Wednesday , December 17 2025

TimeLine Layout

January, 2022

  • 28 January

    Pagpapaaresto kay CoVid-19 positive Nono-Lin ikinabahala

    WALANG basehan ang paratang na tinatakasan ni Quezon City 5th district Congressional candidate Rose Nono-Lin ang hearing sa Senate blue ribbon committee. Ito ang pag-aalma ng kampo ng negosyanteng si Rose Nono-Lin kasunod ng pagkakasama sa pangalan niya sa listahan ng pinatwan ng “cite in contempt” dahil sa hindi pagdalo sa hearing sa senado nitong Huwebes bilang witness sa Pharmally …

    Read More »
  • 28 January

    PM Vargas, naglunsad ng Red Cross bakuna bus sa QC

    ISANG mobile vaccination drive ang inilunsad sa Quezon City District 5 ng konsehal at congressional candidate na si Patrick Michael “PM” Vargas sa kanyang kaarawan noong Huwebes sa ilalim ng proyektong “Bakuna Bus” ng Philippine Red Cross (PRC). Layunin ni Vargas na makaabot ang serbisyong ito sa mga lugar kung saan marami pa ang mga hindi nababakunahan lalo ngayong muli …

    Read More »
  • 28 January

    Sa Angeles City, Pampanga
    8 PULIS NG CIDG, 2 CHINESE NAT’LS, PINOY TIKLO SA ROBBERY

    arrest, posas, fingerprints

    WALONG police officers at tatlo pang suspek, kabilang ang dalawang Chinese nationals ang dinakip sa tangkang robbery sa Angeles City, Pampanga kahapon ng umaga, Miyerkoles. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 3, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa tangkang pagnanakaw sa isang bahay sa Diamond Subdivision, Brgy. Balibago ng mga armadong kalalakihang nakasibilyan pero nagpapakilalang mga pulis. “May …

    Read More »
  • 28 January

    ‘Damo’ ipinadala sa courier service nabuking ng PDEA

    Damo ipinadala sa courier service nabuking ng PDEA

    NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki sa Hermosa, Bataan dahil sa pagtanggap ng marijuana kamakalawa. Sa ulat mula sa PDEA Bataan Office, kinilala ang naaresto na si Christian Jomar, ng Barangay San Pedro, sa nabanggit na bayan. Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang naturang tanggapan mula sa isang courier service company na isang …

    Read More »
  • 28 January

    DQ CASE NI BBM, ‘HELLO GARCI’ IN THE MAKING
    Proteksiyon para kay Guanzon, hirit ng Bayan

    Rowena Guanzon Rappler Talk

    DAPAT bigyang proteksiyon si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon dahil ‘vital witness’ siya sa impormasyon na may politikong nag-iimpluwensiya sa First Division ng poll body na magpapasya sa disqualification case laban sa anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Pahayag ito ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, …

    Read More »
  • 28 January

    Kabayanihan ng SAF 44 ginunita sa Bulacan

    Bulacan PNP Rommel Ochave SAF 44

    NAGBIGAY-PUGAY ang Bulacan PNP sa kabayanihan ng 44 Special Action Force (SAF) troopers na isinakrapisyo ang kanilang buhay pitong taon na ang nakararaan sa kalunos-lunos na trahedya na naganap sa Maguindanao noong 25 Enero 2015. Ang mga napaslang na 44 SAF commandos ay binigyang parangal sa isang seremonya na paglalatag ng korona sa Camp General Alejo S. Santos, lungsod ng …

    Read More »
  • 28 January

    Rey nagulantang sa balitang hiwalay na sina Carla-Tom 

    Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

    HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba naman itong balitanf naghiwalay na ang noong Oktubre 2021 lang ikinasal na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez? Ang saklap namang balita. Kaya, maski ang mahal na ama ni Carla na si Rey eh, nagulantang sa balita. Nakita namin kung gaanong kasaya nina Carla at Tom nang mamanhikan sila sa pamilya ni Rey. At kung paanong tinanggap ni Rey …

    Read More »
  • 28 January

    Direk Zig Dulay hurado sa 28th Vesoul International Film Festival

    Zig Dulay Vesoul International Film Festival

    HARD TALKni Pilar Mateo EXCITED ang award-winning director na si Zig Dulay.  Lilipad siya patungong Vesoul, France para mag-judge sa 28th Vesoul International Film Festival of Asian Cinema. Ang kuwento ni Direk. “Sobrang nagulat at na-excite ako noong matanggap ko ‘yung official letter of invitation, first time ko maging international jury member. Sa Feb. 1-8 gaganapin ‘yung 28th Vesoul International Film Festival …

    Read More »
  • 28 January

    Defensor maraming plano sa QC

    Mike Defensor

    MATABILni John Fontanilla MASARAP kakuwentuhan at ramdam namin ang sensiridad ni Cong. Mike Defensor na tumatakbong  Mayor ng Quezon City. Binigyang diin nito nang makausap ng ilang entertainment press na mas mapaganda at mas mapaunlad pa ang gusto niyang mangyari sa Quezon City kung papalarin siyang manalo sa darating na eleksiyon. Ilan nga sa magandang plano ng kongresista ay matutukan ang usaping  health, education, …

    Read More »
  • 28 January

    Kris at Perry maglilibot muna sa iba’t ibang bansa bago mag-baby

    Kris Bernal Perry Choi

    MATABILni John Fontanilla WALA panf planong magka-baby ang newly wed na sina Kris Bernal at Perry Choi dahil gusto muna nilang i-enjoy ang bawat isa at lumibot sa iba’t ibang bansa. Pero ayon kay Kris hihintayin nila muna  na magluwag ang mga travel restriction sa mga bansang gusto nilang puntahan bago sila maglibot. Post nga nito sa kanyang IG account “We don’t want to end ourselves in …

    Read More »