Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi kakambal teamwork sa public service 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAHIT gaano ka kagaling, kahusay at kasipag magserbisyo, kung kulang o wala kang teamwork, hindi sapat ang success.”  Ito ang wika ni Star For All Seasons Vilma Santos, na siyempre pa ay napaka-importanteng “figure” sa Barako Fest.

“Teamwork” nga ang kakambal ng public service goal ni ate Vi, dahil bilang babalik na ina ng Batangas, napatunayan na niya iyan sa lahat ng pagkakataon ‘ika nga.

Useless kasi kapag walang teamwork. Dapat lahat ng sektor nagtutulungan para sa iisang goal. Mas napapadali at nasisiguro ang success ng isang program o proyekto kapag may team unity at teamwork ang mga lider at supporter,” pahayag pa ni ate Vi.

Sa muling pagtakbo ni Ate Vi sa Batangas bilang governor, susubukan din nina Luis Manzano at Ryan Christian Recto ang maka-tandem siya. Si Luis ang kanyang running mate bilang vice governor, habang si Ryan naman ay tatakbong congressman sa sixth district ng Batangas.

Serbisyong May Talino at Puso” ang campaign logo ng pamilya na siyempre pa ay naka-angkas sa mga plataporma nilang HEARTS (ate Vi’s) at LUCKY (Luis), na proven nang tumutugon sa mga usaping Health, Education, Agriculture, Road and Infrastructure, Tourism and Technology, Security and Social Service, pati na ang Employment, Youth, Women and Children, and others.

Let people judge. Sila naman ang huhusga,” dagdag pa nina Ate Vi, Luis, at Christian sa laging ipinupukol na ‘political dynasty isyu sa kanila.

As if naman, sa buong bansa ay sila lang ang magkaka-pamilya na nasa politika.

Ang ipinagkaiba nga lang nina Ate Vi and family, nakikita, nararamdaman at solid ang mga proyekto at suporta nila sa kanilang nasasakupan. Walang bahid ng korapsiyon o mga krimen sa lipunan at mga tao. 

“At iyan ang totoo,” ‘ika nga ng isang pamosong linya sa isang product advertisement.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Martin Venegas Project Loki

Martin Venegas excited makatrabaho si Direk Xian Lim 

MATABILni John Fontanilla EXCITED nang makatrabaho ng Viva artist na si Martin Venegas ang kanilang direktor na si Xian Lim sa Project …

Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray paspas sa pagbuo ng pitong anak

HARD TALKni Pilar Mateo STALKER! Mayroon pala niyon si Kiray (Celis-Estopia).  Sumusulpot sa mga event niya. …

Ice Seguerra Fire and Ice

Fire and Ice lumawak pa — may stage prod, pelikula, serye, at consultancy

HARD TALKni Pilar Mateo MORE and more in store.  Ang ihahatid ng Fire and Ice, ng …

Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED Rni Rommel Gonzales SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia malaki ang tiwala sa mga bida ng I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales KA-CHAT namin si Sylvia Sanchez isang gabi matapos ang contract-signing ng Nathan Studios/Nathan Studios …