Jen malaking tulong ang Beautederm sa problema sa balat
RATED R
ni Rommel Gonzales
SINO ang mag-aakala na sa gandang iyon at flawless ni Jennylyn Mercado ay mayroon pala siyang kondisyon sa balat?
Si Jennylyn mismo ang nag-reveal na may sakit pala siya, Psoriasis at Rosacea, mga kondisyon sa balat.
Halos parehas ang sintomas ng mga ito, namumula ang balat at patse-patse na may rashes.
Lahad ni Jennylyn, โI have very sensitive skin, hindi lang halata pero mayaโt maya may malalaki akong pula-pula sa mukha.
โNama-manage na naman sa tamang skin care, tamang gamot. Ngayon ang pinaka-active ko talaga โyung Rosacea, โyung mayaโt maya may malalaki akong pula-pula sa mukha.โ
Ang Cristaux trio of serums (Vitamin C, Retinol at Niacinamide) ng Beautederm ni Rhea Anicoche-Tanang ineendoso ni Jennylyn at ayon sa kanya ay malaki ang naitulong nito sa kondisyon ng kanyang balat.
โIn fairness wala akong breakouts, wala akong reaction sa skin, very gentle, skin friendly. Mas glowing โyung skin ko, mas bright,โ nakangiting wika pa ni Jennylyn.
