Wednesday , November 20 2024

TimeLine Layout

July, 2015

  • 15 July

    Skyway Stage 3 at NAIA Expressway delays kinastigo ni Mayor Olivarez

    LANTARANG kinastigo ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang delay sa konstruksyon ng Skyway Stage 3 at NAIA Expressway Phase 2 projects na kapwa hawak ng Skyway O & M  Corporation (SOMCO) na nagdudulot ng malaking perhuwisyo sa mga motoristang nagyayaot papasok at palabas ng lungsod sa araw-araw. Bagamat nauunawaan umano ng alkalde ang magandang layunin ng mga nasabing proyekto, …

    Read More »
  • 15 July

    Tax evasion vs Cedric Lee — DoJ

    IPINATUTULOY na ng Department of Justice (DoJ) ang kasong tax evasion na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa negosyanteng si Cedric Lee at sa kanyang kompanyang Izumo Contractors. Ayon sa DoJ, sapat ang nailahad na dokumento ng BIR para iakyat sa korte ang nasabing reklamo. Aabot sa P194.47 milyon ang hinahabol na tax liabilities laban kay Lee …

    Read More »
  • 15 July

    Ina utas sa taga ng anak na may saltik (Stepfather kritikal)

    NAGA CITY – Nalagutan ng hininga ang isang ginang makaraan pagtatagain ng kanyang anak na may problema sa pag-iisip sa Sitio Sugod, Brgy. Bahao, Libmanan, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Helen Bautista, 50-anyos. Ayon kay PO1 Sheryl Cristo, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang biktima at ang anak ni-yang si Alexis Reyes dahil tutol ang suspek sa pagsasama ng kanyang …

    Read More »
  • 15 July

    Honrado ng MIAA naghain ng indefinite leave

    NAGHAIN ng indefinite leave si Manila International Airport Authority (MIAA) general mana-ger Jose Angel Honrado. Sinabi ni MIAA spokesperson David de Castro, epektibo Hunyo 29, nag-leave si Honrado dahil sa kalusugan. Humalili sa kanya bilang officer-in-charge si Assistant GM Vicente Guerzon.

    Read More »
  • 15 July

    Batang maingay iginapos kelot kalaboso (Istorbo raw sa pagtulog)

    NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang construction worker makaraan maltratuhin ang isang bata sa Lucena City kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Jimmy Cariaso, 36-anyos. Ayon sa ulat, natutulog ang suspek sa kanyang bahay dakong 4 p.m. nang bigla siyang magising dahil sa ingay ng naglalarong biktima sa labas ng bahay. Galit na lumabas sa kanyang bahay ang …

    Read More »
  • 15 July

    No leave policy sa SONA – NCRPO

    MAGPAPATUPAD ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng ‘no leave policy’ sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Hulyo 27. Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Supt. Annie Mangele, bawal lumiban sa nasabing araw ang sino mang kawani ng NCRPO. Ito aniya’y bilang bahagi ng seguridad na ilalatag sa araw ng SONA. …

    Read More »
  • 15 July

    Roxas: Marquez bagong PNP chief

    INIANUNSYO kahapon ni DILG Secretary Mar Roxas ang bagong magiging hepe ng PNP na si Police Director Ricardo Marquez. Isang araw ito bago ang napipintong pagreretiro ni Deputy Director Leonardo Espina na nagsilbing OIC ng PNP sa nakaraang pitong buwan. Sinagot ni Roxas ang mga puna kung bakit matagal bago nakapagtalaga ng hepe si Pangulong Aquino sa PNP: “Ayon sa Pangulo, …

    Read More »
  • 15 July

    Misis utas sa saksak ng dyowang sekyu (Nagtalo sa kapos na pera)

    PATAY ang isang misis makaraan pagsasaksakin ng kanyang live-in partner na sekyu nang magtalo dahil sa kakapusan sa pera kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Analyn Ental, 34, tubong Zamboanga Del Norte, residente ng 2166 CBY Barracks II, Purok 6, Brgy. 185, Malaria ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ang kanyang live-in partner na si …

    Read More »
  • 15 July

     ‘Gapo officials, missing in action sa kalamidad (Nasa Amerika lahat)

    OLONGAPO CITY—Binaha ang ilang barangay sa lungsod na ito pero missing in action si Mayor Rolen Paulino at halos lahat ng miyembro ng City Council kaya posibleng parusahan sila ng Department of Interior and Local Government (DILG) pagbalik sa bansa. Sanhi ng bagyong Egay, Falcon at hanging Habagat, lumubog sa baha ang maraming lugar sa Olongapo ngunit  nasa Virginia City …

    Read More »
  • 15 July

    Malapitan utas sa P50 (Ayaw magbigay ng pantoma)

    PATAY sa saksak ang isang 46-anyos tricycle driver nang tumangging magbigay ng lagay sa isang lasing sa Tondo, Manila kahapon ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Noel Malapitan, 46, may asawa, ng Gate 7, Parola Compound, Tondo, dahil sa dalawang saksak sa dibdib. Habang mabilis na tumakas ang suspek …

    Read More »