NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang dayong tulak sa isinagawang anti-illegal drug bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 6 Pebrero. Nagkasa ang magkasanib na elemento ng RPDEU-3, SCU3-RID, at Mexico Municipal Police Station (MPS) ng anti-illegal drug bust operation sa Brgy. Lagundi, …
Read More »TimeLine Layout
February, 2022
-
9 February
3 DAYONG SHOPLIFTERS TIKLO SA TANAY, RIZAL
Kasabwat nakatakasNASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlo sa apat na hinihinalang mga shoplifter sa ikalawang pagkakataong isinagawa nila ang krimen sa isang grocery store nitong Linggo ng hapon, 6 Pebrero, sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal. Sa ulat na tinanggap ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay mula kay P/Lt. Col. Ruben Piquero, hepe ng Tanay MPS, kinilala ang …
Read More » -
9 February
Panaderong manyak, 2 MWPs nasakote
ARESTADO ang tatlong most wanted persons ng lalawigan ng Laguna sa magkakahiwalay na operasyong ikinasa ng mga awtoridad nitong Martes, 8 Pebrero. Sa ulat na ibinigay ni Laguna PPO Provincial Director P/Col. Rogarth Campo kay CALABARZON Police Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, dinakip ang tatlong indibiduwal na nakatala bilang mga most wanted person sa isinagawang manhunt operation ng Laguna PNP. …
Read More » -
9 February
Sa Bulacan
2 MENOR DE EDAD, 14 PA NAKALAWIT NG PULISYASA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng Bulacan PNP upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng CoVid-19, nadakip ang dalawang menor de edad, tatlong magnanakaw, dalawang drug suspects, at siyam na wanted persons hanggang Martes ng umaga, 8 Pebrero. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, dinampot ang …
Read More » -
9 February
Sa Tarlac
SANGGOL, 2 PA PATAY SA COVID-19TATLO ang iniulat na namatay kabilang ang isang bagong silang na sanggol dahil sa komplikasyong dulot ng CoVid-19 sa lalawigan ng Tarlac. Kinompirma ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac, isang araw pa lamang matapos iluwal ang babaeng sanggol nang bawian ito ng buhay sa bayan ng Concepcion. Samantala, residente ng bayan ng Capas ang 52-anyos lalaking namatay habang ang isa pang …
Read More » -
9 February
Sa Atok, Benguet
TRUCK TINAMBANGAN, DRIVER TODAS SA BALABINAWIAN ng buhay ang isang truck driver nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek sa bayan ng Atok, lalawigan ng Benguet, nitong Martes ng umaga, 8 Pebrero. Kinilala ang biktimang si Crisanto Kiblasen, 27 anyos, residente sa Brgy. Sadsadan, bayan ng Bauko, Mountain Province. Ayon sa pulisya, bumibiyahe sina Kiblasen at kaniyang dalawang kasama sa national road sa kahabaan ng …
Read More » -
9 February
Sa Samar
SK KAGAWAD DEDO SA BOGAPATAY ang isang konsehal ng Sangguniang Kabataan (SK) sa lungsod ng Calbayog, lalawigan ng Samar, matapos barilin ng hindi kilalang suspek dakong 4:00 am, nitong Martes, 8 Pebrero. Kinilala ang biktimang si Gerald Casaljay, 25 anyos, residente sa P-6 Brgy. Migara sa nabanggit na lungsod, tinamaan ng bala ng baril sa kaniyang kaliwang dibdib at kanang pisngi. Samantala, nagawang makatakas …
Read More » -
9 February
Suspek na bumaril sa Grade-12 student nasakote sa Kankaloo
BINARIL hanggang mapatay ang isang 20-anyos Grade 12 student noong Linggo ng madaling araw sa Caloocan City. Sa ginawang follow-up operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw, agad naaresto ang suspek na kinilalang si Mark Roland Abrazaldo, 19 anyos, residente sa D. Arellano St., Brgy. 133, Bagong Barrio ng nasabing lungsod. Ayon kay Caloocan City police chief …
Read More » -
9 February
2 preso patay sa ‘Septic Shock’ sa piitan sa QC
‘SEPTIC SHOCK’ ang sinisi sa pagkamatay ng dalawang preso habang nakapiit sa Holy Spirit Police Station (PS-14) ng Quezon City Police District (QCPD), noong Linggo ng umaga. Kinilala ang mga detainee na sina Allan Rey Papa, 41, walang asawa, residente sa D. Calamba St., Brgy. San Isidro Labrador, QC, at Vergel Delima Corpuz, 31, walang asawa, naninirahan sa Luzon Ave., …
Read More » -
9 February
605 lugar sa bansa granular lockdown
NASA 605 lugar sa bansa ang nakasailalim sa granular lockdown dahil sa pagtaas ng mga naitatalang kaso ng CoVid-19. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, apektado ang may kabuuang 744 households na binubuo ng 1,233 indibidwal. Nabatid, ang Cordillera Administrative Region (CAR) …
Read More »