Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

PDEA EDSA busway

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng pinaniniwalaang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang dumaan sa EDSA busway nitong Martes ng umaga, 12 Nobyembre. Sa paunang ulat mula sa SAICT, nabatid na bigong magpakita ng rehistro ng sasakyan at pekeng plaka ang nakakabit dito. Ayon sa driver ng hinarang na …

Read More »

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

Smuggled Sugar asukal

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa lungsod ng Zamboanga, nitong Lunes, 11 Nobyembre. Nasakote ang tatlong driver ng truck at isang pahinante sa ikinasang oeprasyon sa Baradero de Cawit shipyard, sa nabanggit na lungsod. Natagpuan ng mga awtoridad ang dalawang truck na may kargang hindi bababa sa 900 sako ng asukal. …

Read More »

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

gun ban

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng baril at bala na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang indibiduwal sa bayan ng Calumpit, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 10 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si alyas Gab, residente sa Brgy. Panducot, …

Read More »

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average rating) sa 17 Nobyembre 2024, 11:00 am sa Robinsons Galleria, Ortigas Avenue sa Quezon City. Makakamit ng champion team ang P15,000 plus trophy, medals, tatlong mobile phones na nagkakahalaga ng P48,000 at P15,000 gems mula sa Kalaro Esports. Ang second placer ay makakukuha ng P20,000 …

Read More »

Bagong public market sa Carmen, North Cotabato pinasinayaan ni Lapid

Lito Lapid Carmen North Cotabato

PINANGUNAHAN ni Senador Lito Lapid ang inauguration ceremony ng bagong pampublikong palengke sa Brgy. Poblacion, Carmen, North Cotabato. Sa pamamagitan ng kanyang tanggapan, pinondohan ni Senador Lapid ang nasabing proyekto na ini-request nina North Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza at Cong. Alana Samantha Taliño-Santos. Ayon kay Engr. Saidale Mitmug ng DPWH-Cotabato 3rd District Engineering Office, nasa P50-milyon ang halaga ng …

Read More »

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

CICC GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system glitch ang nangyaring pagkawala ng pera ng mga users nito noong weekend. Ayon kay Executive Director Alexander Ramos, titingnan ng CICC ang posibilidad na isang organized breach ng ilang partikular na GCash accounts  ang dahilan ng unauthorized fund transfers nitong weekend. Tinukoy ni Ramos, nagsimula …

Read More »

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

GCash

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating mga kababayan na nawala sa nangyaring aberya sa GCash, ayon kay dating Senator Kiko Pangilinan. Aniya, hindi katanggap-tanggap na basta maglalaho ang ipon ng ating mga kababayan, lalo pa ngayong mataas ang presyo ng bilihin at maliit ang kita ng mga manggagawa. Tiwala man si …

Read More »

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho at pagdagsa ng foreign investors sa bansa ang paglagda ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Law nitong 11 Nobyembre 2024. “All our kababayan need is just a helping hand. This is about bringing authentic …

Read More »

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

Carlwyn Baldo

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa isang government hospital na walang sapat na pasilidad at kagamitan na naunang pinagdalhan sa kanya. Dinala sa pagamutan ang alkalde nang makaranas ng pagdumi nang lima hanggang anim na beses kada araw, biglaang paglaki ng tiyan at iniindang sakit sa tagiliran, diabetes, at iba pang …

Read More »

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

111324 Hataw Frontpage

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng taon, dahil ang seguridad sa enerhiya ay isang pangmatagalang pangako. Ito ay para sa susunod na henerasyon. Umaasa kaming mamuhay nang malusog upang masaksihan ang mga benepisyo ng panukalang ito.” Inihayag ito ni Senadora Pia Cayetano, Chairman ng Senate committee on energy at sponsor ng …

Read More »

‘OFEL’ GANAP NANG BAGYO  
Signal No. 4 posibleng itaas sa ilang lugar

111324 Hataw Frontpage

HATAW News Team TULUYAN nang naging severe tropical storm ang bagyong Ofel (international name: Usagi) habang binabagtas ang Philippine Sea nitong Martes ng hapon, 12 Nobyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sa kanilang 5:00 pm bulletin, sinabi ng PAGASA na namataan ang sentro ng bagyong Ofel 780 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes, na may lakas …

Read More »

Water Management Department hinimok ni Brian Poe na itatag

Brian Poe Llamanzares Water Management Department 2

NANINIWALA si Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, na ang dedikadong paglikha ng Water Management Department ay mahalaga sa pagharap sa krisis sa tubig ng Filipinas. Sa kanyang research presentation, “A Governance Framework for the Philippine Water Security and Resource Management,” na ibinigay sa 6th Katipunan Conference on National Security and Economic Resilience, binigyang-diin ni Llamanzares …

Read More »

Sara Duterte unang VP na mayroong P500M confidential fund — OVP chief accountant

Money OVP Office of the Vice President

ni GERRY BALDO KINOMPIRMA ng chief accountant ng Office of the Vice President (OVP) na si Vice President Sara Duterte ang kauna-unahang Bise Presidente na nagkaroon ng P500 milyong confidential fund. Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, tinanong ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez si OVP Chief Accountant Julieta Villadelrey na nakapasok sa OVP noong …

Read More »

Sa reklamong katiwalian  
10-ARAW PALUGIT NG OMBUDSMAN SA BIÑAN MAYOR

Biñan Laguna

PINASASAGOT ng Ombudsman sa loob ng 10 araw si Biñan City, Laguna, Mayor Walfredo “Arman” Dimaguila, Jr., kasama ang mga kasalukuyan at mga dating konsehal ng lungsod, kaugnay ng reklamong katiwalian na isinampa ng mga residente hinggil sa kontrobersiyal na ‘land reclamation project’ na sinimulan noong 2019. Sa utos ng Deputy Ombudsman for Luzon, pinasasagot din sa reklamong paglabag sa …

Read More »

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

Evelyn Francia Nick Vera Perez

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, gumagawa pa rin ng pangalan sa larangan ng pag-awit sa Amerika si Evelyn. Hindi naman nakapagtataka kung angat ang talento niya dahil sa murang edad pa lang, nagpakitang gilas na si Evelyn sa pagkanta, kahit na ang kanyang entablado ay ang hagdan ng kanilang bahay. …

Read More »

Police presence pinaigting sa Gitnang Luzon, police outposts idinagdag para sa seguridad

PNP PRO3

PINAIGTING pa ngayon ng PRO3 PNP ang kanilang presensiya sa buong rehiyon sa ilalim ng kautusan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Redrico Maranan alisunod sa kaniyang anti-criminality formula na Enhanced Police Presence + Quick Response Time + Counter Action against Drug groups, Criminal gangs at Private Armed groups = Safe Region 3. Ipinag-utos ni P/BGen. Maranan ang paglalagay ng mga …

Read More »

Sa Nueva Ecija
2 TULAK, KASABUWAT DINAKMA SA DRUG DEN

Sa Nueva Ecija 2 TULAK, KASABUWAT DINAKMA SA DRUG DEN

ARESTADO ang tatlong indibiduwal, kabilang ang dalawang target-listed drug peddlers, sa loob ng isang makeshift drug den sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Camp Tinio, lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija, nitong Linggo, 10 Nobyembre. Kinilala ng PDEA Nueva Ecija ng mga nadakip na target-listed personalities na sina Kalvin Jerome Nicolas, 33 anyos; Edward Tan, 34 anyos; at kanilang kasabwat na …

Read More »

Kababayan ninakawan, pinagbantaan 2 Koreano timbog sa Parañaque

arrest, posas, fingerprints

INARESTO ng mga awtoridad ang dalawang Korean national matapos ireklamo ng kanilang kababayan ng pagnanakaw, pamumwersa, at pagbabanta nitong Linggo ng madaling araw, 10 Nobyrembre, sa lungsod ng Parañaque. Kinilala ni Southern Police District Director P/BGen. Bernard Yang ang mga suspek na sina alyas Geon at alyas Park, kapwa 28 anyos, at parehong nadakip ng mga tauhan ng Parañaque CPS- …

Read More »

Bagyong Nika nagsimula nang manalasa higit 1,700 pamilya sa Isabela inilikas

bagyo

MAHIGIT 1,700 pamilya sa lalawigan ng Isabela nitong Lunes, 11 Nobyembre, sa gitna ng pananalasa ng bagyong Nika (international name: Toraji) ang inilikas kahapon. Sa huling tala kahapon, 12:00 ng tanghali, ipinaskil ng Isabela Public Information Office sa kanilang Facebook account na 1,783 pamilya o 5,220 indibiduwal na ang inilikas mula sa mga sumusunod na lugar: •            Alicia – 60 …

Read More »

Roderick Paulate, Robbie Tan bibigyang pagkilala sa 39th Star Awards for Movies

Roderick Paulate Robbie Tan

MATABILni John Fontanilla HANDA nang parangalan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga natatanging pelikulang ginawa noong panahon ng pandemya gayundin ang mga artista at mga tauhan sa likod ng produksiyon sa 39th Star Awards for Movies na gaganapin sa Nobyembre 24. Anong pelikula kaya ang tatanghaling Movie of the Year sa mga sumusunod – Deleter (Viva Films); Family Matters (Cineko Productions and Top Story); Mamasapano:  Now It …

Read More »

Rapist ng menor de edad tiklo, 4 pang wanted arestado

Bulacan Police PNP

NASAKOTE ng mga awtoridad ang lima-kataong pawang pinaghahanap ng batas sa isinagawang manhunt police operations hanggang nitong Linggo ng umaga, 10 Nobyembre, sa iba’t ibang lugar, sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, matagumpay na naaresto ng tracker team ng San Jose Del Monte CPS ang Provincial Top 3 Most …

Read More »

5 miyembro ng Nigerian KFR group timbog, kalahing biktima nasagip

arrest, posas, fingerprints

SUNOD-SUNOD na naaresto ng mga awtoridad ang limang Nigerian nationals na sinasabing dumukot sa kapuwa nila Nigerian sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Huwebes, 7 Nobyembre. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Redrico Maranan ang limang suspek na Nigerian nationals na sina Evans Enwereaku Chinemerem, David Chidera Ibegbulamo, Nwokeke Christian Ihechukwu, Nwokeke Cajothan Chinemmrem, at Okonkwo Emmanuel Kosiso, pawang …

Read More »

PH Capital Market dapat ihanay sa iba pang mga bansang ASEAN

ASEAN-EU summit

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong ihanay ang capital market ng Filipinas sa ibang bansa sa ASEAN sa mga pamamaraan ng pag-akit ng mga mamumuhunan at pagpapaunlad ng merkado at ekonomiya. Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 2865 o Capital Markets Efficiency Promotion Act, na kapag naisabatas, ay maglalagay sa tax rates ng bansa sa kita …

Read More »

2 holdaper ng 2 Japanese national timbog sa Makati CPS dragnet ops

Makati Police

NASAKOTE ang dalawang lalaki sa ikinasang dragnet operation ng mga awtoridad nitong Biyernes, 8 Nobyembre, matapos pagnakawan ang dalawang Japanese national sa lungsod ng Makati. Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina alyas Wendell at alyas Jeffrey. Ayon sa ulat ng pulisya, hinoldap ng mga suspek ang mga biktimang 62-anyos at 33-anyos sa Don Chino Roces …

Read More »