with some of her mushroom chicharon products Gone are the days when …

April Aguilar Brgy Pilar Las Piñas

VM Aguilar pinangunahan ang pagtulong sa mga nasunugan sa Brgy. Pilar

PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong sa mga …

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

UPANG panumbalikin ang mga bakawan sa mga baybaying barangay ng lalawigan, nakipagkaisa ang Pamahalaang Panlalawigan …

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

NAGSAGAWA ng matagumpay na operasyon ang pulisya ng Bulacan kamakalawa, na nagresulta sa pagkaaresto ng …

Andre Perez Dizon

PBGen Dizon pinarangalan ng PNP NHQ (sa epektibong pamumuno sa hanay ng Kasurog Cops PRO5)

GINAWARAN ng “Medalya ng Katangitanging Gawa si Police Regional Office 5 Director PBGen Andre Perez …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *