Thursday , December 7 2023
Danny Espiritu Reynaldo Punongbayan
SINA sportsman, players agent/manager Danny Espiritu (kaliwa) at Lyceum of the Philippines consultant at bagong player agent/manager Architect Reynaldo Punongbayan. (HENRY TALAN VARGAS)

Tiwala at respeto hindi kontrata para sa matiwasay na ugnayan ng players at agent/manager

TIWALA at respeto, hindi kontrata ang pinakamahalagang elemento para sa maayos at matiwasay na ugnayan ng players at agent/manager.

Mismong si Danny Espiritu, itinuturing pinakamatagumpay na player agent/manager sa local professional basketball, ang nagbigay ng butil na aral para sa mga bagong sumisibol na players agent/manager na tumatawid sa industriya.

“Hindi mo kailangang dominahin ang mga players, papirmahin sa kontrata dahil gusto mo. Kung ano ang gusto ng player, yun ang ilapit mo sa mga team owners kung ayaw nila sa ipakita mo sa player tapos bigyan mo ng option,” sambit ng tinaguriang ‘Boss Danny’ sa pro league community.

Sa mahigit tatlong dekada sa industriya, umabot sa mahigit 100 players ang natulungan ni Espiritu na makalaro sa PBA kabilang ang mga pamosong players tulad nina Ato Agustin, Art Dela Cruz, Paul Alvarez, Kenneth Duremdes, Mark Caguiao at Scotty Thompson.

“Ako since 1987, hindi ako nagpapapirma sa mga players na ako ang agent nila o manager. Tinutulungan ko sila, after that bahala sila kung kilalanin pa rin nila ako. Ayaw kong yung ugnayan naming dahil sa  pera, turing ko sa kanila pamilya,” pahayag ni Espiritu sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kinatigan ni Architect Reynaldo Punongbayan, isa sa pinakabagong player agent/manager, ang mga naging pahayag ni Espiritu na itinuturing niyang mentor.

“Actually two years pa lang ako sa industriya at talagang si Boss Danny ang tumutulong sa akin. Yung mg advise niya talagang para sa kapakanan ng mga players. Hindi ka magtataka kung bakit yung mga players ang lumalapit sa kanya,” pahayag ni Punongbayan.

Kasalukuyang consultant ng Lyceum of the Philippines, inamin ni Punongbayan na maraming college players ang nasa kanyang pangangasiwa, ngunit suportado niya ang panawagan sa isyu na hindi dapat papirmahin ng kontrata ang mga batang players.

“Yung advice puwede, pero yung papirmahin ng kontrata hindi Magandang tingnan,” aniya.

Iginiit ni Espiritu na mas malaki ang epekto sa hanap-buhay ng agent/manager kung sakaling unahin mo ang makukuha mong komisyon at gamitin ang kontrata para pilitin ang mga players na manatili sa yo. Kung ayaw ng players , hayaan mo siya na humanap ng iba,” sambit ni Espiritu. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …