Wednesday , June 26 2024

Vision ni Bongbong trabaho para sa taumbayan

NANG magdesisyon si Senator Bongbong Marcos na tumakbong bise presidente, malinaw sa kanya kung ano ang puwede niyang gawin.

Kaya nga deklarado at klaro, sa loob ng 100 araw bilang bagong bise presidente ng susunod na administrasyon, gagawin niyang magkaroon ng maraming trabaho bansa.

Ibig sabihin, tumbok na tumbok niya ang pangunahing suliranin ng mga manggagawa at kung ano ang kaukulang solusyon para rito.

Hindi na rin tayo nagtaka kung bakit nang minsang interbyuhin siya at tinanong kung anong ahensiya ang gusto niyang hawakan, ang sagot niya, Department of Labor and Employment (DOLE).

 Naniniwala kasi si Bongbong na talagang kailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang magkaroon ng trabaho ang 1.2 milyong bagong graduates sa kolehiyo na papasok bilang bagong puwersa ng mga manggagawa.

Para magkaroon ng maraming trabaho para sa mga Filipino na hindi nabigyan ng trabaho ng kasalukuyang administrasyon kailangan maglunsad ng “business-driven” infrastructure projects ang susunod na administrasyon.

Aniya, “Kapag infrastructure, ang tinutukoy ko ay hindi mga kalsada o tulay, kundi mga paaralan, power generation plants, water system, at ang internet service na tayo ang pinakamakupad sa buong Asya.”

Nasa e-world na nga naman tayo, at karamihan ng negosyante ay nakikipagtransaksiyon sa pamamagitan ng e-commerce, e kung kukupad-kupad nga naman ang ating internet, paano uunlad ang komersiyo sa bansa?!

Internet nga naman ang kailangan ituring ng pamahalaan bilang napakahalagang impraestruktura sa komunikasyon at negosyo.

Sabi niya ang Filipinas ang may pinakamabagal na takbo ng internet kaparis ng Afghanistan, ayon sa ulat ng internet speed testing company Ookla nitong 2015.

Malinaw ang punto ni Bongbong.

Bukod diyan, tinukoy niya na habang ang pamahalaan ay nagbibigay ng maaliwalas na takbo ng negosyo, dapat tinitiyak din ng pamahalaan na nabibigyan ng proteksiyon ang mga manggagawa sa pamamagitan ng wasto at tapat na implementasyon ng mga batas-paggawa sa Filipinas.

Ang mga isyung ‘yan ang tiniyak ni Bongbong na pagtutuunan niya ng pansin sa unang 100 araw nng kanyang pagiging bise presidente ng susunod na pangulo ng Filipinas.

Naniniwala si Bongbong na kayang gawin ang kanyang mga binabanggit.

Idiniin niya, na siya ang bise-presidenteng mayroong pakialam at mayroong konkretong ginagawa para sa mamamayang Filipino.

Sa kanyang mga pahayag hinggil sa trabaho, napansin nating naiiba si Bongbong sa mga tumatakbo sa pagka-bise presidente at maging sa presidente dahil mayroon siyang tinukoy na aksiyon upang totoong mabibigyan ng maraming trabaho ang Filipino na walang trabaho.

Saan ka pa?!

Bongbong na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *