Ang Zodiac Mo

Aries (April 18-May 13) Maging metikuluso at mabusisi sa ano mang iyong ginagawa.

Taurus (May 13-June 21) Hindi dapat magtakda ng superhuman goals para sa iyong sarili.

Gemini (June 21-July 20) Ipinapayo ng mga bituin na huwag lalahok sa matitinding aktibidad dahil baka hindi mo kayanin.

Cancer (July 20-Aug. 10) Magiging maa-yos ang lahat ng bagay sa araw na ito ngunit hindi dapat umasa sa swerte.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Analisahin ang iyong nakaraang ginawa at suriin kung mayroon kang natutunan na leksyon.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Magiging mainam ang araw na ito para sa iyo ngunit ang iyong activity level ay bababa.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Dapat analisahing mabuti ang bawat detalye upang mabatid kung ano talaga ang nangyayari.

Scorpio (Nov. 23-29) Magiging mahalaga sa iyo ngayon ang relasyon sa mga kaibigan at mga kasama sa grupo.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Hindi ito ang mainam na sandali sa pagtatakda ng iyong mga mithiin.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Matindi ang iyong kuryusidad ngayon at uhaw sa bagong kaalaman.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Maaaring makaranas ng kaunting krisis bunsod ng kalagayan sa kalusugan.

Pisces (March 11-April 18) Itutuon mo ang panahon ngayon sa pagsasaayos ng mga sigalot sa pamilya.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Bunsod ng iyong matinding optimism, ibubuhos mo ang iyong enerhiya sa lahat ng direksyon.

Lady Dee