AMINADO si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na mahirap patunayan ang alegasyong ‘unethical practices of pharmaceutical company laban sa Bell-Kenz Pharma. Ang Bell-Kenz Pharma na pag-aari ng isang grupo ng mga doktor ay sinabing nagbibigay ng rebates na P2 milyon, luxury cars, travel, at iba pang uri ng perks sa mga kapwa doktor na nagrereseta ng kanilang …
Read More »Masonry Layout
Korean Superstar Kim Sol Hyun dadalaw sa ‘Pinas
TIYAK na magugulo ang kapaligiran sa may Araneta Coliseum sa Hunyo 29, 2004 dahil magkakaroon ng konsiyerto ang Korean superstar at isa sa pinakamahuhusay na aktor ng Korea, si KIM SOO HYUN. Ito na ang ang pinakahihintay, ang pagdalaw ni Kim Soo Hyun para sa kauna-unahang Asia tour niya sa loob ng sampung taon, ang EYES ON YOU, sa Sabado, Hunyo 29, …
Read More »SK Chairman sa Negros kumisay sa instalasyon ng bombilya todas
BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa bayan ng Toboso, lalawigan ng Negros Occidental nitong Miyerkoles, 8 Mayo. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Welmar Tapang, 23 anyos. Ayon kay P/Maj. Jun Ray Batadlan, hepe ng Toboso MPS, katatapos magpaligo ng kanyang anak ni Tapang nang maisipang palitan ang pundidong bombilya …
Read More »
Sa Pangasinan
LOLO NATUPOK SA SARILING SIGA, PATAY
HINDI sinasadyang masilaban ng apoy ng isang 74-anyos lalaki ang kanyang sarili habang naglilinis ng masukal na lupa sa Brgy. Inoman, bayan ng Pozorrubio, lalawigan ng Pangasinan, nitong Martes, 7 Mayo. Ayon sa pulisya, nagsisiga ng mga damo at dahon ng kawayan ang biktimang kinilalang si Fabian Songcuan, 74 anyos. Hindi napansin ni Songcuan na lumalaki na ang apoy at …
Read More »6 drug suspects timbog sa Bulacan
NASAKOTE ang anim na indibiduwal na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 7 Mayo. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlo sa mga suspek na huli sa aktong bumabatak sa ikinasang drug sting operation ng Marilao MPS sa Brgy. …
Read More »Boobay muling inatake habang nagso-show sa Aparri
MULI na namang ikinabahala ng mga nagmamahal kay Boobay ang naging eksena nito sa isang show sa Aparri, Cagayan last Tuesday, May 7. Nasa gitna ng pagtatanghal si Boobay (ginagawa niya ‘yung act na ginawa dati ng yumaong si Chokoleit), nang sa pagkuha nito ng isang prop na upuan ay bigla nga itong napatigil. ‘Yun pala ay inaatake na ito ng noon pa …
Read More »584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission ng SM Foundation
HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng SM Foundation sa SM City Marilao, sa lalawigan ng Bulacan. Nagsama-sama ang mga doktor at mga boluntaryo upang magbigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mahihirap na pasyente sa komunidad. Bukas sa publiko ang iba’t ibang serbisyo, tulad ng medical at dental check-ups and procedures, blood …
Read More »Bakuna vs Polio sa Navotas, umabot na sa 101%
NAKAPAGBAKUNA na ang Navotas ng aabot sa 101 porsiyento ng target na populasyon nito para sa Chikiting Ligtas 2024 — ang nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) na pinangunahan ng Department of Health (DOH). Ang Navotas ang kauna-unahan sa mga lungsod sa CAMANAVA ang nakaabot sa target nito na nakapagtala ang City Health Office ng kabuuang 16,062 …
Read More »Sen. Bong Revilla kompiyansa sa matatag na alyansa ng PFP-LAKAS
IPINAHAYAG ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., tagapangulo ng Lakas-CMD, ang kompiyansa sa katatatagan ng pinagsanib na puwersang politikal ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at ng Lakas-CMD. Pinagtibay nitong Miyerkoles, 8 Mayo, ang alyansa sa pagitan ng partido politikal nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas. Ang Lakas-CMD, dominanteng partidong politikal sa …
Read More »
Taguig ‘di pinalampas
MISIS NI SEN. BONG REVILLA, MAYOR LANI CAYETANO DUMALO SA AICS PAYOUT
HALOS 2,000 indibiduwal, itinuturing na kabilang sa ‘nasa laylayan ng lipunan’ ang tumanggap ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) kahapon, araw ng Miyerkoles sa Taguig City. Pinangunahan nina Cavite 2nd District Congresswoman Lani Mercado Revilla na kumatawan sa kanyang asawang si Sen. Ramon “Bong” Revilla at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi …
Read More »
Kahit hindi napatunayan
PH DOCTORS APEKTADO NG ISYUNG MULTI-LEVEL MARKETING — LAWYER
INAMIN ni Atty. Dezery Perlez, isa sa abogado ng Bell-Kenz Pharma, lubhang apektado ang mga doktor ukol sa hindi napatunayang usapin ng multi-level marketing (MLM), sa kanyang pagdalo sa media forum sa Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Ayon kay Perlez, walang batas na nagbabawal na magkaroon ng pagmamay-ari ang isang doktor gaya ng ospital, botika, diagnostic …
Read More »
1 patay, 2 sugatan
SENGLOT NA KELOTNANAKSAK NANG WALANG HABAS
ni ROMMEL SALES NAARESTO na ng pulisya ang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinamatay ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas Edsel, nasa hustong gulang, residente sa Blk 33, Lot 9, Area …
Read More »Sa CA decision pabor sa Meralco-SM power deals WATCHDOG GROUP SUMUPORTA SA APELA NG ERC SA SC
SUPORTADO ng watchdog group na Power for People Coalition (P4P) ang hakbangin ng Energy Regulatory Commission (ERC) na iapela sa Supreme Court (SC) ang naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) na payagan ang dalawang power generating arms ng San Miguel Corporation (SMC) na mag-walkout sa power supply deals sa Meralco na nagtakda ng fixed power rates. Magugunitang noong nakaraang …
Read More »International AIDS Candlelight Memorial ginunita ng Bulacan
GINUNITA ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang International AIDS Candlelight Memorial kahapon sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos, Bulacan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kamalayan at paghihikayat ng suporta sa paglaban sa HIV at AIDS. Isang mensahe ng pakikiisa ang ibinigay ni Provincial Health Officer Annie Balingit mula sa Provincial Health Office – …
Read More »Lungsod ng Baliwag, top performing LGU sa Bulacan
IPINAPAKITA ang kanyang hindi natitinag na pangako sa pag-unlad at kahusayan, ang Lungsod ng Baliwag na pinamumunuan ni Mayor Ferdinand V. Estrella ay niraranggo bilang top performing local government unit sa Lalawigan ng Bulacan sa seremonyal na paggawad ng Top 10 Most Competitive LGU sa 2023 Cities at Municipalities Competitiveness Index – Provincial Ranking na ginanap sa The Pavilion, Hiyas …
Read More »
Sa San Jose del Monte at sa DRT
2 TIRADOR NG MOTORSIKLO SUGATAN SA ENKUWENTRO, SIGANG DE BOGA ARESTADO
DALAWANG suspek ang sugatan sa armadong enkuwentro sa City of San Jose Del Monte, at isa ang inaresto sa Doña Remedios Trinidad (DRT) sa Bulacan dahil sa pagbabanta at ilegal na pagdadala ng baril. Sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakasaad na agad nagresponde ang San Jose Del Monte CPS matapos …
Read More »Maricel dumalo sa Senate hearing ukol sa ‘PDEA leak’
PUSH NA’YANni Ambet Nabus UMAPIR na sa Senado si Maricel Soriano kahapon, Martes, May 7, sa Senate hearing tungkol sa PDEA Leak na kumalat sa mga socmed. Napaka-eskandaloso nga ng mga naglabasang tsika tungkol dito dahil droga among high ranking officials at na-involve nga ang magaling na aktres bilang isa sa mga umano’y personalities na nasangkot kaya’t napasama raw ito sa PDEA lists noon. Naku, …
Read More »Sarah G, Bamboo, Apl de Ap nakisaya sa Bicol Loco Fest
PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAPAKASAYA ng naging selebrasyon ng kauna-unahang Hot Air Balloon event sa Albay, Bicol kaugnay ng Bicol Loco Festival 2024, last May 2-5. Hindi lang mga local tourist ang dumagsa sa event dahil pati mga nakasalamuha naming foreigners (guests and media peeps) ay aliw na aliw sa ganda ng Albay. At nagkaroon pa ng two night concert na …
Read More »Ate Vi at Juday magsasama sa pelikula na isasali sa MMFF
I-FLEXni Jun Nardo INIYAKAN ni Vilma Santos-Recto ang resulta ng biopsy ng nunal sa ulo ng panganay niyang si Luis Manzano. Benign ang resulta at hindi cancerous. Pero pinatanggal na rin ito ni Luis para hindi na mag-alala ang kanyang ina. Samantala, speaking of Ate Vi, ayon sa nalaman ng kasama namin sa Marites University at co-columnist namin dito sa Hataw, malamang na matuloy na ang …
Read More »Pagpapasingit kay Francine maling-mali
HATAWANni Ed de Leon MABILIS ang damage control na ginawa ng ABS-CBN sa naging kontrobersiya ni Francine Diaz laban sa Orange and Lemons. Nakipag-meeting sila agad at humingi raw ng dispensa ang isa’t isa at agad pang ipinalabas sa isang zoom conference sa isa sa kanilang social media page na siyempre ang moderator ay taga-ABS-CBN din, si Benjie Felipe. Sa usapan, tinanggap ng event organizer na sila …
Read More »Mga pelikula ni Direk Njel de Mesa may Japan Premiere sa Nagoya, kabuuang 10 pelikula sabay-sabay ilulungsad!
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NGAYONG taon ay maipapalabas na sa mga international film festivals ang mga kolaborasyon ni Direk Njel de Mesa. Anim na pelikula nila ang magkakaroon ng Japan Premiere sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Nagoya, Japan. International ang magiging red carpet premiere ng mga pelikulang: Malditas In Maldives, Must Give Us Pause, Mama ‘San?, Coronaphobia, Creepy Shorts …
Read More »Bahay ng magulang ni Claudine ninakawan, ina muntik ma-ER
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALOS nalimas ang mga naggagandahang appliances na bago pa at hindi pa nabubuksan o nagagamit ng hindi pa nakikilalang kalalakihan ang bahay ng mga magulang ni Claudine Barretto sa Subic, Zambales. Bago ito, naaksidente ang kanyang ina sa Market, Market nang minsang mamili ito roon. “Nahulog siya sa escalator. And she’s still in pain. Last week we’re …
Read More »Andrea ‘di nagpapa-apekto sa bashing—Alam kong masakit, ina-appreciate ko lang ‘yung life
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASABAY ng pagma-matured ng karakter ni Andres Brillantes sa pinakabago niyang series sa ABS-CBN ang High Street na mapapanood na simula Lunes, Mayo 13, ang pagiging matured na rin nito sa tunay na buhay. Inamin ng dalaga na hindi na siya naaapektuhan ng kabi-kabilang bashing sa social media. Anito sa ginanap na mediacon ng High Street kahapon sa Director’s club ng SM Aura, “Hindi po kasi …
Read More »
Sa dagdag na presyo sa singil ng koryente
SOLON PINIGILAN AKSIYON NG ERC SA POWER DEAL
HINIMOK ng vice chairman ng House committee on energy ang Energy Regulatory Commission (ERC) na ipagpaliban ang kahilingang dagdag na singil sa koryente ng mga kompanyang pumasok sa power supply agreements (PSA) sa pagitan ng Manila Electric Co., at dalawang generating firms habang walang pinal na resolusyon. Ayon kay Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, habang nakabinbin sa Korte Suprema …
Read More »
Sa kontrobersiyal na leaked PDEA Report
MARICEL UMAMING ‘COCAINE CONDO’ DATING SA KANYA
HATAW News Team INAMIN ng aktres na si Maricel Soriano kahapon na pag-aari niya ang condominium unit sa Makati City na iniuugnay sa hinihinalang ‘illegal drug activities’ isang dekada na ang nakararaan. Ang pangalan ni Soriano ay sinabing nasa ‘leaked Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operational documents’ na nagsasangkot sa ilang kilalang personalidad na ilegal na gumagamit ng droga. Sa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com