INIUTOS ng Department of Labor and Employment sa regional and tripartite wage boards ang pagtalakay at pagbusisi sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa mga obrero. Inianunsiyo ito ni DOLE Secretary Silvestre Bello III dahil sa mga petisyon para sa dagdag-sahod sa gitna ng implementasyon ng tax reform law. “With or without petition, I gave …
Read More »Masonry Layout
5 Cameroonians, Pinay nasakote sa pekeng dolyares
NABUWAG ang sindikato ng pekeng US dollars makaraang madakip ang limang Cameroonian nationals at isang Filipina sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Quezon City Police District-District Special Operation Unit (QCPD-DSOU), kamakalawa ng gabi sa lungsod. Sa ulat ni Supt. Gil Torralba, DSOU chief, kay QCPD director, Chief Supt. Joselito Esquivel, kinilala ang mga arestadong sina Bame Jacob, 42, auto mechanic, residente …
Read More »Opisyal pa sisibakin ni Duterte
ISA pang opisyal ng gobyerno ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Davao River Bridge sa Carlos P. Garcia Highway sa Davao City, sinabi niyang gagawin ang pagsibak pagbalik sa Malacañang sa susunod na linggo. Hindi na tinukoy ng Pangulo kung sino ang opisyal na susunod na maaalis sa kanyang administrasyon. Binanggit ng Pangulo, sinibak …
Read More »P40-M, 30-M Yen naholdap sa 2 hapon ng ‘pulis’
HINOLDAP ng tatlong lalaki, isa ang nagpakilalang pulis, ang magkaibigang negosyanteng Japanese national sa Brgy. Old Balara, Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, C/Supt. Joselito Esquivel, ang mga biktima ay kinilalang sina Shoichi Ichimiya, 49, at Morita Shuyu, 53, kapwa pansamantalang naninirahan sa V. Hotel, sa Malate, Maynila. Sa imbestigasyon ni …
Read More »Babala ni Digong: Peace talks ‘pag bigo ulit Joma papatayin
MAKE or break para kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison ang dalawang buwang ‘window’ na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa isinusulong na peace talks. Bagamat ginagarantiyahan ng Pangulo na ligtas na makararating sa bansa si Sison mula sa The Netherlands, kung nakakuha siya ng asylum, hindi naman niya nanaisin na bumalik pa sa bansa ang …
Read More »Sakripisyo at statesmanship ni Koko, pinuri ng PDP Laban
PINAULANAN ng papuri ng mga tunay at tapat na kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) ang kanilang Party President na si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa kanyang kapansin-pansing sakripisyo para sa higit na ikabubuti ng Senado at ng bayan noong Martes. Pinili ni Pimentel si dating Senate Majority Floor Leader Vicente Tito Sotto III bilang …
Read More »Kidlat tumama sa cellphone 9 bata, 2 pa sugatan (Habang nagrorosaryo)
BAGO CITY, Negros Occidental – Sugatan ang 11 katao makaraan tamaan ng kidlat habang nagrorosaryo sa Bago City, Negros Occidental, nitong Martes ng hapon. Ayon sa ulat, ang mga biktima ay nasa loob ng chapel ng Sitio Pandan, Brgy. Ma-ao at nagrorosaryo nang tumama ang kidlat. Nawalan ng malay ang karamihan sa mga biktima makaraan ang insidente at nagkaroon ng …
Read More »Police killer timbog sa Antipolo (6 pa target ng PNP)
ARESTADO ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang pulis na binaril sa ulo noong Linggo ng madaling-araw, habang target ng mga awtoridad ang anim pa niyang kasamahan. Iniharap kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde kahapon sa press conference sa Camp Crame, ang suspek na si Crispin Fortin, ang gunman sa pagpaslang kay PO3 Don Carlo Mangui. Siya ay nadakip …
Read More »14-anyos binatilyo nagsaksak sa sarili (Baby ayaw ipakita ng GF)
KRITIKAL ang kalagayan ng isang 14-anyos binatilyo makaraan magsaksak sa kanyang sarili nang tumanggi ang 16-anyos karelasyon na ipakita sa kanya ang kanilang anak na sanggol sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Inoobserbahan sa Valenzuela City Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Emmanuel Perez, out-of-school youth, residente sa Northville 1, Brgy. Bignay. Sa imbestigasyon ni PO3 Maria Luisa …
Read More »Quarrying sa Montalban iprinotesta
NANAWAGAN ang ilang mga grupo sa pangunguna ng Bangon Kalikasan Montalban at Bantay Kalikasan kasama ang ilang mga pari, pastor at iba pang grupo ng simbahan, kabilang ang homeowners’ associations at transport groups laban sa patuloy na pagkakalbo ng Mount Parawagan. Apektado ang mga barangay ng Burgos, Manggahan, Balite, San Rafael, San Jose at pinakamalawak sa San Isidro na kontrolado …
Read More »DAR inireklamo sa makupad na aksiyon
NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang isang pribadong mamamayan na silipin ang dahilan ng makupad na pagtugon ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa kasong pitong taon nang nakasalang sa kanilang tanggapan. Ayon kay Jeff Garrido, pitong taon na nilang hinihintay ang Order of Execution para sa kasong DARAB Case No. 17185 (Gorgonia Mariano versus Spouses Joseph Andres et …
Read More »Dagdag-tuition sa 170 private schools aprub sa DepEd
INAPROBAHAN ng Department of Education ang application ng 170 private schools sa National Capital Region para magtaas ng matrikula sa school year 2018-2019. Ang Quezon City ang may pinakamaraming pribadong paaralan na magpapatupad ng tuition hike. Ayon sa DepEd, mas mababa ang bilang ngayon ng mga paaralan sa NCR na magtataas ng matrikula kompara noong nakaraang school year. Sinabi ni …
Read More »Riding-in-trio sumemplang kritikal (Pulis tinakasan)
KRITIKAL ang kalagayan ng tatlo katao, kabilang ang 17-anyos estudyante, makaraan sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo nang takbohan ang mga pulis sa Malabon City, kamakalawa ng madaling-araw. Ginagamot sa MCU Hospital si Jassen Delemon, 20, service crew, habang kapwa inoobsebahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang kanyang back rider na sina Niko Sese, 19, at Raymond Cabuenos, 17, estudyante, …
Read More »Dagdag-pasahe sa LRT 1 iliban — Poe
IMINUNGKAHI ni Senadora Grace Poe na iliban muna ang planong pagtaas sa singil ng pasahe sa LRT 1 upang hindi lubhang mahirapan ang publiko lalo ang mga pasahero ng tren. Ayon kay Poe, hindi pa man nakaaahon ang mga mamamayan sa sunod-sunod na epektong dulot ng TRAIN law ay dagdag pasahe na naman ang kanilang kahaharapin. Tinukoy ni Poe na …
Read More »Marawi siege madilim na parte ng kasaysayan (‘Di dapat ipagdiwang — Go)
WALANG dapat ipagdiwang sa unang anibersaryo ng Marawi siege ngayon dahil ito’y isang madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong”Go ang dapat gawin ng sambayanan ay matuto sa aral ng masaklap na pangyayari sa Marawi City upang hindi na maulit saanmang bahagi ng Filipinas at itaguyod ang rehabilitasyon ng siyudad. Wala …
Read More »Martial law sa Mindanao mananatili
IBINASURA ng Palasyo ang mga panawagan na tuldukan ang martial law sa Mindanao. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa hinog ang panahon para ipawalang bisa ang batas militar sa Mindanao. “Wala pong gusto na magkaroon ng martial law beyond the necessity of having martial law so the Palace would like to assure the public that the moment the …
Read More »Mag-utol timbog sa pagluray sa 15-anyos dalagita
ARESTADO sa mga awtoridad ang magkapatid na lalaki makaraan halayin ang isang 15-anyos dalagita sa Pandi, Bulacan. Ayon sa ulat ng pu-lisya, kinilala ang mga suspek na sina Dante at Ricky Bagay Angeles. “Umiinom sila noon pero noong makatunog sila na may mga papalapit nagkaroon ng konting habulan,” sabi ni Chief Inspector Manuel de Vera Jr., hepe ng Pandi police. …
Read More »Dalagita sex slave ng dyowa ng tiyahin
ARESTADO sa mga awtoridad ang isang lalaking tatlong taon umanong hinalay ang pamangkin ng kaniyang kinakasama sa Meycauayan, Bulacan. Ayon sa ulat ng pulisya, 11-anyos pa lamang ang biktima nang simulang abusuhin ng suspek. Napag-alaman, nitong Martes ay nagtangka pang tumakas ang suspek na si Elmer Capillo nang arestohin ng mga awtoridad. Ayon sa biktima, nagsimula ang pang-aabuso sa kaniya …
Read More »Misis tiklo sa P.7-M shabu
ARESTADO ang 40-anyos ginang na umano’y ginagamit ng ‘bigtime drug cyndicate,’ sa ikinasang buy-bust operation at nakompiskahan ng halos P700,000 halaga ng ilegal na droga sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal kahapon. Kinilala ni Rizal PNP provincial director, S/Supt. Lou Evangelista ang suspek na si Marlyn Datalio, 40, nakatira sa lungsod ng Taguig. Narekober mula sa suspek ang isang malaking …
Read More »Abas lusot sa CA (Bagong Comelec chairman)
KINOMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments ang nominasyon ni Sheriff Manimbayan Abas bilang chairman ng Commission on Elections (Comelec). Si Abas, na ang termino ay matatapos sa 2 Pebrero 2022, ang pumalit kay dating Comelec Chairman Andres Bautista na nagbitiw sa puwesto dahil sa eskandalong kinahaharap. Sa kabila ng pagkuwestiyon kay Abas ng mga miyembro ng komisyon dahil sa pagiging …
Read More »Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada
POSIBLENG maharap sa kasong administratibo at kriminal ang city prosecutor ng Parañaque dahil sa mga nakalusot na dokumento na bumagsak sa kamay ng ‘lover’ ng isang Japanese tycoon na napatalsik sa kanyang gaming conglomerate ng kanyang sariling pamilya matapos niyang waldasin ang pondo ng kompanya. Inakusahan si city prosecutor Amerhassan Paudac ng pagiging ‘bias’ at ‘gross partiality’ ng pamilya ni Kazuo …
Read More »Senate probe sa P647.11-M PCOO funds ‘ibuburo’ (Hanggang Hulyo)
BIGO si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na maisalang agad sa imbestigasyon ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kaugnay ng kuwestiyonableng P647.11 milyong gastos para sa information caravan ng ASEAN 2017 Committee on Media Affairs and Strategic Communications (CMASC). READ: KAHIT NAGBITIW SI PUYAT, PROBE SA P647.11-M ‘GASTOS’ NG PCOO SA CMASC ASEAN 2017 TULOY — TRILLANES Kahit …
Read More »Angara inihimlay
INIHATID na sa kanyang huling hantungan si dating Senador Edgardo Angara sa loob ng kanilang compound sa Brgy. Reserva, Baler, Aurora kahapon. Pumanaw ang dating Senate President sa edad na 83 noong 13 Mayo. Ayon sa anak na si Senador Sonny Angara, ipinagmamalaki niya ang kanyang ama sa mga nagawang batas na kinabibilangan ng Free School Act, Senior Citizen’s Act …
Read More »Traffic enforcer patay sa salpok ng bus (3 sugatan)
BINAWIAN ng buhay ang isang traffic enforcer makaraan masalpok ng isang provincial bus habang nag-aayos ng traffic cones sa Skyway sa Amorsolo Ext., Makati City, kahapon ng umaga. Isinugod sa Makati Medical Center ang biktimang si Maynard Joel Tolentino, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Skyway Corporation, ngunit nalagutan ng hininga sanhi ng matinding pinsala sa katawan. Samantala, hindi na binanggit ng …
Read More »Lasing na kasambahay nalunod sa pool
NALUNOD ang isang kasambahay sa swimming pool dahil sa matinding kalasingan habang naliligo kasama ang pamilya ng kanyang amo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Mailin Castillo, 24, stay-in housemaid sa Cadorniga St., Brgy. NBBS, Navotas City. Base sa imbestigasyon nina PO3 Julius Mabasa at PO2 Jose Romeo …
Read More »