TATLO katao ang binawian ng buhay habang nasugatan ang 11 iba pa sa banggaan ng isang SUV, trailer truck, at pampasaherong bus sa Brgy. Balubad, bayan ng Atimonan, lalawigan ng Quezon nitong Lunes ng gabi, 24 Oktubre. Kinilala ng Atimonan MPS ang mga namatay na sina Gener Pablo, Melandro Bocito, kapwa mula sa Oas, Albay; at Chona Pablo mula sa …
Read More »Masonry Layout
Sa Quezon
BUWAN NG MGA KATUTUBO.
Ang pinuno ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism na si Dr. Eliseo S. Dela Cruz, kasama ang mga katutubong komunidad sa Sitio Manalo, Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan sa idinaos na Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat na may temang “Pagsasakatuparan ng mga Katutubong Karapatan at Kapakanan Batay sa Kanilang mga Pangarap at Hangarin” noong Huwebes, 21 Oktubre. Nasa …
Read More »Natatanging kooperatiba sa Bulacan kikilalanin
BILANG bahagi ng buong buwang pagdiriwang ng Cooperative Month, kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ang mga katangi-tanging nagawa ng mga kooperatiba at mga kontribusyon nito sa lokal na ekonomiya sa programang “Gawad Galing Kooperatiba Awards” na gaganapin sa darating na Biyernes, 28 Oktubre, ganap na 3:00 pm sa Bulacan …
Read More »Anak binaril ng ama, patay retiradong pulis arestado
DINAKIP ng mga awtoridad nitong Lunes, 24 Oktubre ang isang retiradong pulis na inakusahang binaril ang sariling anak matapos ang matinding sagutan sa kanilang bahay sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang suspek na si Enrique Galapate, 62 anyos, inaresto …
Read More »Karnaper nasakote sa Navotas
BAGSAK sa kulungan ang isang mister na wanted sa kasong carnapping sa Maynila matapos masakote ng pulisya sa joint manhunt operation kaugnay ng SAFE NCRPO sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas City police chief, Col. Dexter Ollaging ang suspek na si Marvilo Paredes, 58 anyos, residente sa Sitio Puting Bato, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Proper, …
Read More »
Wanted sa kasong child abuse
ESTUDYANTE ARESTADO SA MALABON
NADAKIP ang isang 22-anyos estudyante na wanted sa kasong child abuse matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation kaugnay ng SAFE NCRPO sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief, Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Chris Rey Villaviray, alyas Chen-Chen, 22 anyos, residene sa Block 10, Lot 5 Phase 3, E1, Pla-Pla St., Brgy. Longos. …
Read More »
Mangingsidang tatay mahimbing na nakatulog
SANGGOL NA ANAK NALUNOD SA ESTERO
NALUNOD ang siyam buwang gulang na sanggol na lalaki nang gumapang patungo sa sirang dingding ng kanilang bahay at nahulog sa estero sa Navotas City, kahapon ng umaga. Natuklasan ang bangkay ng sanggol dakong 6:00 am nitong Martes, 25 Oktubre 2022 nang magising ang kanyang ama na wala na sa tabi ang bunsong anak na katabi niyang matulog, kasama ang …
Read More »LTFRB magpapakalat ng dagdag na 615 bus units sa Undas
MAGPAPAKALAT ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang 615 units ng bus upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga commuter sa mahabang holiday weekend ng Undas. Sa isang public briefing nitong Martes, sinabi ni LTFRB Technical Division chief Joel Bolano, binuksan ng ahensiya ang aplikasyon sa special permits para sa mga out-of-line na operasyon nitong 3 Oktubre …
Read More »
Imbes kanin o french fries
KAMOTE MALUSOG NA ALTERNATIBO 
SA GITNA ng kakulangan sa supply ng bigas sa bansa, hinimok ng dating Kalihim ng Kalusugan at ngayon ay Iloilo Rep. Janette Garin ang Kagawaran ng Sakahan at ang mga kainan sa bansa na gamitin ang kamote bilang kapalit ng kanin at french fries. Inatasan ni Garin ang Department of Agriculture (DA) na palakasin ang produksiyon ng kamote habang hinimok …
Read More »
Dapat may kakayahan at mapagkakatiwalaan
HENERAL NG TOKHANG ‘DI KAILANGAN SA DOH, — SOLON 
BINATIKOS ng isang makabayang kongresista ang desisyon ng Malacañang na magtalaga ng isang pulis bilang undersecretary ng Kagawaran ng Kalusugan. “We need a competent and trustworthy Health secretary now, not a Tokhang general,” ani House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro. Desmayado si Castro sa pagkakatalaga kay dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan …
Read More »
Militarisasyon sa DOH, tutulan
‘BLOODY TRACK RECORD’ NI CASCOLAN, ‘DI DAPAT PAGTIWALAAN – HEAD 
ni ROSE NOVENARIO BINATIKOS ng Health Alliance for Democracy (HEAD) ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kay dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan bilang Department of Health (DOH) undersecretary. Ayon sa HEAD, ang paghirang ni FM Jr., kay Cascolan kahit maraming mas kalipikado ang eksperto sa kalusugan ay patunay na hindi pagsasaayos ng kalusugan ng mga …
Read More »Actor model na si Marc binuhay ang bikini competition
I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG ang actor-model na si Marc Cubales na buhayin at i-produce ang face to face bikini competition na Cosmo Manila King and Queen 2022 sa November 5 sa Skydome SM North Edsa. Kaya naman sa press presentation pa lang, naglabasan ang mga kontesero at kontesera sa mga bikini open upang ipakita ang alindog at kaseksihan nila. In fairness naman, malaki ang cash …
Read More »Bobby Yalong ayaw nang idirehe singer na nagsermon sa concert
HATAWANni Ed de Leon NAKAKUWENTUHAN namin ang fashion designer at talent manager na si Bobby Yalong na muli naming nakita after 22 years. Bukod sa painting at pagde-design pa rin ng mga damit, nagdidirehe na rin si Tito Bob ng mga concert sa US. Okey naman na trabaho iyon, pero isinusumpa niya, may isang female singer na hindi na niya ididirehe ang …
Read More »
Sa Calamba, Laguna
MOST WANTED SA CALABARZON ARESTADO
NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa CALABARZON sa ikinasang manhunt operation nitong Linggo ng hapon, 23 Oktubre, sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO ang suspek na si Richard Lizano, residente sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng Calamba CPS, nadakip ang …
Read More »
Sa Batangas
HOSPITAL STAFF TINODAS SA FRAT ANNIVERSARY PARTY
PATAY ang isang 42-anyos empleyado ng isang pagamutan habang dumadalo sa anibersaryo ng kanyang fraternity sa lungsod ng Batangas nitong Linggo ng gabi, 23 Oktubre. Kinilala ng Batangas PPO ang biktimang si Delfin Gonday, Jr., residente sa Brgy. Kumintang, sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng pulisya, sinabing magkasama ang biktima at ang suspek na kinilalang si Felicimo Padilla nang …
Read More »
Sa Maguindanao
KONSEHAL PATAY SA AMBUSH 
NAMATAY habang itinatakbo sa ospital ang konsehal ng Datu Montawal, sa lalawigan ng Maguindanao, matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa national highway sakop ng Brgy. Pagagawan nitong Lunes ng tanghali. Ayon kay P/Lt. Nurjhasier Sali, acting police chief ng Datu Montawal MPS, kabababa ng biktimang si Konsehal Mubarak Moby Abubakar mula sa kanyang pulang Mitsubishi pick-up sa tabing …
Read More »Pampanga PPO OIC itinalaga
PINAMUNUAN ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang paglilipat ng tungkulin sa Pampanga PPO na ginanap sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, noong Sabado, 22 Oktubre. Itinalaga si P/Col. Levy Hope Basilio bilang bagong Officer-In-Charge ng Pampanga PPO kapalit ni P/Col. Alvin Ruby Consolacion na nagsilbi bilang acting provincial director sa loob ng pitong buwan. Si P/Col. …
Read More »6 drug suspects, 25 sugarol nakalawit sa Bulacan
SUNOD-SUNOD na nadakip ang anim kataong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at 25 sugarol sa pinaigting na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 23 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, inaresto sa bisa ng search warrant ng San Jose del Monte CPS sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte ang suspek …
Read More »KathNiel big winner sa Jeepney TV Fan Favorite Awards
SINA Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pa rin ang ultimate fan favorites sa naganap na Jeepney TV Fan Favorite Awards noong Sabado (Oktubre 22) sa pagkapanalo nila bilang All-Time Favorite Love Team at pagsungkit sa Fave Lead Actress at Fave Lead Actor awards. Ang kanilang programa na La Luna Sangre naman ang nagwagi bilang Fave Fantaserye habang ang Got To Believe ang kinilalang Fave Teleserye para sa dekada 2012-2021. Bahagi rin sila ng nanalong Fave Youth-Oriented Show na Growing Up. Nakuha rin ni …
Read More »
Sa paggawa ng movie at serye
ARJO NANINIWALANG KAYANG MAKIPAGSABAYAN NG MGA PINOY
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKI ang kompiyansa ni Arjo Atayde sa galing ng mga Pinoy kaya nasabi nito nang magtungo sa MIPCOM Cannes n kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa paggawa ng pelikula at teleserye. Dumalo ang aktor/kongresista sa MIPCom Cannes para sa international premiere ng kanyang movie series na Cattleya Killer na ipinrodyus ng ABS-CBN at ng kanilang Nathan Studios. Nakasama niya roon ang mga magulang na …
Read More »Nash Mendoza at Sahara Cruz Darling of the Press sa Cosmo Manila King & Queen 2022
MA at PAni Rommel Placente BONGGA ang naganap na press presentation ng Cosmo Manila King & Queen 2022 na ginanap noong Linggo ng gabi. Ang producer kasi nito, ang international model, actor, producer, at philantrophist na si Marc Cubales ay namudmod ng pera. Ang early birds sa press na dumalo sa event ay tumanggap ng P1,000 each, na isa kami roon. At may pa-raffle …
Read More »
P .1-M shabu kompiskado
‘JOKING’ TIMBOG SA BUY-BUST OPS
NAKUHA ang mahigit sa P149,600 halaga ng shabu sa isang 32-anyos tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief ang suspek na si Jun-jun Setazate, alyas Joking, residente sa Brgy. Mapulang Lupa ng nasabing siyudad. Sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), SDEU team dakong …
Read More »
Di-sinungaling, di-nasusuhulan
K9 IDARAGDAG SA BILIBID 
ILALAGAY sa entry at exit point ng New Bilibid Prison (NBP) ang karagdagang K9 Dog, ayon kay Officer-In- Charge, Bureau of Correction (OIC-BuCor) Director General Gregorio Catapang. Inihayag ito ni Catapang at sinabing uunahin niya ang repormasyon at mahigpit na panuntunan sa loob at labas ng BuCor. Sa isang press conference sa BuCor ng kauupong Director General, tumanggi siyang magbigay …
Read More »Bangkay ng babae lumutang sa estero
ISANG bangkay ng hindi kilalang babae ang lumutang na hinihinalang ilang araw nang patay sa esterong nag-uugnay sa baybaying dagat Linggo ng tanghali sa Navotas City. Sa pagsisiyasat ni Navotas police homicide investigator P/Cpl. Florencio Nalus, namamaga na ang mukha at buong katawan ng babaeng tinatayang nasa 5’2 ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt at maong na short pants. …
Read More »
Marijuana inihalo sa upo’t kalabasa
PAMANGKIN NG PROV’L MAYOR KASABWAT, TIKLO SA BUY-BUST
NAHULIHAN ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos P1 milyong halaga ng marijuana ang dalawa katao, isa sa kanila ay nagpakilalang pamangkin umano ng isang mayor sa lalawigan, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila. Base sa ulat ng NCRPO, nakatanggap sila ng tip mula sa concerned citizens kaugnay sa ilegal na transaksiyon ng mga …
Read More »