LILIMITAHAN ang suplay ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan at Cavite simula kahapon, Linggo hanggang Martes, abiso ng Maynilad kahapon. Ayon sa Maynilad, ipatutupad nila ang rotational water supply availability dahil sa pagtaas ng turbidity o paglabo ng raw water sa Ipo Dam. Sa ilalim ng rotational water supply availability, may partikular na oras sa loob ng …
Read More »Masonry Layout
29 death toll sa Ompong (13 missing )
UMABOT sa 29 ang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong, ayon sa ulat ni Presidential Political Adviser Francis Tolentino, nitong Linggo. Sa bilang na ito, 24 ang mula sa Cordillera Administative Region (CAR), ayon kay Tolentino sa press briefing sa Tuguegarao City, Cagayan. Habang 13 indibiduwal ang hindi pa natatagpuan sa rehiyon. “Ang marami po tayong …
Read More »32 patay, 40 na-trap sa Itogon landslides
UMABOT sa 32 katao ang patay habang 40 ang na-trap sa pagguho ng lupa sa pananalasa ng bagyong Ompong sa Itogon, Benguet, ayon sa alkalde ng nasabing bayan kahapon. Ayon kay Mayor Victorio Palangdan, sinisikap ng mga awtoridad na marekober ang 40 katao na na-trap sa bunkhouse na natabunan ng lupa sa naganap na landslide. “May isang bunkhouse ng isang …
Read More »Tserman binoga sa ulo ng tandem
BUMULAGTANG walang buhay ang isang barangay chairman nang barilin sa ulo ng riding-in-tandem habang lulan ng kanyang motorsiklo makaraan dumalo sa isang anti-illegal drugs seminar, sa kanto ng P. Burgos Drive at Ma. Orosa St., Ermita, Maynila kahapon. Kinilala ni SPO 3 Jonathan Bautista ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktimang si Barangay Chairman Angel Joy Rivero, 52, …
Read More »Metro Manila, 37 areas signal no. 1 kay Ompong
ITINAAS ng State weather bureau PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Metro Manila at 37 iba pang mga erya habang bumilis ang bagyong Ompong at nagbago ng direksiyon nitong Huwebes ng hapon. Sa 5:00 pm advisory kahapon, sinabi ng PAGASA, si Ompong ay huling namataan sa 575 kilometers east northeast ng Virac, Catanduanes. Ito ay patuloy na …
Read More »Super Typhoon Mangkhut nasa PH na — PAGASA
PUMASOK na ang super typhoon Mangkhut sa Philippine Area of Responsibility dakong 3:00 pm nitong Miyerkoles, ayon sa state weather bureau PAGASA. Ayon sa weather advisory mula sa PAGASA, ang super typhoon Mangkhut ay opisyal nang pinangalanan bilang “Ompong.” Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkoles sa publiko na maaaring simulang maranasan ang malakas na …
Read More »6 nasakote sa P4.5-M Marijuana sa Kyusi
NASABAT ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 35 kilo ng marijuana, tinatayang P4.5 milyon ang halaga, sa anim arestadong mga suspek sa ikinasang pagsalakay sa Brgy. Immaculate Conception, Cubao, Quezon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Grenie Hierro, 34; Anthony John Timpug, 39; Lassery Ann Rayo, 30; Randbel Clifford Venzon, 20; Archie Visperas …
Read More »Resignation ng NFA chief tinanggap ni Duterte
TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni National Food Authority (NFA) adminisitrator Jason Aquino. Sinabi ng Pangulo kahapon, naghahanap na siya ng ipapalit kay Aquino. “Jason Aquino has requested that he be relieved already…. I will scout [for] a new one,” ayon kay Duterte sa tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Pagod na umano si Aquino na mga …
Read More »Trillanes maaari nang lumabas sa senado
INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV na anomang oras ay maaari na siyang makalabas ng gusali ng Senado ngunit hindi tinukoy kung deretsong uuwi ng kanilang tahanan o kung saan tutuloy pansamantala. Ito ay makaraan bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang arestohin ang senador nang walang warrant of arrest at maglabas ng desisyon ang Korte Suprema sa inihaing petisyong kumukuwestiyon …
Read More »Proclamation 572 vs Trillanes tuloy
TULOY ang pagpapatupad ng Proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa iginawad na amnestiya kay Senador Antonio Trillanes IV. Ibinasura ng Korte Suprema ang hirit na temporary restraining order (TRO) ni Trillanes para ipatigil ang implementasyon ng Proclamation 572. “There is no legal impediment now to implement Proclamation 572. He had his day in court and he failed,” ani Presidential Spokesman …
Read More »Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa
INILINAW ni Pangulong Duterte na wala talagang bisa ang amnestiya na iginawad kay Trillanes ng administrasyong Aquino dahil si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin lang ang nagrekomenda at nag-aproba at hindi si dating Pangulong Aquino. Nakasaad aniya sa Konstitusyon na tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihan sa pagbibigay ng amnestiya at hindi puwedeng ipasa sa miyembro ng gabinete. Ang …
Read More »Hamon sa Magdalo: Patalsikin n’yo ako — Duterte
HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Magdalo Group o ang pangkat ng mga sundalong kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes IV, na patalsikin siya sa puwesto kung bilib sila sa senador. Sa kanyang tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na isinahimpapawid sa government-controlled PTV4, hinikayat niya ang mga sundalong naniniwala kay Trillanes at dating Pangulong Benigno Aquino IV na magpunta …
Read More »Kano nasakote sa Cainta (Canadian teacher inatado sa Taiwan)
ARESTADO ang isang most wanted person sa Taiwan sa kasong pag-chop-chop sa isang Canadian teacher, makaraan salakayin ng mga tauhan ng Cainta PNP at Bureau of Immigration (BI) ang kanyang pinagtataguan sa Cainta, Rizal. Kinilala ni S/Supt. Lou Evangelista, Rizal PNP provincial director, ang nadakip na si Oren Shlomo Mayer, nasa hustong gulang, ngayon ay nakapiit sa detention cell sa …
Read More »Tserman itinumba sa La Union
PATAY ang isang 63-anyos barangay chairman ng Brgy. San Jose sa Rosario, La Union, nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng SUV, nitong Biyernes. Ayon sa ulat ng pulisya, nakikipagkuwentohan ang biktimang si Ruben Genetiano sa tapat ng bahay ng kamag-anak sa katabing-bayan ng Pugo, nang bumaba ng sasakyan ang tatlong gunman at malapitan siyang binaril. Kabilang sa drug watch …
Read More »Inflation puwedeng pababain — GMA
MAAARING bumaba ang inflation na 6.4 porsiyento gaya nang nangyari noong panahon ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Arroyo, tumaas din ng 6.6 porsiyento ang inflation noong panahon na siya ay presidente pero hindi aniya tumagal nang mahigit apat na buwan. Ani Arroyo, napag-usapan nila ni Albay Rep. Joey Salceda, ang hepe ng National Economic and Development Authority …
Read More »P12-M smuggled onions nasabat sa Manila Port
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang P12 milyon halaga ng smuggled onions mula sa China sa Manila International Container Port (MICP), ayon sa ulat ng ahensiya nitong Huwebes. Ang kontrabando ay natagpuan sa gitna ng tumataas na presyo ng mga gulay, kabilang ang sibuyas at iba pa. Nakatago sa anim containers, ang mga sibuyas na misdeklarado bilang mga mansanas, …
Read More »5 kasunduan nilagdaan ng PH, Jordan
AMMAN – Limang kasunduan ang nilagdaan kahapon ng mga opisyal ng Filipinas at Jordan na lalong magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa. Kabilang sa mga kasunduan ang Memorandum of Understading (MOU) on Political Consultations, between the Ministry of Foreign Affairs and Expatriates of Jordan, and the Department of Foreign Affairs of the Philippines; MoU on Defence Coope-ration between the Jordan …
Read More »Mocha ‘paborito’ sa official trips abroad
TILA patok si Mocha Uson sa mga biyahe ng presidente at cabinet secretaries sa ibang bansa. Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, si Uson ay madalas na nakaka-sama sa mga biyahe sa ibang bansa dahil sa imbitasyon ng mga kalihim na may official trip. Sa pagdinig ng pa-nukalang budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nagkakahalaga ng P1.47 …
Read More »Waiter nangholdap sa milk tea shop
NADAKIP ang isang waiter makaraan holdapin ang isang milk tea shop sa Sampaloc, Maynila, nitong Miyerkoles. Ayon sa suspek bago nangholdap ay nagsimba muna siya sa Quiapo Church at humingi ng tawad sa kaniyang gaga-wing kasalanan. “Sabi ko, Lord kayo na po bahala sa akin kasi wala na po ako malalapitan,” aniya. Gamit ang laruang baril ng anak, pinasok ng …
Read More »P20.4-M shabu nasabat sa Maynila
KOMPISKADO ang tinatayang P20.4 milyon halaga ng ilegal na droga sa isang 25-anyos lalaki sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Maynila, nitong Huwebes ng hapon. Ayon sa ulat, dakong 3:20 pm nang ikasa nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit, Region 3 Drug Enforcement Unit (RDEU) at Manila Police District (MPD), …
Read More »DFA alerto sa missile attack sa Saudi
INAALAM ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may mga Filipino sa 23 katao na nasaktan dahil sa missile attack sa residential area sa Najran Saudi Arabia, kamakalawa ng gabi. Ayon sa Philippine Consulate General sa Jeddah, ang missile, ay pinakawalan mula sa Yemen, at matagumpay na na-intercept at winasak ng Royal Saudi Air Defense Forces bandang 8:00 ng gabi. …
Read More »Walang Pinoy casualties sa bagyo at Lindol sa Japan
INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na naapektohan nang matinding hagupit ng Typhoon Jebi sa bansang Japan. Ayon sa DFA, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tokyo at sa Philippine Consulate General sa Osaka. Sa talaan, nasa 280,000 Filipino ang naninirahan sa lugar na hinagupit ng bagyo kaya hindi tumitigil ang ahensiya sa pagmo-monitor para …
Read More »Mayor inambus sa munisipyo (Sa Cebu)
PATAY ang alkalde ng bayan ng Ronda sa probinsiya ng Cebu makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa loob mismo ng munisipyo, nitong Miyerkoles. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Mayor Mariano Blanco III, makaraan pagbabarilin dakong madaling-araw ng Miyerkoles, ayon sa hepe ng Ronda Police Station na si S/Insp. Junior Falcon. Ayon sa ulat, pasado …
Read More »Duterte napa-wow sa disaster response ng Israel
JERUSALEM – Napahanga si Pangulong Rodrigo Duterte sa Disaster Response and Rehabilitation Presentation dito sa Israel. Sa nasabing demonstrasyon ng Magen David Adom (MDA), ipinamalas ng rescuers ang kanilang bilis, efficiency at modernong kagamitan sa pagsasagawa ng rescue operations kapag may sakuna gaya ng pagpapasabog. Sinabi ni Pangulong Duterte, nakare-relate ang Filipinas sa ganitong sitwasyon dahil hindi “exempted” ang bansa …
Read More »Deputy Commander ng presinto itinumba
PATAY ang isang deputy commander ng presinto sa Pasay City makaraan pagbabarilin, noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Insp. Allan Ortega, deputy commander ng Police Community Precinct (PCP) 4 sa Libertad. Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa hepe ng Pasay police na si S/Supt. Noel Flores, nalagutan ng hininga ang biktima dahil sa tama ng bala sa …
Read More »