Sunday , December 7 2025

Masonry Layout

https://www.facebook.com/bingoplusph

Forevermore sa Side A lang, Joey Generoso walang karapatang kantahin

Janine Teñoso Side A Joey Generoso

ni Allan Sancon “NAGSOLO ka na eh, bakit kailangan mong kantahan ‘yung ‘Forevermore?!.” Ito ang matapang na tinuran ni Ernie Severino, drummer ng Side A ukol sa pagiging viral ng usaping pinagbawalang kantahin ito ng dati nilang bokalistahang si Joey Generoso. Sa katatapos na media conference ng Side A Band na kinabibilangan nina Leevon Cailao (lead guitarist), Naldy Gonzales (Keyboard player),  Ned Esguerra (bass guitar), Ernie (drummer), at Yubs Esperat (lead vocalist), …

Read More »

Side A at Janine Tenoso pinag-isa ng kanilang musika 

Janine Tenoso Side A

HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by Sound: Side A & Janine Tenoso sa November 30 sa The Theater at Solaire, 8:00 p.m. handog ng Sonic Sphere Productions Inc. Ipakikita at iparirinig sa konsiyerto ang mga awiting minahal natin at maituturing nang pamana ng iconic OPM band na Side A. Nariyan ang sikat na …

Read More »

Mga barako sa Topakk nagkaiyakan sa cast screening

Topakk

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA naman kami ng kuwento ni Sylvia Sanchez na nagka-iyakan ang mga barakong bida sa Metro Manila Film Festival 2024 entry ng Nathan Studios Inc., ang Topakk na pinagbibidahan nina Cong. Arjo Atayde, Julia Montes, Sid Lucero, at idinirehe ni Richard Somes. Ito ang ibinuking sa amin ni Ibyang nang kulitin namin ukol sa isinagawang Cast Screening noong November 16 na isinagawa sa Mowelfund …

Read More »

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

Bong Suntay Bday

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa hanay ng mga opisyal ng barangay, sectoral representatives at special guests ang dumalo sa “Birthday Pasasalamat” ni dating Congressman Jesus “Bong” Suntay sa Amoranto Sports Complex, Quezon City kahapon. Ang naturang okasyon ay hindi lamang pagbibigay ng kasiyahan at selebrasyon kundi isang taos-pusong pasasalamat sa …

Read More »

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at dapat nang asahan na ang kanilang pagbaliktad ay una lamang sa ibang nagbabalak pang kumalas. Sa Isang panayam,sinabi nina Ram Cruz at Bobby Hapin na ang pagkadesmaya nila ay bunsod ng mga napakong pangako ni Sotto nang tumakbo ito noong 2019. Kung paanong pangunahin sa …

Read More »

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a Memorandum of Agreement (MOA) to launch the Ignite Technopreneurship Program, a pioneering initiative designed to provide DOST personnel with essential entrepreneurial skills aimed at driving innovation and boosting economic growth across the Philippines. The signing ceremony, held at the DOST OSEC Conference Room on November …

Read More »

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity Area ng Farmers Plaza, Cubao. Sa pangunguna ng CEO nitong si Kyle Sarmiento, COO Melvin Agumbay, at CFO & Head of Artist Talents Aaron Khong Hun ipinakilala nila ang kanilang mga alagang sina Daniel Perez, Maverick Atienza,Tom Leaño, Kurt Napay, Shawn Chavez, Paolo Flores, Alyssa Marie Fullante Geronimo, Patrick Reyes, Kean …

Read More »

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan, ang Tara, Nood Tayo!  infomercial kasunod ng pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isulong ang kapakanan ng industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas habang pinalalawig ang kampanya sa angkop na pagpili ng palabas para sa pamilyang Filipino. …

Read More »

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

Miss Universe crown

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo na rin ang ‘Pinas dahil ang crown na gagamitin ngayon sa Miss Universe ay gawa ng isang Pinoy, huh! Sa Mexico gagawin sa susunod na araw ng pageant. Eh nang tanungin naming ang isang beauty pageants expert sa chances ni Chelsea, sabi niya, “Maraming kagaya …

Read More »

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa publiko tungkol sa isyu sa West Philippine Sea (WPS), at para makakuha ng suporta para sa Philippine Coast Guard at ibang ahensiyang kasama sa pagtatanggol ng ating teritoryo. Ibinunyag ito ni Padilla nitong Miyerkoles sa isang seremonya sa BRP Teresa Magbanua, kung kailan na-promote ang …

Read More »

Tulfo una sa bagong survey

Erwin Tulfo

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng Political Economic Elemental Researchers and Strategists (PEERS). Nakakuha si Tulfo ng 55.70 porsiyentong boto sa survey na ginawa sa buong bansa na may ±2.5 margin of error. Inihayag ito ng PEERS sa kanilang pagdalo sa lingguhang Agenda sa Club Filipino. Pumangalawa si dating senador Panfilo …

Read More »

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

Senate PCO

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na magsagawa ng seminar sa mga opisina ng Senado tungkol sa pagsugpo ng fake news. Ginawa ito ni Pimentel sa plenary deliberations ng 2025 General Appropriations Bill ng ahensiya nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre 2024. “Siguro, if they are very experienced in operating training seminars on how …

Read More »

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

Siling Labuyo

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng siling labuyo at iba pang produktong agrikultural sa merkado bunsod ng mga nagdaang bagyo. Ito ang iginiit ni dating Senador Kiko Pangilinan, kasabay ng panawagan sa Department of Trade and Industry (DTI) at mga lokal na pamahalaan na tiyaking naipapatupad ang price freeze sa mga …

Read More »

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

Las Piñas Seal of Good Local Governance

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024 mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ang parangal na ito ay isang makasaysayang pagkilala sa lungsod, sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, na ipinagpapatuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo para sa Las …

Read More »

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

Black

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong mapagkakatiwalaan, makatao, intelihente, at may pagmamahal sa bansa ang dapat iboto sa darating na May 2025 midterm elections.  Ang Independent Minded Group (IMG) ay isang boses ng mga mamamayan, mga magbubukid, laborers, guro, estudyante, at trabahador, ay humihikayat sa mga Filipino na ang kanilang mga …

Read More »

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

COMELEC Vote Election

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para mapawalang bisa ang joint venture ng  Commission on Elections (Comelec) at poll service provider na Miru System. Ayon kay Erice, dapat nang ideklarang null and void  ng SC ang kontrata sa pagitan ng Comelec at  MIRU matapos mag-withdraw ang local partner  nito na St. Timothy. …

Read More »

PH public schools kapos sa principal

Principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga pampublikong paaralan, bagay na makakamit kung babaguhin ang mga lumang polisiyang nananatili sa Department of Education (DepEd). Mahigit kalahati ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang walang punong guro. Sa isang pandinig na pinamunuan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), iniulat ng DepEd …

Read More »

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kanilang kakayahan sa paglaban sa malakihang operasyon ng money laundering sa bansa. Sa plenary debate sa Senado tungkol sa panukalang pambansang badyet para sa 2025, ipinahayag ni Pimentel ang kanyang pagpuna sa AMLC sa mas maliliit na kaso habang ang mas malalaking …

Read More »

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

Scam fraud Money

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang pamangkin lokohin ang kaniyang biktima na padalhan siya ng pera at mga regalo. Ayon sa ulat na inilabas ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre, gumawa ng Facebook account si “Tita” gamit ang pangalan ng kaniyang 17-anyos na pamangking babae …

Read More »

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

Dead Rape

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami) matapos ang tatlong linggong search operations sa lungsod ng Naga, lalawigan ng Camarines Sur. Ayon sa ulat ng Naga CPS, natagpuan ang katawan ng biktima sa kahabaan ng ilog sa Brgy. Del Rosario dakong 2:45 pm nitong Miyerkoles, …

Read More »

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng lalawigan ng Bulacan ngayong Biyernes, 15 Nobyembre, 1:00 ng hapon sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos Bulacan, para sa edisyon nito ngayong taon. Inaanyayahan ni Gob. Daniel Fernando ang mga Bulakenyo na saksihan at maging bahagi ng masaya at …

Read More »

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

Motorcycle Hand

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang manikwat ng motorsiklo sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, ang nadakip na suspek ay isang 29-anyos residente ng Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan. Lumalabas sa inisyal na …

Read More »

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga content creator na protektahan ang mga kabataan laban sa mapanganib na palabas sa gitna ng mabilis na pagbabago sa daigdig ng media at pelikula. Sa kanyang talumpati kamakailan sa 2024 Annual Conference ng International Institute of Communication (IIC) sa Bangkok, Thailand, sinabi ni Sotto-Antonio na, “ang …

Read More »

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

La Consolacion College Fire

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., lungsod ng Maynila, nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre. Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang empleyado ng paaralan na si Ray Ruiz, 32 anyos, nagalusan sa kaniyang kanang braso. Ayon sa mga awtoridad, nadulas ang biktima habang bumababa ng hagdan upang hindi ma-suffocate sa usok …

Read More »
Krystall Herbal Products and FGO Branches