Friday , December 5 2025

Masonry Layout

https://www.facebook.com/bingoplusph

Multa sa kolorum ng LTO money making — PISTON

INIHAYAG ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), lumang solusyon ang pagtataas ng multa sa mga kolorum at hindi naging epektibo bagkus nagresulta lang sa lalong pagdami ng kolorum dahil sa pangongotong, money making at korupsyon. Nagkakamali si DoTC Secretary Joseph Emilio Abaya sa pag-aakala niyang masusugpo ang colorum operations sa public transport dahil lamang sa …

Read More »

13 bagong hukom para sa Norte itinalaga ni PNoy

NAGTALAGA ng 13 bagong hukom si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III para sa iba’t ibang korte sa mga lalawigan sa norte. Sa isang pahinang transmittal letter na ipinadala ng Pangulo kay  Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na may petsang February 14, nakarating sa SC noong Feb  20, sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., na kabilang sa …

Read More »

Traffic enforcer na bebot aprub sa MMDA

INIHAYAG ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Francis Tolentino na mas gugustuhin nila ang babaeng traffic enforcer dahil hindi mainitin ang ulo at mahaba ang kanilang pasensiya. Sa ngayon, bukas ang MMDA sa mga kababaihang handang maglingkod at magsakripisyo para maging traffic enforcer. Dapat may mangangasiwa ng trapiko kapag nagkasabay- sabay na ang implementasyon ng infrastructure project ng pamahalaan, …

Read More »

Court sheriff, tanod chief utas sa ambush

PATAY ang court sheriff at tanod chief makaraang tambangan ng hindi nakilalang riding in tandem sa magkahiwalay na lugar kamakalawa. Sa Kidapawan City, naniniwala ang mga awtoridad na posibleng may kaugnayan sa trabaho ang motibo sa pagpaslang sa court sheriff dakong 6:45 p.m. kamakalawa sa probinsya ng Cotabato. Kinilala ang biktimang si Juanito “Nitoy” Diazon, court sheriff ng RTC 12, …

Read More »

Korean patay sa tandem

CAMP OLIVAS, Pampanga – Pinagbabaril hanggang mapatay ng hindi nakilalang riding in tandem ang isang Korean national habang naglalakad kamakalawa ng gabi kasama ang tatlo niyang kabayan sa Clarkview entertainment center malapit sa Clark Freeport Zone sa Brgy. Anonas, Angeles City. Sa ulat ni Senior Supt. Eden Ugale, Angeles City Police Office (ACPO) acting director, sa tanggapan ni Chief Supt. …

Read More »

FDA, NBI sinalakay warehouse ng drugs! (Sa Parañaque City na naman …)

SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng National Bureau of Investigation at Food and Drug Administration ang isang warehouse ng kilalang tindahan ng generic drugstore sa Parañaque, na nasamsam ang  maraming produktong hindi nakarehistro sa FDA. Dinala ang mga nakompiskang ‘drug concoctions’  sa FDA headquarters para alamin kung saan nanggaling ang mga natu-rang gamot. Ang isang drug product  na nakita sa …

Read More »

Opinyon ng DoJ itinago (Sa patakaran ng DA at NFA sa importation)

SA patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas sa bansa, nabunyag sa pangalawang pagkakataon ang umano’y paglilihim at pagpapatumpik-tumpik ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa mga rekomendasyon ng ibang kagawaran ng pamahalaan na ‘di umaayon sa mga polisiya ng dalawang ahensya. Nitong  Miyerkoles, inamin ng isang miyembro ng NFA Council na hindi sila binigyan ng …

Read More »

Importer ng Canadian garbage, kinasuhan ng BoC

Muling pinatunayan ng Bureau of Customs (BoC) na desidido ang ahensiya na panagutin ang mga sangkot sa smuggling sa bansa matapos pormal na kasuhan kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang importer ng nasabat na 50 container vans ng basura mula Canada. Ang importer na si Adelfa Eduardo, may-ari ng Chronic Plastics na nakabase sa Canumay, Valenzuela City at ang …

Read More »

Online libel ng SC tutulan — Miriam (Panawagan sa netizens)

NANAWAGAN si Senadora Miriam Defensor-Santiago sa netizens kahapon na umaksyon laban sa aniya’y “erroneous” decision ng Supreme Court na pagpagpapatibay sa konstitusyonalidad ng online libel. Sinabi ni Santiago, dapat maghain ng motion for reconsideration laban sa online libel o magpasa ang Senado ng bagong Anti-Cybercrime measure na magbabaliktad sa epekto ng desisyon ng SC. Alin man sa dalawang ito, tiniyak …

Read More »

Mansyon ni Mommy D nilooban ng kaanak’

NILOOBAN ng dalawang lalaki ang mansyon ni Dionisia Pacquiao sa General Santos City kahapon ng umaga. Isa sa mga suspek na si Richard Chato ay suga-tan makaraang barilin ng isa sa mga bodyguard ni Pacquiao. Nadakip din ang isa pang suspek na si Renil Bendoy. Ang mga suspek na sinasabing kamag-anak ni Pacquiao ay nahuli sa akto habang nagnanakaw ng …

Read More »

Bail appeal ni GMA ibinasura

IBINASURA ng Sandiganbayan ang latest motion for bail ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, kaugnay sa kinakaharap na plunder case. Sa ipinalabas na desisyon, hindi pinagbigyan ng anti-graft court ang motion for reconsideration ni Ginang Arroyo na mapayagan si-yang makapaglagak ng piyansa dahil sa kanyang karamdaman at wala siyang balak na magtago sa batas. Ang dating …

Read More »

Mag-ina kinatay, sinilaban sa Pampanga

NATAGPUANG wala nang buhay ang mag-ina sa loob ng  kanilang bahay sa Brgy. Pulungmasle, Guagua, Pampanga kamakalawa ng gabi. Ayon kay Chief Supt. Raul Petrasana ng PNP Region 3, ang sunog na bangkay ni Adelaide Santos, 67, dating guro, ang unang natagpuan sa likod ng kanilang bahay. Habang natagpuan ang duguang bangkay ng kanyang anak na si Ivy, 29, sa …

Read More »

Napoles kakanta sa 2016 — Trillanes

INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV na posibleng hintayin muna ni pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles ang resulta ng 2016 presidential polls bago siya magsasalita kaugnay sa PDAF scam. Sinabi ni Trillanes, naniniwala siyang nag-iingat si Napoles sa pagbanggit sa mga indibidwal na kanyang nakatransaksyon, dahil may posibilidad na ang mga maaakusahan o kanilang alyado ay manatili sa …

Read More »

5-anyos inihulog ng ina sa septic tank (Ama iniimbestigahan din)

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang ina na itinuturong responsable sa pagpatay ng sarili niyang anak na inihulog sa septic tank sa Brgy. Pagalungan sa lungsod ng Cagayan de Oro. Kinilala ang biktimang si Angel Bahian, 5, residente sa nasabing lugar. Inihayag ni S/Insp. Erickson Sabanal, hepe ng Lumbia Police Station, mismong ang ama ng bata …

Read More »

Chinese herbal doctor kinatay sa Binondo

PATAY ang Chinese herbal doctor makaraang saksakin sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Lam Hao Fai, natagpuang patay sa loob ng kanyang klinika sa Camelot Building sa Juan Luna Street dakong 10 pm  na nakatarak pa ang patalim sa kanyang dibdib. Walang palatandaan ng forced entry sa klinika ng doktor at wala rin nai-ulat na nawawalang …

Read More »

200K metric tons ng bigas walang import permit — BoC

IBINUNYAG ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner John “Sonny” Sevilla na umaabot sa 200,000 metriko tonelada ng bigas ang walang kaukulang import permits mula sa National Food Authority (NFA). Ayon kay Sevilla, nangyari ang transaksyon noong nakaraang taon. Inihayag ni Sevilla, dumating sa Port of Manila at Manila International Container Port ang 150,000 metric tons ng bigas na walang kaukulang …

Read More »

DA, NFA puro pangako — KMP (Presyo ng bigas sumirit na sa P40)

Pangakong napapako at kabi-kabilang palusot ang inihahain ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa nagugutom na Filipino sa gitna ng pagkakatala ng bago  na  namang  pinakamataas  na presyo ng bigas sa kasaysayan ng bansa, sa pangalawang pagkakataon sa buwan na ito ng Pebrero. Sa kabila ng paulit-ulit na pangakong sapat ang suplay ng bigas, ginagamit ngayon …

Read More »

Biyuda ni tado nagpakalbo vs iregularidad sa Florida, LTFRB

SINUGOD kahapon ng biyuda ni Arvin ‘Tado’  Jimenez, kasama ang Dakila Group, ang opisina ng GV Florida Transport  bilang protesta sa pagpapabaya sa mga biktima ng ‘lumipad’ na bus patungong Bontoc, dalawang linggo na ang nakararaan. Nagpakalbo si Lei Jimenez, bilang protesta laban sa inhustisya sa mga biktima sa nasabing insidente. Habang ginugupit ang buhok ni Lei, isinisigaw ng mga …

Read More »

51.9-M Yen kompiskado sa Japanese

  51.9-M YEN. Ipinakikita nina Bureau of Customs-Enforcement Security Services Director Gen. Willie Tolentino at BoC-NAIA District Commander, Lt. Regie Tuazon ang 51.9-M Japanese Yen na dala ng Japanese national na si Yoshiaki Takahashi matapos harangin sa NAIA Terminal 1 ng tauhan ni Customs Police Division, NAIA  District Commander, Lt. Sherwin Andrada bunsod ng paglabag sa Tariff and Customs Code …

Read More »

Cyber libel suportado ni PNoy

SUPORTADO ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang sang-ayon sa Saligang Batas ang Cyber Libel na nakapaloob sa Cyber Crime Prevention Law. Sa harap ito ng pangamba ng ilang online journalists, netizens, at bloggers na mahilig magkomento sa Twitter at Facebook, dahil pagsupil anila ito sa karapatan sa pamamahayag. Sinabi ni Pangulong Aquino, hindi …

Read More »

Turista sa Bora todas sa AIDS

KALIBO, Aklan – Isang dayuhang turista ang namatay dahil sa sakit na HIV-AIDS infection habang nagbabakasyon sa isla ng Boracay. Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon, Jr., ng Provincial Health Office (PHO), isang lalaki ang naturang foreign national na namatay sa sakit. Hindi na ibinunyag ng PHO ang pagkakakilanlan ng AIDS victim para sa proteksyon ng biktima at ng kanyang pamilya …

Read More »

2 patay P8-M naabo sa Taguig fire

Dalawa ang patay at tinatayang P8-M  ang naabong ari-arian, sa naganap na sunog sa  isang residential area sa Mindanao Avenue, Maharlika Village, Taguig City, Martes ng gabi. Hindi  umabot ng buhay  sa Taguig-Pateros District  Hospital ang biktimang si Pakirim Kudarat,  61, nang ma-trap sa loob ng kanyang bahay at nakita kahapon ng umaga sa ilalim ng lababo ang bangkay ni …

Read More »

Waitress nilamutak ng X-ray tech sa Boracay

KALIBO, Aklan – Inireklamo ng isang waitress ang X-ray technologist sa isang clinic sa isla ng Boracay. Ito ay dahil sa sina-sabing pambabastos sa kanya ng suspek sa loob ng X-ray room matapos siyang maghubad ng kanyang damit. Ayon sa biktima, nagpa-X-ray siya bilang isa sa requirements sa kanyang trabaho bilang waitress sa isla. Base sa report ng Boracay Tourist …

Read More »

Honda CRV inabandona sa karinderya

INABANDONA ng tatlong hinihinalang karnaper ang isang Honda CRV sa tapat ng isang karinderya sa Paco, Maynila, kamakailan. Sa ulat kay S/Insp. Rommel Evangelista Geneblazo, hepe ng Anti-Carnapping Investigation Section ng Manila Police District, dakong 5:00 a.m. nitong Pebrero 15, isang Ma. Christina Hovario, ng 1389 Canuza cor. Gernale streets, ang nakakita sa puting Honda CRV (REG-613) nasa harap ng …

Read More »

Tserman napikon sa tambutsong maingay, nag-amok

DAGUPAN CITY – Dahil sa pagkapikon sa mai-ngay na tambutso ng motorsiklo, namaril ang isang punong barangay ng bayan ng Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan. Hindi napigilan ng nagrorondang kapitan na si Jessie De Vera ng Brgy. Guiguilonen sa nabanggit na bayan, na paputukan ang magkaibigang sina Jason Muerong at Jordan Cabatlig, kapwa residente rin sa lugar matapos sitahin ang …

Read More »
Krystall Herbal Products and FGO Branches