Monday , December 15 2025

TimeLine Layout

August, 2023

  • 1 August

    Tito Sen sa TAPE: Wala silang karapatang ipagdiwang ang ika-44 anibersaryo

    Tito Sotto Joey de Leon

    SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IGINIIT muli ni dating Sen. Tito Sotto na walang karapatan ang TAPE, Inc. na ipagdiwang ang 44th anniversary ng Eat Bulaga.  Sa kanyang Twitter account, inihayag  ni Tito Sen na, “Tape inc has absolutely no right to celebrate 44 years. They existed only in 1981. “They did not exist in 1979. EB ceased to be EB when TVJ left them.”   Sinang-ayunan ng karamihan ang …

    Read More »
  • 1 August

    Sa Cotabato City
    BUS TERMINAL HINAGISAN NG GRANADA BARKER SUGATAN

    explode grenade

    SUGATAN ang isang barker nang sumabog ang inihagis na hand grenade ng isa sa mga nakamotor na suspek  sa isang terminal ng bus sa lungsod ng Cotabato, nitong Lunes ng madaling araw, 31 Hulyo. Ayon kay P/Maj. John Vincent Bravo, hepe ng Cotabato City Police Station 2, sumabog ang granada sa gate ng Husky Bus terminal na nasa kahabaan ng …

    Read More »
  • 1 August

    Sa North Cotabato
    EX-TSERMAN, JUNIOR TODAS SA AMBUSH

    dead gun police

    BINAWIAN ng buhay ang isang dating barangay chairman na kilala sa kanyang ugnayan sa Bangsamoro peace-building activities, at kanyang anak nang tambangan sa bayan ng Matalam, lalawigan ng North Cotabato, nitong Linggo, 30 Hulyo. Kinilala ni P/Lt. Col. Arniel Melocotones, hepe ng Matalam MPS, ang mga biktimang sina Anwar Ebrahim Salem, 52 anyos, at kanyang anak na si Anwar Salem, …

    Read More »
  • 1 August

    Wanted sa rape
    KILABOT NA MANYAKIS NASAKOTE

    Arrest Posas Handcuff

    NAGWAKAS ang maliligayang araw ng isang pinaniniwalaang kilabot na rapist nang matunton ng mga awtoridad ang kanyang pinagtataguan hanggang tuluyang madakip sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 30 Hulyo. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Alan Apolo, isang welder. Nakatala si Apolo …

    Read More »
  • 1 August

    Sa Pampanga
    BANAL NA MISA TULOY KAHIT BAHA SA LOOB NG SIMBAHAN

    Simbahan Misa Baha Macabebe Pampanga

    “BAHA ka lang, mananampalataya kami.” Ito ang masayang pagbati ng mga deboto ng Presentation of the Lord Parish sa Brgy. Batasan, sa bayan ng Macabebe, lalawigan ng Pampanga sa kanilang pagsisimba nitong Linggo, 30 Hulyo, sa kabila ng sitwasyon ng kanilang simbahan. Dahil walang tigil ang ulan, lubog na ang kanilang mga daanan, talipapa, paaraalan, at simbahan ngunit hindi nagpatinag …

    Read More »
  • 1 August

    Sa San Leonardo, Nueva Ecija  
    LUPA GUMUHO, 25 BAHAY NATABUNAN

    San Leonardo, Nueva Ecija baha landslide

    AABOT sa 25 bahay ang nasira matapos bumigay at gumuho ang lupang kinatitirikan sa Brgy. Tambo, sa bayan ng San Leonardo, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Linggo ng umaga, 30 Hulyo. Ayon kay Zenaida Gutierrez, barangay secretary sa nasabing lugar, una nilang naramdaman na dahan-dahan ang pagguho bandang 4:00 am kamakalawa at tuluyang bumaba ang lupa dakong 8:00 am. Tinatayang …

    Read More »
  • 1 August

    Klase, trabaho suspendido
    22 BAYAN AT LUNGSOD SA BULACAN LUBOG SA BAHA

    Bulacan baha Daniel Fernando

    LUBOG SA BAHA ang 22 munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes, 31 Hulyo, dulot ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan dala ng bagyong Egay at ng habagat na pinalakas ng bagyong Falcon. Batay sa ulat mula kay Bulacan Vice Governor Alex Castro, lubog pa rin sa baha ang mga bayan ng Angat, Norzagaray, San Ildefonso, San …

    Read More »
  • 1 August

    Job security ng PH child dev’t workers kapos sa ‘kalinga’

    DSWD

    SINITA ni Senador Win Gatchalian ang kawalan ng kasiguruhan sa employment status ng mga child development workers (CDWs) sa bansa, kung saan 11% o 8,739 lamang sa 78,893 CDWs sa buong bansa ang may permanenteng posisyon ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). “Kung gusto nating isulong ang professionalization at paigtingin ang early childhood care and development (ECCD) …

    Read More »
  • 1 August

    Sa paglubog ng Princess Aya
    PCG, MARINA PINANAGOT IMBESTIGASYON ISINULONG

    MARINA PCG Coast Guard

    HINILING nina Senador Raffy Tulfo at Senador Grace Poe sa senado na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa paglubog ng Princess Aya sa Binangonan, Rizal noong 27 Hulyo na ikinamatay ng 27 pasahero. Sa magkahiwalay na resolusyong inihain nina Poe at Tulfo, bilang 704 at 705, nais nilang matukoy kung sino ang talagang mayroong pagkukulang at pananagutan sa naturang insidente. Ngunit …

    Read More »
  • 1 August

    Para sa mga biktima ng bagyong Egay  
    P30-M DONASYON NG EUROPEAN UNION SA PH

    European Union Euros

    NAGBIGAY ang European Union ng mahigit P30 milyong halagang tulong para sa mga biktima ng bagyong Egay sa Filipinas at para masuportahan ang ‘relief efforts’ ng bansa. Ayon sa EU layunin ng naturang pondo na makapagbigay ng life saving assistance kabilang ang emergency shelter at shelter repair, malinis na tubig, at sanitation para sa matinding sinalanta ng bagyo sa Region …

    Read More »