Friday , November 15 2024

Classic Layout

Gelli, haharapin ang bagong pagsubok sa buhay

ANG isa pang naliwanagan naman ng mga nababalitaan niya sa pork barrel scam eh, ang may bagong programa sa Kapatid Network na si Gelli de Belen. Pero noon pa man daw, sa mga nakahalubilo na niyang sari-saring mukha ng buhay sa rati niyang palabas, nasisindak nga ang aktres sa mga natutuklasan niya. “Sa buhay, natutuhan ko na, sino ako para …

Read More »

Piolo Pascual, ‘di type gumanap sa role na bading!

AMINADO si Piolo Pascual na hindi niya ilalagay ang kanyang sarili sa sitwasyon na magiging katawa-tawa siya na maaaring maging rason na pagdudahan ang kanyang pagkalalaki. Kahit tila uso ngayon (lalo na sa mga indie film) ang mga pelikula o TV series na ang tema ay kabadingan, hindi atat si Piolo na makigaya at maki-uso sa ibang artista. “Siguro hindi …

Read More »

TV 5 wala nang bilib kay Nora Aunor?

SA MGA bagong programa ng TV 5 lalo sa mga bagong lunsad nilang Weekend Show ay wala si Nora Aunor. Nagbabadya ba na tapos na ang career ni Nora sa TV network ni Mr. Manny Pangilinan? Anong nangyari, hindi ba’t sabi ay paboritong actress ni MVP ang Superstar. Well, siguro noon ‘yun, noong bilib pa ang nasabing businessman kay Ate …

Read More »

Milyon ang kita sa raket ng ‘Indie’

MAY isang producer ng indie movies na naglalayong kumita nang sa gayon ay makagawa siya ng maraming pelikula. Nakadadalawa na ang Sparkling Stars Productions nina Jaime “Shubert” dela Cruz at Johnny Mateo pero hanggang ngayon ay tila malabo pa ang inaasahan nilang kita. Ang maiden offering nila na “Potpot” (2012) ay umikot na sa maraming eskwelahan pero hindi pa rin …

Read More »

PNoy sumadsad sa resbak ng Pork, DAP

PATINDI nang patindi ang pagngingitngit sa galit ng taong bayan sa isyu ng pork barrel scam at patuloy na dumarami ang mga ekspertong kumukwestiyon sa legalidad ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na ginawa ng Malacañang gamit ang bilyon-bilyong pondong ipon ng gobyerno, na para sa ilan ay isa na namang discretionary fund na kontrolado ng Palasyo. Kaya naman malaki ang …

Read More »

T’yak na pondo sagot sa klimang nagbabago

MATAPOS salantain ng bagyong Santi ang mga sakahan at produktong agrikultura noong Sabado, itinutulak ngayon ni AGRI partylist (Agri- Agra Para sa Magsasakang Pilipinas) Rep. Delph Gan Lee ang “mas nakatuon at mahabaang pagbuhos ng pondo ng gobyerno sa sektor ng agrikultura upang ibsan ang perhuwisyong dala ng climate change.” Sa pahayag kamakalawa, iginiit ni Gan Lee na bukod sa …

Read More »

Sole probe vs Ma’am Arlene mas gusto ng SC (Walang tiwala sa NBI)

IPINAWALANG-BISA ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang utos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes P. Sereno na imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sinasabing  fixer sa korte na isang Ma’am Arlene. Nagpasya ang mga mahistrado na ang SC en banc na ang magsagawa ng imbestigasyon sa  paglutang ng pangalang Madam Arlene na sinasabing malakas ang impluwensiya …

Read More »

Visayas quake death toll 158; 374 sugatan

UMAKYAT na sa 158 ang patay habang 374 ang sugatan sa naganap na lindol nitong Martes. Sa ulat ng NDRRMC, nabatid na pinakamarami pa ring namatay ang malapit sa sentro ng lindol sa lalawigan ng Bohol. Ayon kay PO3 Carl John Legazpi, operations clerk ng provincial office ng Bohol, nasa 145 na ang naitalang namatay sa Bohol. Bukod dito, 374 …

Read More »

PMA tumulong sa disaster operations sa Central Visayas

KASUNOD ng 7.2-magnitude na lindol sa Central Visayas nitong nakaraang Martes, agad na nagpadala ng medical team ang Philippine Medical Association (PMA) para tumulong sa disaster operations ng pamahalaan sa Cebu at Bohol. Ayon kay PMA president Dr. Leo Olarte, ang mga medical team, na pinamumunuan ni PMA governor for Central Visayas Dr. Alan Torrefrancia, ay nagresponde simula pa noong …

Read More »

Jinggoy dinuro si Alan

NAGKASAGUTAN sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Alan Peter Cayetano. Ito ay matapos ihayag ni Estrada na bawasan ang pagiging pakikialamero ni Cayetano. Kaugnay pa rin ito sa pagharap ni Janet Lim Napoles sa imbestigasyon ng Senado sa susunod na Linggo hinggil sa P10 billion pork barrel scam, na dapat ding humarap ang mga senador na may reklamong plunder dahil …

Read More »