Wednesday , December 25 2024

Masonry Layout

e-Konsulta ni VP Leni dinumog (Publiko walang masulingan)

ILANG oras matapos ilunsad ang libreng tele-consultation bilang tugon sa patuloy na pangangailangan ng atensiyong medikal sa gitna ng CoVid-19 pandemic, dumanas ng technical difficulty ang bagong serbisyong handog ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo. Ang Bayanihan E-Konsulta Facebook page ay inilunsad ng Bise Presidente kahapon, Miyerkoles, para makatulong sa mga outpatient cases sa Metro Manila at iba pang …

Read More »

Rapist ng dalagita nasilat (Huli sa damo)

arrest posas

NADAKIP ng mga awto­ridad ang isang lalaking isinumbong sa kasong panggagahasa sa isang dalagita sa bayan ng Puli­lan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 5 Abril. Sa ulat mula sa Pulilan Municipal Police Station (MPS), kinilala ang nadakip na suspek na si Ricky John Cruz, residente sa Brgy. Tibag, sa nabanggit na bayan. Inaresto si Cruz kaugnay sa reklamong panggagahasa sa …

Read More »

MPD’s No. 6 most wanted timbog sa Bataan (Sa operation Manhunt Charlie ng PRO3)

arrest prison

HINDI nakalusot ang isang suspek sa pagpatay, na sinabing pang-anim na most wanted ng Manila Police District (MPD) ng magkakasanib na puwersa ng Manila Police District Moriones – Tondo Police Station 2 (PS2) at Orani Municipal Police Station sa inilunsad na operation Manhunt Charlie ng PRO3 nitong Linggo, 4 Abril, sa kanyang hideout sa Brgy. Mulawin, Orani, lalawigan ng Bataan. …

Read More »

SK kagawad tiklo sa damo (Sa Nueva Ecija drug bust)

HINDI na naitago at tuluyan nang nabuko ang pinakaiingatang sikreto ng pagtutulak ng droga nang maaresto ang isang Sangguniang Kabataan (SK) Kagawad sa inilatag na drug bust nitong Sabado, 3 Abril, ng Nampicuan Municipal Police Station SDEU sa pamumuno ni P/Lt. Randy Panaga, officer-in-charge, sa bayan ng Nampicuan, lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon kay P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija provincial …

Read More »

Tulak kumasa sa parak, tigbak (Sa Marilao, Bulacan)

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa inilatag na buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng madaling araw, 5 Abril. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napaslang na suspek na si Dominador Donia, alyas Junior, residente sa Brgy. Ibayo, sa nabanggit na bayan. …

Read More »

Huwag padalos-dalos sa Ivermectin — solon

SA KABILA ng malawakang debate sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa CoVid-19, nanawagan si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin na maging mahinahon at magtimpi muna sa paggamit ng gamot na Ivermectin. Ayon kay Garbin, mura nga ang Ivermectin pero maraming espekulasyon sa paggamit nito. Ani Garbin, ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang rollout ng bakuna, ang …

Read More »

P1.523-B ayuda ng nat’l gov’t natanggap na ng Maynila

Manila

NATANGGAP ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pinansiyal na ayuda mula sa national government para sa mga pamilyang naapektohan ng ehanced community quarantine (ECQ) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng CoVid-19. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Doimagoso, Lunes ng gabi lamang, Abril 5, ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) ang naturang pondo. Nagkakahalaga aniya …

Read More »

Mayor Sara sumibat pa-Singapore

TAHIMIK na sumibat patungong Singapore kahapon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kasama ang isang anak. Nabatid sa ulat na dumating sa NAIA Terminal 2 via Philippine Airlines (PAL) flight mula Davao City ang alkalde dakong 9:00 am kahpon. Dakong 2:15 pm ay sumakay si Mayor Sara sa isang Singapore-bound Singapore Airlines flight (SQ-917) mula sa boarding gate no.115 ng …

Read More »

One Hospital Command Center, dagdag-stress sa CoVid-19 patients

IMBES magkaroon ng pag-asa, dagdag stress ang nararamdaman kapag tumawag sa One Hospital Command Center ang mga kaanak ng mga positibo sa CoVid-19. Taliwas ito sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na makatutulong ang pagtawag sa One Hospital Command Center sa mga nanga­nga­ilangan ng kagyat na aksiyon para sa mga positibo sa CoViD-19. Ang One Hospital Command Center ay …

Read More »

Serye-exclusive: DV Boer ‘pitaka’ ng mga Villamin

ni ROSE NOVENARIO TADTAD ng hindi wastong datos ang financial statements ng DV Boer Farm ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin at ang kanyang pamilya ang nakinabang nang husto sa pondo ng kompanya na mula sa investors na karamiha’y overseas Filipino workers (OFWs). Kabilang ito sa mga isiniwalat ni Alvin Andulan, isang certified public accountant (CPA) at dating Internal …

Read More »

Langgam mas may utak pa sa gobyerno — health workers (Sa palpak na CoVid-19 response)

ni ROSE NOVENARIO MAS may utak pa ang langgam kaysa gobyerno. Ganito isinalarawan ng lider ng unyon ng healthcare workers ang tugon ng adminis­trasyong Duterte sa CoVid-19 pandemic kaya lumala ang sitwasyon, lomobo ang bilang ng nagpositibo sa virus at pabagsak na ang health care system ng bansa. “Nakalulungkot po kasi ang gobyerno natin, until now ay bingi pa rin …

Read More »

DFA Consular Offices sarado hanggang 11 Abril

MANANATILING sarado ang Consular Offices passport division ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna. Kinompirma ito ng DFA kasunod ng ipinaiiral na extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa mga nabanggit na lugar hanggang sa 11 Abril 2021. Kabilang sa mga saradong Consular Offices ng DFA ang tanggapan sa Aseana sa Parañaque …

Read More »

Obligasyon ipinasa ng DOH sa LGUs

IPINASA ng Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan ang res­ponsibilidad sa pag­papatupad ng triage system sa CoVid-19 patients upang isalba ang pabagsak nang health care system sa bansa. Ayon kay Veregeire, unang ipatutupad ang triage system sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, susunod sa Gitnang Luzon at Calabarzon o Region IV-A hanggang umabot sa buong …

Read More »

MECQ hindi ECQ — Marcos

IGINIIT ni Senadora Imee Marcos na tutol siya sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil wala nang sapat na kakayahan para ipatupad ito kaya’t marapat na modified enhanced community quarantine  (MECQ) na lamang ang ipatupad. Aniya, walang silbi ang ECQ kung walang complete medical protocols katulad ng testing, contact tracing, bakuna at ang ikalawang social protection para sa lahat ng pangangai­langan. …

Read More »

Drug peddler tumimbuwang sa enkuwentro sa Zambales (Sa pinaigting na kampanya vs droga ng PRO3)

dead gun

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga nang manlaban sa inilatag na drug bust ng mga sama-samang tropa ng PIU/PDEU, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Zambales PPO, at San Marcelino municipal police station SDEU nitong Huwebes, 1 Abril, sa San Guillermo, sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon, ayon sa …

Read More »

Lumarga kahit ECQ 35 sugarol nasilo (Kampanya kontra sugal pinaigting sa Bulacan)

NADAKIP ng mga awtoridad sa pinaigting na anti-illegal gambling operations hanggang nitong Lunes, 5 Abril, ang 35 kataong imbes manatili sa bahay dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) nagawa pa rin magsugal sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaktohan ang 25 sa mga naaresto sa tupada o …

Read More »

Mayor Isko umapela sa DOH para sa bakuna ng barangay officials, tanod, at ordinary workers

UMAPELA si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Department of Health (DOH) na payagan ang vaccination program para sa ibang kategorya sa lungsod ng Maynila. Ang apela ay naglala­yong mapalawak ang sakop ng pagba­bakuna kabilang ang mga opisyal ng barangay, tanod, at maging ang mga ordi­naryong manggagawa na nagsisilbing frontliners sa panahon ng pandemya. Sa live broadcast ng alkalde , …

Read More »

Serye- exclusive: Raket ng DV Boer, ikinanta ng CPA

ni ROSE NOVENARIO ITINUGA ng isang certified public accountant (CPA) ang raket ng DV Boer Farm ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin  dahil hindi niya kayang sikmurain ang ilegal na aktibidad nito na panghuhuthot sa pinaghirapang pera ng investors, lalo sa overseas Filipino workers (OFWs). “I could not endure participating in an illegal activity that victimizes unsuspecting investors especially …

Read More »

Sumirit na COVID-19 cases isinisi ng DOH sa publiko (Worst case scenario ‘di pinaghandaan)

ni ROSE NOVENARIO INAMIN ng Palasyo na hindi pinaghandaan ng gobyerno ang worst case scenario ng pandemic partikular ang pagkakaroon ng iba’t ibang variants ng CoVid-19 na nagresulta sa pagsirit ng bilang ng mga kaso sa nakalipas na dalawang buwan. Sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire, ang kahandaan ng pamahalaan ay para sa orihinal na CoVid-19 lamang at hindi sa …

Read More »

Nameke ng medical certificate para mabakunahan arestado

DINAKIP ang ilang indibidwal na gumagamit ng pekeng medical certificate upang makapanlamang para ma-qualify sa mga sektor na babakunahan. Sa ibinahaging impormasyon ni Office of the Mayor Chief of Staff Cesar Chavez,  nakaku­long na sa Manila Police District at iniimbestiga­han ang mga nasabing indibidwal. Partikular na iniimbes­­ti­ga­han ang mga clinic at mga sinasabing nagbigay ng prescription sa mga taong nais …

Read More »

Burarang kampanya ni Duterte — Ridon (Paglobo ng CoVid-19 cases)

ANG pagkabigo ng administrasyong Duterte na palawakin ang pagsasagawa ng mass testing sa nakalipas na anim na buwan ang maituturong ‘salarin’ sa paglobo ng bilang ng kaso ng CoVid-19 sa bansa. Ayon kay Terry Ridon, Infrawatch PH convenor, hindi dapat sisihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limitadong supply ng bakuna kaya tumaas ang kaso ng CoVid-19 bagkus ito’y resulta ng …

Read More »

Ayuda ni Duterte, limos sa pobre — KMP

“SAAN makararating ang P1,000?” Nanawagan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa administrasyong Duterte na itigil ang pagtrato sa mahihirap bilang mga ‘pulubi’ na binibigyan ng P1,000 limos para ipanggastos sa loob ng dalawang linggong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus Bubble. “Katumbas lang ito ng tatlong araw na badyet sa pagkain para sa pamilyang may apat …

Read More »

150 bikers hinuli sa Maynila

PINAG-EHERSISYO at ibinilad sa araw ng Manila Police District (MPD)  ang mahigit sa 150 siklista na hinuli makaraang mamataan na nagkukumpol sa mag­kahiwalay na lugar sa Quiapo at Roxas Boulevard, sa Maynila kahapon ng umaga. Nabatid kay Manila Police District (MPD) director, P/BGen. Leo Francisco, ang mga biker ay umabuso sa window hours para sa pag-eehersisyo mula 6:00 – 9:00  …

Read More »

Serye-exclusive: Hidhid na scammer, employees binalasubas

ni ROSE NOVENARIO HABANG nagpapasasa sa karangyaan ang pamilya ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm at ipinagmamalaki sa social media, may mga kawani silang nagdildil ng asin dahil hindi nila pinasasahod. Hindi lang sahod ang ipinagkait ng mga Villamin sa kanilang sampung empleyado kundi maging ang kanilang kontribusyon sa Social Security System (SSS), PhilHealth at …

Read More »

‘Lockdown’ kapalpakan ng gobyerno (Sa pagtugon sa tumataas na CoVid-19 cases)

COVID-19 lockdown bubble

BINATIKOS ng grupong Makabayan si Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong paglalatag ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya. Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro walang ibang alam na solusyon ang pamahalaang Duterte kundi ang lockdown. “Wala na bang ibang alam na solusyon kundi lockdown?” tanong ni Castro. “Despite trillions of loaned funds supposedly …

Read More »