Saturday , September 28 2024

Masonry Layout

2 itinurong ‘tulak’ timbog sa droga (Sa Montalban)

shabu drug arrest

ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug pusher at nakuha sa kanila ang 25 transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa buy bust operation na ikinasa ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon, 17 Agosto, sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal.   Kinilala ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Joseph Arguelles ang mga nadakip na suspek na sina Alexander Rañada, alyas …

Read More »

CoVid-19 cases sa Bulacan pumalo lampas sa 2,000  

DANIEL FERNANDO Bulacan

UMABOT sa 2,204 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 18 Agosto, na ang 260 ay nananatiling may sintomas habang 1,008 ay asymptomatic.   Nadagdagan ito ng 98 aktibong kaso, habang 40 ang dagdag sa mga gumaling na.   Samantala, dalawa pa ang nadagdag sa bilang ng mga namatay dahil sa CoVid-19 na …

Read More »

Ex-mayoral candidate sa Meycauayan patay sa pamamaril

dead gun police

PINAGBABARIL hanggang mamatay ang isang negosyante sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng tanghali, 17 Agosto.   Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, hepe ng Meycauayan City Police Station (CPS), kinilala ang biktimang si Ryan Afable Cayanan, 45 anyos, tumakbo sa pagkaalkalde ng naturang lungsod noong 2019 ngunit hindi nagwagi.   Ayon sa imbestigasyon ng …

Read More »

10 dating rebelde binigyan ng ayuda

NAKATANGGAP ng tseke bilang ayuda ang 10 dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA), mula sa programang Enhanced Comprehensive Local Integration (E-Clip) sa isinagawang awarding ceremony ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga, Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA). Sa nasabing seremonya, nakatanggap ng tig-P65,000 ang bawat dating  miyembro ng New People’s Army (NPA) at tig-P15,000 …

Read More »

2-M shares sa Dito binawi ng Mercedes importer

AYAW paawat ni Auto Nation Group, Inc., chair Greg Yu sa pagbebenta ng kanyang shares sa DITO-CME Holdings Corp., ang kompanya na magpapatakbo sa third telco player sa bansa. Ang Auto Nation ang exclusive distributor ng Mercedes Benz at American auto brands Chrysler, Dodge, Jeep at  Ram sa Filipinas. Sa report ng isang website, ibinenta ng DITO independent director ang …

Read More »

70 construction sites sa QC, lumabag sa ‘safety protocols’  

QC quezon city

NABUKO ng Department of Building Official (DBO) ng Quezon City government na may 70 construction projects ang lumalabag sa “health and safety protocols” sa gitna ng pandemyang CoVid-19 sa isinagawang sorpresang inspeksiyon.   “We have issued Cease and Desist Orders for the immediate stoppage of construction activities of these non-compliant projects,” ayon kay DBO head Atty. Dale Perral.   Aniya, …

Read More »

Libreng CoVid-19 test sa obrero aprub kay Duterte

Covid-19 Swab test

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga employer na magsagawa ng libreng CoVid-19 test sa kanilang mga empleyado lalo ang mga may “vulnerable condition” o madaling mahawaan ng sakit. “It could be a private or public establishment or area. But the employers, ‘yung mga amo, are highly encouraged to send their employees for testing at no cost to the employees,” …

Read More »

Ex-PNP colonel nadaganan ng 3-palapag na bahay, 20 sugatan (Masbate niyanig ng magnitude 6.6 lindol)

earthquake lindol

PATAY ang isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP), habang sugatan ang iba, nang bumagsak at gumuho ang kanyang tatlong-palapag na bahay sa magnitude 6.6 lindol na yumanig sa bayan ng Cataingan, sa lalawigan ng Masbate, noong Martes ng umaga, 18 Agosto. Unang nasukat ang pagyanig ng lupa sa magnitude 6.5, na tumama 5 kilometro sa timog kanluran ng …

Read More »

Sputnik V ng Russia, Sino vaccine hindi libre – Duterte (Uutangin ng PH)

UUTANGIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bakuna laban sa CoVid-19 sa mga ‘kaibigan’ niyang sina Russian President Valdimir Putin at Chinese President Xi Jinping. Nagpasalamat si Duterte sa China at Russia sa alok na unahin ang Filipinas sa pagkakalooban nila ng COVID-vaccine ngunit kung hindi abot-kaya ang presyo ay uutangin ng Filipinas at babayaran nang hulugan o installment basis. “Bibilhin …

Read More »

Ayuda sa tourism, pinalawak pa sa Bayanihan 2

NAGHAHANDA ngayon ang mga mambabatas na dagdagan pa ng mahigit P15 bilyon ang tulong para sa sektor ng turismo at iba pang industriyang nasalanta ng pandemyang CoVid-19 sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One bill (Bayanihan 2). Ang tourism industry na matagal nang dumaraing sa epekto ng pandemya ay maaaring makakuha ng pautang mula sa binabalak na mas pinalaki …

Read More »

Babaeng HR activist pinaslang Bacolod City (Echanis inilibing na)

ISANG babaeng human rights activist na nakabase sa Bacolod, ang pinaslang nitong Lunes ng gabi, ilang oras matapos ihimlay sa kanyang huling hantungan sa Metro Manila ang pinaslang din na NDF peace consultant na si Randall “Randy” Echanis. Si Zara Alvarez, 39 anyos, ng Negros Island Health Integrated Program at dating political prisoner ay pinaslang sa Eroreco Village, Barangay Mandalaga, …

Read More »

 ‘APOR’ nalito at nagkagulo sa border pass ng CSJDM LGU

San Jose del Monte City SJDM

NAGKAGULO ang netizens ng San Jose del Monte sa Bulacan kahapon dahil sa inilabas na bagong direktiba ng pamahalaang lungsod patungkol sa bagong Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na gustong ipatupad bukod pa sa inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ayon sa SJDM Public Information Office kailangan mag-fill-up ng APOR form ang lahat para maisyuhan …

Read More »

NCR, 3 probinsiya inilagay sa GCQ (Mula sa MECQ)

COVID-19 lockdown

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal matapos ipatupad ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ). Inihayag ito ng Pangulo kagabi sa kanyang public address sa Davao City. Aniya, ipatutupad sa buong bansa ang modified GCQ  maliban sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, …

Read More »

Mega web of corruption: P911-M real properties ng IBC-13, ‘nalusaw’ sa ‘midnight deal’

 ni Rose Novenario BAGO nagwakas ang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2016 ay may ‘nilutong’ midnight deal na nagresulta sa pagkawala ng P911-milyong real properties na pagmamay-ari ng sequestered at state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) sa Broadcast City sa Capitol Hills, Diliman, Quezon City. Opisyal na natapos ang administrasyong Aquino noong 30 Hunyo 2016. Nabatid sa 2016 …

Read More »

Duterte nasa ‘perpetual’ isolation — Palasyo ( 6-feet away sa publiko)

INAMIN ng Palasyo na nasa ‘perpetual isolation’ si Pangulong Rodrigo Duterte at hanggang anim na talampakan ang layo sa mga tao na puwedeng makasalamuha niya. Inihayag  ni Presidential Spokesman Harry Roque na regular na sumasailalim sa polymerase chain reaction tests para matiyak na ligtas sa CoVid-19 ang Pangulo. Ani Roque, nagagampan nang maayos ng Presidential Security Group (PSG) ang kanilang …

Read More »

P1.4-B IRM fund ng PhilHealth sa 51 fraud-ridden hospitals ibinigay (Para sa CoVid-19 patient); PhilHealth’s IRM ipinabubuwag

Philhealth bagman money

SA PAGDINIG ng House committee on public accounts kahapon lumabas ang karagdagang mga isyu kaugnay sa katiwaliang nangyari sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sa pamumuno ni chairman Rep. Mike Defensor ng Anakalusugan party-list sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa PhilHealth, lumabas na 51 ospital ang nabiyayaan ng P1.4 bilyon sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM). Ayon kay Defensor, binigyan …

Read More »

20,000 Bulakeño dapat isailalim sa contact tracing — DOH

DANIEL FERNANDO Bulacan

KINAKAILANGANG isailalim sa contact tracing ang nasa 20,000 indibidwal mula sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay Health Secreatry Francisco Duque III, ito ay matapos maka­pagtala ng 2,018 kompir­madong kaso ng COVID-19 ang lalawigan, na mayroong 788 recoveries at 58 fatalities. Matatandaan, ilang opisyal ng Inter-Agency Task Force at National Task Force on CoVid-19 ang bumisita sa Bulacan matapos tumaas ang …

Read More »

Matulunging mga pulis sa Bulacan umani ng papuri

Sta maria Bulacan Police PNP

Umani ng papuri ang isang pulis at mga kasama niya sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan matapos tulungan ang isang security guard na namamasukan kahit may pandemya para sa ikabubuhay ng pamilya. Si P/SSgt. Melvin Rogero, nakatalaga sa Sta. Maria Municipal Police Station (MPS), ay kabilang sa mga pulis na nagmamando ng quarantine checkpoint sa Barangay Pulong Buhangin, …

Read More »

Doktor timbog sa cainta (Inakusahang nanghipo ng dalaga)

sexual harrassment hipo

ARESTADO sa mga operatiba ng Pasig PNP ang isang 41-anyos doktor na sinabing wanted sa kasong panghihipo noong isang taon, sa bayan ng Cainta, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 16 Agosto. Kinilala ni P/Col. Moises Villaceran, hepe ng Pasig police, ang nadakip na kinilalang si Dr. Ian Raymond Antonio, medical doctor, nakatira sa Green Park, Barangay San Isidro, ng nabanggit …

Read More »

P81-M shabu huli sa HQ ng courier service sa Cebu

NASAMSAM ng mga awtoridad ang 12 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P81.6 milyon sa J&T Express Regional Headquarters sa lungsod ng Mandaue, lalawigan ng Cebu, nang mag-random inspection noong Sabado ng hapon, 15 Agosto. Sa kanilang pahayag nitong Linggo, 16 Agosto, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ikinasa ng kanilang Regional Office 7 – Seaport …

Read More »

6 PhilHealth regional officers naghain ng LOA

KINOMPIRMA ng Palasyo na anim na regional officers ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang naghain ng leave of absence. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang anim na opisyal ng PhilHealth ay hindi ang tinukoy na “mafia” ni Senator Panfilo Lacson bagkus sila’y tinawag pang ‘heroes’ ni PhilHealth board member Alejandro Cabading sa kanyang testimonya sa Senado. Ani Roque, …

Read More »

P10-B pondo ng Philhealth ipinapipigil ng senadora

Philhealth bagman money

INIREKOMENDA ni Senadora Imee Marcos na itigil muna sa paglalabas ng may P10 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kung hindi gagamitin para sa testing at paggamot sa CoVid-19 at hindi pa maka­pagbigay ang ahensiya ng detalyadong pagsisiwalat sa pondo nito. Kasabay nito, kinastigo ng senadora ang PhilHealth na tila umiiwas sa audit ng mga pondong inilabas gamit …

Read More »

Dapat may simpatya hindi basta tsismosa (Contact tracers sa Valenzuela)

ITO ang inihayag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na kailangan ng emosyon at napakahalaga ng simpatya bilang CoVid-19 contact tracer at sa proseso ay pinatunayang hindi basta ‘tsismosa’ ay puwede na. Sinabi ng alkalde ang nasabing pahayag sa pakikipagpulong sa mga bagong contact tracers at encoders na sumailalim sa contact tracing and surveillance training. “Itong trabaho na ‘to kailangan …

Read More »

‘Power firm’ lalong nadiin sa isyu ng BMW (Sa paliwanag ng sariling abogado)

LALONG nagbukas ng mas maraming tanong ang tangkang pagdepensa ng Panay Electric Company (PECO) sa kinuku­westiyong pagbili ng kompanya ng luxury car na BMW mula sa kanilang Capital Expenditure (CAPEX) na kalaunan ay ibinenta sa kanilang Pangulo nang mawalan na ng prankisa. Una nang lumabas sa mga pahayagan ang nadiskubreng pagbili ng PECO ng BMW 520d sedan noong 2015 mula …

Read More »