Monday , December 23 2024

Masonry Layout

P1.3-M ‘damo’ nasamsam, teenager arestado sa buy-bust sa Davao

marijuana

NASUKOL ng mga awtoridad ang ang isang senior high school student sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Purok 3, Sitio Habana, Brgy. Catigan, Toril District, sa lungsod ng Davao, nitong Lunes, 10 Oktubre. Narekober ang aabot sa P1.3-milyong halaga ng hinihinalang marijuana mula sa suspek na nakatalang no. 1 sa drug watchlist sa …

Read More »

25 katao biktima ng red tide sa Masbate

red tide

DINALA sa pagamutan ang hindi bababa sa 25 indibiduwal, kabilang ang apat na menor de edad, nitong Lunes, 10 Oktubre, matapos malason sanhi ng red tide sa bayan ng Milagros, lalawigan ng Masbate. Ayon kay Dr. Allen Concepcion, manggagamot ng rural health center ng Milagros, 10 residente mula sa liblib na barangay ng Bangad ang dinala sa kanila habang 12 …

Read More »

P306-K shabu nasabat, mekaniko tiklo sa drug bust

shabu drug arrest

DINAKIP ang isang mekanikong hinihinalang drug peddler na nakompiskahan ng malaking halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 9 Oktubre. Ikinasa ng mga operatiba ng RPDEU3 SCU3-RID ang buy-bust operation sa Gov. F. Halili Ave., Brgy. Binang 2nd, sa nabanggit na bayan kung saan naaresto ang suspek na kinilalang si …

Read More »

Hamong suntukan inayawan  
SIGA NANAKSAK TIKLO

knife, blood, prison

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtitigas-tigasan sa kanilang lugar matapos saksakin ang isang kabarangay at manlaban sa mga tanod sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 10 Oktubre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang arestadong suspek na si Joselito De Dios, residente sa Brgy. Abangan Sur, sa nabanggit …

Read More »

Inuman sa lamay nauwi sa isa pang paglalamayan
KUYA TINAGA NG KAPATID, DEDBOL 

itak gulok taga dugo blood

BINAWIAN ng buhay ang isang 26-anyos magsasaka matapos tagain ng nakababatang kapatid nitong Lunes, 10 Oktubre, sa bayan ng Basey, lalawigan ng Samar. Kinilala ang biktimang si Erwin Padoc at kanyang kapatid na suspek na si Merwin Padoc, pawang mga residente sa Brgy. Bulao, sa nabanggit na bayan. Ayon sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman ang magkakapatid sa burol ng isang kaanak …

Read More »

Jonathan Manalo Most Streamed Pinoy Songwriter at Producer 

Jonathan Manalo

NAKAPAGTALA ng mahigit sa 1.4 billion streams sa Spotify ang musika ni Jonathan Manalo kaya’t siya na nga ang most streamed Filipino songwriter and record producer of all time. At tiyak na masusundan pa ang tagumpay na ito sa paglulunsad niya ng bagong bersiyon ng kanyang mga awitin na binigyang-buhay ng OPM divas na sina Gigi De Lana, Jona, Kyla, Morissette, at Nina.  Ang Di Ko Kayang Limutin ni …

Read More »

Jessa ‘di totoong tinanggalan ng korona 

Jessa Macaraig 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng kapapanalo pa lang na Mrs. Universe Philippines Pacific Continental 2022 na si Jessa Macaraig na natanggalan siya ng korona. Kuwento ng ka-look-alike ni Angel Locsin sa mini-presscon na siya ang nagbalik ng korona sa Mrs Universe Philippines Organization. Hindi na kasi niya afford ang maglabas pa ng malaking halaga para lumaban sa international pageant. “Parang hindi naman po ganoon ang nangyari  …

Read More »

Halloween party ng Sparkle inihahanda 

GMA Sparkle Spell Ghosting Made Fun

I-FLEXni Jun Nardo HALLOWEEN Party naman ang pinaghahandaan ng Sparkle GMA Artist Center  matapos ang una nitong Gala Thanksgiving. Ito ay ang Sparkle Spell: Ghosting Made Fun na gaganapin sa October 23. Ito ang kauna-unahang Halloween Party ng Sparkle kaya naman sa announcement sa Instagram page ng Sparkle, nakalagay ang, “Prepare to see your favorite Sparkle stars in their scariest, sexiest, and most stylish costumes for one bewitching evening.” …

Read More »

FM Jr., deadma sa kaso ni De Lima

Leila De Lima Bongbong Marcos

HINDI makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga kasong kinakaharap ni dating Senator Leila de Lima. Inihayag ito ni OIC Press Secretary Cheloy Garafil kasunod ng panawagan ni presidential sister Senator Imee Marcos na “house furlough” para kay De Lima matapos maging hostage ng sinabing miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG). “Ang mga kaso po ni Leila de Lima …

Read More »

Nagpasaklolo sa PNP
DISKRIMINASYON SA ‘MUSLIM’ NAIS TULDUKAN NG SENADOR

Robin Padilla PNP Police

MALAKI ang magagawa ng Philippine National Police (PNP) para tuldukan ang diskriminasyon sa mga Muslim, kasama ang pagtukoy sa isang kriminal na ‘Muslim’ at walang pakundangang pagbibigay ng pagkaing may karneng baboy sa mga bilanggong Muslim sa PNP Custodial Center. Iginiit ito nitong Lunes ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla matapos ang mga pangyayari noong Linggo, nang i-hostage si dating …

Read More »

PH kahit inilagay ng China sa blacklist
PALASYO TAHIMIK SA ‘PAGPUSLIT’ NG POGO WORKERS 

101222 Hataw Frontpage

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa ginawang pagsama sa Filipinas ng China bilang blacklist sa tourist destinations bunsod ng patuloy na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. “Sa totoo lang, wala pa po kaming nare-receive na advisory with respect to that blacklisting issue. So kapag nabigyan na po kami ng kaukulang advisory, we will make the proper …

Read More »

EHeads reunion concert ticket sold out na 

Ely Buendia EHeads Concert

I-FLEXni Jun Nardo SOLD out na ang tickets sa December reunion concert ng bandang Eraser Heads. Ibinalandra ng lead singer na EHeads na si Ely Buendia sa kanyang Instagram last Monday na ubos na ang ticket sa kanilang concert. Matindi ang pagkasabik ng EHeads fans sa kanilang mga idolo at sana eh huwag mabitin ang nakabili ng tickets sa kanilang panonoorin, huh. Abangers ‘yung wala …

Read More »

Street vendor tinutukan ng baril, sekyung senglot arestado

arrest posas

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang security guard matapos ireklamo ng panunutok ng baril sa isang street vendor sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 9 Oktubre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Plaridel MPS makaarang makatanggap ng reklamo kung saan naaresto ang suspek na kinilalang …

Read More »

Driver, sekretarya sugatan
ALKALDE NG MARILAO, BULACAN PATAY SA AKSIDENTE

Driver, sekretarya sugatan ALKALDE NG MARILAO, BULACAN PATAY SA AKSIDENTE

NAGLULUKSA ngayon ang mga mamamayan ng Marilao, Bulacan makaraang bawian ng buhay dahil sa aksidente ang kanilang alkalde sa lalawigan ng Pampanga nitong Linggo ng hapon, 9 Oktubre. Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Marilao Mayor Ricky Silvestre matapos bumangga ang sinasakyan nilang SUV sa Prince Balagtas Ave., Clark Freefort Zone, sa naturang lalawigan. Sa panimulang imbestigasyon ng …

Read More »

Piolo natawa kay Paulo kung paano niya hinahangaan ang aktor

Piolo Pascual Paulo Avelino

TINANONG si Paulo Avelino sa media conference ng Flower of Evil kung kamusta ang pakiramdam na first time niyang nakatrabaho si Piolo Pascual sa nasabing serye. Ang sagot niya ay masaya, dahil dati, noong elementary at high school pa lang siya ay napapanood niya lang si Papa P. At isa raw achievement para sa kanya, na ‘yung mga hinahangaan niya noon ay nagkakaroon na siya ng …

Read More »

Little Miss Philippines Marianne Bermudo ipinasa na ang korona kay Kate Hillary 

Marianne Bermundo Kate Hillary

MA at PAni Rommel Placente Si Marianne Bermundo ang itinanghal na  Little Miss Universe 2021. At dahil magtatapos na ang kanyang reigh this year, tinanong namin siya kung ano ang feeling na isasalin niya na ang korona sa susunod na mananalo bilang Little Miss Universe? “I feel very happy that I will be passing this crown, this experience to the next Little Miss Universe. …

Read More »

Luke Conde bagong brand ambassador ng Hanford

Luke Conde bagong brand ambassador ng Hanford

“HE got the body, looks and personality.” Ito ang ibinigay na dahilan ni National Sales and Marketing Manager ng Hanford na si Ms. Tere Benedicto, kung bakit nila kinuha ang dating Hashtags member at ngayon ay SparkleArtist talent na si Luke Conde. Sa loob ng 68 taon, patuloy na namamayagpag ang isa sa mga leading undergarment brands para sa kalalakihan, ang Hanford na sinimulang itayo ng Chinese businessman …

Read More »

FilAm beauty queen hinahataw ng intriga

R’Bonney Gabriel Miss Universe USA

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang nagkaroon ng Fil-Am beauty queen sa US, si R’Bonney Gabriel, na siyang nanalong Miss USA at magiging kinatawan nila sa Miss Universe na gaganapin sa Enero sa New Orleans. Pero binabanatan ng iba ang Fil-Am beauty queen at sinasabing mukhang “yari” ang pagkakapili sa kanya bilang Miss USA. Ano iyan parang mga movie award din sa Pilipinas? Kasi raw …

Read More »

Sim Card registration act pipirmahan ni FM Jr. ngayon

Sim Cards

NAKATAKDANG lagdaan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang SIM Card Registration Act upang isulong ang pananagutan sa paggamit ng SIM cards at makatulong sa mga awtroridad sa pagtugis sa mga kriminal na ang gamit ay ang cellular phone sa paggawa ng krimen. Sa ilalim ng batas, lahat ng  public telecommunications entities (PTE) o direct sellers ay oobligahin ang …

Read More »

Robin desmayado sa ‘diskriminasyon’ ng PNP sa hostage-taking kay Ex-Sen. De Lima

Robin Padilla PNP Police

NAGPASALAMAT na ligtas si dating Sen. Leila De Lima sa tangkang pag-hostage sa kanya sa Philippine National Police Custodial Center nitong Linggo ng umaga, desmayado si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa diskriminasyon na ipinakita ng ilang pulis na nagresponde sa sitwasyon.               Iginiit ni Padilla, hindi tama ang paggamit ng salitang “Muslim” bilang pantukoy sa mga nagtangkang mag-hostage sa dating …

Read More »

Nakaligtas sa hostage-taking
DE LIMA SINABING NAIS KAUSAPIN NG PANGULO 

Leila De Lima Bongbong Marcos

NAIS kausapinni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si  dating senador Leila de Lima upang alamin ang kanyang kalagayan matapos i-hostage ng isa sa tatlong detenido na nagtangkang tumakas mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, kahapon ng umaga. “Following this morning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to …

Read More »

FM Jr., bigo sa pagtaas ng presyo ng bilihin – solon

101022 Hataw Frontpage

UMANI ng batikos si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kabiguang tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kanyang unang 100 araw bilang pangulo ng bansa. Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, mayorya ng mga Filipino ay umaasa na bibigyan ito ng karampatang lunas na administrasyong Marcos. Ayon sa pinakahuling …

Read More »

Apela ni Fernando sa mga kontratista
RUBBER GATES NG BUSTOS DAM PALITAN NG MATAAS NA KALIDAD NG MATERYALES

RUBBER GATES BUSTOS DAM

MULING nakiusap si Bulacan Governor  Daniel Fernando sa mga kontratista ng Bustos Dam na huwag lamang kumpunihin ang nasirang rubber gates sa Bay 5 kundi palitan ito ng anim na bago at may mataas na kalidad ng materyales. Sa kanyang pulong kamakailan, muling sinabi ni Fernando ang kanyang hiling. “Dapat lamang palitan ang lahat ng rubber gate sapagkat hindi nasunod …

Read More »