Sunday , September 29 2024

Masonry Layout

Sariling bahay sinilaban ng adik (Gustong mamatay)

ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang adik sa ilegal na droga makaraan silaban ang kanyang bahay ngunit nadamay ang bahay ng 24 pamilya sa Navotas City, kamakakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Vergel Valera, 34, residente sa Isda St., Brgy. North Bay Boulevard North, nahaharap sa kasong arson. Batay sa ulat ni arson investigator FO2 Arbie Locahin, dakong 6:30 pm …

Read More »

School principal, 1 pa patay sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Camarines Sur)

road traffic accident

LIBMANAN, Cama­rines Sur – Dalawa ang patay habang 11 ang sugatan nang magka­rambola ang apat sasak­yan sa bayang ito, nitong madaling-araw ng Martes. Sa imbestigasyon ng pulis, nag-overtake ang isang Toyota Avanza na papuntang Naga sa Ford Everest ngunit nakasa­lubong nito ang Tripolds Bus papuntang Maynila. Isang truck ang na­damay sa karambola ngunit walang nasaktan sa mga sakay nito. Pagkabig …

Read More »

2 lola patay sa araro ng kotse (Sa Kennon Road)

road accident

DALAWANG lola ang namatay makaraan ararohin ng isang kotse habang nag-aabang ng pampasaherong jeep sa Kennon Road, Baguio City, bandang 6:00 ng umaga nitong Martes. Ayon sa mga saksi sa insidente, naghihintay ng pampasaherong jeep sa gilid ng kalsada sina Rosaline Alberto, 61, at Sioning Pimiliw, 64, nang biglang sagasaan ng rumaragasang kotse. Kasama ni Alberto ang kaniyang dalawang anak …

Read More »

NHA ‘binomba’ ni Legarda (Sa bulok na ‘pabahay’)

NAIS ni Senadora Loren Legarda na panagutin ang mga opisyal at mga kon­traktor ng National Housing Authority (NHA) dahil sa hindi ligtas at substandard na estruktura ng mga proyektong pabahay. Ayon kay Legarda, sa­pat na pondo ang ipinag­kakaloob ng pamahalaan para matiyak na magka­roon nang maayos na pabahay para sa mga biktima ng kalamidad o sakuna at sa mga relo­kasyon …

Read More »

Anak na bunso, 2 apo ni Digong nabakunahan ng Dengvaxia

dengue vaccine Dengvaxia money

NATURUKAN din ng Dengvaxia ang anak na bunso at dalawang apo ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te. Sinabi kahapon ni Special Assistant to the President (SAP) Chris­topher “Bong” Go, ang presidential daughter na si Veronica “Kitty” Du­terte at dalawang anak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay nabakunahan ng Deng­vaxia, ang kontrobersiyal na anti-dengue vaccine. “May nagtanong kanina kung na-inject raw …

Read More »

Sa ilalim ng TRAIN Law, Oil price ‘pag sumirit Palasyo may planong contingency

MAYROONG contin­gency measure ang Mala­cañang na handang ipa­tupad sakaling sumirit nang todo ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Kapag pumalo sa $80 dollars per barrel ang 3-month average na presyo ng krudo sa pan­daig­digang pamilihan, susus­pendehin ang excise tax na ipinapataw sa pro­duktong petrolyo na nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Sinabi ni Presidential …

Read More »

Domino effect ng TRAIN babantayan

NANINIWALA si Sena­dora Grace Poe na dapat malaman ng publiko at ng Senado ang domino effect nang ipinatutupad na Tax Reform on Acceleration and Inclusion ( TRAIN) law sa public services. Ayon kay Poe, naka­tanggap siya ng reklamo sa mga residente ng Iloilo hinggil sa sobrang taas ng singil sa koryente dahil aniya sa epekto ng TRAIN law. Bukod dito, …

Read More »

2 OFWs patay sa sunog sa Saudi Arabia

NAMATAY ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia nang masunog ang kanilang tinutuluyan, ayon sa opisyal ng Philippine Consulate General sa Jeddah. Sinabi ni Consul General Edgar Badajos, naganap ang sunog dakong 10:00 pm sa Najran province, isang probinsiya sa Western Region ng Saudi Arabia. Sinabi ni Badajos, nagpadala na sila ng team sa lugar ng insidente para …

Read More »

Holdaper todas sa shootout

dead gun

PATAY ang isang hinihinalang miyembro ng robbery hold-up group nang makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Capital Region (NCR) sa pangunguna ni Chief Insp. Michael John Villanueva, na may plano ang Epoy robbery hold-up group na …

Read More »

Dalagita naatrasan ng payloader, DOA sa ospital

road traffic accident

ILOCOS NORTE – Nalagu­tan ng hininga ang isang 15-anyos dalagita nang maa­trasan ng payloader sa Brgy. Lanao, sa bayan ng Bangui, ayon sa naantalang ulat ng pulisya kahapon. Batay sa imbestigasyon, nakaangkas noong Biyernes ang biktima sa motorsiklo na minama­neho ng kaniyang 17-anyos kuya nang umatras ang payloader. “Nagmo-move back­ward ang payloader at sinubukang iwasan ito ng motor na nasa …

Read More »

Human error sa flyover collapse — DPWH chief

INIHAYAG ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, na human error ang sanhi ng pagguho ng flyover sa Imus, Cavite. Paliwanag ni Villar, ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng pagkakamali sa panig ng operator sa pagkakabit ng huling girder sa concrete beam sa fly­over na nagresulta sa pagguho nito. “Base sa preliminary findings namin, human error …

Read More »

Ex-boxing champ kalaboso sa shabu

SWAK sa kulungan ang isang dating boksingerong kampeon makaraan ma­hulihan ng ilegal na droga sa buy-bust ope­ration sa Trece Martires, Cavite, kamakalawa. Ayon sa ulat ng pu­lisya, nakompiskahan ng mga awtoridad ng dala­wang pakete ng hinihi­na­lang shabu, at P200 buy-bust money ang dating WBC Flyweight Division champion na si Randy Mangubat. Umamin si Mangubat na nauwi siya sa pagtu­tulak ng …

Read More »

Sotto in, Koko out (Sa Senado)

INIHALAL na si Senador Vicente “Tito” Sotto III bi­lang bagong Senate President o pinuno ng Senado kapalit ni Senate President Koko Pimentel. Mismong si Pimentel ang nag-nominate kay Sotto para sa posisyon ng Senate President na papalit sa kanyang pu­wes­to. Magugunitang bago ang palitan sa pagitan nina Sotto at Pimentel ay nabunyag na mayroong isang resolusyon na nilagdaan ng 15 senador …

Read More »

DOTr asec sinibak ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Depart­ment of Trans­portation Assistant Secretary Mark Tolentino dahil sa pakikipag-usap sa presidential sister kaugnay ng Mindanao railway project. Sa press briefing , sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pakikipag-usap sa isang malapit na kamag-anak ni Pangulong Duter­te ang naging dahilan ng pagsibak kay Tolentino. Ani Roque, ang paki­kipag-usap sa sinomang kamag-anak ng Pangulo na …

Read More »

Montano nag-resign

TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang pagbibitiw ni Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board. Kinompirma ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na sa kan­yang tanggapan ipina­dala ni Montano ang resignation letter at agad na tinang­gap ito ng Pangulo kaha­pon. “I am truly grateful for the trust and the opportunity you have bestowed …

Read More »

‘Judiciary fixer’ inilaglag ng Palasyo (Stepfather ng kontrobersiyal na apong debutante)

NAGBABALA ang Palasyo sa publiko, lalo sa judges at justices na mag-ingat sa “judiciary fixer” na asawa ng dating manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque na walang kinalaman ang Unang Pamilya sa gina­wang pag-iikot  ng asawa ng dating manugang ng Pangulo sa mga hukuman para mag-impluwensiya sa mga kaso. “Now …

Read More »

Mag-ama sugatan sa atake ng buwaya (Sa Palawan)

KAPWA sugatan ang mag-ama makaraan ata­kehin ng buwaya sa Bala­bac, Palawan, nitong Sa­ba­do ng hapon. Ayon sa ulat ng pulisya, inaayos ni Karik Buara, 15-anyos, ang kanilang bangka malapit sa dalampasigan ng Brgy. Salang nang sagpangin siya ng isang malaking buwaya. Narinig ng ina ni Karik ang pagsigaw niya ng saklolo kaya agad tinungo ang ama ng binatilyo na si …

Read More »

P3.5-M shabu nasabat sa Cebu

shabu drug arrest

CEBU CITY– Umaabot sa P3.5 milyon halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasabat sa iki­nasang buy-bust ope­ration sa Brgy. La­bangon sa lungsod na ito, nitong Sabado ng gabi. Nakompiska sa ope­rasyon ang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na 300 grams ang timbang, ayon kay Supt. Glenn Mayam ng Philip­pine National Police Drug Enforcement Group. Habang nakatakas ang target ng …

Read More »

Itinatayong flyover gumuho (Sa Imus, Cavite)

GUMUHO ang gitnang bahagi ng itinatayong flyover sa Imus, Cavite nang mawala sa balanse ang isa sa ikinakabit na support beam, dakong 11:45 pm nitong Sabado. Nagkalat ang tipak-tipak na mga semento at iba pang materyales sa Emilio Aguinaldo High­way nang gumuho ang gitnang bahagi ng itina­tayong flyover. Masuwerteng walang naitalang nasugatan sa insidente ngunit nadaga­nan ng gumuhong beams ang …

Read More »

Impeachment vs Sereno ‘wag ibasura — solon

TINAWAG na karuwa­gan ang planong huwag nang ituloy ang im­peachment proceeding laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Pahayag ito ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin hinggil sa plano ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na ihin­to ang nasabing pro­ceeding ngayong pina­talsik na ng Supreme Court ang punong ma­histrado na puwedeng magdulot  ng cons­titutional crisis. Ayon sa mamba­ba­tas, …

Read More »

2 La Union top cops sinibak sa Eriguel slay

SINIBAK ng Philippine National Police ang provincial director ng La Union gayondin ang police chief ng bayan ng Agoo nitong Sabado, upang bigyang daan ang mga bagong opisyal na hahawak sa imbestigasyon hinggil sa pagpaslang kay dating Rep. Eufranio “Franny” Eriguel. Sina C/Insp. Alfredo Padilla, Jr., hepe ng Agoo Police, at La Union Provincial Police Office head, S/Supt. Genaro Sapiera …

Read More »

Sen. Sotto presidente sa Senado

Tito Sotto

MAGKAKAROON ng bagong lider ang Senado ngayong Lunes dahil mauupo bilang bagong Pangulo ng Mataas na Kapulungan si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III kapalit ni Aquilino Pimentel III. “What is being discussed now is when (the leadership change will happen)?” pahayag ni Sen. Panfilo Lacson sa panayam nitong Sabado. Sinabi ni Lacson, ang majority-bloc senators ay magkakaroon ng …

Read More »

Usec na humirit sa utol ni Digong sisibakin

ISANG opisyal ng gob­yerno na nakipag-tran­saksiyon sa kapatid ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te ang masisibak sa puwesto. Ayon sa Pangulo, mayroon pang limang mga opisyal ang nasa listahan niya ngayon na nakatakda na rin niyang palayasin sa puwesto. Isa aniya rito ay isang undersecretary na gumamit ng pangalan o humingi aniya ng tulong sa kaniyang kapatid para sa isang proyekto. Binigyang …

Read More »

Kahit nagbitiw si Puyat, Probe sa P647.11-M ‘gastos’ ng PCOO sa CMASC ASEAN 2017 tuloy — Trillanes

TULOY ang isinusulong na imbes­tigasyon ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa ‘nawawalang’ P647.11 milyong ginastos ng tanggapan ng Presidential Communications Opera­tions Office (PCOO) para sa informa­tion caravan noong ASEAN 2017. Ayon kay Trillanes, tuloy ang imbestigasyon kahit nagbitiw sa kanyang tungkulin si PCOO Un­der­secretary Noel Puyat na nagsilbing chairman ng ASEAN 2017 Committee on Media Affairs and Strategic Com­muni­cations …

Read More »

Ex-LP members kaisa sa paghikayat kay Bong Go na tumakbo sa Senado

TULUYAN nang nag-alsa balutan sa Liberal Party ang mga mambabatas na tinagu­riang “Anak ni Mar Roxas” matapos mag-ober da bakod sa political party ng Admi­nistrasyong Duterte na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban. Kabilang dito sina Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas, Sta. Rosa, Laguna Mayor Danilo Fernandez,  at Quirino Rep. Dakila Cua, at iba pa, dumalo rin …

Read More »