Wednesday , May 25 2022

CA Justice Bruselas inireklmo sa SC

SINAMPAHAN ng kasong administratibo sa Korte Suprema si Court of Appeals (CA) Associate Justice Apolinario Bruselas, Jr., dahil sa gross inefficiency matapos abutin ng ilang buwan, lagpas sa reglementary period na itinakda sa Rules of Court bago magpalabas ng desisyon sa isang Writ of Habeas Corpus petition.

Sa 16-pahinang reklamo ni Pharmally Secretary Mohit Dargani sa SC – Judicial Integrity Board, sinabi niyang malinaw na nilalabag ni Bruselas, bilang Presiding Justice ng CA 5th Division, ang New Code of Judicial Conduct for the Philippine Judiciary dahil sa kawalang aksiyon sa isang petisyon.

Batay sa kaso, 19 Nobyembre 2021 nang maghain si Dargani at kapatid nitong si Pharmally President Twinkle Dargani ng Writ of Habeas Corpus sa CA. Kinuwestiyon ng dalawa ang paglabag sa kanilang constitutional right to liberty at due process matapos iutos ng Senate Blue Ribbon Committee na arestohin at ikulong dahil sa contempt sa gitna ng isinasagawang Senate Inquiry sa Pharmally.

Nai-raffle ang kaso sa sala ni Justice Bruselas at noong 26 Nobyembre, inatasan nito ang Office of the Solicitor General na magkomento sa kaso, ang mga komento ay natanggap ni Bruselas noong 11 Disyembre 2021, ngunit wala pa rin ipinalabas na desisyon ang appellate court.

Dahil sa kawalang aksiyon ni Bruselas, muling naghain ang kampo ng petitioner ng Motion to Resolve the Petition noong 12 Enero 2022 na nasundan ng ikalawang Motion to Resolve Petition noong 9 Pebrero 2022 at ikatlong Urgent Motion to Now Resolve Petition noong 21 Pebrero 2022.

Nitong 1 Marso 2022 o makalipas ang limang buwan nang maglabas ng resolusyon ang CA 5th Division sa habeas corpus petition.

Sa dalawang-pahinang desisyon na ponente ni Bruselas at nilagdaan nina CA Justices Filomena Singh at Bonifacio Pascua, “partially resolved” ang naging desisyon dahil hindi nito inaksiyonan ang petisyon ni Mohit habang ibinasura ang mosyon ni Twinkle bilang moot and academic dahil napalaya na ng Senado noong Enero sa humanitarian consideration.

Dahil walang desisyon sa kanyang petisyon, naghain ng Motion for Partial Reconsideration ang kampo ni Mohit sa CA noong 14 Marso 2022 na humihiling desisyonan ang kanyang kaso ngunit hindi pa rin ito nireresolba hanggang sa kasalukuyan.

Si Mohit ay patuloy na nakapiit sa Pasay City Jail at wala rin kasong naisasampa laban sa kanya.

Iginiit ni Mohit, malinaw na nagkaroon ng paglabag sa tungkulin si Bruselas nang upuan nito ang isang urgent petition, itinatakda sa Internal Rules of Court of Appeals na prayoridad dinedesisyonan ang mga habeas corpus cases ngunit taliwas ito sa kanyang karanasan.

“In not given due consideration to the urgency of the petition of habeas corpus, the motions and other pleadings and his inaction on the petition despite the lapse of 5 months, Justice Bruselas is guilty of violating Section 5 of  Canon Law ( Competence and Diligence),” nakasaad sa petisyon.

Inakusahan si Bruselas ng pagiging bias dahil sa naging pagtrato sa kanyang petisyon.

“It is not unreasonable now to entertain serious doubts on the impartiality of Justice Bruselas. The manner by which my petition is being ignored has eroded my faith in the judicial system. I now harbor a well-founded fear that Justice Bruselas will not resolve my petition in accordance with law,” nakasaad sa petisyon ni Mohit.

Hiniling nito na mag-inhibit si Justice Bruselas sa kanyang inihaing Motion for Inhibition.

Ang habeas corpus petition ay iginagarantiya sa Konstitusyon, karapatan ito ng isang tao laban sa ilegal o hindi makatarungang pagkakakulong sa bilangguan.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Caloocan City
P55-M SHABU TIMBOG SA BIG TIME TULAK

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P55 milyong …

Marawi

462 units ng pabahay ipinamahagi sa Marawi

PORMAL nang naipamahagi ang 462 permanenteng bahay sa mga benepisaryong nawalan ng tirahan noong 2017 …

MMDA, NCR, Metro Manila

Pumping station sa Metro handa sa tag-ulan — MMDA

KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na operational at nasa maayos na working conditions …

shabu drug arrest

P.4-M kompiskado sa nasakoteng 6 drug pushers

TINATAYANG 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 ang nakompiska sa anim na …

shabu

P3-M droga tiklo, 8 tulak arestado

AABOT sa mahigit sa P3 milyon (P3,808,000) halaga ng hinihinalang ilegal na droga (shabu) ang …